Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

IKAAPAT NA MARKAHAn

SA FILIPINO
(week 3-5 outputs)
Kulang
 Paglalapat (poster) w3
 Paglalapat (sanaysay) w4
 Paglalapat (sanaysay) w5

Malinao, marc Vincent r.


10 – m. alvarez
Gng. Digo

WEEK 3
GAWAIN 1: FACT O BLUFF
1. Tinaguriang tagapamansag ng mabuting kuro si Isagani dahil sa husay niya sa
pakikipagpalitan ng kaisapan,damdamin at kuru-kuro.

- FACT

2. Si Padre Florentino ang paboritong pari ni Simoun na tagapagsalita ng kaisipang


kontra-rebolusyon kaya sa kanya niya ipinagkatiwala ang lihim ng kaniyang
pagkatao.

- FACT

3. Kinikilala si Simoun bilang makasarili at mapanulsol na tauhan ng El


Filibusterismo

- BLUFF

4. Nahimatay si Pari Salvi habang nanonood ng palabras ni Mr. Leeds dahil sa init
ng sopas na kaniyang kinakain.

- BLUFF

5. Nagampan ng mga guro ang kanilang tungkulin na mapagyaman ang kaalaman


ng mag maga-aaral.

- BLUFF

GAWAIN 2:
1. Bakit natalo si Kabesang Tales sa asunto sa lupa
- Isang dahilan na maaaring makonsidera ay dahil si Kabesang Tales ay
mangmang ukol sa batas na umiiral sa panahon na iyon kahit pa na bitbit niya
ang katarungang at pananalig niya noon na mababwi niya ang pinaghirapan
nilang lupa. Isa pa’t ang mga prayle din ay nasa ilalim ng patnubay ng
pamahalaang kastila kung kaya’t malinaw na rin ito na matatalo at papaburan
ang panig ng mga prayle nang minsan na ito dalhin sa korte ni Kabesang
Tales na nagbunga sa kanya na humawak ng baril upang bantayan ang
inagaw na lupa sa kanya.
2. Ilarawan ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas noong panahon na nasulat ang
akda batay sa nilalaman ng kabanata 13 at 27.
- Base sa kontekstong nakalahad sa modyul at sa aking kaalaman, ang
sistema ng edukasyon noon ay napakahirap kumpara mo sa ngayong
panahon.walang boses ang kabataan at malaki ang takot nila sa mga guro
lalo na’t ito’y nasa ilalim din ng impluwensya ng kastila at sa oras na silay
nagsalita’y babansagan silang pilibustero.Wala silang kalayaan o sariling
desisyon sapagkat sila’y sumusunod lamang sa aral ng maestro na kung
saan lahat ng aral na iyon ay nakabase lamang sa kung ano ang nakasulat
sa librp, hindi ganap ang natutunan ng mag-aaral dahil sila’y nakadepende
lalang rito. Bukod dito, tila isang pribililehiyo ang edukasyon noon dahil sa
mga ibang pasilidad na hindi napapakinabangan at nagagamit lamang sa
tuwing may panauhin at isa pa’t nananatiling mangmang ang Pilipino noon
ayon na rin kay Isagani dahil sa sabwatan ng prayle at pamahalaan at
naibibigay lamang daw ito sa mga “karapat-dapat’”

3. Sa iyong palagay bakit kaya nahimatay si apri salvi matapos marinig ang
salaysay ng espinghe?
- Magbalik tanaw sa kaganapan sa Noli Me Tangere,maalala natin na may
kahayupang ginawa si Pari Salvi, kagaya ng sabi ng espinghe na ito’y umibig
sa dalaga na anak ng pari na kasinlinis ng liwanag na kung saan ito’y
tumutukoy kay Maria Clara at ang pagpapatukoy nito kay Crisostomo Ibarra
bilang isang batang pari na gumawa ng kaguluhan. Kinilabtuan si Pari Salvi
sa mga katagang binitawan ng espinghe at hinimatay matapos ang ulo na
kanina lamang ay abo ay nagsabi ng ‘‘mamamatay, mapagparatang at
lapastangan sa Diyos”.

4. Bakit mas pinili pa ni Simoun na mamamatay kaysa mahuli nang buhay ng mga
guardiya sibil?
- Sapagkat may matibay na paninindigan si Simoun na kung saan sinisigurado
niya na mananatiling sikreto ang kanyang mga plano. Bukod dito’y alam na ni
Simoun ang kanyang kahihinatnan kung siya’y mahuli ng mga ito, alam niya
kung gaano siya pasasakitan kung kaya’t nagpakamatay na lamang siya ng
may dangal at paninidigan sa kanyang salita kaysa mamamatay sa mga
kamay ng kastila.

5. Bakit itinapon ni Padre Florentino sa karagatana ng mga yaman ni Simoun?


- Upang maiwasan na makuha ito ng mga gahaman at magamit sa kasamaan.
Kung babalikan natin ay may sinambit si Simoun sa parte ng nobela na kung
saan tumuloy siya kila Kabesang Tales, sinabi niya rito na isang dampot
lamang niya sa kanyang mga alahas ay maaari niyang lunurin sa luha ang
mga tao sa Pilipinas. Sa kanyang katagang ito ay makikita natin kung gaano
kalaki ang halaga ng mga alahas ni Simoun at kung iisipin na kung
mapasakamay ito ng mga sakim, patuloy pa rin ang paghihirap ng Pilipino at
mga ganit sa kapangyarihan at pera ay mas along magiging ganit.

GAWAIN 3:
ISAGANI –ang buong tapang pagpapahayag nito kay Padre Fernandez ukol sa isyung
edukasyon na kung saan tanging hiling ng mga mag-aaral na tumupuad ang kaguruan
sa kanilang tungkulin tulad ng pagbibigay ng bagong kaalaman at pasiglahin ang
kanialng kawilihan sa pag-aaral.
PADRE FERNANDEZ- ang pagkagiliw kay Isagani dahil sa katapangan at tatas ng
kanyang paninidigan sa kanyang pananalita bilang boses ng mga mag-aaral.
KABESANG TALES- ang paglakad ni Kabesang Tales sa kung kani-kanino sa
pamahalaan ukol sa isyu niya sa lupa niya. Imbes katarungan ang kanyang makamit
dahil sa pag-agaw sa kanya ng lupa ay pinagsamantalahan ng hukom at prayle ang
kanyang kamangmangan kung kaya’t natalo ito ngunit natalo ito ng may paninindigan
sa kanyang salita.
SIMOUN- ang hindi pagtuloy ng plano niyang lapitan si Macaraig at Isagani sa
kadahilanang iba ang pagkakakilala nila kay Simoun at maaaring masamain ang
kanyang layunin.
PARI FLORENTINO- isang Indiyo na nakitaan ni Simoun na gumaganap ng kanyang
tungkulin bilang tunay na alagad ng Diyos.

GAWAIN 4:
1. MATALINGHAGANG PAHAYAG

 PARANG PALAYOK NA BUMANGGA SA KALDERO


KAHULUGAN
- WALANG KALABAN-LABAN
HALIMBAWA
- Ang pakikipaglaban ng mga estudyante laban sa katiwalian sa mga kapulisan
ay tilang palayok na bumabangga sa kaldero.

2. MATALINGHAGANG PAHAYAG

 MARUNONG MAG-ALAGA NG KARANGALAN.


KAHULUGAN
- MADIGNIDAD
HALIMBAWA
- Marunong mag-alaga ng karangalan ang kabataang pinoy dahil sa iniwang
aral ni Dr. Jose Rizal.

3. MATALINGHAGANG PAHAYAG

 ANG PAGPAPASAKIT AY PAG-IBIG


KAHULUGAN:
- PAGSASAKRIPISYO
HALIMBAWA:
Ang pagpapasakit ay pag-ibig, malaking parte ang ginagamapanan ng sakit sa buhay
ng tao.
4. MATALINGHAGANG PAHAYAG

 DALAGANG KASINLINIS NG LIWANAG


KAHULUGAN:
- DALISAY ANG KALOOBAN.
HALIMBAWA:
- Si Carmelita ay dalagang kasinlinis ng liwanag kung ituring ng kanyang mga
kakilala sa nayon.

GAWAIN 5:
TAO LABAN SA TAO
- Ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales sa mga prayle ukol sa padagdag
nang padagdag ng buwis sa lupa nito.
TAO LABAN SA LIPUNAN
- Ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales sa hukom at prayle patungkol sa
lupain nito, ngunit natalo dahil pinagsamantalahan ng mga hukom at prayle
ang kanyang kamangmangan sa batas at dahil na rin nasa ilalim sila ng
impluwensya ng kastila.
TAO LABAN SA SARILI
- Ang pababalat kayo ni Crisostomo bilang Simoun upang makapaghiganti na
naging malakin hakbang sa kanyang sarili kung paano maitatago ang tunay
niyang pagkatao.

GAWAIN 6:
HENERAL LUNA
Ang pelikula na aking napanood na may kaugnyan sa binasang mga kabanata ay ang
palabas na 'Heneral Luna'. Katulad ng naging palitan ng usapan ni Padre Florentino at
Isagani, nagkaroon din ng debatehan si Heneral Luna at ang kanyang mga gabinete
ukol sa paghihirap naman ng ating bayan sa pagdating ng bansang Amerika, sa huli ay
nagkampihan rin ang mga ito. May pagkakatulad din sa teleserye ang naging hidwaan
ng gurong si Padre Million at Placido kung saan sa palabas ay nagalit ng husto si
Heneral Luna (gaya ni Padre Million) kay Janolino at ipinahiya ito kung kaya't nagalit din
ng pabalik ang lalaki. Sa huli, ipinaglaban din ni Heneral Luna ang bansa ngunit hindi
siya nagtagumpay at ito'y namatay.

PAGTATAYA:
1. P
2. T
3. TP
4. W
5. T

PAGNINILAY:
Natutunan ko na ang mga iba’t ibang matalinghagang salita na ginamit s amg akbanata,
bukod sa mga kaalaman aking natamasa sa mga naunang markahan, mas lalong
napalwak ang aking bokabularyo paukol dito. Bukod ditto, natutunan ko rin na ang mga
tunggaliang nagaganap sa nobela, isa na rito ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales sa
mga prayle at hukom, at ang tunggalian sa pagitan ni Simoun at ng katotohanan niyang
pagkatao na kanyang pinaka-iingatang lihim. Natutunan ko rin ang mga sitwasyon
noong panahon nang sinulat ang akda, malinaw na naipahayag ang katiwalian o
problema sa edukasyon na kung saan walang boses ang kabataan ngunit may isang
malakas na loo bang nagsigaw ng saloobin nila na si Isigani. Nalaman ko rin ang iba’t
ibang pagpapakahulugan nila sa buhay,edukasyon at lipuna.
Napagtanto ko na maswerte tayo ngayong henerasyon na ito ngunit mas masakit lang
din na isipin na mismong Pilipino na ang kalaban ng mamamayan. Sa paanong paraan?
Kagaya ng aking sinabi, ang edukasyon ay sadya pa rin pribilheyo dahil hanggang
ngayon may mga kabataang hindi pa rin lubos nakakapagtapos at nakakapag-aral ng
tama dulot ng pinansyal na problema, maaaring sa panahon na ito ay makokonsidera
ko talagang pribilehyo ang edukasyon dahil hindi lahat ay may “wi-fi” o ‘di kaya laptop
pang-online class, ang implikasyon lamang nito’y mula noon hanggang ngayon, may
mga hindi pa rin lubusang nakakakamit gn edukasyon na kung saan marapt na hindi na
lamng ito maging isang pribilehiyo ngunit karapatan ng bawat kabataan Isa pang aking
napagtanto ay ang pang-aagaw ng lupa, hindi ko na palalawakin ito ngunit maririnig na
natin ang mga taong sangkot ditto sa problemang ito, maraming mga magsasaka ang
namamatay at naghihirap dahil sa mga lupain nilang ginagawang sentro ng paggawa ng
mga imprastraktura na kung saan ang nakikinabang lang din naman sa perang kinkita
ay sila din na nasa mga kapangyarihan. At nakakalungkot na umuulit ang panahon
ngunit hindi sa paraang sinakop tayo, ngunit sa ugaling namana ng Pilipino mula sa
mananakop na mga ito(gahaman, sakim sa kapangyarihah)
Kailangan ko pang malaman na ang ibang pagpapaplawak sa kabanata.

Gawain sa pagkatuto
1

6
7
8

Week 4
PANIMULA
A. MAGBIGAY NG MGA IMPORMASYON HINGGIL SA IYONG NALALAMAN
SA MGA LARAWAN.
1. Mga bayani ng ating bansa.
2. Ang pang-aalipin, pang-iipit, at pang-aapi ng mga mananakop gamit ang
karahasan.
3. Kahirapan na dinaranas ng mga Pilipino dahil sa sistemang nagaganap sa
bansa (over-employment, poverty, hindi makapag-aral, atbp.)
4. Iba’t ibang sasakayang pang-transportasyon, apuntang ibang lugar o bansa
man.
5. Bagyo o kalamidad na kadalasan nararanasan ng bansa pagsapit ng
panahon ng tag-ulan.
6. Buwaya o ang pagsisimbolismo sa mga taong ganit at sa sistema ng
korupsyon.
B.
3- magbigay ng tatlong dati mo ng paagkakakilala kay Isagani bilang tauhan ng El
Filibusterismo
 Pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez.
 Kinilala ni Padre Fernandez ang kanyang katapangan at paninindigan ng siya’y
minsan nagpahayag ng damdamin ukol sa kahilingan ng mga mag-aaral sa
kanilang edukasyon
 Ang pagligtas niya kila Paulita at Juanito Pelaez mula sa kapahamakan.

2- ano ang dalawang bagay o imporamsyon ang nais mo pang malaman sa kaniya?
 Mga ibang kabutihan na kanyang ginawa sa nobela.
 Sino-sino pa ang kanyang mga natulungan.

1 – tanong na nais mong mabigyan pa ng sagot sa araling ito.


 Paano umiiral ang kabayanihan at karapatan sa nobela?

GAWAIN 2:
1. Ano-ano ang mga kaisipang namayani sa akda? Ilahad ang iyong sariling
paniniwala at pagpapahalaga ukol dito.
- Namayani sa mga kabanata ang kahalagahan at kabuluhan ng edukasyon at
pag-aaral. Sa aking pananaw, mahalaga ang edukasyon sa kalagayang
bansa, ang isang indibidwal na may mataas na pinag-aralan at ginagamit sa
kabutihan ang kaalaman ay hindi malabong kayang mapabago ang
kalagayan ng bansa. Malinaw natin nakita ang prinsipyo ni Basilio na
ipinaglaban ang karapatan ng mga Pilipino na makapag-aral dahil ito ang
huhubog magmomolde ng pagkakakilanlan ng indibiwal at kinabukasan ng
bansa.

2. Paano ipinakita ang kabuluhan ng edukasyon at kabayanihan batay sa mga


binasang kabanata?
- Ipinakita ang kabuluhan ng edukasyon at kabayanihan sa paraang
pagbibigay ng reyalisasyon sa’ting mambabasa na ang kailangan ng mataas
at kalidad na eduksayin ng mag-aaral upang mabigyan ng tamang
katarungan ngunit hindi ito naibibigay ng prayle. Halimbawa ng isang
sitwasyon mula sa nakaraang aralin na ang pagkakatalo ni Kabesang Tales
sa hukom at prayle dahil isa sa mga dahilan na ito’y ang kamangmangan nito
sa batas at sa iba pang aspeto ngunit hindi bulag ang moralidad nito bilang
Pilipino. Makikita rito ang implikasyon ng kahalagahan ng edukasyon sa
paraan ng pagkuha ng katarungan, malaki ang magiging “:impact” nito sa
paraang kung si Kabesng Tales ay may kaalaman sa batas, may sapat na
pinag-aralan sa wikang kastila ay malaki ang tyansa nito na manalo ngunit
malabo ito sa kalagayan o panahon ng kastila na kung saan ang katarungan
lamang ay nasa mayaman at nasa kapangyarihan. Samantala ang
kabayanihan ay ipinakita sa paraanang pagtulong-tulong nila na isulong ang
karapatan, pagmungkahi, at pagligtas sa mga tao noon ay nagkaroon ng
malaking epekto sa buhay ng mga tauhan at pati na rin sa mambabasang sa
reyalidad na mundo ay patuloy humihingi ng pantay na katarungan sa batas
at bansa.

3. Naipakita ba sa mga binasang kabanata ang kabayanihan at karuwagan ng


tauhang si Isigani? Patunayan.
- Oo, ang ipinakita ni Isigani ang kanyang kabayanihan at karuwagan sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng mga hinaing ng mga mag-aaral ukol sa
sitema ng edukasyon na pinamamalakaran ng mga prayle st pagpapairal ng
kanayang konsensya kung sakaling hinayaan lamang niya ang pagsabog sa
gitna ng piging

4. Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga


nangyayari at sa kaniyang bayan? Ipaliwanag.
- Para sa akin ay oo, mahalaganng magkaroon ng kamalayan ang isang
kabataan sa bayan sapagkat bilang siya’y magiging parte na rin ng
pagpapaunlad ng lipunan, hindi lang dapat umaasa ang kabataan sa mga
sumisigaw, marapat din na matuto tayong ipaglaban ang ating sarili at ang
bayan mula sa maling pamamalakad ng mga nakatataas sa bayan at sa
gawing natatapakan na an gating karapatang-pantao. Ang isang kabataan na
may pakielam sa bayan ay nagpapakita lamang ng kanyang pagiging
makabayan at naghahangad ng pantay at kapayapaan sa pagitan ng maga
taong mapribilehiyo at walang-wala. Gaya nga ng sinabi ni Jose Rizal na ang
‘kabataan ang pag-asa ng bayan’ ay siyang nagpapatunay na sasambitin din
natin ito sa susunod na henerasyon ng kabataan, sa kasalukuyang pnahaon
ang mga matatandang nagsasabi nito noon ay tumutukoy sa’ting kabataan
ngayon na kung saan lantaran na ang kanilang opinyon ukol sa
pamamalakad ng gobyerno at walang takot na ipaglaban ang mga naiipit sa
sitwasyon. Sa madaling pagpapaintindi, nakasalalay ang kinabukasan ng
bansa sa bawat henersyon ng kabataan na dumadaan na inaasahang mas
makakagawa sila ng mga bagay na mas magpapabuti sa kalagayan ng bansa
at ng mga tao.

5. Gaano kahalaga ang wika sa isang bayan?


- Sobrang halaga ng wika sa isang bayan, ito ang daan tungo sa
pagkakaintindihan ng mga tao at marapat natin itatak sa ating utak na ang
wika ang siyang puso ng bayan/bansa. Bukod dito, ang wika ang siyang
nagbibigay ng pagkakakilanlan ng bansa, kung wala tayong wika, paano natin
maiintindihan ang isa’t-isa tungo sa pagbabago ng bayan? Ang wika ang
siyang tumutulong sa atin na maipahayag ang nais natin sabihin sa tao at
lipunan, at kung tutuusin ang isang bansang may mataas na antas ng
literasidad ay maunlad. Ang wika rin ang siyang nagbubuklod sa atin mga tao
mapa-lokal man o internasyunal, kung kaya’t wala ito, ay magkakaroon ng
hindi pagkakaintindihan na siyiang maaaring maging ugat ng malaking giyera
o away ng bansa o tao.

6. Ano- anong suliraning panlipunan ang masasalamin sa mga binasang kabanata?


May pagkakatulad ba ito sa nangyayari sa ating bansa sa kasulukuyan?
Magbigay ng halimbawa at patunay.
- Ang pang-aabuso ng mga nasa itaas ng kanilang mga kapangyarihan. Ang
hustisya ay para lamang sa mga makapangyarihan. Patunay ito sa naging
pasya ni ginoong pasta na huwag na makielam sa usapin upang makaiwas
sa suliranin, na ang pahayag na rin ito ay maihahalintulad ko sa totoong
buhay, kagaya ng aking nabasa, totoong ang ligtas ang mga tahimik dahil sa
mga sumisigaw dahil ang mga tahimik ay ayaw masangkot sa anumang
suliranin sa oras sila ay magsalita na dala na rin ng takot. Halimbawa ang
pagiging utak talangka ng ibang Pilipino, bakit kaya nila bigyan ng pansin ang
mga naaapi sa ibang bansa kagaya ng rasismo na naganap noong pinatay
ang isang black-american ng isang white na pulis, ngunit kung tutuusin
marami na rin naganap dito sa ating bansa paukol sa diskriminasyon at
pagpatay, ngunit sila’y tahimik lang sa sarili nilang bansa. Hanggang kalian
sila magiging payaso sa sarili nilang bansa pero kung makangawa sa pantay
na pagtingin ay wagas ngunit sa oras na may nagaganap na karahasan ay
tahimik din sila?
7. Bilang isang kabataan paano ka makatutulong sa mga suliraning panlipunan na
kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan?
- Sa abot ng aking makakaya bilang isang kabataan, sa tingin ko’y maaari
akong makatulong sa paraang mas magkakaroon pa ako ng kamalayan sa
nagaganap sa ating bansa, pagsali sa mga adbokasiya na kung saan may
layunin ukol sa pagkakapantay-pantay gamit ang online at iba’t ibang
plataporma at maging isang botante ng bansa lalo na’t malapit na ang
eleksyon at isa itong malaking oportunidad na makapili ng bagong lider ng
bansa na hindi gumagamit ng karahasan upang pilitin ang mga mamamayan
gawin ang nais ng mga nakatataas sa gobyerno. Isa pa’t ang pagboto natin
ay pagguhit natin sa kapalaran ng bansa kung kaya’t ito lamang sa ngayon
bilang kabataan ang aking magagawa.

*gawain 3 ay sa susunod na pahina*

GAWAIN 3:
pagkakaiba ng mga kondisyon o kalagayan ng mga pasahero sa
KABANATA 2: SA ILALIM itaas ng bapor at baba. pinakalumutang din dito ang
NG KUBYERTA kahalagahan ng pagkakaroon ng paaraln o akademyang
magtuturo ng wikang kastila o kahalagahan ng edukasyon

Dito nagpahayag ng kani-kanialng damdamin sa kalalabasan


KABANATA 14: SA BAHAY
ng kanilang kahilingan sa pag-aaral ng wikang kastila at ang
NG MGA ESTUDYANTE pamamahal ng mga prayle sa mga paaralan.

KABANATA 15: SI ang pag-iwas ni Ginoong Pasta sa pakikialam sa usapin


GINOONG PASTA matapos lumapit upang magpatulong si Isigani

ang pagkadismaya ng mga mag-aaral sa akademya dahil


KABANATA 22: ANG PALABAS sa kabiguang mapapayag ni Pepay si Don Custodion
tungkol sa pag-aaral sa wikang Kastila.
sa katayuan ng mga Pilipino sa mga kamay ng mga
AT ANG PILIPINO prayle subalit itinanggi o sinalungat ito ng prayle

ang kabayanihan ni Isigani dahil sa lamparang may


KABANATA 35: ANG PIGING dinamita na dala ni Simoun na knayang itinapon sa ilog
upang hindi ito sumabog sa gitna ng piging

ang pakikinig lamang ni Isagani sa mga alingasngas tungkol sa


KABANATA 37: ANG HIWAGA nangyari sa piging.

PAGTATAYA:
1. D
2. B
3. E
4. A
5. C

PAGNINILAY:
Para sa akin, mahalaga ang aralin na ito dahil sa lahat ng aking natutunan sa aralin na
ito ay primarya kong natutunan ang kahalagahan ng edukasyon dahil una, nabuksan an
gating kaisipan na ang edukasyon ay isa sa mga susi upang makamit ang katarungan,
ang wika ay siyang nagpapabuklod sa mga tungo sa isang layunin, at
naimpluwensyahan din ako ng aralin na matuto tayong ipaglaban kung ano ang tama
para sa kabutihang panlahat. Naging mahalaga rin itong aralin sa akin dahil sa
katanuyan ang bawat kabanata o mga kaisipang lumulutang sa bawat kabanata ay
repleksyon ng kung ano nagaganap sa nakaraanat kahit sa kasalukuyang panahon na
kung saan kaakibat ng aral na ating natutunan dito’y magagamit upang mapabago ang
bansa bilang isang parte ng kabataan ng pag-asa ng bayan gaya ng sabi ni Dr. Jose
Rizal.

GAWAIN SA PAGKATUTO

3
4
5
6
7
8
Week 5

GAWAIN 1:
1. C
2. C
3. B
4. C
5. D

GAWAIN 3:

*ang sagot ay sa susunod na pahina.*


ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales sa mga hukom at prayle
KABANTA 4: SI ukol sa lupang inagaw sa kanya. lumutang ang kaisipan dito ang
KABESANG TALES hindi pantay na hustisya at katarungan sa pagitan ng dalawang
panig dahil mas pinapaburan ng hukom ang mga prayle

lumutang ang kaisipan sa kabantang ito ang panghuhusga ng mga


tao kay Basilio dahil sa kanyang ayos at walang sapat na
kaalaman ng siya'y nagnais na mag-aral ngunit hindi natanggap,
KABANTA 6: SI makikita ang pagiging matulungin ni Kapitan Tyago na siya
repleksyon ng reyalidad ng Pilipino na nagtutulungan. Isa pa'at
BASILIO ang pagnanais ng isang dominikanong guro noon ni Basilio na
magkamali ay patunay na ang mga kastila ay mga walanghiya
pagdating sa pantay na pagtingin noon dahil sa nais nila na sila
ang mag mukang ang biktima at ang Pilipino ang salarin.

lumutang ang kaisipan ng ideolohiya ng isang malaya o


pagpapalaya ng bansa. Walang halaga ang pagtitiis natin habang
nagtatamo ng karunungan sa pag-asang uunlad at makakalaya
KABANATA 7: SI tayo sa gawing ito. Dagdag pa rito'y ang isang wika ay
SIMOUN pagkakakilanlan ng bansa at pagkakait ng mga kastila na matuto
tayong magkastila ay nakabubuti sa atin dahil mapapanatli natin
na mahalin ang nsariling wika na kung saan simbolo ng isang
malayang bansa.

ang hindi pantay na pagtingin ng mga kaguruan sa mga mag-


aaral dahil sila ay may 'favoritism'. malinaw naipakita ito na
tinuturing si Placido Penitente na pilibustero dahil sa hindi siya
KABANATA 12: SI naniniwala sa mga kura at hindi marunong magsugal, samantala
ang pagiging paborito ng mga guro kay Juanito at Tadeo ay
PLACIDO PENITENTE nagpapakita ng pagiging pabor ng mga kastila sa ganitong
asal,samakatuwid ang kabutihan ng Pilipino ay siyang masama sa
tingin ng kastila, ang kasamaan o maligng kagawain n kastila ay
siyang tama sa paningin nila.

ang lahat ng gagawin ay ibatay sa katarungan at tunay na


katwiran. bulag ang mga taong tanging ginawa lamang ay
sumunod sa batas ng pamahalaan. Hindi maaaring makasama sa
KABANATA 15: SI tao kung ito'y sunud-sunuran lamang sa batas. Para saan ang
GINOONG PASTA pinag-araln at karunungan kung hindi gagamitin sa katwiran at
pantay na pagtingin sa lahat kung ang gagawin mo lamang ay
sumunod sa mga utos ng pamahalaan na kung saan hindi na
makatao at makatarungan.
GAWAIN 4:

1. Ipinaglalaban ng mga kabataan ang magtayo ng isang paaralang magtuturo sa


kanila ng wikang kastila.

B. GAWAING PANGKOMUNIDAD

2. Winika ni Simoun na habang pinangangalagaan ng mga mamamayan ang


sariling wika ay sinasaluduhan naman sila ng mga malalayang bansa.

D. PANGYAYARING PANDAIGDIG

3. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Tales ngunit hindi siya napagapi sa


lungkot.

A. KARANASANG PANSARILI

4. Nautusan si Pelaez ng mga paring Kasila na mangilak ng abuloy para sa


estatwang bato si Padre Baltazar.

B. GAWAING PANGKOMUNIDAD

5. “Katulad ko, may dapat ka ring singilin sa lipunan, pinaslang ang kapatid mo at di
nabigyan ng katarungan”

C.ISYUNG PAMBANSA

GAWAIN 4:
1. “ Ang anumang pagtulong sa pamahalaan ay dapat pahalagahan, lalo’t may
kinalaman ito sa anuman uri ng kaunlaran.”
- Sa ideyang inilahad, ang pagtulong natin sa pamahalaan ay magakakaroon
ng malaking epekto tungo sa kaunlaran ng bansa, tayong lahat, mamamayan
at gobyerno ay makikinabang dito. Isa pa’t makakamit ito sa paraang
mabisang paggamit ng mapagkukuhanang pantahanan ng gobyerno. Ngunit
nais ko rin idagdag na hindi magiging utang na loob ito sapagkat isang
responsibilidad ito ng pamahalaan, ang ating pagtulong ay kontribusyon
lamang sa kanilang serbisyo sa atin upang paunlarin ang bansa.
2. Kung pakasusuriin, sawang-sawang na ang lahat sa kamememorya at pakikinig
sa walang katapusang sermon tungkol sa paggalang, pagsunod at
pagpapakumba sa lahat ng nanunungkulan sa simbahan.
-ang pagkakasawa rin ng mga tao sa pakikinig ng sermon ay dahil hindi rin
naman natututo ang mga ito. Halimbawa paano rin matututo ang mga tao kung
ang mga prayle din ang siyang pasimuno minsan ng kamaliang kagawian,
nagpapakita ng pagiging payaso sa kanyang sermon at kilos bilang isang prayle.

3. Naging isang litanaya ng pakikipagsapalaran ang buhay ni Basilio sa magulong


lipunan. Sa dahilang pawing kasawian ang nararanasan niya sa bayang
sinilangan at nilakhan, napilitan siyan lumabas ng lunggang tinitirhan.
-napilitang umalis si Basilio sa lugar na kanyang nilakhan sa kadahilang puro
hindi magagandang nangyayari ang kanyang nakikita at naranasa, isa na rito
ang pagkamatay ng kanyang ina na Sisa at kapatid nitong si Crispin.

4. “at kung wika at wika rin lang naman pag-uusapan, nahihibang na ba kayo at
papangarapin ninyong salitain ang isang wikang hiram lamang?”
-nais ipahiwatig ditto at ang kaisipan ay hindi magandang tingnan sa ating bansa
na gamitin ang wikang banyaga sapagkat alam natin na ang wika ay siyang puso
at pagkakakilanlan ng bansa at ang paggamit ng wikang kastila ay siyang
pagbalewala natin sa sariling wika kalaunan, marapat na mahalin at
pahalagahan dahil ang wikang ating ginagamit ang isa sa mga nagpalaya sa
ating bansa noon.

5. Dapat isaisip ng pamahalaan na hinding-hindi nito madidiktahan ang kabataan


na magbusal ng bibig at magpiring ng mga mata sa tuwina.
- Samakatuwid na ang kabataan ay may sariling isip na kung saan hindi sila
tanga upang laging sumunod sa kagustuhan ng mga nakatataas lalo na kung
ang isang bagay ay hindi makatwiran at makatarungan. Sisigaw at sisigaw
ang kabataan at tao ukol sa kamalian ng gobyerno. Katulad ngayon, hindi na
mapipigilan ng mga pamahalaan at administrasyon na ito na patahimikin ang
mga maingay na nananawagan ng katarungan mula sa hindi pantay na
katarungang natatanggap ng mga mamamayan at kapulisan o nasa
kapangyarihan.

PAGTATAYA:
1. A
2. A
3. C
4. B
5. D
PAGNINILAY:
Nauunawaan ko na ang iba’t ibang kaisipang inilahad ng mga kabanata. Bawat
kabanatang tinalakay ay may malaking implikasyon sa mga usaping panlipunan at
maaari rin sa sariling aspeto. Nauunawaan ko rin kung paano tingnan ng kastila ang
kagawian ng mga Pilipino bilang para sa kanila’y mali ang ating mga kilos at ang
knailang kilos ay mas katanggap-tanggap upang makwalipika ka sa umiiral na
sistema ng sosyal-kultural noon. Isa pa’t natutunan ko rin ang ang ideolohiya nila
patungkol sa mapagpalayang bansa kaakibat ng paggamit ng sariling bansa na
kung saan siyang ating natatanging pagkakakilanlan natin na matatawag tayong
Pilipino sa kabila ng pananakop ng mga Kastila.Ilan lamang ito sa mga maraming
natutunan at naunawaan ko.
Napagtanto ko na kung gaano kahalaga ang wikang ginagamit natin na tagalog sa
pagpapakilanlan natin ng ating bansa, lalo na ito na lamang ang natitira nating
imahe na matatawag tayong Pilipino noong panahon ng kastila, at ito ang
pagpapahiwatig o pagpapakahulugan ni Simoun kung bakit tutol siya na matuto sila
magsalita ng kastila. Napagtanto ko rin kahalagahan ng karunungan at edukasyon
tungo sa kaunlaran at pagkamit ng katarungan katulad ng naipakita sa kabanata 15,
ang pagigigng sunud-sunuran lamang sa pamahalaan ay nagpapakita ng
kahangalan sa sariling bansa na kung saan hindi man lang natin magamit ang
karunungan upnag punahin at kamtin ang katarungang karapat-dapat din naman
natin tamasin. Napagtanto ko kung paano at gaano kalakas na sandata ang
edukasyon sa pagpapabago ng mundo at ng mga tao kung kaya’t madiin talagang
ipinamukha sa atin ng nobelang ito ang mga isyung kadalasan tumatalakay sa
edukasyon dahil nais ng may akda na tignan natin ang edukasyon bilang
mahalagang bagay na hindi pwedeng mawala sa tao dahil ito ang humuhubog sa
atin tungo sa ating kaganapan at parte ng lipunan at sa mga aral at reyalisasyon na
ito’y mas napupukaw an gating kaisipan na hindi ibig sabihin na mataas ang
pamahalaan o mga nasa kapangyarihan ay tama na, alalahanin natin na ang
edukasyon ang gumagamot sa ignoranteng tao at sa kamaliang pananaw at
nagtuturo ng makatwiran at tamang pagsasalamin ng isang ganap na mamamayan
ng bansa
Kailangan ko pang malaman na------wala na akong nais malaman, ngunit kung
mayroon man ay nais ko pa na mas mapalawak ang aralin ukol sa mga kabanatang
binasa upang tunay na manamnam ang nais ipahiwatig na aral.

Gawain sa pagkatuto

1
2

4
5
6
7
8

You might also like