Las 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Senior High School

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII - Central Visayas
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
PAJO NATIONAL HIGH SCHOOL

Learning Activity Sheet (LAS)

Pagbasa at pagsusuri ng iba’t-


ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik

1. Tekstong Impormatibo

Baitang: Grade 11
Core Subject: Pagbasa at pagsusuri ng iba’t-ibang
teksto tungo sa pananaliksik
Kwarter: 3

MODYUL 1 (LINGGO 1)
Marso 22-26, 2022

1
TEKSTONG IMPORMATIBO

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa


F11PB-111a-98
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
tekstong binasa.
F11PT-IIIa-88

II. Konseptong Pangkaisipan

Alam mo ba?

Ang TEKSTONG IMPORMATIBO ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay


naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan,
gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.Di tulad ng ibang uri ng
teksto ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa
kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin
ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. LAYUNIN NG MAY-AKDA
Maaring magkakaiba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong
impormatibo.Maaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa sa isang paksa ;
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa
ating mundo; masaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto,
hayop, at iba pang nabuhuhay; at iba pa.Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing
kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.

2. PANGUNAHING IDEYA
Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari
upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo
naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.Nagagawa ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi – tinatawag din itong organizational
markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin.

3. PANTULONG NA KAISIPAN

2
Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye upang
makatulong na makabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG MAGTATAMPOK SA
MGA BAGAY NA BIBIGYANG-DIIN
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa
binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitang /sangguniang
magbibigay-diin sa mahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
a.) Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon- makatulong ang paggamit ng mga larawan,
guhit dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-
unawa ng mga mambabasa.
b.) Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto- nagagamit dito ang mga estilong tulad ng
pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na
madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
c.) Pagsulat ng mga talasanggunnian- karaniwang inilagay ng mga manunulat ng tekstong
impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginagamit upang higit na
mabigyang diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan -Sa uring ito ng tekstong
impormatibo inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon.Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng
manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o
maari ding hindi direktang nasaksikan ng manunulat kundi mula sa katotohanang
nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad naman ng sulating pangkasaysayan o
historical account.

Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang


panimula o introduksiyon. Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang
pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kailan, at paano
nangyari ang inilahad. • Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman
katawan, at karaniwang nagtatapos sa kongklusyon.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon - Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman


o imormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangayayri sa paligid. Ang ilang halimbawa ay mga
paksang kaugnay ng teknolihiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na
malapit nang maubos. Ang pagsulat ng ganitong uring teksto ay nangangailangan ng
masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay
naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na
pananaw o opinyon ng manunulat.

3
3. Pagpapaliwanag - Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag
kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng
mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa
sa ganitong kalagayan. Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawang, dayagram, o
flowchart na may kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng
mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
Iba’t ibang Uri ng Tekstong Impormatibo
Mayroong iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo batay sa kung ano ang estraktura ng
pagkakalahad nito. Ito ay maaring maglahad ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay
ng depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon.
Sanhi at bunga
Uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari. Nagpapakita ito
ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang
naging resulta nito (bunga). Ito ay nagpapaliwanag sa kung paano nakaapekto ang mga
pangyayari sa nakaraan sa mga kaganapan sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Paghahambing
Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay,
konsepto, at maging pangyayari.
Pagbibigay ng depinisyon
Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng
isang salita, terminolohiya, o konsepto.
Paglilista ng Klasipikasyon
Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t ibang kategorya upang magkaroon
ng sistema ang talakayan. Sa uring ito ng teksto, ang manunulat ay nag-uumpisa sa
paglalahad ng kahulugan ng paksa sa pangkalahatan, pagkatapos ay hahatiin ito batay sa uri o
klasipikasyon nito.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII - Central Visayas
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
PAJO NATIONAL HIGH SCHOOL

Asignatura: __________________________Baitang:
____________________
Kwarter: ____________________________Linggo:
_____________________
Pangalan: ___________________________Baitang / Istrand : ___________ Skor:_________
Pangalan ng magulang at lagda: ______________________Petsa ng pagsumite:___________

III. MGA GAWAIN


A. GAWAIN 1:
PANUTO: Bigyang-kahulugan ang salitang Cyber Bullying sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga kaugnayan na salita, parirala at pangungusap dito gamit ang word
network. Isulat lang sa kahon ang inyong mga sagot.

SALITA: _____________

Cyber PARIRALA: _________________________________


bullying
PANGUNGUSAP: ____________________________
____________________________________________
____________________________________________.

B. GAWAIN 2
PANUTO: Basahin at tukuyin kung anong uri ng tekstong impormatibo ang bawat
bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Ang istetoskowp ay isang uri ng instrumentong pangmedisina upang


1.
pakinggan ang daloy ng hangin sa baga at gayundin ang tibok ng puso ng
may karamdaman. Kalimitang ginagamit ito ng mga doktor sa medisina
at mga nars sa ospital. Napakahalagang instrumento ito ng mga
tagapangalaga ng kalusugan ng sangkatauhan.

Sagot: _________________________________.

2. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod: CPU o


central processing unit, monitor, mouse, keyboard at AVR o automatic
voltage regulator. Ang mga opsyunal na bahagi nito ay ang printer at
scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang mga kagamitang ito.

5
Sagot:_________________________________.

Ang dalawang uri pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal at
3. parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa presidensyal ay tinatawag na
Pangulo, samantalang ang sa parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister.
Gayunpaman, parehong demokrasya ang pinaiiral na dalawang uri ng pamahalaan. Ang
Karapatan ng mamamayan, kapayapaan at hustisya ay pinangangalagaan din sa
dalawang anyo ng pamahalaan.

Sagot: ___________________________________________.

Tumaas ang presyo ng lahat ng bilihin ngayong taon. Dahil kasi ito ng pagtaas ng
4. dagdag na buwis ng ipinataw ng pamahalaan sa lahat ng mga bilihin.

Sagot: __________________________________________.

Napakataas na presyo ng bilihin sa panahong ito. Kulang na ang badyet sa pang-araw-


5. araw dahil naman tumaas ang sweldo o kinikita. Ang dating napagkakasyang salapi sa
isang araw ay hindi na sapat kaya kailangang magdagdag. Dahil dito, magtipid ang
buong mag-anak. Kung hindi naman kinakailangan ang isang bagay ay huwag nang
ilaan ang pera rito bagkus itabi ito upang makapag-impok. Sakaling may biglaang
pangangailangan ay may madudukot na salapi.

Sagot: __________________________________________.

C. GAWAIN 3:
PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Tuklasin ang mahahalagang kaisipan at
impormasyon na nakapaloob dito at pagkatapos sagutan ang mga sumusnod na katanungan
nasa ibaba.

MANILA, Philippines - Pinamamadali nina Buhay party-list Reps. Irwin Tieng at


Mariano Michael Velarde ang pagpasa ng panukalang cyber bullying upang matugunan ang
lumalang problema na may kinalaman sa internet at mga social networking sites.
Sinabi nina Tieng at Velarde, dapat madaliin ng Kamara ang pagpapasa ng House Bill
6116 dahil na rin sa mabilis na development ng information and communication technologies
na bagong uri ng pang lipunang sakit na mabilis na kumakalat o mas kilala sa tawag na cyber
bullying.
Sa pamamagitan lamang umano ng paggamit ng cellphones at social networking sites
ay nakakapaglagay na ng hindi magagandang komento sa mga litrato na nakikita ng publiko.
Paliwanag ng mga mambabatas, ang “cyber bullying attacks” ay mas masakit dahil
hindi kaagad ito nabubura sa internet kayat napapaaway ang mga biktima ng ilang buwan o
halos taon na. ARALIN 1.
Ang cyber bullying ay pagkakasangkot ng isang indibidwal sa pagmamalupit sa
pamamagitan ng paggamit ng internet o iba pang digital technologies at paulit-ulit na
pagpapadala ng mga nakakahiya, pambabastos, malalaswa, pang iinsultong mensahe at
pananakot sa biktima.

6
Gawin Mo

1. Ano ang layunin at intensyon ng may-akda sa kabuuan ng teksto?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
2. Sa iyong palagay ano ang malaking epekto ng cyber bullying sa mga kabataan ngayon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Batayan Kaukulan Marka


g Marka
Nagpakita ng Malalim na Pagsusuri sa teksto 5
Nasusuri ang nilalaman, intensiyon at impresyon ng teksto 5
Maayos ang Sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi ng 10
papel
kabuuan 20

IV. REPLEKYON (3- 5 Pangungusap)

Ang mga natutunan ko ay ____________________________________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

7
V. SANGGUNIAN
Leonor C. Reyes et. al., “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kuwarter 3-Modyul 1 Tekstong Impormatibo” Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-
Dibisiyon ng Cagayan de Oro City.2020

Inihanda ni:
JENNIFER P. GONZAGA
Teacher II

Iniwasto ni:
CHRISTINE RAMIREZ
MT I – SCIENCE

8
MODYUL 1 – PAGBASA AT PAGSUSURI
SUSI NG PAGWAWASTO

GAWAIN 1.(5PTS)

SALITA: 1PUNTOS
PARIRALA: 1PUNTOS
PANGUNGUSAP: 3

GAWAIN 2.(5PTS)
1. Pagbibigay depinisyon
2. Pag-iisa-isa
3. Paghahambing
4. Sanhi at bunga
5. Suliranin at solusyon
GAWAIN 3. (20PTS)

Batayan Kaukulan Marka


g Marka
Nagpakita ng Malalim na Pagsusuri sa teksto 2
Nasusuri ang nilalaman, intensiyon at impresyon ng teksto 3
Maayos ang Sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi ng 5
papel
kabuuan 10

REPLEKSYON
5PTS.

You might also like