Bongcawel Q4 Ap9 W6 Las

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 9

Quarter 4-Week 6

Pangalan: _____________________________________ Baitang: ________


Paaralan: _____________________________________ Petsa :_________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Sektor ng Industriya

I- Panimula (Susing Konsepto)


Ang sektor ng industriya ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng gawaing
pangkabuhayan. Ang pangunahing layunin nito ay maproseso ang mga hilaw na
materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit
ng tao. Karaniwang nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na materyal upang
mabuo ang mga produktong maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang
bahagi ng isang produkto tulad ng tornilyo sa kotse. Bunga nito, nakapagbibigay
ang sektor na ito ng trabaho sa maraming Pilipino.

MGA SUBSEKTOR NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

Pagmimina- ang subsektor ng industriya kung saan ang mga metal, dimetal at
enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos
na produkto (halimbawa ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring
kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa kotse). Ang mismong produkto, hilaw man
o naproseso na ang nagbibigay ng kita para sa bansa.

Pagmamanupaktura- ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa


pamamagitan ng manual labor o ng mga makina (Macquarie Dictionary). Dagdag
nito, inilalarawan din ng Australian and New Zealand Standard Industrial
Classification (ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon
ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.

Konstruksiyon – kabilang ng subsektor na ito ang mga gawaing tulad ng


pagtatayo ng mga gusali, istruktura at iba pang land improvements halimbawa
ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa
mga mamamayan. Kasama rin nito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong
teknikal at konstruksyon tulad ng pagsasaayos at pagmimina kasama na rin ang
mga personal na konstruksyon ng mga tirahan.

Utilities (kuryente, gas, at tubig) – ito ay binubuo ng mga kompanyang ang


pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan
sa tubig, kuryente at gas. Sa subsektor na ito, malaki ang papel ng pamahalaan
upang masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa mga tungkuling ito ang
paglalatag ng mga imprastraktura at angkop na teknolohiya upang maihatid ang
nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang paninigurong ang bawat
mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo

KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA


• Ito ang gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga.
• Ito ay nagbibigay ng dagdag ng trabaho sa mga mamamayan.
• Ito ay nagsisilbing pamilihan ng mga tapos na produkto ng sektor ng
agrikultura.
• Ito rin ang nakakadagdag ng bilang ng dolyar na pumapasok sa bansa
KAHINAAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

Policy Inconsistency – tumutukoy sa kahinaan ng pamahalaan na magkaroon


ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya na naging dahilan
sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.

Inadequate Investment – tumutukoy sa mababang antas ng pamumuhunan sa


Pilipinas na naging mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang
teknolohiya o magpabago ng mga produktong ginagawa. Ito ay sa kabila ng
pagkakaroon ng mataas na demand sa mga makabagong gadget sa buong
mundo. Nagdulot ito sa mabagal na pagtaas ng kita mula sa industriya.

Macroeconomic Volatility and Political Instability – ang kahinaan ng mga


elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba’t ibang
panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag
magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang mababang antas ng pamumuhunan na
nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.

Ang industriyalisasyon ay tumutukoy sa paggamit ng mga makinarya at


makabagong teknolohiya sa paglinang ng mga industriya at pinagkukunang-
yaman. Malaki ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, kaya ito ang
patuloy na motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang produksyon ng
sektor ng ekonomiya. Ngunit, sa kabila ng mga benepisyo na dala nito sa buhay
ng mga mamamayan ay nararapat na makita rin ang epekto at ang
pangmatagalang implikasyon nito sa lipunan at sa bawat isa.

EPEKTO NG INDUSTRIYALISASYON

• Ito ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon


• Pagkakaroon ng hindi pagkakapantay na kalagayang pangekonomiya
• Nakakapagpababa ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa
lakas ng kompetisyon
• Nagdudulot ng mabilis na pagkasira ng kapaligiran
• Maaaring maging dahilan sa pagbaba ng bilang ng mga magaaral sa paaralan
dahil sa nahihikayat silang magtrabaho sa halip na mag-aaral

SANGAY NG PAMAHALAAN NA TUMUTULONG SA SEKTOR NG INDUSTRIYA

Department of Trade and Industry (DTI) – ito ang gumagabay sa mga


mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.

Board of Investment (BOI) – ito ang tumutulong sa mga nagsisimulang


industriya at humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa
bansa.

Philippine Economic Zone Authority (PEZA) – ito ang tumutulong sa mga


mamumuhunan na maghanap ng lugar upang pag tayuan ng negosyo.

Securities and Exchange Commission (SEC) – ito ang nagtatala at pagrerehistro


sa mga kompanya sa bansa.
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG
INDUSTRIYA

Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus


Investment Code of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa
pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of Investment.

Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga


gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo,
at maparusahan ang mga opisyal ng mga kumpanyang hindi sumusunod sa
patas na pagnenegosyo.

Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa


patas na pakikipagkalakalan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng
smuggling sa bansa. Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay makasunod sa
pandaigdigang pamantayan pagdating sa panuntunan ng custom batay sa naging
komitment ng bansa sa Kyoto Convention.

Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa


bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.

Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang


mga R and D na isinagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang
mga pribadong sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang
mapabuti at mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan
ng lahat.

Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksyon sa mga negosyante


na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang
kamay.

Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta


sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng
pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho.

II- Kasanayang Pampagkatuto at koda

MELCS: Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga


patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong dito. Week 6 AP9MSP-IVe-11

• Nabibigyang-kahulugan ang konsepto ng sektor ng industriya at ang mga


subsektor nito;
• Nailalarawan ang mga subsektor ng sektor ng industriya;
• Napahahalagahan ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga
patakarang pang-ekonomiya na nakakatulong sa pag- unlad ng bansa.

III- Panuto: Pag-aralan mabuti ang tungkol sa konsepto ng sektor ng


industriya at alamin din ang kahalagahan nito sa ating ekonomiya.

IV- Aktibidad/Pamamaraan: Ang mga sumusunod na Gawain ay tutulong sa


iyo upang higit mong maunawaan ang paksang-aralin.
Gawain 1- Konstruksiyon ng Salita!
Panuto: Bumuo ng concept map tungkol sa Industriya.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang konsepto ng industriya? (5puntos)


Sagot:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

2. Pumili ng mga salita na sa iyong palagay ay may kaugnayan sa Industriya.


Isulat naman sa textbox ang nabuo mong paliwanag mula sa mga salitang
napili kung paano ito nagkakaugnay. (2 puntos bawat salita)

Gawain 2: Puzzle-Industriya! Sagutin ang sumusunod na crossword


puzzle at tukuyin ang katangian ng mga sektor na tinutukoy nito.
REFLECTION: Sanaysay ng Industriya!
Sumulat ng isang maikling sanaysay ukol sa kahalagahan ng isang industriya
sa ating ekonomiya. Sagutin ang tanong sa ibaba upang makabuo ng sanaysay ukol
sa paksa.

Bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa pag-unlad ng ekonomiya ng


ating bansa?

Rubriks sa Pagmamarka
Mahusay na nailalahad ang kahalagan ng sektor
Nilalaman ng industriya at naipaliwanag ng maayos ang 10
ugnayan nito sap ag-unlad ng ekonomiya
Mahusay ang pagkakasunudsunod ng mga ideya,
Organisasyon 10
malinaw at makabuluhan.
Lubos na nagpapamalas ng pagkamalikhain sa
Presentasyon pagsulat ng maikling sanaysay at orihinal ang 5
mga ideyang ginamit
Wasto ang mga ginamit na salita at pagbabantas.
Ang mga ginamit na mga salita sa sanaysay ay
Mekaniks 5
nakatulong upang mas maging malinaw ang ang
pag-unawa sa kahalagahan ng pamilihan.
Kabuuan 30

MGA SANGGUNIAN:
SLM Araling Panlipunan 9 Module 6: Sektor ng Industriya

EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral


Aralin 6: Ang Sektor ng Industriya

www.canva.com

MGA SUSI NG PAGWAWASTO:

Pagmamanupaktura 4.
Pagmimina 3.
Konstruksiyon 2.
Utilities 1.

GAWAIN 1- Puzzle-Industriya!

Inihanda ni:

ROBELIE A. BONGCAWEL
Guro

You might also like