Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SILENCED

Silence, isang salita na maraming maaring maging epekto sa buhay ng isang tao
lalo't higit sa mga kababaihan. Mga kababaihan na kahit lubhang napapagod sa pag
aasikaso ng kanilang mga anak, dagdag pa ang mga gawaing bahay na pang araw
araw nilang kailangang gampanan ay nananatiling tahimik sa kabila ng pagod sa
araw araw. Silence, para sa mga kababaihan na nakakaranas na saktan ng kanilang
mga asawa subalit nananatilihing tahimik para lamang manatiling buo ang kanilang
pamilya. Silence, para sa mga kababaihan na umibig ng lubos at matapos maibigay
ang lahat ay basta na lamang iiwan, ngunit nananatiling tahimik at patuloy parin
inilalaban ang sakit na nararamdaman hanggang sa muling maghilom ang mga
sugat at muling lalaban. Maraming pagtititiis ang ating mga kababaihan, maraming
laban na sila lamang ang humaharap at pilit itinatago ang lungkot na kanilang
nadarama sapagkat nais nila bigyang kasiyahan ang taong nasa paligid nila. At sa
bawat laban na hinarap nilang magisa, naroroon ang pag asa na isang araw darating
sa kanilang buhay ang kapayapaan ng kalooban at kaligayahan na naipagkait
sakanila at ngayo'y kanilang matatamasa.

You might also like