Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pananaw ng mga mag-aaral sa unang taon na may kursong

kriminolohiya sa pagtaas ng matrikula sa Samar Colleges

Inc.

____________

Isang Panukalang Pananaliksik na iprepresenta sa

KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON

SAMAR COLLEGES, INC.

Catbalogan City, Samar

____________

Bilang pagtupad sa kahingian ng Asignaturang

Filipino 2 - 00485

(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

__________

Aneslagon, Jonathan C .

Bernaldo, Lorelyn C .

Cabatu-an, Eulanda Y .

Rebato, Christian Paul

Openiano, Daryl

Taong Panuruan 2022 – 2023


DEDIKASYON

Una sa lahat, maraming salamat sa Poong Maykapal na

siyang lumalang at nagbigay buhay sa amin, sa aming

mapagpayo at mapagmahal na mga magulang na siyang sumuporta

unang una sa moral at pinansyal. Sa pag-aaral na ito, aming

nabatid ang mga paghihirap at sakripisyo ng isang buhay

estudyante. Gayunpaman, aming natatamasa ang karunungan na

aming hinahangad, pagkagutom, pagod at puyat ay di alintana

matapos lamang nang mahusay at matiwasay ang aklat na ito

na nagbibigay inspirasyon upang mapagtagumpayan ang hamong

sinubok. Itong dedikasyon ay alay sa inyong lahat upang

magamit ninyo ang aklat na ito sa pagtupad ng inyong mga

pangangailangang may kaugnayan sa pag-aarala na ito.

Mga Mananaliksik
ABSTRAK

Ang biglaang pag taas nang matrikula sa paaralan nang

Samar Colleges Inc. ay nag bigay daan para mag karuon nang

ibat ibang pananaw ang mga mag aaral na nasa unang taon sa

kolehiyo sa kursong kriminolohiya. Sa pag aaral na ito ay

maaring maka kuha nang dalawang pananaw ang negatibo at

positibong pananaw sa nasabing isyu.

Sa pag-aaral na ito, binibigyang tuon ang ibat ibang

pananaw nang mga unang taon sa kolehiyo sa kursong

kriminolohiya sa Samar Colleges Inc. ukol sa pagtaas nang

matrikula sakanilang kursong gustong kunin.

Ang pag-aaral ay nabibilang sa penomenolohiyang

kwalitatibong pag-aaral na kung saan, binibigyang tuon ang

mga Pananaw ukol sa pagtaas nang matrikula. Sa pamamagitan

ng mga gabay na katanungan, makakapag kalap ng mga datos na

kakailanganin sa pag-aaral. Bibigyan ng pagpapakahulugan ng

mga mananaliksik ang mga magiging tugon ng bawat kalahok na

siyang gagawing batayan upang makabuo ng mga tema patungkol

sa pag-aaral.

Makatutulong ang pag-aaral na ito na mas ma unawaan pa

ang mga pananaw o opinyon nang mga mag aaral na nasa unang

taon nang kolehiyo tungkol sa pagtaas nang matrikula sa

kursong kriminolohiya sa paaralan ng Samar Colleges Inc.


TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT......................................... i

PASASALAMAT..................................... ii

DEDIKASYON...................................... iii

ABSTRAK......................................... iv

TALAAN NG NILALAMAN............................. v

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN.......................

TALAAN NG MGA PIGURA............................ xiii

KABANATA Pahina

1. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula .................................. 1

Paglalahad ng Suliranin ................... 3

Teoritikal na Balangkas.................... 4

Konseptwal na Balangkas.................... 6

Kahalagahan ng Pag-aaral................... 9

Saklaw at Delimitasyon .................... 10

Depinisyon ng mga Termino.................. 11

2. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Literatura...................... 14

Kaugnay na Pag-aaral....................... 16

3. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik.................... 20

Instrumenstasyon .......................... 20

Balidasyon ng Instrumento.................. 21

Paraan ng Pagkalap sa Bilang ng

mga Kalahok................................ 21

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos ....... 22

Istatistikal na Tritment ng Datos.......... 22


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Karamihan sa mga mag aaral ngayon sa kursong

kriminolohiya ay nag aalanganin kung kukunin ba nila ang

kurso o hindi dahil sa biglaang pag taas nang matrikula na

mula sa 12 libo kada semestre ay naging 16 libo kada

semestre na kung saan marami ang nag dalawang isip kung

sila ba ay tutuloy sa kursong ito o hindi pero kahit tumaas

ang matrikula sa kursong kriminolohiya sa Samar colleges

Inc. ay marami pading mga mag aaral na nasa unang taon ang

mag papatuloy dahil sa kanilang kagustohan na makapag tapos

sa kursong ito. Sa pamamagitan nang pananaliksik na ito ay

mabibigyang linaw kung ano ba ang ibat ibang pananaw nang

mga mag aaral na nasa unang taon nang kursong kriminolohiya

ukol sa pagtaas nang matrikula sa paaralang Samar colleges

Inc.

May saysay ang pagsusukat sa gastos ng edukasyon upang

matantiya ang kinakailangang yaman ng mga pamilya at ng

pamahalaan sa pagpopondo ng lalong mataas na edukasyon.

Sinuri ang normatibong pagpopondo bilang pamantayan sa

alokasyon ng pondo sa mga pampublikong pamantasan at

kolehiyo. Nagbalik tanaw sa mga pag-aaral sa pagsusukat ng

gastos sa edukasyon sa loob at labas ng bansa. Dahil sa

hirap ng paglikom ng datos nagpanukala ng isang modelo ng

pagsukat sa gastos ng edukasyon batay sa konsepto ng

pangkaraniwang guro. Ayon sa mga tinantiyang sukat mula sa

modelong binalangkas, ang gastos bawat yunit ay halos

kapantay ng tuition na sinisingil ng mga pribadong


pamantasan at kolehiyo. Samantala, sa mga pampublikong

institusyon, ang binabayarang tuition ng mga estudyante ay

maliit na proporsyon lamang ng gastos na pinopondohan ng

pamahalaan. May pagkakataon na mas mahal ang pampublikong

pamantasan kaysa pribadong institusyon. Dahil dito dapat

pag-isipan ng pamahalaan ang mga alternatibo sa tuwirang

pagpapatakbo ng mga pampublikong pamantasan at kolehiyo sa

harap ng pagiging episyente ng mga pribadong pamantasan at

kolehiyo. (Tullao s.,Dela Croce V., August 2015) at base

rin sa isang literatura na nagsasabing Nakakaalarma ang

balitang mahigit 300 kolehiyo at unibersidad sa bansa ang

nais na namang magtaas ng matrikula sa darating na

schoolyear. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED),

ilan sa mga paaralang ito ay humihiling na payagan silang

magpatupad ng 12-15 porsi-yentong tuition fee hike.

Maraming magulang ang lubhang nahihirapan sa pagtataguyod

ng pag-aaral ng kanilang mga anak laluna sa harap ng

patuloy na pagtaas ng mga matrikula at iba pang gastusin sa

edukasyon. Dahil dito ay maraming kabataan ang napipilitang

tumigil sa pag-aaral, habang ang iba ay talagang ni hindi

na nakatutuntong ng kolehiyo. Kaugnay nito, inihain ni

Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang

panukalang Free Public College Education System (Senate

Bill 447). Ang mga nakalinyang kurso sa ilalim ng panukala

ay Liberal Arts, Education, Economics, Psychology,

Sociology, Political Science, Business Management and

Administration, Accounting, Humanities, Philosophy at

Literature.(Estrada, March 2013)

Ang pag aaral na ito ay nag lalayong mabigyang

linaw ang mga pananaw nang bawat mag aaral sa unang

baitang nang kolehiyo sa kursong kriminolohiya ukol sa


pagtaas nang matrikula. Mag sisimula sa taong 2022 at

magtatapos sa taong 2023

Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang

Pananaw ng mga mag-aaral sa unang taon na may kursong

kriminolohiya sa pagtaas ng matrikula sa Samar College. Sa

taong 2022-2023 Ito ay Partikular na naglalayong sagutin

ang mga sumusunod na katanungan

1. Ano ang profayl ng mga studyanteng Respondente na

1.1 Pangalan

1.2 Edad

1.3 Trabaho nang magulang

1.4 buwanang kita nang pamilya.

2. Ano ba ang ibat ibang pananaw sa pagtaas ng

matrikula sa kursong kriminoloheya sa paaralang Samar

Colleges Inc.

3. Ano ano ba ang mga epekto nito sa mga mag aaral na nasa

unang unang taon nang kursong kriminolohiya.

Batayang Teoritikal

Ang pananaliksik na ito ay higit na may kaugnayan sa isa sa


mga teoryang

Kahalagahan ng pag-aaral
Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

mag-aaral na mabigyang boses ang kanilang mga hinaing,

opinyon at pananaw nila sa nasasabing isyu.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro

na pahalagahan at mag karuon nang kaalaman sa kalagayan

nang kanilang mag studyante.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay

makapagbibigay ng ideya sa mga mananaliksik sa kasalukuyan

na magkaroon ng sandigan sa kanilang pag-aaral. Ito ay

magsisilbing gabay para sa hakbangin sa pananaliksik na

kanilang isasagawa. Maaari nilang isaliksik ang mga salik

na kaugnay sa aming pananaliksik na hindi namin pinagtuunan

sa pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral.

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay tungkol sa mga Pananaw

nang mga unang taon sa kolehiyo sa kursong kriminolohiya

tungkol sa pag taas nang matrikula na nangangailangan ng

masigasig na pangangalap ng mga impormasyon at datos upang

mapagtuunan ang mga pananaw ng mga respondent sa paksang

pinag-aaralan. Kakapaloobin ng pag-aaral na ito ang

kaibahan ng mga propayl ng bawat respondente sa isa’t-isa

at ang kaugnayan ng mga ito sa pananaw nila sa biglaang

pagtaas nang matrikula sa kursong kriminolohiya. Ang pag-

aaral na ito ay tutugon sa mga Mag Aaral ng Catbalogan,

Samar sa taong 2022 – 2023.


KABANATA 2

REBYU SA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ang biglaang pag taas nang matrikula ay nag karuon

nang maraming epekto hindi lang sa mag aaral kundi pati

narin sa mga magulang nila. Ang biglaang pag taas nang

matrikula ay naka akit nang maraming pananaw at opinyon na

nag kagaya nalang nang isa opinyon ni(Estrada, March 2013)

na nag sasabing at base rin sa isang literatura na

nagsasabing Nakakaalarma ang balitang mahigit 300 kolehiyo

at unibersidad sa bansa ang nais na namang magtaas ng

matrikula sa darating na schoolyear. Ayon sa Commission on

Higher Education (CHED), ilan sa mga paaralang ito ay

humihiling na payagan silang magpatupad ng 12-15 porsi-

yentong tuition fee hike. Maraming magulang ang lubhang

nahihirapan sa pagtataguyod ng pag-aaral ng kanilang mga

anak laluna sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga matrikula

at iba pang gastusin sa edukasyon. Dahil dito ay maraming

kabataan ang napipilitang tumigil sa pag-aaral, habang ang

iba ay talagang ni hindi na nakatutuntong ng kolehiyo.

Kaugnay nito, inihain ni Senate President Pro Tempore

Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang Free Public College

Education System (Senate Bill 447). Ang mga nakalinyang

kurso sa ilalim ng panukala ay Liberal Arts, Education,

Economics, Psychology, Sociology, Political Science,

Business Management and Administration, Accounting,

Humanities, Philosophy at Literature.

Nung nakaraang taon sa kalagitnaan nang pandemya ay

mas lalo itong tumaas na mas nakapg bigay nang mas malaking
promblema sa mga mag aaral at magulang dahil sa hirap nang

buhay nuong pandemya na sinabayan nang pag taas nang

matrikula ayun sa literatura na isinulat nina (Nuncio at

Romero, December 2021) Sa naging panayam ng Ang Pahayagang

Plaridel(APP), ibinahagi ng ilang estudyante ng DLSU ang

kanilang saloobin ukol sa kasalukuyanghalaga ng matrikula

sa Pamantasan. Ayon kay Raphael Garcia, ID 120 ng kursong

AB Political Science at BS Accountancy, hindi makatarungan

ang kasalukuyang matrikula ng Pamantasan dahil patuloy pa

ring nakararanas ng aberya ang mga estudyante, lalo na sa

proseso ng enrollment. Para naman kay Lauren delos Angeles,

ID 120 ng kursong BS Psychology, maaari pang bawasan ng

administrasyon ang kasalukuyang halaga ng matrikula dahil

hindi lubusang nagagamit ang mga pasilidad at pribilehiyo

sa online na set up. Kaugnay nito, inihayag din ng mga

estudyante ang kanilang pananaw hinggil sa halaga ng

miscellaneous na bayarin at sa mga kaakibat nitong

benepisyo para sa mga Lasalyano. Inilahad ni Shane Reyes,

ID 120 ng kursong AB Psychology at BS Finance, na hindi ito

angkop dahil hindi nagagamit ang kabuuan ng miscellaneous

fees sa loob ng isang termino. Inihalimbawa niya ang mga

aspektong nakapaloob dito, tulad ng medical, dental, at

energy fee.

Dahil sa kagustuhang mapamura ang matrikula ay nag

sulong sila nang diskwento para sa matrikula nang nang mga

mag aaral ayon iso artikulo na nakasulat sa (IBOS, 2021)Ang

mga mag-aaral sa kolehiyo at mga magulang, bilang tugon sa

pandemyang COVID-19 na nakakagambala sa karanasan sa

kolehiyo, ay nagsusulong ng mga diskwento sa matrikula.

Matapos ipahayag ng Princeton University ang isang 10%

across-the-board na diskwento sa tuition sa lahat ng


estudyante nito mas maaga ngayong tag-init, Williams

College, Georgetown University, at iba pa sinunod.

Halimbawa, kung ang taunang tuition ay ,000, kakalkulahin

ng unibersidad kung ano ang maaaring bayaran ng pamilya ng

bawat mag-aaral at pagkatapos ay susubukang gawin ang

pagkakaiba sa tulong. Ang isang mag-aaral mula sa isang

pamilya na kumikita ng 0,000 sa isang taon ay maaaring

ituring na makakapag-ambag ng ,000 sa isang taon para sa

matrikula. Sa mga kolehiyo na may sapat na mapagkukunan,

ang natitirang ,000 ay tutulungan sa pamamagitan ng mga

gawad at pederal na pag-aaral sa trabaho. Sa maraming mga

paaralan, gayunpaman, ang pakete ng tulong pinansyal ay

kinabibilangan din ng mga pederal na pautang sa mag-aaral o

kahit na mga pautang na kukunin ng mga magulang. Dahil sa

mga epekto sa ekonomiya ng mga pagsasara ng COVID-19,

maaaring mukhang makatwiran na bawasan ang matrikula ng 10%

o higit pa, ngunit ito ay magbabalik. Dahil mas mababa ang

sahod ng mga pamilyang may kaya, magkakaroon ng mas

kaunting kita ang kolehiyo upang muling ipamahagi bilang

tulong sa hinaharap sa mga nahihirapan sa pananalapi.

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nauuri sa Penomenolohiyang

Kwalitatibong disenyo at pamamaraan na kung saan

binibigyang tuon ang pag-aaral sa pananaw ng mga


respondente ukol sa Pagtaas nang matrikula sa kursong

kriminolohiya sa paaralang Samar Colleges Inc. Sa

pamamagitan nito nalikom ang mga datos gamit ang mga

karanasang binigyang pagpapakahulugan na karaniwang

nangyayari sa lipunan.

Ang pag-aaral ay isang penomenolohiyang

kwalitatibong disenyo at pamamaraan dahil binibigyang

tuon rito ang pananaw ng mga kalahok na siyang magiging

basehan upang matukoy nang lubos ang inaasahang tugon sa

pag-aaral.

Instrumentasyon

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng pakikipanayam

bilang instrumento sa pangangalap ng mga datos na

kakailanganin sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga gabay na

katanungan, maisasakatuparan nang lubos ang pakikipanayam.

Dahil sa buong-buo ang mga katanungan, madaliang

ipamamahagi sa mga kalahok ang mga instrumento at bibigyan

sila ng sapat na oras para sagutan ang mga katanungan.

Kasama sa instrumento na ito ang mga propayl ng bawat

respondente tulad ng pangalan, edad, trabaho ng magulang at

buwanang kita nang pamilya.

Balidasyon ng mga Instrumento

Magiging katanggap-tanggap ang instrumento sa

pamamagitan ng pagapapasuri sa mga nabuong katanungan ng

mga mananaliksik sa mga eksperto. Bibigyang suhestyon ng

bawat eksperto ang mga katanungang iprepresenta ng mga


mananaliksik at aayusin ang mga ito hanggang sa maging

balido.

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng mabusising

pangangalap ng mga datos upang matugunan ang mga

pangangailangan sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng

pakikipanayam, maibabahagi ng mga kalahok ang kanilang

Pananaw ng mga mag-aaral sa unang taon na may kursong

kriminolohiya sa pagtaas ng matrikula sa Samar College Inc.

Upang mas mapadali ang pagkalap ng mga datos, ipapamahagi

nalang ng mga mananaliksik ang mga gabay na katanungan sa

mga kalahok at binigyan sila ng sapat na oras para makapag-

isip at tugunan ang mga katanungan. Ang paglalarawan ng mga

respondente sa kanilang karanasan ay lubos na makakatulong

upang maging matagumpay ang pag-aaral.

Mangangalap din ang mga mananaliksik ng mga

impormasyon mula sa mga aklat na may kaugnayan sa paggamit

ng wika at mas mapapalawig pa nila ito sa pamamagitan ng

paghahanap ng mga impormasyon mula sa internet o social

media.

Etikal na Konsiderasyon

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng etikal na

konsiderasyon: Una sa gagamiting mga ideya, tutukuyin sa

pagsasagawa ng pag-aaral kung sino ang orihinal na may akda

nito. Ikalawa, para sa mga respondente; ang kanilang

pagkakakilanlan ay mananatiling kumpidensiyal at ang

impormasyon na makakalap mula sa kanila ay gagamitin para

sa larangan ng edukasyon at sa pagkamit ng layunin ng

pananaliksik na ito lamang. Ang pakikilahok sa pag-aaral na


ito ay magiging boluntaryo at sila ay may karapatan na

umatras sa anumang oras kahit na hindi magbigay ng dahilan.

You might also like