BERMAS - Kahulugan at Katuturan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B.

AKTIBIDAD: Kahulugan at Katuturan


SEKSYON: BSMA IV-13
KAHULUGAN AT KATUTURAN

Midya

Ang midya ay isang pamamaraang teknolohikal na nagpapalaganap ng mga


makabuluhang impormasyon na bumubuo tungo sa kaunlaran ng lipunan. Bukod doon, saklaw
rin ng midya ang pamamaraang mangalap ng mga impormasyon at gamitin ito nang wasto at
naaayon. Samantala, ayon kay Torralba (2007) ang midya ay nagbibigay representasyon sa
reyalidad. Mayroong tatlong kategorya ang midya, ito ay ang midyang nakalimbag (printed),
elektroniko, at midya sa labas ng tahanan.

Midyang nakalimbag. Ito ay uri ng midya kung saan ito ay nakalimbag (printed) o
mayroong pisikal na kopya or presensya. Gamit ang pisikal na kopya nito ay pinalalaganap nito
ang impormasyon sa mga mamababasa. Halimbawa ng mga nakalimbag na midya ay dyaryo,
magazine, libro, comic book, phone book, poster atbp (Spacey, n.d).

Dyaryo Magazine Libro

Elektroniko. Ito naman ay uri ng midya na hindi gumagamit ng papel o nakalimbag at


gumagamit ng iba’t ibang uri ng elektroniko o teknolohiya sa pagpapalaganap ng mga
impormasyon. Halimbawa ng mga elektronikong midya ay telebisyon, radio, telepono/cellphone
o internet (BBA, 2014).

Telebisyon
PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B. AKTIBIDAD: Kahulugan at Katuturan
SEKSYON: BSMA IV-13

Radyo Cellphone

Midya sa labas ng tahanan. Ang uri ng midyang ito ay mga midya na kadalasang
makikita sa labas ng bahay. Maaaring nakapaskil ito sa mga terminal o sakayan, sa billboard, o
sa iba’t ibang uri ng establisyemento o gusali na karaniwang nadadaanan ng mga tao. Karaniwan
itong ginagamit sa larangan ng advertisement o uri ng pag-anunsyo ng mga mahahalagang
impormasyon sa mas malawak na bilang ng manonood or mambabasa. Halimbawa nito ay
billboard, transit advertising, cinema at video advertising (BBA, 2014).

Billboard Advertising Transit Advertising

Kalakip din ng midya ang tinatawag na literasing midya o “media literacy,” kung saan
saklaw nito ang kapamaraanan ng wastong “paggamit” o “pagbasa” sa tekstong midya,
paglalangkap ng mga kasangkapan na kritikal sa inobasyon, produksyon, transmidya na daloy at
pagbara, pagbasa sa kasaysayan ng lipunan at diskurso ng midya (Tolentino, 2016).

Teknolohiya

Ang teknolohiya ay isang kasangkapan o makinarya na ginagamit sa pagpapalaganap ng


mga makabuluhang impormasyon tungkol sa pagpapaunlad ng bansa. Bukod doon, ayon kay
Heidegger, ang teknolohiya ay hindi lang basta instrumento o gamit ng tao upang
maisakatuparan ang kanilang mga gustong mangyari bagkus isa itong uri ng paglalantad na
PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B. AKTIBIDAD: Kahulugan at Katuturan
SEKSYON: BSMA IV-13
nakapaloob sa kahulugan ng “poiesis” o “bringing-forth” (De Leon, 2013). Dagdag doon,
mulamula sasa napagnilayang esensya ng teknolohiya ni Heidegger sa makabagong panahon,
ang modernong teknolohiya ay nauunawaan sa makabagong panahon bilang “mapagpilit”, dahil
pinipilit nito ang mundo na gumawa ng mga kasangkapan o instrumento upang magamit ng tao
sa kasalukuyan o hinaharap at mas mapadali din ang buhay ng mga tao (De Leon, 2013).
Maraming uri ang teknolohiya, ito ay nakadepende sa kahingian ng tao o lipunan. Mayroong
mga teknolohiya na para sa edukasyon, sa agrikultura, sa ekonomiya ay sa komunikasyon.

Kapakinabangan ng Midya at Teknolohiya sa Panahon ng Pandemya at Post-Pandemya

Ang pinakamalaking kapakinabangang ng midya at teknolohiya sa panahon ng pandemya


ay nang pinadali nito ang komunikasyon nasaang bahagi ka man ng mundo kahit na mayroong
pisikal na limitasyon sa sosyalisasyon. Dahil sa iba’t ibang uri ng ng social media at mga
communication apps tulad ng Facebook, Messenger, Google meet, Zoom atbp. Isa pang
kapakinabangan ng midya at teknolohiya sa larangan naman ng pagpapalaganap ng
impormasyon ay mas napadali ang pagpapalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang plataporma at
anyo. Dahil dito mas maraming naging opsyon ang bawat indibidwal kung saang plataporma at
anong anyo nila nais kumuha ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa pandemya. Isa itong
malaking kapakinabangan dahil hindi naging hadlang ang limitadong pisikal na interaksyon sa
karapatan ng bawat tao na makakalap ng impormasyon. Samantalang sa larangan ng edukasyon,
malaki din ang naging kapakinabangan ng midya at teknolohiya upang mas mapadali ang
pagkatuto ng mga estudyante at nabigyan pa ng mas maraming opsyon sa metodo ng pagtuturo
ang bawat guro.

Samantala, ang pinakamalaking kapakinabangan ng midya at teknolohiya sa panahon ng


post-pandemya ay ang “convenience” na nagawa nito mula sa integrasyon ng tradisyunal at
online. Mas maraming opsyon ang nabuo, kung kaya’t hindi lang nakakahon sa nakasanayan.
Bukod doon, dahil sa integrasyon ng tradisyunal at online, mas naging inklusibo na ang lipunan.

Facebook Messenger Google Meet Zoom


PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B. AKTIBIDAD: Kahulugan at Katuturan
SEKSYON: BSMA IV-13
Napapanahong Midya at Teknolohiya sa Panahong Ito na Makakatulong sa Pagtuturo

Bilang isang pre-service teacher, ilan lamang itong mga uri ng midya at teknolohiya sa
mga napapanahong midya at teknolohiya na nakakatulong sa pagtuturo at sa pagkatuto ng mga
mag-aaral. Ang Quizizz at Kahoot ay uri ng midya at teknolohiya kung saan ginagawang
kasiya-siya ang pag-aaral. Isa sa mga natatanging katangian nito ay ang pag-gamified sa mga
tanong o aktibidad, kung saan ang mga mag-aaral ay parang naglalaro lang habang nag-aaral.

Quizizz Kahoot

Samantalang ang Genially at Canva naman ay mga uri ng website kung saan mas
ginagawang interaktibo ang mga presentasyong ginagamit sa pagtuturo. Sa tulong ng iba’t ibang
template na makikita sa mga website na ito ay mas estetika ring tingnan ang mga presentasyong
nabubuo dito na mas nakakakuha sa atensyon ng mga mag-aaral.

Genially Canva

Sa tulong ng mga nabanggit na midya at teknolohiya sa edukasyon, ay mas mauunawaan


ng mga mag-aaral ang kahalagahan nang maayos na paggamit ng midya at teknolohiya, at ang
naging tungkulin nito sa nakalipas, kasalukuyan at hinaharap ng ating lipunan. Bukod dito,
bilang guro, nakatutugon din ang midya at teknolohiya sa kahingiang inobatibo sa aspektong
pedagohikal ng mga guro (Villanueva, 2021). Mula rito ay may mas nagkakaroon ng maraming
opsyon ang guro sa metodo at instrumentong gagamitin sa pagtuturo na naaayon sa kahingian ng
kanyang mga mag-aaral o sa uri ng pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Bukod dito, dahil sa
inobatibong dala ng midya at teknolohiya sa bawat yugto ng panahon ay mas nagagawa nitong
kasiya-siya ang pagkatuto sa tulong ng “gamification” o paglalapat ng aralin sa konsepto ng
paglalaro sa tulong ng iba’t ibang uri ng midya at teknolohiya.
PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B. AKTIBIDAD: Kahulugan at Katuturan
SEKSYON: BSMA IV-13
Sanggunian (Larawan)

Canva Team. (2021). Canva Logo. Canva – Medium. https://medium.com/canva

Comm R Us. (2023). Cellphone. Carousell.


https://www.carousell.ph/p/apple-iphone-11-cellphone-smart-phone-mobile-phone-10773
57539/

DOOH. (2022). Billboard Advertising. DOOH: Digital-Out-Of-Home. https://www.dooh.ph/

Duffy, J. (2021, March). Kahoot Logo. PCMag. https://www.pcmag.com/reviews/kahoot

Facebook. (2020). Messenger Logo. Wikimedia Commons.


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Facebook_Messenger_logo_2020.svg

Genially. (n.d.). Genially Logo. https://genial.ly/

Google. (2020). Google Meet Logo. Wikimedia Commons.


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Google_Meet_icon_%282020%29.svg

ICONS. (n.d.). Quizizz. https://icons8.com/icons/request-icon/quizizz--C8wKjqNZPg0f

Juan’s Daily Essential. (n.d.). The Philippine Star. Lazada.


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fprodu
cts%2Flocal-news-philippine-star-inqurer-dyaryo-pambalot-per-kilo-i2263509033.html&
psig=AOvVaw2KzpYWve2eKrTF1ht2U716&ust=1678358218499000&source=images&
cd=vfe&ved=0CBAQjRxqFwoTCKDq7eGSzP0CFQAAAAAdAAAAABAD

LogoMyWay. (n.d.). Zoom Logo. https://blog.logomyway.com/zoom-logo/

Luida Knowledge (n.d.). Facebook Logo. Pinterest.


https://www.pinterest.ph/pin/766315692846543616/

MEGA Magazine. (2022, October). MEGA Magazine. ZINIO.


https://cdn-assets.ziniopro.com/var/site_5406/storage/images/media2/cover84/263922-1-
eng-US/cover2.jpg?t=ipad_portrait_cover

Philips. (n.d.). Radio. https://www.philips.com.ph/c-p/AE1850_00/portable-radio

Rakuten kobo. (2014). Connect the Dots. Rakuten Kobo.


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.kobo.com%2Fph%2Fen
%2Febook%2Fconnect-the-dots-7&psig=AOvVaw2EPW39ifYohoV3pAmVMvhV&ust=
1678359832796000&source=images&cd=vfe&ved=0CBAQjRxqFwoTCMii4_OXzP0C
FQAAAAAdAAAAABAN

Samsung Newsroom. (2015, July). Television.


https://news.samsung.com/global/what-does-tv-mean-to-you

Tes Advertising Agency. (n.d.). Transit Advertising. https://tesadvertising.ph/


PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B. AKTIBIDAD: Kahulugan at Katuturan
SEKSYON: BSMA IV-13
Sanggunian (Artikulo)

BBA. (2017, October 23). Media – Types of Media, Characteristics, Advantages &
Disadvantages. BBA|Mantra. https://bbamantra.com/media-types-characteristics/

LEON, D. (2013). Ang Landas ng Pagtatanong ni Heidegger ukol sa Teknolohiya: Pagtatalas sa


Tanong sa Sein. KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 7(2).
https://www.kritike.org/journal/issue_13/de%20leon_december2013.pdf

Spacey, J. (n.d.). 14 Examples of Print Media. Simplicable.


https://simplicable.com/en/print-media

Tolentino, R. B. (2016). Literasing Midya. Katipunan: Journal ng mga Pag‑aaral sa Wika,


Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, (1).
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/57611625/Literasing_midya-libre.pdf?1540218243
=&response-content-disposition=inline%3B+filename%3DLiterasing_midya.pdf&Expire
s=1678278736&Signature=AMnKMlAzaSXZPx506izMf7pR0swym1V5PPfWSLXFr5e
4z7Lf7XMo3YHNw5~eK9LBBe0EliJUetEIQRe4ctpQLTmYaLU4Gi6~9Y6LVv2dq1S~
OaRNagqJQcg6e52reE-zLowDyR9BJV5d1m3aO~uPyXeCZf9xOKC5NpLjydmgUbHm
JaisYoShcuGchJIQJ10QbwwvmNA~xw-NhRxhmLRzusKx2OcSBkq-UDnathmonDHC3
SGi-lcvAqb4eCZ94H2K-p~fZ7AMwe71g9ZtMxdqiKeEf~zAsfXONoDGYrbM4Gy29J
DYbN2qUIPMFjSmef4Wccj~5n5ZuFakBY04YkiFIw__&Key-Pair-Id=APKAJLOHF5G
GSLRBV4ZA

Torralba, J. E. C. (2007). Mundo ng Bata Ayon sa mga Print Ad. Malay, 19(3), 1-10.
https://www.researchgate.net/profile/John-Torralba/publication/247904941_Mundo_ng_
Bata_Ayon_sa_mga_Print_Ad/links/0046352e4a56921a7e000000/Mundo-ng-Bata-Ayon-
sa-mga-Print-Ad.pdf?_sg%5B0%5D=started_experiment_milestone&origin=journalDeta
il

Villanueva, V. M. (2021). Makabayang Pedagohiya: Pagdalumat, Proseso, at Output. Malay,


33(2).
https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/research/journals/malay/tomo-33/2/6-vil
lanueva.pdf

You might also like