Professional Documents
Culture Documents
Lea Sanchesle March 30 2023
Lea Sanchesle March 30 2023
Lea Sanchesle March 30 2023
I. LAYUNIN
C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa MELC FILIPINO: F9PT-IIIg-h-54
Pagkatuto (MELC) (Kung 1. Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani
mayroon,isulat ang ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya
pinakamahalagang Tiyak na Layunin:
kasanayan sa
pagkatuto o MELC 1. Natutukoy (K) ang katuturan ng pag-aaral sa bayani ng epiko.
D. Pagpapaganang 2. Naiibabahagi (A/V) kahalagahan ng pag-aaral o pag-alam ang
Kasanayan mga bayani ng epiko sa bansang Kanlurang Asya
(Kung mayroon,isulat ang 3. Nakabubuo (S) ng kahulugan sa salitang bayani sa kanilang sariling
pagpapaganang pananaw.
kasanayan.)
Epiko
-Ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong
II. NILALAMAN / etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
KEY MESSAGE pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan.
A. Mga Sanggunian:
a. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro MELC Filipino G9
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
d. Karagdagang
kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=e7or9cIfAo8
portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
Visual aid
Para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pahina 1 of 4
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
Panimulang Gawain:
– Pag-aayos ng upuan at Paghanda sa talakayan
– Pagtataya ng mga Dumalo
1. PAGLALAHAD NG LAYUNING PAMPAGKATUTO
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: “HULAAN MO ANG MOVIE TITTLE”
Panuto: Suriin kung ano ang nasa larawan at ibigay ang tamang sagot.
BAYANI NG
EPIKO
B. PAGPAPAUNLAD
PAGTALAKAY:
Dulog Intergratibo
Pahina 2 of 4
➢ Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na
matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko. Ito ay
tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.
Bayani ng Epiko
➢ Isang tulang pasalaysay ang epiko na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao. Sa pag-aaral sa mga
sinaunang epiko sa maraming mga bansa, natuklasan ng mga
mananaliksik ang mga karaniwang katangian na humigit-
kumulang ay taglay ng isang bayaning epiko.
MGA KATANGIAN NG BAYANI NG EPIKO
1. May dugong-diyos kundi man may dugong maharlika (gaya ng
hari atprinsipe)
2. May lakas, tapang pati kakayahan o kapangyarihan para
maharap ang mga hindi pangkaraniwang labanan o sumabak sa
mabigat na digmaan
3. Nakatatanggap ng tulong sa mga piling diyos o mga kakaibang
nilaang
4. Naglalakbay sa labas ng bayan, sa ibang dako o dimensyon ng
daigdig,o sa ibang mundo
5. Kilala sa galing at husay sa pakikipaglaban o pakikidigma
6. Tanyag sa nasasakupang bayan, at maging sa labas
7. Nakagagawa ng kadakilaan o naglilingkod sa bayan nang walang
hinihintay na kapalit at nananatiling may kababaang loob; kung
hindi, pinarurusahan ang pagiging hambog o masyadong
mayabang
8. Nakasagupa ng mga nilalang na supranatural
C. PAKIKIPAGPALIHAN
PAGLINANG NG KABIHASAAN:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bigayng kahulugan ang salitang bayani
sa pamamagitan ng akrostik.
B–
A–
Y–
A–
N–
I-
D. PAGLALAPAT
Pahina 3 of 4
PAGLALAHAT:
TANONG KO, SAGOT MO!
PAGTATAYA:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isang tulang pasalaysay ang epiko na nagsasaad ng kabayanihan
ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit
sa karaniwang tao.
A. Epiko C. Maikling kuwento
B. Alamat D. Anekdota
2. Anong katangian ng mga bayani ng epiko ang dapat hangaan?
A. mahusay sa pakikipagdigma C. matapang
B. mapagpatawad D. matatag
3. May dugong-diyos kundi man may dugong maharlika (gaya ng hari at
prinsipe).
A. Epiko C. Maikling kuwento
B. Alamat D. Anekdota
4. Totoo bang naglalakbay sa labas ng bayan, sa ibang dako o
dimensyon ng daigdig,o sa ibang mundo?
A. Hindi dahil wala naman silang kapangyarihan
B. Hindi dahil wala naman ganon.
C. Oo dahil isa ito sa mga katangian ng bayani ng epiko
5.Anong Hindi katangian ng epiko ang masaasalamin bilang isang
bayani ?
A. Nakasagupa ng mga nilalang na supranatural
B. May mga tagpuang makababalaghan
C. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao.
D. Ito ay walang pag kakaisa.
V. PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nalaman ko na ____________________________________________________________.
Kabilang sa napagtanto ko na______________________________________________.
Repleksyon ng Guro
Inihanda ni:
Lea B. Sanches
Tagapagturo (ST) Binigyang Pansin ni:
VANESSA B. DE LEON
Guro I
Pahina 4 of 4