Illegal Logging

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Illegal Logging

Sabi nga nila, “Nature is not a place to visit. It is our home.” Ngunit, hindi ito
naiisip ng karamihan at patuloy na lumalala ang isyung ito sa bansang Pilipinas. Ang
iligal na pagtotroso ay isa sa pinakamalaking problema sa kapaligiran mula pa noon
hanggang ngayon; sa modernong panahon. Nagdudulot ito ng carbon emissions,
pagkawala ng biodiversity, at sinisira ang mga sensitibong ecosystem. Third world at
mahirap na bansa tulad ng Pilipinas ay may malaking isyu sa iligal na pagtotroso, dahil
sa kakulangan ng imprastraktura, pagpapatupad ng batas, at motibasyon na pigilan ito.

Ayon sa batas, ang PD 705 o Revised Forestry Code ay pumoprotekta sa mga


kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong
pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito ang pagtakda
sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng pangangalaga
ang dapat ilaan para dito. Mahalagang labanan ang illegal logging dahil sa pinsalang
idinudulot nito sa mga tao, lipunan at kapaligiran. Maaari nitong pagkaitan ng
kabuhayan ang mga komunidad sa kagubatan, at ang mga likas na yaman na kanilang
inaasahan, at humantong sa mga paglabag sa karapatang pantao, kaguluhan at
karahasan.

Tunay na dapat ay magkaisa ang mga Pilipino na pangalagaan ang ating


kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon. Magtanim ng mga puno at
pangalagaan ang ating inang kalikasan. Nawa’y maging bukas ang ating mga mata sa
mga hindi sumusunod sa batas at ‘wag puro pagkita ng pera ang pairalin. Maging
mapagmahal sa kalikasan upang tayo ay magkaroon ng isang magandang tirahan.

You might also like