Professional Documents
Culture Documents
Church Planting Cycle - Tagalog - English - A4
Church Planting Cycle - Tagalog - English - A4
Layunin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang ipakilala ang “Church Planting Cycle”, na binibigyang-diin ang
mahalagang mga yugto na napapaloob sa isang lokal na iglesya at sa gawain ng pagtatanim ng iglesya.
Ninanais na Kalalabasan
Kapag napag-aralan na ang nilalaman ng araling ito, ang bawat kalahok ay dapat na:
Maunawaan ang kilos ng isang church planter at ang proceso ng pagtatanim ng iglesya.
Matukoy ang anim na mahalagang yugto sa pagpaparami ng mga iglesya.
Maunawaan na ang layunin ng saturation church planting ay hindi lamang isang bagong
kongregasyon, kundi maraming simbahan at isang church planting movement sa bawat bansa.
PANIMULA
Ang mga engineers ay karaniwang gumagamit ng mga paraan upang ipahayag ang isang ideya.
Ang blueprint ay isang halimbawa na ginagamit ng isang engineer.
Sa kanyang pagtingin sa blueprint, nakikita ng engineer kung paanong ang iba’t ibang bahagi ng
building ay nagkakatugma ng maayos bago pa simulan ang pagpapatayo nito.
Ginagamit din ang blueprint bilang gabay kung paano itatayo ang building.
Tinutulungan ng blueprint ang engineer na madaling makita ang pagkakasunod-sunod ng
magkakaibang bahagi at kung paano ito bubuuhin.
Ganundin naman, ang “Saturation Church Planting” ay isang gawain na hindi basta-basta ginagawa o
pabaka-sakali lamang.
Ito ay isang proceso na nakasalalay sa layunin (goal-driven).
Ang mga layunin ng proseso ng “Saturation Church Planting” ay maaaring sabihin sa iba't ibang
antas, depende sa kalagayan o katatayuan ng proseso.
Ang mga tao ay dapat a maturuang sumampalataya kay Cristo, naaalagaan, at naibilang sa mga
lokal na komunidad ng mga mananampalataya.
Kailangang magsanay ng mga tagapanguna o lider na mangangasiwa at magpapatuloy sa
pagpapaunlad sa iglesya. Ang mga lumalagong iglesya ay kinakailangang paramihin ang kanilang
sarili sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga iglesya.
Maaasahan na ang iyong lugar o bansa ay mapupuno ng masisigla at nanganganak na mga iglesya
bilang resulta ng pagsunod sa proceso.
Tunay nga, na ang pinakalayunin ng procesong ito ay maihanda ang Babaeng ikakasal para kay
Cristo na makakasama Niya magpasawalang-hanggan.
The “Church Planting Cycle” (Figure 3.1) is a diagram of the church planting process that visualizes, from a
particular point of view, the interrelationship of the key principles and practices at work within that
process. Appendix 3A contains different models of ways in which this process has been applied to plant
churches.
I. PHASE I—FOUNDATIONS (PUNDASYON)
Ang simula ay maaaring maging kritikal sa anumang masalimuot na proseso. Pinasisimulan ng isang
Church Planter ang church planting process sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanyang personal
relasyon kay Cristo na kailangang-kailangan sa isang ministro ng Ebanghelyo o Mabuting Balita.
Nagbabala si apostol Pablo laban sa pagtatayo sa iba pang pundasyon maliban kay Jesu-Kristo (1
Cor. 3:11).
Ang pagpapawalang-bahala nito ay tiyak na hahantong sa pagkabigo sa ministeryo.
Ang kawalan ng malinaw na kaisipan (clear picture) sa simbahang itatanim ay maaaring makapigil sa
pagpapasimula at pagtatanim ng iglesya.
Kung kaya’t, ang pagtitiyak at paglilinaw ng pananaw at paggawa ng mga plano at strategy para sa
pagtanim ng iglesya ay mahalaga sa antas na ito.
Malaking bahagi ang ginagampanan ng “Research” sa bahaging ito.
Ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa “harvest force” at sa “harvest field” ay
makakatulong upang mabuo ang tamang pamamaraan sa pagtanim ng iglesya.
Ang layunin ng “research” ay upang magkaroon ng tamang pagkaunawa sa mga taong gustong
abutin ng church planter; at upang malaman din ang mga kakailangang mga bagay upang sila ay
maabot.
Goal for this phase: Prepare yourself, your vision and the direction for the church planting mission (Ihanda
ang iyong sarili, ang iyong nakikita at ang iyong patutunguhan sa misyon ng pagtatanim ng iglesya).
Sa kanyang pagtitiwala sa Panginoon, ang isang church planter ay dapat na may sapat na tiwala sa
iba upang ihanda sila pangunguna sa church.
God has gifted every believer, and all have a responsibility to serve. If the church planter does not
take the time to delegate responsibility, provide training and release others into ministry, then the
church will not grow beyond the capacity of one to pastor and minister to others. He is stretched
beyond his limits, and new Christians simply cannot find a home in the new church. Ang bawat
mananampalataya ay binigyan ng Diyos ng kaloob, at ang lahat ay may responsibilidad na
maglingkod. Kung ang church planter ay hindi nagbigay ng pagkakataon upang ipagkatiwala ang
tungkulin, magbigay ng pagsasanay, at pakawalan ang iba sa pagmiministeryo, hindi lalago ang
church ng higit sa kakayahan ng isang pastor at hindi nila magagawang makaabot sa iba.
Maaaring maging dahilan din ito upang masiraan ng loob ang mga tao.
Kung wala silang bahagi o gawain sa church, sila ay nagiging mga tagapanood na lamang.
Sa halip na magparami, maraming mga church leaders ang nakatuon na lamang sa pag-aalaga at
pagdadagdag sa kung ano ang mayroon na sila. Maaaring nasiyahan na sila dami ng dumadalo, at hindi na
hinahangad ang pagpaparami. Nadadaig sila ng pagnanais na makapagpatayo ng gusali upang maging
“church” kung kaya’t hindi nabibigyan ng focus ang yugto na ito.
Kailangang maunawaan ng mga leader na ito na mayroong hangganan ang paglago. Sa likas na
katangian, ang lahat ng nabubuhay ay lumilipas, at namamatay, habang ang kanilang mga supling ay
patuloy na nabubuhay.
Walang pinagkaiba prinsipyong ito sa church ministry. Sa isang pakahulugan, ang tunay na “bunga”
ng isang iglesya ay hindi bagong Cristiano kundi bagong iglesya.
Ang pinakamabisang paraan para magkaroon ng mas malawak na epekto ang isang iglesya ay sa
pamamagitan ng pagpaparami ng sarili nito, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga anak na iglesya.
Ang pinakamahusay na mga pinuno para sa mga anak na iglesya ay nagmumula sa loob mismo ng
iglesya, sa halip na mula pa sa malayong lugar tulad ng seminary o Bible school.
Kailangang ipanawagan at ihikayat ng mga leaders ang pananaw ng pagpaparami upang maraming
mga iglesya ang maitayo sa mga lungsod at rehiyon.