Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Persepsyon sa Bahagi at Paggamit

ng Kompyuter sa Pag aaral ng mga


Mag-aaral sa Ikapitong Baitang
mula sa RTU
MANANALIKSIK

Baldon, Jhun Kurt Irabon, Rizza Joy


Bantayan, Shane
Quigao, Exequiel
Clamor, Claudine Anne Marie S.
Villasis, Simon
Delos Santos, Kimberly

PANIMULA
Ayon kay Sanchez (2023), ang computer ay isang computing aparato na may kakayahang makatanggap, mag-imbak at
magproseso ng impormasyon sa isang kapaki-pakinabang na paraan. Ang isang computer ay na-program upang maisagawa ang
pagpapatakbo ng lohika o aritmetika nang awtomatiko.Ang salitang computer ay ginagamit sa karamihan ng mga bansa sa
Latin American, bagaman sa Chile at Colombia mas karaniwan ito sa panlalaki ('computer'). Sa Espanya ang term na
'computer’(Mula sa Pranses computer). Ang 'Computer' ay nagmula sa English computer at siya namang mula sa Latin
Magcacompute ako ('kalkulahin').

Ang kompyuter ay isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng makabagong teknolohiya at makinarya sa kasalukuyang
panahon. Ginagamit ang kompyuter upang mapadali ang mga gawain ng mga tao, lalo na sa mga larangan ng komunikasyon,
pag-aaral, transportasyon, at pakikipag-ugnayan. Sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay
nagbibigay ng malaking tulong hindi lamang sa mga guro kundi pati na rin sa mga mag-aaral. Ang kompyuter ay ginagamit sa
pag-aaral bilang isang kasangkapan upang mapalawak ang pag-iisip at matulungan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan.
Ang kompyuter ay binubuo ng iba't-ibang bahagi na nagtutulungan upang makagawa ng mga pangunahing gawain. Ang mga
bahaging ito ay sumasaklaw sa iba't ibang aspeto ng kompyuter, tulad ng hardware at software. Ang hardware ay
kinabibilangan ng mga pisikal na bahagi tulad ng CPU, monitor, keyboard, at mouse. Ang mga ito ay kabilang sa mga
mahalagang bahagi ng isang kompyuter na nagpapatakbo at nagpapahintulot sa mga gumagamit na makapag-interaksiyon at
magtrabaho sa mga digital na kahalintulad ng programa at aplikasyon. Ang software naman ay ang mga programang
nagpapatakbo at nagbibigay ng mga ginagawa at kahulugan sa kompyuter. Sa pamamagitan ng pagkakasama-sama ng mga
bahaging ito, ang kompyuter ay nagiging kapasidad na magproseso ng impormasyon, maglagay ng data, at gumawa ng iba't
ibang uri ng mga gawain.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang persepsyon sa bahagi at paggamit ng
komyupter sa pag aaral ng mga mag aaral sa ikapitong baitang mula sa RTU. Layunin ng
pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahulugan ng kompyuter?


2. Ano mga bahagi ng kompyuter?
3. Ano ang mga persersyon sa bahagi at paggamit ng kompyuter ng mga mag aaral sa
ika-pitong baitang mula sa RTU?
4. Ano ang mga naging balakid sa estudyante ng sa tamang pagkilala sa kompyuter ng mga
mag aaral ng ika-pitong baitang mula sa RTU?
5. Ano ang rekomendasyon ng pananliksik na ito upang maging maayos at wasto ang
persepsyon ng mga mag aaral?
LAYUNIN NG PAG AARAL
Ang pag aaral na ito ay may layuning tukuyin ang persepsyon
sa pag aaral ng mga piling mag aaral. Tukuyin ang kaalaman
tungkol kompyuter at alamin ang persepsyon sa mga bahagi
at paggamit ng kompyuter mula sa mga mag aaral. Matukoy
ang tamang paggamit at mga bahagi ng kompyuter. Sa
pamamagitan ng pag aaral na ito ay maaaring magkaroon ng
rekomendasyon at hakbang na makakatulong sa mga mag
aaral upang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga
bahagi at paggamit ng kompyuter.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik ay tungkol sa persepsyon sa mga bahagi at paggamit ng kompyuter. Ang saklaw
ng pag aaral na ito ay ang mga piling mag aaral na mula sa mga Ikapitong baitang na mag-aaral sa Rizal
Technological University taong panuruan 2022-2023. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang
pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila ang maka-pagbibigay kanilang persepsyon sa pag-aaral na
gagawin. Ito ay may kinalaman lamang sa mga kaalaman ng mga mag-aaral sa Ikapitong baitang sa
bahagi at paggamit ng kompyuter Nililimitahan ng pag aaral na ito, mula sa paggamit ng kompyuter at
bahagi ng kompyuter partikular hardware at hindi kasama ang software.Ang pananaliksik ay tungkol sa
persepsyon sa bahagi at paggamit ng kompyuter. Ang saklaw ng pag aaral na ito ay ang mga piling mag
aaral na mula sa mga Ikapitong baitang na mag-aaral sa Rizal Technological University taong panuruan
2022-2023. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila
ang maka-pagbibigay kanilang persepsyon sa pag-aaral na gagawin. Ito ay may kinalaman lamang sa
mga kaalaman ng piling mag-aaral sa Ikapitong baitang mula sa RTU at hindi kasama ang mag-aaral
ng buong eskwelahan. Nililimitahan ng pag aaral na ito, mula sa paggamit ng kompyuter at bahagi ng
kompyuter partikular hardware. Hindi nito binibigyang pansin ang iba pang bahagi ng kompyuter.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Input Process Output
Sa pamamagitan ng mga
nakalap na impormasyon
Nais ng mga mananaliksik Ang mga mananaliksik ay malalaman ng mga
na sukatin ang mga magsasagawa ng surbey at mananaliksik ang persepsyon sa
kaalaman tungkol sa gagawa ng surbey bahagi at paggamit ng
kompyuter ng mga piling mag-
kompyuter sa pag aaral ng kwestyuner para sa mga aaral sa ika-pitong baitang mula
ika-pitong baitang na mag piling respondente. Ang sa RTU. At sa pamamagitan ng
aaral sa RTU. Ang pag mananaliksik ay kakalap resulta ay magkakaroon ang
mga mananaliksik na
aaral na ito ay tumutukoy ng impormasyon at datos rekomendasyon na bumuo ng
sa persepsyon ng mga piling na kailangan sa pamphlet kung saan nakalagay
mag aaral. pananaliksik at ang mga ang mga wastong impormasyon
tungkol sa kompyuter na
ito ay susuriin. makakatulong sa lahat ng mag
aaral.

You might also like