Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Happiness and Virtue - Ayon sa paniniwala ni aristotle, self-realization are the ultimate goal of humans.

Hindi mahahadlangan ang kaligayahan ng isang tao kung gagawa ka ng mga bagay na alam mong tama o
makabubuti sa iyo. Kailangan mo lang na ayusin ang mga desisyon mo sa buhay at iayon ito sa
kabutihan without making any mistakes. For example, kung gusto mong maging matapat sa isang tao,
kailangan mong sundin ang mga virtues ng pagiging tapat sa isang pangako nang walang nagaganap na
kasinungalingan. Sa pagkakaroon ng ganitong virtues, magiging maginhawa ang buhay mo sapagkat
hindi ka magkakaroon ng guilt kapag ginagawa mo ang mga bagay nang tama.

Para kay aristotle, ethics is the inquiry into the human good. Ipinapahiwatig nito na ang
layunin sa pag-aaral ng ethics ay upang maipakita na mabuti ang isang tao which is right. Matututo tayo
rito kung ano ang mga tama at mali sa mga ginagawa natin sa araw. Ang ating pagkakaroon ng tamang
pag-uugali at pagpapakatao ay magbibigay sa atin ng pagkakataon na maging mabuti hindi lamang para
sa ating kapwa ngunit para rin sa ating sarili.

Subalit, hindi lahat ng tao ay nais maging mabuti, kaya't mahalaga din na magpakita tayo ng
pagpapakumbaba upang matutunan natin ang tamang pag-uugali. Ang kabutihang ito ay tinatawag na
eudaimonia o happiness.

Halimbawa, ang tao ay mayroong moral na pamantayan sa kanyang paggawa ng gawain, siya ay
nagkakaroon ng maganda reputasyon sa kanyang trabaho o kanyang komunidad. Sa gayon, magiging
masaya siya dahil sa pagkakamit ng kanyang human good o kaligayahan.

Virtue as Habit - Sa paniniwala ni Aristotle, ang virtue ay magbibigay sa atin ng moral at intellectual
excellences o mga kasanayan na makakatulong sa atin upang maging mas mahusay pa tayong tao.
Halimbawa, kung ang isang tao ay mayroong habit ng pagiging tapat, matapat siya sa kanyang mga
pangako at responsibilidad. Sa gayon, magkakaroon siya ng magandang reputasyon at tiwala ng kanyang
mga kasamahan sa trabaho o sa kanyang komunidad. Ito ay magdudulot ng positibong epekto sa
kanyang buhay at magbibigay sa kanya ng kaligayahan at tagumpay. Kaya't mahalaga ang birtud upang
maging matagumpay at masaya sa buhay.

You might also like