Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Tanong:

1. Sino ang nagmamalaki sa kuwento? ______________________ ang nagmamalaki sa


kuwento.
a. Si pusa

b. Si asong gubat

c. Ang mga mangangaso

2. Bakit hindi nakatakas sa mangangaso si asong gubat? Hindi nakatakas si asong gubat
dahil _________________ .
a. nagpaliwanag pa siya sa pusa

b. mabilis kumilos ang mangangaso

c. hindi niya alam kung ano ang gagawin

3. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap sa loob ng kahon? Hinila siya patungo sa kanyang
kamatayan.
a. Isinama siya upang siya ay patayin.

b. Namatay siya dahil matagal siyang hinila.

c. Kamatayan ang lugar na kanyang pupuntahan.

4. Ano ang naramdaman ni asong gubat nang dumating ang mangangaso? Si asong gubat
ay ____________________.
a. nagalit

b. nagyabang

c. nataranta

5. Ano ang nais ipahatid ng sumulat ng kuwento?


a. Iwasan ang pagyayabang.

b. Makaliligtas kung alam iligaw ang kaaway.

c. Siguradong makaliligtas kung marunong umakyat ng puno.

6. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Mahusay na Asong Gubat

b. Ang Mayabang na Asong Gubat

c. Ang Walang Awa na mga Mangagaso


PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO 3

SET D

ANG ASONG GUBAT


“Kaibigan, marami akong alam na hindi mo alam,”
pagmamalaki ng asong gubat sa pusa. “Ang husay ko
nga! Napakarami kong paraan para makalusot sa
kaaway. Madali ko silang maliligaw.”
“Mabuti ka pa,” sagot ng pusa. “Ako, iisa lang ang alam
kong paraan.” Dumating ang isang pangkat ng mga
mangagaso. Mabilis na umakyat sa puno ang pusa.
Ang asong gubat naman ay nag-iisip pa kung ano ang
gagawin niya. Nakarating na ang mga mangangaso ay
natataranta pa sa pagtakas ang asong gubat.
Nahuli tuloy siya. Hinila siya patungo sa kanyang
kamatayan.
Mga Tanong:
1. Bakit malungkot si Alitaptap sa simula ng kuwento?
a. Nabasa siya ng ulan.

b. Gusto na niyang kumain.

c. Walang tumutulong sa kanya.

2. Mag-imbak sa susunod para may makain ka. Ang ibig sabihin ng mag-imbak ay
________________ .
a. maghanda

b. manghingi

c. mag-ipon

3. Anong katangian ang ipinakita ni Paruparo? Ipinakita ng paruparo ang pagiging


__________________ .
a. magalang

b. matalino

c. matulungin

4. Ano ang naramdaman ni Alitaptap sa ginawa ni Paruparo? ________________ ang


alitaptap.
a. Nabigla

b. Natuwa

c. Nataranta

5. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Mahalagang Bilin ng Paruparo

b. Nang Bisitahin ni Paruparo si Alitaptap

c. Ang Magkaibigang Paruparo at Alitaptap

6. Ano ang nais ipahatid ng sumulat ng kuwento?


a. Mainam ang nag-iimbak ng pagkain.

b. Manghihina ang mga nababasa sa ulan.

c. May tutulong sa atin kapag malakas ang ulan


PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO 3

SET C

SI PARUPARO AT ALITAPTAP
Malungkot si Alitaptap. Tatlong araw na siyang hindi
kumakain. Masakit na ang kanyang tiyan.
Kahit malakas ang ulan, hinanap niya ang kaibigang si
Paruparo. Hihingi siya ng tulong dito.
Nabigla si Paruparo nang makita si Alitaptap.
Basa at nanghihina ito. Dali-dali niya itong pinatuloy at
pinakain. Niyakap niya ito pagkatapos.
Mahal niya ang kaibigang si Alitaptap. “Dalhin mo itong
pagkain. Sa susunod, mag-imbak ka ng pagkain.
Sumama man ang panahon, di ka magugutom," payo ni
Paruparo. “Tatandaan ko, kaibigan. Salamat muli,”
nakangiting wika ni Alitaptap. Masaya itong lumipad pauwi.
Mga Tanong:
1. Ano ang ginawa ni Pamela sa kuwento?
a. Nilinis niya nang mabuti ang bintana at sahig.
b. Iniligpit niya ang nakakalat na manika sa sala.
c. Naghugas siya ng pinggan pagkatapos ng hapunan.
2. Bakit kaya maraming ginawa si Pamela sa bahay?
a. Nasa palengke pa si Nanay.
b. Wala siyang pasok kapag Sabado.
c. Nais niyang makapaglaro sa labas.
3. "Iniligpit" niya ang nakakalat na laruan. Ang ibig sabihin ng iniligpit ay
____________________.
a. inayos
b. itinabi
c. pinagsama
4. Anong salita ang naglalarawan kay Pamela? Si Pamela ay __________________ .
a. maingat
b. magalang
c. matulungin
5. Ano kaya ang naramdaman ng Nanay sa ginawa ni Pamela? __________________ si
Nanay.
a. Nagalit
b. Nagtaka
c. Natuwa
6. Alin sa sumusunod ang magandang pamagat ng kuwento?
a. Oras na para Maglaro
b. Oras na Para Tumulong
c. Araw ng Palengke ni Nanay

PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO 3

SET B

SABADO NA NAMAN
Isang Sabado, maagang gumising si Pamela.
“Sabado na naman! Ah, tutulungan ko ang nanay sa mga
gawaing bahay. Marami pa naman siyang ginagawa kapag
galing sa palengke,” sabi ni Pamela.
Pagkakain ng almusal, naglinis mabuti ng bahay si
Pamela. Mabilis niyang iniligpit ang nakakalat na mga
laruan sa sala. Maingat niyang pinunasan ang mga
bintana at sahig, saka siya nagwalis.
Pagkatapos maglinis ay kinuha niya ang kanyang manika.
Masigla siyang lumabas ng bahay.
“Halika, Rosela, maglaro na tayo!,” masayang bati ni
Pamela sa kanyang kaibigan.
Masayang naglaro sina Pamela at Rosela.
Mga Tanong:
1. Ano ang nakita ng tatlong mag-aaral papunta sa paaralan? Nakita nila ang
___________________________ .

a. malakas na bagyo
b. makalat na paligid
c. mga natumba na poste
2. Bakit marumi ang silid-aralan na nadatnan ng mga mag-aaral?
a. Matagal na walang pasok.
b. Katatapos lang dumaan ng bagyo.
c. Walang tigil ang pagkakalat ng mga mag-aaral.
3. Maputik ang silid at "madungis" ang pader. Ang ibig sabihin ng "madungis" ay
________________.
a. madilim
b. madumi
c. makalat
4. Anong katangian ang ipinakita ng mga mag-aaral? Pinakita ng mag-aaral ang pagiging
__________________.

a. matalino
b. magalang
c. matulungin
5. Ano kaya ang naramdaman ng guro sa ginawa ng mga mag-aaral?
________________ang guro.
a. Masaya
b. Nagulat
c. Nalungkot
6. Alin sa sumusunod ang magandang pamagat ng kuwento?
a. Makalat na Paligid
b. Ang Masayang Guro
c. Pagkatapos ng Bagyo

PANANAPOS NA PAGTATASA SA FILIPINO 3

SET A

MAGTULUNGAN TAYO
Papasok na ng paaralan ang tatlong mag-aaral.
Nakita nila ang nagkalat na mga sanga ng puno sa
mahabang daan. Katatapos lang ng malakas na
bagyo at di pa nalilinis ang ilang kalsada. Pagdating
sa paaralan, gayundin ang kanilang nakita. Maputik
ang silid at madungis ang pader. Nagkalat ang mga
dahon sa buong paligid. “Halikayo,” tawag sa kanila
ng mga kaklase. “Tulungan natin si Gng. Ramos sa
paglilinis.” Mabilis na kumilos ang mga mag-aaral.
Tahimik silang tinitingnan ni Gng. Ramos.
“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang
gawain kung nagtutulungan,” sabi niya.
Mga Tanong:

1. Sino ang magkaibigan? (Literal)


a. Romy at Bert
b. Remy at Betty
c. Ronald at Ben
2. Ano ang gusto nilang buuin? (Paghinuha)
a. laruang kahon
b. laruang sasakyan
c. laruang telepono
3. Anong salita sa kuwento ang may ibig sabihin na maliit na bahagi? (Paghinuha)
a. kailangan
b. kapiraso
c. tansan
4. Bakit gusto nilang gumawa ng laruan? (Literal)
a. Wala silang laruan.
b. Gumaya sila sa kaklase.
c. Nainggit sila sa mga kalaro.
5. Ano ang mga ginamit nila upang buuin ang laruan? (Paghinuha)
a. mga lumang laruan
b. mga nakita nila sa halamanan
c. mga gamit na maaari nang ibasura
6. Anong katangian ang ipinakita ni Romy? (Pagsusuri)
a. masipag
b. malikhain
c. maalalahanin

PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO 3


SET D

LARUANG DYIP
Araw na ng Sabado. Kausap ni Romy ang kaibigang
si Bert. Gusto nilang maglaro, pero pareho silang
walang dalang laruan. “Alam ko na! Gumawa tayo ng
laruang dyip, ” naisip ni Rom. “Paano?” tanong ni
Bert. “Ihanda muna natin ang mga takip ng bote o
tansan para sa gulong. Pagkatapos, kailangan nating
maghanap ng kahon ng posporo para sa katawan.
Manghingi naman tayo ng kapirasong tela kay Nanay
para sa upuan, ” paliwanag ni Rom. “ Paano kaya ito
tatakbo, kahit walang baterya?” tanong ni Bert. “E, di
talian natin at hilahin,” sagot ni Romy.

You might also like