Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Esp

(March 27, 2023)

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat

B. Pamantayan sa Pagganap:

Nakasusulat ng may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

Nababaybay ng wasto ang mga salita tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaang pampaningin, at
natutunang salita mula sa mga aralin (F2PY-llg-i-2.1)

C.1: Natutukoy ang mga salitang may maling baybay

C.2: Niwawasto ang mga salitang may maling baybay.

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Pagbabaybay ng mga salita

b. Sanggunian: Filipino 2 Ikatlong markahan-MELC,

c. Kagamitan: cellphone, Manila paper, iba pang larawan na nauugnay sa aralin

d. Pagpapahalaga: Pagmamahal, Pagbibigayan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

>Panalangin

Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin. Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na
ipinagkaloob niyo sa amin, nawa'y gabayan mo po
kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na
ito. Sana po gabayan niyo rin ang aming mga guro
na siyang magtuturo sa amin. Amen.

>Pagbati Magandang araw din po Ginang Menchie!

Magandang araw mga bata!

>Pagtatala ng lumiban Wala po Ginang Menchie!

Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon


araw?

Magaling dahil kayong lahat ay narito!

>Balik-aral

Panuto: sabihin kung parating ginagawa o hindi


ginagawa ang bawat sitwasyon. Parating ginagawa

Parating ginagawa
1. Tumitigil sa tuwing inaawit ang Lupang Hinirang.

2. Tinutulungan ang magulang sa mga gawain sa


bahay. Hindi ginagawa
3. Natutulog ng hindi nagdarasal. Parating ginagawa
4. Nililinis ang bakuran. Parating ginagawa
5. Ginagamit ang po at opo sa pagsagot.

>Pagganyak

Panuto: Bilugan ang mga salitang may maling (Sagot ng mga mag-aaral)
baybay sa mga ibigay na sitwasyon. At ibigay ang
wastong baybay nito. Tubbig- tubig

1. Uminom ng maraming tubbig Golay-gulay

2. Kumain ng golay. Sappatt- sapat

3. Kumain ng sappatt araw-araw. Maglines-maglinis

4. Maglines ng kawatan. Paliged- paligid

5. Maglinis ng paliged

B. Paglilinang na Gawain
1. Paglalahad ng Paksa

Ang Pagbabaybay ay pagsusulat ng salita o mga


salita sa pamamagitan ng lahat ng kinakailangan
(Nakiking ang mga mag-aaral)
na letra sa tama nitong pagkakasunod-sunod.

Mga tuntunin sa Pagbabaybay

1. Pagbigkas na pagbabaybay- ang pagbigkas na


baybay ay dapat pa letra at hindi papantig.

Halimbawa (salita)

Baka= /bi-ey-key-ey/

Paaralan- /pi-ey-ey-ar-ey-el-ey-en/

Halimbawa (pantig)

i=/ay/ ay= /ey-way/

Halimbawa (daglat)

Mr. (Mister)= /kapital-em-ar/ (Nakikinig ang mga mag-aaral)


Dr. (Doktor)= /kapital-di-ar/

2. Pasulat na pagbabaybay- ito ang pagpapanatili


ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pagsulat
na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino.

A. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat

Kung ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa: dyip-jeep putbol-football dyaket- (Nakikinig ang mga mag-aaral)


jacket

B. Mayroong dagdag na walong letra sa


alpabetong filipino. Ito ay ang C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
Ito ay ginagamit sa tao at lugar

Halimbawa:

Tao: Francis, Niño, Zara, Venus

Lugar: Quezon, Zamboanga City, Valenzuela

Ang batayang talasalitaang pampaningin ay mga


salitang madalas lumilitaw sa ating pagbabasa at
pagsusulat.

Mga halimbawa: ate, doon, ng, at, sino, atin, mga,


din, ako, alin, may, dito at sa.

Mga pamamaraan sa pagtukoy ng maling baybaby


sa pangungusap.

1 basahing mabuti ang pangungusap

2. Tingnang mabuti ang mga salita dito. (Nakikinig ang mga mag-aaral)
3. Suriin ang nga letrang bumubuo sa bawat salita
upang makita ang pagkakamali.

4. Iwasto ang salitang mali ang baybay at basahing


mabuti ang pangungusap.

2. Pagtatalakay sa Paksa

1. Ano ang pagbabaybay?

Ang Pagbabaybay ay pagsusulat ng salita o mga


salita sa pamamagitan ng lahat ng kinakailangan
na letra sa tama nitong pagkakasunod-sunod.
2. Ano ang mga tuntunin sa pagbabaybay? Pagbigkas na pagbabaybay at Pasulat na
pagbabaybay

3. Ano ang batayang talasalitaang pampaningin?


Ang batayang talasalitaang pampaningin ay mga
salitang madalas lumilitaw sa ating pagbabasa at
Ano ang mga pamamaraan sa pagtukoy ng maling pagsusulat.
baybay sa pangungusap?

1 basahing mabuti ang pangungusap

2. Tingnang mabuti ang mga salita dito.

3. Suriin ang nga letrang bumubuo sa bawat salita


upang makita ang pagkakamali.

4. Iwasto ang salitang mali ang baybay at basahing


mabuti ang pangungusap.

3. Paglalahat

Ang pagbabaybay ay pagsusulat ng salita o mga


salita sa pamamagitan ng lahat ng kinakailangan
na letra at merong mga tuntunin sa pagbabaybay
una na rito ang pagbigkas na pagbabaybay at (Nakikinig ang mga mag-aaral)
pangalawa ay pasulat na pagbabaybay. Mayroon
ding mga letrang nadagdag sa letra sa alpabetong
Filipino ito ay ang C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z na ginagamit
sa tao at lugar.

Ang batayang talasalitaang pampaningin ay mga


salitang madalas lumilitaw sa ating pagbabasa at
pagsusulat. Mayroon ding apat na pamamaraan sa
pagtukoy ng maling baybay sa pangungusap.

1. basahing mabuti ang pangungusap

2. Tingnang mabuti ang mga salita dito.

3. Suriin ang nga letrang bumubuo sa bawat salita


upang makita ang pagkakamali.
(Nakikinig ang mga mag-aaral)
4. Iwasto ang salitang mali ang baybay at basahing
mabuti ang pangungusap.

4. Paglalapat

Panuto: Piliin ang salitang may maling baybay sa


pangungusap.

1. Marami akong natanggap na reigalo noong


nakaraang pasko.
Reigalo-regalo
2. Uminom ng maraming tubig upang maiwasan
ang saakit.

3. Pumunta sa siembahan sina lolo at lola. Saakit-sakit

4. Malawoak ang aming lupain sa Pangasinan. Siembahan-simbahan

5. Malamig ang sourbetes na kinain namin. Malawoak-malawak

Sourbetes-sorbetes
IV. PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang wasting baybay ng mga batayang talasalitaan pampaningin.

1. Ang tawg sa kaniya ay ina ng tahanan. ( Nanay, Naynay)

2. Siya ang nakatatandang kapatid na lalaki. ( Kuya, Koya)

3. Masarap magpalipad ng ____ kapag malakas ang hangin. ( saranggola, sarangola)

4. Ang ____ mag-aaral ay nalungkot nang hindi sila makapasok sa paaralan. ( mga, manga)

5. Ang aming ____ ay malinis. (bahay, banay)

V. TAKDANG ARALIN

Ibigay ang wastong baybay ng mga salita.

1. Aralen

2. Talakayaan

3. Gawaeen

4. Actibedad

5. Pagsasanaey

Inihanda ni:

MENCHIE D. QUINACMAN

Nagsasanay na guro

Iniwasto ni:

MRS. THELMA R. URSUA

Dekanong guro

You might also like