Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Gawain Batay sa binasang tekstong pinamagatang

“Cyberbullying”, pagnilayan ang


sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga pangyayaring
nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.

1. May kasabihang walang mambu-bully kung


walang magpapa-bully. Ano-ano ang gagawin
mo upang maiwasang maging biktima ng
cyberbullying?
2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya
o malapit na kaibigan mo ang magiging
biktima ng cyberbullying, ano-ano ang
gagawin mo o ninyo upang mapigilan ang
ganitong uri ng pang-aabuso at mapanagot
ang taong gumagawa nito?
3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at
nalaman mo ang masasamang epekto nito sa
biktima mo na maaring bumalik sa iyo sa mga
darating na panahon, ano ang gagawin mo
upang makabawi sa nagawang pagkakamali?
4. Bakit mahalaga ang pagiging responsable
sa paggamit ng internet at laging
pagsasaalang-alang sa pahayag na “Think
before you click”?
Gawain Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong
impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa
bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang
sagot mula sa kahon

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung
paano at bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang
tekstong may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”

____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding


tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni
Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t
hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global
Warming sa Kapaligiran.”

____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa


mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong
malaman ni Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa
kasaysayan ng Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.

____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan


ang balitang ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu
noong Enero 24-31, 2016.”

____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa


pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi
bilang Ms. Universe 2015.”

You might also like