Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan___________________________ Petsa___________ Puntos_____________

Ikalimang Pagtataya-Migarasyon
Pagsasanay 1: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap.
Kung MALI, palitan ang salitang nakalihis at isulat sa patlang ang tamang sagot.
__________________1. Tinatawag na migrante ang mga taong lumilipat ng lugar.
__________________2. Ang flow ay ang bilang ng mga nandayuhan na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan.
__________________3. Ang panlabas na migrasyon ay nagaganap lamang sa loob ng
bansa. Maaaring nagmula ang tao sa isang bayan, lalawigan o
rehiyon patungo sa ibang pook.
__________________4. Irregular migrants ang tawag sa mga nagtutungo sa ibang bansa
na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
__________________5. Nagaganap ang migration transition kapag ang nakasanayang
bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa
iba’t ibang bansa.
A. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
____1. Alin ang totoo tungkol sa konsepto ng migrasyon?
A. proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal.
B. tumutukoy sa pagbabahagi ng mga bansa ng lupain patungo sa ibang lugar.
C. proseso ng paghihimagsik tungkol sa pinaglalabang lupain.
D. tumutukoy sa paghahati-hati ng mga teritoryo ng iba’t ibang bansa
____2. Ang mga sumusunod ay pangkalahatang obserbasyon tungkol sa usapin ng
migrasyon, maliban sa isa, ano ito?
A. globalisasyon sa migrasyon C. migration transition
B. pagkakaiba ng uri ng migrasyon D. migrasyon kultural
____3. Batay sa istadistika ng 2014 CFO Compendium of Statistics, sinasabing
dumarami ang mga Koreano sa Pilipinas upang mag-aral ng kolehiyo.
Partikular na lugar na pinupuntahan nila ang ang Baguio, Maynila at Cebu.
Sa anong uri migrasyon sila nabibilang?
A. Irregular Migrants C. Permanent Migrants
B. Natural Migrants D. Temporary Migrants
____4. Ang mga sumusunod ay uri ng migrants maliban sa isa.
A. Natural Migrants C. Permanent Migrants
B. Temporary Migrants D. Irregular Migrants
____5. Tawag sa taong lumilipat ng lugar.
A. Migrante B. Probinsyano C. Manilenyo D. Millenial
B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng migrasyon ang ipinapahayag ng sumusunod na
sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A- Irregular Migrants B- Temporary Migrants C- Permanent Migrants
_____1. Si Mang Pilo ay nagtungo sa Italya ng walang sapat na dokumento.
_____2. Maraming mga Koreano ang nasa Cebu upang mag-aral.
_____3. Napagdesisyunan ng pamilya ni Anna na manirahan sa Canada at doon na
maghanapbuhay.
_____4. Nahuli si Grace ng mga pulis sa Amerika dahil sa pagiging overstaying at
wala rin siyang sapat na dokumentong maipakita.
_____5. Nagtungo si Henry sa Qatar upang magtrabaho kasama ng iba pang Pilipino.
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay tumutukoy sa DAHILAN at kung ito
ay ang EPEKTO.
_______1. Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may
tuwirang kaugnayan sa migrasyon.
_______2. Mas pinipili ng mga eksperto na nakapagtapos ng pag-aaral na mangibang
bansa dahil sa higit na magandang oportunidad.
_______3. Nagungulila ang mga anak at naiiwan sa pangangalaga sa ibang kaanak.
_______4. Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng
Pilipinas.
_______5. Marami sa mga migrante ang nahaharap sa mapanganib na paglalakbay,
pang-aabuso at kawalan ng suporta sa bansang pinuntahan.
_______6. Nakapagbibigay ng hanapbuhay at malaking kita na inaasahang
magbibigay ng magandang buhay sa pamilya.
_______7. Paghihikayat ng mga ilang kapamilya o kamag-anak na matagal ng
naninirahan sa ibang bansa.
_______8. Pag-aaral o pagkuha ng teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang
industriyalisado.
_______9. Paghahanap ng ligtas na tirahan.
_______10. Takot na humingi ng tulong sa pamahalaan kapag nakararanas ng pang- aabuso.

Panuto: Isulat ang titik A sa patlang kung ang pahayag ay MABUTING EPEKTO NG
MIGRASYON at B kung HINDI MABUTING EPEKTO.
_____1. Nagkaroon ng panustos sa pang-araw araw na pangangailangan ang isang
pamilya.
_____2. Nagiging biktima ng mababang pasahod at hindi pagpapakain ng amo.
_____3. Nagkakaroon ng kakulangan sa isang bansa dahil sa patuloy na paglaki ng
populasyon ng mga manggagawa sa ibang bansa na pinipiling manirahan at magtrabaho.
_____4. Pag-ako ng asawang lalaki ng gawaing bahay.
_____5. Paglago ng ekonomiya ng isang bansa sa patuloy sa paglaki ng remittance.
_____6. May kakulangan sa pangangailagan o likas na yaman sa pagdami ng
populasyon partikular sa mga mataong bansa.
_____7. Paglago ng ekonomiya dahil sa pagdami ng mga manggagawa.
_____8. Pagkakaroon ng puwang at pagitan sa komunikasyon sa magulang at anak.
_____9. Nakapagpatapos ng mga anak at nabigyan ng masaganang buhay sila.
_____10. Pagtaas ng insidente ng pang-aabuso sa pagitan ng migrante at ng mga
mamamayan.
Pagganap na Pagtataya:

1. TAMA
2. Stock
3. Panloob na migrasyon
4. TAMA
5. Tama

1.A 2.D 3.D 4.A 5.A

1.A 2.B 3.C 4.A 5.B

1.Puso 6.star
2.Puso 7.star
3.Puso 8.star
4.Puso 9.star
5.Puso 10.puso

Panapos na Pagsusulit
1. A 6. B
2. B 7. A
3. B 8. B
4. B 9. A
5. A 10. B

You might also like