Mga Panloob Na Salik NG Pagpapahalaga: Edukasyon Sa Pagpapakatao 7 - 3 Quarter - Topic 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Mga Panloob na Salik ng

Pagpapahalaga
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 – 3RD QUARTER | TOPIC 3

Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa


Ang tao ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga na hinuhubog sa
pamamagitan ng isang masusi at matagal na proseso. Ang prosesong ito ay
naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang salik na maaaring makaapekto sa uri ng
pagpapahalaga na mahuhubog sa isang tao.
Sa pamamagitan ng pagtukoy at pagkilala sa mga salik na ito ay mas
mapadadali ang pakilala ng tao sa tama at mali, at mas mahusay niyang
magagampanan ang mga pananagutan na kaakibat ng mga pagpapahalaga,
katulad ng pagtuklas sa katotohanan at paggawa ng mabuti sa kapwa, sa
pamayanan, at sa bansa.
Kabilang sa mga salik na ito ang mga
sumusunod:

 Konsiyensiya.

 Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.

 Pagiging Sesnsitibo sa Gawang Masama.

 Pagsasabuhay ng mga Birtud o Practice of virtues.

 Disiplinang Pansarili.

 Moral na Integridad.
Konsiyensiya

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isip na tukuyin kung ang isang kilos


ay mabuti o masama. Ipinagkaloob ito ng Diyos sa tao alinsunod sa batas
moral. Bagama’t likas ito sa tao, lubos na mahalaga ang paghubog sa
kakayahang ito simula pagkabata. Malaki ang bahaging ginagampanan dito
ng mga magulang at ng mga guro ng isang bata.
Konsiyensiya

Inilahad ni Esther Esteban ang ilan sa mga hakbang na maaaring sundin


at gawin ng bawat magulang at guro tungo sa paghubog ng konsiyensiya ng
bata. Ito ay ang mga sumusunod:

a. Makatulong sa isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang


ginagawa at ninanais o hinahangad.

b. Mamulat sa kung paano inuunawa ng isang bata ang tama at mali.


Konsiyensiya

c. Maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuuan, ano man o sino man


ang mga ito.

d. Maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao.

e. Maging mapagpasiyensiya at matatag sa pagharap sa kanilang mga


pagkakamali, maliit man ang mga ito o Malaki, at tiyakin na lalakipan
ang pagharap na ito ng malalim na pag-unawa.
Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Kaakibat ng pagkakaroon ng kalayaan ay ang mapanagutang paggamit


dito. Bahagi nito ang pasasaalang-alang sa magiging kahihinatnan o resulta
ng malayang pagkilos.
Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Kasabay ng paglawak ng kalayaan ang paglaki ng sariling pananagutan,


kung kaya’t mahalagang ituring na pamantayan ng pagkilos ayon sa
kalayaan ang mga sumusunod:

a. Nakikilala ang tama at mali.

b. Sinusunod ng tao ang kanilang likas na kakayahang gawin ang tama at


iwasan ang masama.
Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama

Ang paggawa ng masama at isang kilos na hindi dapat ipasawalang-


bahala sapagkat ito ay maaaring magdulot ng pinsala hindi lamang sa
kapwa, kundi maging sa sarili. Dahil dito, mahalagang matugunan ang
pagtukoy sa pagsukat sa kabutihan o kasamaan ng isang pagkilos.
Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama

Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:

a. Layon o End – tumutukoy sa layunin, dahilan, o intentisyon ng kilos at ng


gumagawa nito.

b. Pamamaraan o means – tumutukoy sa mismong kilos o gawa.

c. Mga pangyayari o circumstances – tumutukoy sa oras, lugar, paraan, o ang


tumutugon sa tanong na kalian, saan, paano, o gaano.
Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama

Sa pamamagitan ng layon at pamamaraan, nakikilala kung ang isang


kilos ay mabuti o masama. Sa pamamagitan naman ng mga pangyayari,
nadaragdagan o nababawasan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Maituturing na mabuti ang kilos kung ang layon at pamamaraan sa paggawa
nito ay mabuti.
Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama

Maituturing naman na masama ang kilos kung ang isa sa layon,


pamamaraan, o mga pangyayari ay masama. Samakatuwid, gaano man
kabuti ang layunin ng isang tao na makatulong sa kaniyang kapwa, kung ito
naman ay isinagawa sa masamang paraan, ang kabuuang kilos ay hindi pa
rin matatawag na mabuti.
Pagsasabuhay ng mga Birtud o
Practice of Virtues

Ang pagsasabuhay ng mga birtud ang nagsisilbing patunay na naging


matagumpay ang iyong mga magulang at mga guro sa pagtuturo sa iyo ng
mga pagpapahalaga. Sa pamamagitan nito, mahuhubog ang iyong pagkilos
ayon sa kabutihan na siyang magpapakita ng magandang ugali o asal.
Makatutulong ang pagsasanay na ito sa pagpapaunlad ng iyong sariling
pagpapasiya, pag-iisip, at pagkatao. Ang disiplinang pansarili ay hindi
maaaring idikta ng iba sa isang tao sapagkat ito ay magmumula lamang sa
sariling pagnanais na ito ay isabuhay.
Disiplinang Pansarili

Kung kaya’t upang mahubog ang disiplinang pansarili, kailangang ng


taong matutunan ang mga sumusunod:

a. Magsikap na mag-isip at magpasiya nang makatwiran o rasyonal.

b. Maging mapanagutan sa lahat ng kaniyang kilos.

c. Tanggapin ang kalalabasan o consequences ng pasiya at kilos.

d. Gamitin nang wasto ang kaniyang kalayaan.


Moral na Integridad

Ito ay maipakikita sa pamamagitan ng pagtataguyod ng katotohanan at


kabutihan at malilinang naman sa pamamagitan ng maingat na paghusga ng
konsiyensiya at pagsasabuhay ng mga birtud. Bunga ito ng pagsasama ng
mga sumusunod:

a. Masuring Pag-iisip batay sa Moral na Pamantayan o Moral Discernment.

b. Matibay na Pagkapit sa Sariling Paniniwala o Consistent Behavior.

c. Hayagang Paninindigan o Public Justification.


Samakatuwid, mailalarawan ang taong may moral na integridad bilang
isang indibidwal na may kakayahang ipaglaban ang kaniyang mga
pinaniniwalaan sa kabila ng salungat na paniniwala ng iba. Hindi rin siya
nahihiyang ibahagi sa iba ang kaniyang mga balak, ninanais, at maging ang
mga bagay na nagsisilbing dahilan ng kaniyang pagkilos o motivations.
Handa rin siyang maging instrument upang mahimok ang iba na maniwala
at makiayom sa kaniya.
Salamat sa
Pagsubaybay

You might also like