Kabataan Lamang Ba Ang Pag-Asa NG Bayan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KABATAAN LAMANG BA ANG PAG-ASA NG BAYAN?

Talumpati ni Eunice Zandy Bonaobra

“Mag-aral ka ng mabuti”
“Isa na lang minali mo pa”
“Anong kukunin mo sa college? Ay, teacher lang. Chef lang?! Madali lang yan magluluto ka lang
naman dyan.”
“Oh ineng, magsumikap ka ha, ikaw lang inaasahan ng pamilya mo”
“Ang dami mong reklamo. Kami nga noon napagsasabay ko yung gawaing bahay, pagtatrabaho,
pati pag-aaral tapos ikaw ayan lang nagrereklamo ka.”

Ilan lamang ito sa mga katagang paulit-ulit nating nariring.


Nakakarindi na. Nakakasawa na. Pagod na pagod na ko. Ayoko na.
Ayan, ang nararamdaman ng mga estudyanteng nagdurusa nang dahil sa edukasyon.
Pressure, self-doubt, self-sabotage, belittleness, anxiety, o mas malala, depresyon. Umaabot pa
nga sa puntong nagpapakamatay ang karamihan sa mga estudyante.

Hindi ba’t ang edukasyon ay dapat magsilbing kaginhawaan at kasiyahan sa mga mag-aaral lalo
pa’t ito ang nagiging daan upang mas marami pa tayong matutuhan?

Natatandaan nyo pa ba noong tayo’y mga bata pa? Tayo’y sabik na matuto ng panibagong
kaalaman gaya na lamang ng pagbibilang, pagkulay, pagguhit, pagbigkas ng mga salita,
pagtukoy ng kulay, atbp.
Subalit bakit tila ang ilan sa atin ngayon ay hindi na interesado na matuto? Mga ngiting kumupas
na, mga siglang paubos na at mga utak na pilit na lamang pinapagana. Bakit nga ba? Dahil nga
ba sa mga sandamakmak na gawain sa eskwela?, sa mga kinatatakutang guro?, o hindi kaya dahil
natatakot tayo na bumagsak, mahusgahan, at mamaliit?
Sa kabila ng lahat, nais kong sabihin na you are enough, you did your best, and I’m so proud
of you.

Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Bakit nga ba maraming estudyanteng katulad ko, katulad
natin ang nadurusa upang makamit lamang ang academic validation?

Ang edukasyon ay sinasabing isa sa pinakamahalagang bagay na maaari nating makamit dahil
dadalhin ka nito sa kaunlaran.
Marami sa atin ang nagsusumikap mag-aral upang makapagtapos at makahanap ng magandang
trabaho ngunit nag-aaral ba tayo upang matuto o nag-aaral lamang tayo para magkaroon ng
magandang grado? Na kadalasang hinahanap sa mga papasukan nating trabaho.
Nag-aaral ba tayo upang magkaroon ng kaalaman? o nag-aaral lamang tayo upang magkaroon ng
magandang kinabukasan? Tama naman, ang edukasyon ang susi sa kaunlaran pero iaasa na
lamang ba natin ito sa mga kabataan? Kabataan nga lamang ba ang pag-asa ng bayan?
Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ayoko ng maging kabataan. Gusto ko kayong matakot
at kumilos para sa ikauunlad ng ating bayan.Sa ating mga nakakatanda, hindi ba’t minsan na
kayong naging isang kabataan ngunit bakit hindi pa rin nabigyang kaginhawaan ang ating bayan.

Ngayon, tatanungin ko kayong muli. Kabataan nga lamang ba ang pag-asa ng bayan.

You might also like