EsP2 - q4 - CLAS3 - Salamat Sa Biyaya NG Diyos - v1 Eva Joyce Presto

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
2
EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter IV - Linggo 3
Mga Biyaya, Pinahahalagahan Ko

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 2
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 3: Mga Biyaya, Pinahahalagahan Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o
trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Shelmar R. Malicsi
Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Editor ng Wika: Jane A. Custodio
Tagawasto: Loida A. Sernadilla PhD
Mga Tagasuri: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Tagaguhit: Daniel Tabinga Jr.
Tagalapat: Elena Grace Q. Torrefiel
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD., ASDS
Cyril C. Serador PhD., CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang, EPS-EsP
Loida A. Sernadilla PhD., PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brilliantes, Mary Jane J. Parcon,
Armor T. Magbanua, Maricel A. Zamora

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Biyaya, Pinahahalagahan Ko
MELC: Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagpapasalamat sa
biyayang tatanggapin mula sa Diyos. (EsP2PD-IVa-d-5.3)
Mga Layunin:
1. Nakikilala ang mga biyayang tinanggap mula sa Diyos.
2. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapahalaga sa mga biyayang
tatanggapin mula sa Diyos.
3. Naipapakita ang iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa biyayang
tatanggapin mula sa Diyos.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang.
____1. Mahusay at mabilis bumasa si Troy. Maalam rin siya sa pag-intindi
ng kaniyang mga aralin sa modyul. Anong biyaya ang natanggap
niya mula sa Diyos?
A. kalakasan C. kasipagan
B. kalusugan D. katalinuhan
____2. Malusog at masigla ang pangangatawan ni Gab kung kaya’t aktibo
siya sa mga gawaing-bahay. Biniyayaan siya ng Diyos ng ________.
A. kalakasan C. kasipagan
B. kalusugan D. katalinuhan
____3. Magdaraos ka ng iyong ikawalong kaarawan kinabukasan.
Maraming pagkain ang ihahanda ng iyong mga magulang. Paano
mo ito pahahalagahan at ipagpasalamat sa Diyos?
A. Iimbitahin lang ang nalalapit na kaibigan.
B. Ibibigay sa alagang aso ang sobrang pagkain.
C. Bibigyan ang kapitbahay kapag may natirang pagkain.
D. Ibahagi ang inihandang pagkain sa mga kaibigan, kapitbahay, at
mga kapamilya.
1
____4. Taglay ni Sam ang kagalingan ng pag-awit at pagsayaw. Paano niya
ito pahahalagahan?
A. Ibahagi sa kapuwa.
B. Hindi ibabahagi sa mga kalaro.
C. Ipakikita sa mga piling kaibigan.
D. Ipakita lamang sa mga kapamilya.

____5. Magaling at aktibo ka sa asignaturang Matematika. Paano mo


ipakikita ang pasasalamat mo sa kakayahang ito?
A. Gagamitin sa pansarili.
B. Tuturuan ang kapatid kung kalian ko gusto.
C. Tuturuan ang kapatid na nahihirapan sa pagsagot sa
Matematika.
D. Tutulungan ang kapatid na may hinihintay na kapalit.

Ating Alamin at Tuklasin


Paghahawan ng Balakid
Sa kaloob na biyaya ng Diyos, ang landas ng pagkadisiplina ay hindi tayo
ibinabalik sa dati.

C
Ang isang batang tulad mo ay nakatanggap ng maraming biyaya mula sa
Diyos. Ito ay naipapakita mo sa pamamagitan ng pagpaphalaga at
pagdarasal.
Bawat isa sa atin ay maraming biyayang natatanggap at tatanggapin mula
sa Diyos. Ano ano kaya ang mga ito? Paano mo ito pasasalamatan sa
Kaniya?
Sa araling ito, sama sama nating kilalanin, tutukuyin, at ipakikita ang ang
mga paraan ng pasasalamat at pagpapahalaga sa mga biyayang
tatanggapin natin mula sa Diyos.

Nagdarasal ng pasasalamat sina Nica at Dan


sa magandang buhay na ipinagkakaloob ng
Diyos araw-araw.

2
Ipinagpapasalamat sa Diyos ni Zia ang
buhay ng kaniyang mga magulang. Mahal
na mahal siya ng mga ito, kaya lagi niyang
sinusunod ang kanilang mga utos at payo.

Isang matiyaga at matiising bata si Bimbo.


Palagi niyang ipinagdarasal sa Diyos na
gabayan siya sa kaniyang pag-aaral upang
magkaroon ng magandang kinabukasan at
makatulong sa pamilya.

Pinasasalamatan ni Jed ang pagkakaroon


niya ng magandang kalusugan. Lagi niyang
hinihiling sa Diyos na pagkalooban siya ng
kalakasan at iingatan sa araw-araw.

Mahusay sa pagguhit si Marie. Kaya


hinihiling niya sa Diyos na mas lalo pa siyang
humusay. Ibinabahagi niya ang kakayahang
ito sa kaniyang kapatid.

Habang tayo’y nabubuhay, maraming biyaya ang ating matatanggap sa


Panginoon. Nararapat na Siya’y ating pasalamatan. Maipakikita natin ito sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pagpapahalaga at pag-iingat sa mga
biyayang kaniyang kaloob.

(Pinagkunan: Victoria G. Biglete et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 2, Pasig City: Department of Education, 2014, 242.)

3
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Kilalanin sa Hanay A ang biyayang kaloob sa mga larawan
sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____1. Katalinuhan
A.

_____2. Mapagmahal na
magulang B.

_____3. Kakayahan sa
pagguhit C.

_____4. Magandang kalusugan


D.

_____5. Pasasalamat sa magandang buhay


na ipinagkaloob E.

4
Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang paraan ng
pagpapahalaga sa mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos. Isulat
ang sagot sa patlang.

_____1. _____2.

_____3. _____4.

_____5.

A. Iingatan ang kalusugan


B. Ibahagi sa kapuwa ang kakayahan
C. Mahalin at sundin ang mga utos at payo ng magulang.
D. Magtiyaga, magtiis, at mag-aaral nang mabuti.
E. Magdasal ng pasasalamat sa buhay na ipinagkakaloob
F. araw-araw.
Sa paanong paraan mo mapahalagahan ang mga biyayang
natatanggap mula sa Diyos?

5
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung nagpapahayag ng
pasasalamat sa biyayang natatanggap mula sa Diyos at Mali
naman kung hindi.

______1. Nagdarasal ng pasasalamat bago matulog.


______2. Magpapasalamat sa mga biyayang nasa hapag pagkatapos
kumain.
______3. Hindi pagsunod sa mga utos at payo ng magulang.
______4. Pagbabahagi ng mga biyaya sa mga nangangailangan.
______5. Pangangalaga sa mga tanim at halaman sa kapaligiran.

Gawain 2
Panuto: Piliin sa kahon ang limang (5) biyayang gusto mong
matanggap mula sa Diyos. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

A. katalinuhan
B. matamlay na katawan
C. makapagtapos sa pag-aaral
D. malungkot na tahanan
E. sapat na pagkain sa araw-araw
F. maingay at magulong kapaligiran
G. masaya at masaganang buhay pamilya
H. makapagtrabaho nang maayos at marangal

____1. ____2. ____3. ____4. ____5.

Paano magpasalamat sa biyayang tinatanggap mula sa Diyos?

6
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon upang


mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa mga patlang.

Diyos biyaya
ipagpasalamat pahalagahan

Lahat tayo ay may mga b__ __ a __ __ ng tinatanggap sa araw-araw. Dapat


natin itong p__ __ __ l __ __ __ h __ n at
i __ a __ __ __ s __ __ __ m __ t sa D__ y __ s.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

1. Madali mong nauunawaan ang mga aralin at mabilis na nasasagutan


ang mga gawain. Anong biyaya ang kaloob sa iyo ng Diyos?
A. kalakasan C. kalusugan
B. kasiglahan D. katalinuhan

2. Si Tisay ay batang malakas at malusog. Maliksi niyang nagagampanan


ang mga gawaing bahay. Anong biyaya ang tinatanggap niya mula sa
Diyos?
A. kalakasan C. kasiglahan
B. kalusugan D. katalinuhan
7
3. Lagi mong ipinagdarasal na magkaroon ang pamilya ninyo ng sapat na
pagkain sa araw-araw. Isang araw, maraming inuwing pagkain ang iyong
nanay galing trabaho. Paano mo ito pahahalagahan?
A. Ibibigay sa alagang hayop.
B. Takpan lang sa mesa.
C. Ibabahagi sa mga kapitbahay.
D. Itago sa kwarto para sa susunod na araw.

4. Ang mga pahayag ay nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos sa


pagkakaroon ng mapagmahal at masayang pamilya MALIBAN sa isa.
A. Pagpapakita ng malasakit at pag-unawa.
B. Paggalang at pagsunod sa mga payo at utos.
C. Gagampanan ang mga nakaatang na gawain.
D. Paggawa ng gawaing bahay na may hinihintay na kapalit.

5. Paano mo ipakikita ang pagpapasalamat sa mga biyayang tatanggapin


mula sa Diyos?
A. Iingatan at gagamitin sa tamang paraan
B. Ibabahagi sa kapamilya lamang
C. Magpapasalamat at ibabahagi sa kapuwa
D. Gagamitin lamang kung kinakailangan

8
Susi sa Pagwawasto
Subukin Natin Tayo’y Magsanay
Gawain 1 Gawain 2
1. D 1. C 1. B
2. B 2. D 2. D
3. D 3. E 3. A
4. A 4. B 4. E
5. A 5. A 5. C

Ating Pagyamanin Ang Aking Natutuhan


Gawain 1 Gawain 2
1. tama a, c, e, g, at h 1. biyayang
2. mali 2. pahalagahan
3. mali 3. ipagpasalamat
4. tama 4. Diyos
5. tama

Ating Tayahin
1. A
2. B
3. C
4. D
5. C

Sanggunian
Aklat

Biglete, Victoria G., Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang at


Isabel M. Gonzales. Edukasyon sa Pagpapakatao 2. Pasig City:
Department of Education. 2014.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong


lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad


para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa


pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano
ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto


ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS :

Petsa ng Pagbalik ng CLAS :

10

You might also like