Kabanata 11

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 11

(SA HONG KONG AT MACAO, 1888)

Tinutugis ng mga makapangyarihang kaaway, napilitan si Rizal na umalis sa bansa sa


pangalawang pagkakataon noong pebrero 1888. Noo’y isa na siyang ganap na lalaki sa edad na 27,
isa nang manggagamot at kinikilalang manunulat. Nanguna siyang mangibang bayan noong Hunyo
1882, batam-bata siya sa edad na 21, isang estudyanteng naghahanap ng dunong sa Matandang
Daigdig, romantikong idealista na punung-puno ng mga magagndang pangarap na maiahon ang mga
kababayan ula sa pagkaalipin sa bisa ng kaniyang makapangyarihang panulat. Ngunit nagbago na
ang panahon. Si Rizal, sa edad na 27, ay bikyima na ng di-pagkapantay-pantay, bigos a mga
pangarap, at di nagtagumpay sa pagbabagong ninananis.

Ang Biyahe sa Hong Kong


Noong Pebrero 03, 1888, pagkaraan ng anim na buwan sa pinakamamahal na Calamba, nilisan
ni Rizal ang Maynila Ptungong Hong Kong lulan ng Zafiro. May sakit siya noon at nalulungkot habang
tinatawid ang maalon na Dagat Tsina. Hindi siya nakababa sa barko nang sandalling tumigil ito sa
Amoy noong Pebrero 7. Dahil ito sa mga sumusunod: (1) hindi mabuti ang kaniyang pakiramdam, (2)
malakas ang ulan noon, at (3) narining niyang marumi ang lungsod. Dumating siya sa Hong Kong
noong Pebrero 8.
Habang nasa Hong Kong, na isang kolonya ng Britanya, sumulat si Rizal kay Blumentritt noong
Pebrero 16, 1888, para ipahayag ang kapaitang nararamdaman niya sa buhay. Ito ay nilalaman ng
kanyang liham.
Sa wakas ay malaya na akong makpagsusulat. Sa wakas ay maipapahayag ko ang
aking mga nasasaisip nang walang pangamba sa sensura ng pinuno! Pinilit nila akong lisanin
ang aking bansa. Kahit may karamdaman ay umalis ako ng bahay.
Mahal na Blumentritt, wala kang ideya sa aking maliit na kinasapitan. Kung hindi sa
tulong ng aking kaibigang si Tenyente Taviel de Andrade, ano ang aking kahihitnatnan? Kung
walang simpatya ng Gobernador Heneral, ang mga director ng administrasyong sibil at
pamahalaang sibil, maaaring nasa kulungan na ako.
Lahat ng opisyal at arsobispo ay araw-araw na nagtutungo sa Gobernador Heneral para
ireklamo ako. Ang Syndic ng mga Dominico ay sumulat ng pagsasakdal sa alcalde sa gabi’y
nakikita nila akong lihim na nakikipagpulong sa kalalakihan at kababaihan sa tuktok ng burol.
Totoong naglalakad ako sa may burol sa madaling-araw na kasama ang ilang lalaki, babae at
bata dahil nais lamang naming madama ang lamig ng umaga, ngunit lagi naman naming
kasama ang teniente ng Guardia Civiles na marunong ng Tagalog. Sino ang
makikipagsabwatan ng mga lihim na sesyon sa isang lugar na lantad at kasama pa ang mga
babae at bata? Hinayaan kong makarating sa Gobernador Heneral ang mga akusasyon ng
makita niya kung anong klaseng mga kaaway ang mayroon ako.
Ang aking mga kababayan ang nagbigay sa akin ng pera para lisanin ang bansa.
Hiniling nil ana gawin ko ito di lamang para sa aking sariling interes, kundi para na rin sa
kanila, dahil marami akong kaibigan at kakilala na maaaring makasama ko sa deportasyon sa
Balabag o Marianas Island. Kaya kahit may sakit, biglaan akong nagpaalam sa aking pamilya.
Babalik ako sa Europa sa daang pa-Japan at Estados Unidos. Magkikita tayong muli. Marami
akong nais sabihin sa iyo.

Sa Hong Kong, tumuloy si Rizal sa Otel Victoria. Malugod siyang sinalubong ng mga Pilipinong
residente, kabilang na sina Jose Maria Basa, Balbino Mauricio, at Manuel Yriarte (anak ni Francisco
Yriarte, alkalder mayor ng Laguna).
Isang Espanyol, Si Jose Sainz de Varanda, na dating kalihim ni Gobernador Heneral Terrero,
ay naniktik kay Rizal habang ito’y nasa Hong Kong. Pinaniniwalaang kinomisyon siya ng mga
awtoridad na Espanyol para subaybayan si Rizal.
“Ang Hong Kong”, isinulat ni Rizal Kay Blumetritt noong Pebrero 16, 1888, “ay maliit ngunit
napakalinis na lungsod. Maraming Portuges, Hindu, Ingles, Tsino, at Hudyong naninirahan dito. May
mga Pilipino rito, na ang karamihan ay naipatapon sa Marianas islands noong 1872. Sila’y mahihirap,
mababait, at mahiyain. Sila’y dating mayayamang mekaniko, industriyalista, at namumuhunan”.

Pagbisita sa Macao
Noong Pebrero 18, si Rizal, na sinamahan ni Basa, ay lulan ng barkong Kiu-Kiang patungong
Macao. Nagulat siya ng makita rito ang isang pamilyar na lalaki – si Sainz de Varanda.
Ang Macao ay isang kolonyang Portuges na malapit sa Hong Kong. “Ang lungsod ng Macao”,
isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan, “ay maliit, mababa, at malungkot. Marami itong junk,
sampan, at kakaunting barko. Mukha itong malungkot at tila patay na”.
Sa Macao, sina Rizal at Basa ay tumuloy sa tahanan ni Don Juan Francisco Lecaros, Pilipinong
kasal sa Portuges. Mayaman siya at inilalaan niya ang kanyang panahon sa pagtatanim ng iba’t ibang
halaman, kasama na ang mga bulaklak, na karamiha’y mula pa sa Pilipinas.
Sa dalwang araw niya sa Macao, binisita ni Rizal ang teatro, kasino, katedral, simbahan,
pagoda, harding botanikal, at basar. Nakita rin niya ang bantog na Groto ni Camoens, pambansang
makata ng Portugal. Noong gabi ng Pebrero 19, Nakita niya ang isang prusisyong Katoliko, kung saan
ang mga deboto ay nakasuot ng damit na asul at lila na may hawak-hawak na kandilang walang
sindi.
Noong Pebrero 20, Bumalik si Rizal at Basa sa Hong Kong, muli’y lulan ng Kiu Kiang.

Mga Karanasan sa Hong Kong


Sa dalawang linggong agbisita sa Hong Kong, pinag-aralan ni Rizal ang pamamaraan ng
buhay, wika, drama, at kaugalian ng mga Tsino. Isinulat niya ang mga sumusunod na karanasan sa
kanyang talaarawan:
1. Maingay na selebrasyon ng Bagong Taon ng mga Tsino na nangyari mula ika-11 ng Pebrero
(Sabado) hanggang ika-13 (Lunes). Walang tigil na pagpapaputok ng mga kuwitis. Ang mga
mas mayaman ay mas maraming ipinapaputok na kuwitis. Si Rizal mismo’y maraming
pinaputok na kuwitis mula sa bintana ng kanyang otel.
2. Mingay na teatrong Tsino, na may maingay na manonood at maingay na musika. Sa sining
pandrama ng mga Tsino, natuklasan ni Rizal ang mga sumusunod: (1) lalaking tila nakasakay
sa isang patpat ay nangangahulugan ng lalaking nangangabayo, (2) aktor na nagtataas ng
binti ay nangangahulugang pumapasok siya sa bahay, (3) ang pulang damit ay tanda ng
kasal, (4) ang babaing ikakasal ay nahihiyang nagtatakip ng abaniko sa kanyang mukha kahit
sa harap ng kanyang kasintahan, at (5) lalaking may hawak na panghagupit ay
nangangahulugang sasakay na siya ng kabayo.
3. Ang salu-salong lauriat, kung saan ang mga panauhin ay pinagsisilbihan ng iba’t ibang putahe
ng pagkain, gaya ng pinatuyong prutas, gansa, hipon, century egg, palikpik ng ating, pugad
ng ibon, putting bibe, manok na nilagyan ng suka, ulo ng isda, litson, tsaa, atbp. Ang
pinakamahabang kainan sa buong mundo.
4. Ang Ordeng Dominiko ang pinakamayamang ordeng panrelihiyon sa Hong Kong. Marami itong
negosyo. Nagmamay-ari ito ng mahigit 700 bahay na paupahan at marami itong sosyosa mga
dayuhang bangko. Mayroon itong milyun-milyong dolyares na nakadeposito sa mga bangko at
gumagana ito ng malaking interes.
5. Sa mga sementeryo sa Hong Kong na sa mga Protestante, Katoliko, at Muslim, yaong sa mga
Protestante ang piknakamaganda dahil maayos at inaalagaan ang mga halaman dito at malinis
ang mga daanan. Ang sementeryo ng mga Katoliko ang pinakamagarbo dahil sa marangya at
mamahaling musoleo at marangyang pag-ukit ng mga sepulkro. Payak ang mga sementeryo
ng mga Muslim, na tanging maliit ng moske at puntod na may nakasulat na inskripsyong
Arabe ang makikita rito.
Paglisan sa Hong Kong
Noong pebrero 22, 1888, nilisan ni Rizal ang Hong Kong lulan ang Oceanic, barko ng Estados
Unidos. Ang kanyang destinasyon ay Japan. Hindi niya nagustuhan ang pagkain sa barko ngunit
nagustuhan niya ang barko dahil malinis ito at mahusay ang pamamahala rito. Ang kanyang kasama
sa kamarote ay isang Ingles na Protestanteng misyonero na naninirahan sa Tsina ng 27 taon at
marunong ng wikang Tsino. Tinawag siya ni Rizal na “mabuting tao”.
Ang ilang pasaherong kinausap ni Rizal sa kani-kanilang wika ay dalawang Portuges, dalawang
Tsino, isang Ingles, at isang Amerikanong Protestanteng misyonero.

You might also like