Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1. A.

Mga Tauhan sa Ibong Adarna Don Pedro Don Juan Don Diego Haring Fernando Siya ang
panganay na anak ni Haring Fernando. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang katawan at kaiman
ang postura.Tinaksilan niya ang kanyang kapatid dahil sa selos.Magiging asawa niya rin si
Princesa Leonora. Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando. Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni
Don Fernando dahil siya ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga kapatid
niya.Siya din ang nakahuli sa Ibong Adarna.Magiging asawa niya naman si Princesa Maria Blanca.
Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang
pinakatahamik. Lagi siyang sumusunod sa mga utos ni Don Pedro.Magiging asawa niya rin si
Princesa Juana. Siya ang hari ng Berbanya.Asawa siya ni Reyna Valeriana.Mayroon siyang tatlong
anak,sina Don Juan,Don Pedro at Don Diego.Siya ang nagkasakit dahil sa kanyang masamang
panaginip.Ang tanging lunas lamang sa kanyang sakit ay ang awit ng Ibong Adarna.

2. Reyna Valeriana Ibong Adarna Princesa Leonora Princesa Maria Blanca Si Donya Valeriana ay
ang asawa ni Don Fernando.Siya ang reyna ng Berbanya.Anak niya sila Don Juan,Don Diego at
Don Pedro. Kinala ng ibang tao na siya ay mabait at maganda. Ito ang tanging ibon na
nagpagaling sa sakit ni Don Fernando.Siya ay dumadapo sa Piedras Platas na nasa Bundok
Tabor.Itinuturing niyang si Don Juan ang nag mamayari sa kanya. Siya ang kapatid nina Princesa
Maria Blanca at Princesa Juana.Nakatira sa loob ng mahiwagang balon.At sa huli,siya din ang
nagging asawa ni Don Pedro. Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los Cristales.
Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay Don Juan.Nagiibigan
silang dalawa ni Don Juan.Ama niya si Haring Salermo.Naging asawa niya rin si Don Juan.

3. Princesa Juana Haring Salermo Leproso Manggagamot Siya ang unang natagpuan sa


mahiwagang balon ni Don Juan.Siya ang unang mahal ni Don Juan.Niligtas din siya ni Don Juan
mula sa Higante. Siya ang ama ni Donya Maria Blanca. Gumagamit siya ng itim na mahika.Siya
ang hari ng Reyno De Los Cristales.Siya ang tumututol sa pag-iibigan ng kanyang anak na si Maria
Blanca at ni Don Juan. Siya ang tumulong kay Don Juan papunta sa Piedras Platas.Binigyan siya ni
Don Juan ng pagkain. Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya na ang Ibong Adarna ang
gamot sa sakit niya. Siya ang tanging nakabatid sa sakit ni Haring Fernando.

4. Higante Serpyente Lobo Agila Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay Donya


Juana.Pinatay siya ni Don Juan para mailigtas si Donya Juana. Siya ang may pitong-ulo.Kapag
pinatulan mo ang isa, matutubo muli ang ulo. Nagbabantay siya kay Leonora.Pinatay din siya ni
Don Juan. Siya ang tumulong kay Don Juan sa kanyang mga sugat.Binuhusan niya si Don Juan at
tsaka gumaling si Don Juan. Siya ang sinakyan ni Don Juan papuntang Reyno De Los Cristales.

5. Arsobispo Unang Ermitanyo Ikalawa at Ikatlong Ermitanyo Siya ay kasunod sa hari,siya ang
nakapagbigay ng desisyon.Sinabi niya na dapat si Donya Leonora ay ikakasal kay Don Juan at
hindi si Maria Blanca,pero sa wakas,sina Maria Blanca at Juan pa rin ang ikinasal. Siya ay isang
matandang lalaki na nakatira sa kabundukan na tumulong kay Don Juan hulihin ang Ibong
Adarna at iligtas ang kanyang mga kapatid. Ermitanyo 3: Siya ang Ermitanyong may mahabang
balbas na nagbigay ng panuto kay Don Juan upang hanapin ang isa pang Ermitanyong tutulong
sa kanya. Ermitanyo 4: Siya ang huling Ermitanyo na tumulong sa kanya. Ipinapunta niya si Don
Juan sa Delos Cristales sa likod ng isang Agila.

6. D. Buod ng Ibong Adarna May isang kaharian na ang pangalan ay Berbanya na pinamumunuan
ng isang hari na nagngangalang Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna
Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na
susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon ng di malamang karamdaman ang hari, hinanap
ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit. Narating
niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato.
Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng
Adarna kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok
Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang
impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi
makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli
niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang
hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya.
Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay pangit na
at malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan.
Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng
adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si Haring Fernando. Iminungkahi ng adarna na
gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don
Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil. Pinabantay ng hari ang adarnasa tatlong magkakapatid,
ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang
maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na
doon na lang manirahan. May nakita silang balon at tinangka nila itong lusungin tanging si Don
Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan
ni Donya Juana. Nag- ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila
nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din
si Don Juan kay prinsesang Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Donya Leonora. Hindi matalo
ni Don Juan ang serpiyente kaya siya ay nagdasal. Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at
napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang
singsing na pamana sa kanya ng kanyang ina. Pinatid ni Don Pedro si Don Juan. Nang
magkamalay si Donya Maria, nangako si Don Pedro na gagawin siyang reyna. Pinasundan niya si
Don Juan sa lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang
di Makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag
si Leonora. Sa halip, sina Don Diego’t Donya Juana ang ipinakasal. Lumakas si Don Juan nang
mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo. Kinalimutan ni Don Juan si Donya
Leonora sa halip siya’y naglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Donya Maria
Blanka. Inabot ng 3 taon si Don Juan sa paghahanap sa de los Cristal. May matandang nagbigay
sa kanya ng tubig at pagkain. Iginiit ni Don Pedro kay Leonora ang kanyang pag-ibig subalit si
Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo
patungong de los Cristal. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria habang ito’y
naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay Donya Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria
ka Don Juan. Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan dahil ito ay nagalak sa kanyang pagsagot.
Ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni Donya Maria ang
kanyang mahika upang

7. maisagawa ang pagsubok. At dahil doon, palihim na natuwa si Haring Salermo kay Don Juan.
Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang pangongolekta muli ng
12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang
kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari.
Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya
Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang
ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang
siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok
sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng
maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang
singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na
pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang
kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Nagapi naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga
tagubilin ni Donya Maria. Nang mapili ni Don Juan si Maria, ipatatapon dapat ng hari si Don Juan
sa Inglatera ngunit nagtanan ang dalawang magkasintahan. Sinumpa ng hari si Maria at saka
namatay ang hari. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian.
Ipinagtapat ni Leonora ang tunay na ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan. Hiniling niya sa
hari na magpaksal sila ni Don Juan. Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni
Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Donya Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok
nilang dalawa ni Don Juan gamit ang dalawang ita. Tatlong beses pinalo ng negrita ang negrito
ngunit si Don Juan ang nasasaktan sa mga palong ito. Ngunit wala pa ring maalala si Don Juan.
Babasagin na sana ni Maria ang prasko nang maalala siya ni Don Juan. Ipinagtapat ni Donya
Maria ang totoong nangyari kaya nagalit ang hari sa dalawng prinsipe. Isinalaysay ni Donya
Maria ang mga nangyari sa kanila ni Don Juan. Nagpakasal sina Donya Maria at Don Juan,
bumalik sa Reyno de los Cristal at namuno. Si Leonora naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan.
Sina Don Pedro at Donya Leonora ang naging bagong reyno at reyna ng kaharian ng Berbanya.

8. B. Mga Tagpuan Bundok Tabor-dito naninirahan ang Ibong Adarna Berbanya- Kaharian ni Haring
Fernando Bundok Armenya – nanirahan si Don Juan Mahiwagang Balon- may kaharian ng
dalawng magkapatid na prinsesa Reyno Delos Crystal- Kaharian ni Maria Blanka at Haring
Salermo C. May Akda Ibong Adarna 'ay isang Epic tula / tula na isinulat ng Francisco' Balagtas
'Baltazar tungkol sa isang eponymous mahiwagang ibon. Ang long form ng titulo sa Kasaysayan
ng Pilipinas (1521-1898) | Era ng Espanyol] ay "Corrido sa Buhay na Pinagdaanan nang Tatlóng
Prinsipeng anak ng Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania" (Filipino
para sa "Corrido at Buhay na Nabuhay ng Tatlong Princes, mga anak ni Haring Fernando at
Queen Valeriana sa Kaharian ng Berbania "). E. Aral ng natutuhan mula sa kwento ng Ibong
Adarna Huwag maging traydor sa iyong mahal sa buhay Magsikap para makamit ang tagumpay
Maging disiplinadong anak sa mga magulang Maging mapagbigay Magbigay galang sa kapwa tao
lalo na sa nakakatanda Maging masunurin Maging responsable

9. F. Bahagi ( nagustuhan iguhit at ipaliwanag bakit ito nagustuhan) Ito ang aking nagustohan
huwag gumawa ng masama para lang sa pansariling interest lamang dapat magsikap para
makamit ang tagumpay, huwag mang- angkin ng hindi sayo dahil ang kasinungalingan
mabubunyag din sa huli. Aawit lamang ako sa harap ng tunay na nakahuli sakin at iyanhindi
kayo, ang nakahuli sakin ay si Don Juan at Siya ay pinatay nyo .
Mga tauhan sa kwento ng Ibong Adarna

Ibong Adarna- isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng


anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.

Don Fernando- hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Donya Valeriana- asawa ng hari na si Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Don Pedro- panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.

Don Diego- ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.

Don Juan- bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting kalooban.

Ermitanyo- siya ang nagsabi kay Don Juan na ang tanging makapagpapagaling sa hari ay ang pitong awit
ng Ibong Adarna.

Matandang Ketongin/Ermitanyo- tumulong kay Don Juan kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna at
nagbigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna.

Matanda- ang tumulong at naghilot kay Don Juan ng binugbog sya ng kanyang dalawang kapatid.

Prinsesa Juana- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon na kalaunan ay ikinasal kay
Don Diego.

Prinsesa Leonora- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon at umibig ito sa kanya.
Serpente- ang may pitong ulo na nagbabantay kina prinsesa Juana at prinsesa Leonora sa ibaba ng
balon.

Higante- kasama ng serpente na nagbabantay sa dalawang prinsesa sa ilalim ng balon.

Lobo- ang alaga ni prinsesa Leonora na inutusan niya upang tulungan si Juan ng mahulog ito sa ilalim ng
balon.

Donya Maria/ Maria Blanca- anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ang
napangasawa ni Don Juan.

Ermitanyo na may edad na 500- ang ermetanyong nagpapunta kay Don Juan sa ikapitong bundok upang
hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800.

Haring Salermo- hari ng kaharian ng Delos Cristal. Ama ni Donya Maria ang nagbigay ng mga mahigpit na
pagsubok kay Don Juan.

Negrito at Negrita- ang inilabas ni Donya Maria at ginamit upang bumalik ang ala-ala ni Juan.

Ano ang Ibong Adarna?

Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat. Noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na
Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at nang Reyna
Valeriana sa kahariang Berbania. May mala- epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na
tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na
nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa
sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan,
isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa ibat
ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria at Prinsesa Leonora.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Ibong Adarna, maaaring magpunta sa link na ito: Akrostik ng
Ibong adarna: brainly.ph/question/2082489

Ano ang Korido?


Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino na nasa anyong patula na nakuha natin sa impluwensya ng
mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang
korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula

Mga Katangian ng Korido

1. Mabilis ang pagbigkas ng korido sa kumpas ng martsa “allegro”

2. Ang korido ay may walong pantig.

3. Ang korido ay ikinawiwili ng mga mambabasa at ang kuwento o kasaysayang nakapaloob dito.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit
masasabing ang ibong adarna ay isa sa mga natatanging korido o obra maestra sa kasaysayan ng
panitikang Pilipino?

You might also like