AP Research and Explanations

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PAMBANSANG BADYET

“GROUP 1”

Ano ang Pambansang Badyet? (REYLLE)

- Ang Pambansang Badyet ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng


pamahalaan sa loob ng isang taon.

EXPLANATION: Ito rin ang nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng
pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya. Kinakailangan maging wasto at makatwiran ang
alokasyon ng budget sa iba't ibang programang pamahalaan.

1. PAGHAHANDA NG BADYET (Executive Preperation) (MARCUS)

Ang pagpaplano ay sisimulan ng DBCC o (DEVELOPMENT BUDGET COORDINATION


COMMITTEE) para sa pag tuklas kung ano ba ang prayoridad ng gobyerno sa budget ng
bansa. Dito binubuo ng bawat kagawaran ang kaniya kaniyang badyet. Ikokonsolida ng
DBM o (DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT) ang mga inihandang badyet ng
mga kagawaran at susuriin ito bago ipasa sa pangulo ng Pilipinas.

EXPLANATION: Mag sisimula ang pagpaplano ng DBCC para tuklasin ang prayoridad ng
gobyerno sa budget ng bansa. Ito ang magiging laman ng budget call o ang memo na mag
sisilbing gabay ng mga ahensya ng gobyerno, LGUs (LOCAL GOVERNMENT UNIT) at
GOCCs (GOVERNMENT-OWNED AND CONTROLLED CORPORATION) sa pagbuo nila
ng proposed budget at gaya po ng nakasulat dito mag papatawag ng technical budget
hearing kung saan ang mga ahensya ay nagtatanggol at nagbibigay-katwiran sa kanilang
mga panukala ang DBM kapag naipasa na ng government agencies, LGUs at GOCCs ang
proposed budget nila at kakailanganin nilang mag paliwanag kung bakit ganoon kalaki ang
hinihingi nilang pondo. Pagkatapos, sisimulan nang i-compile ng DBM ang lahat ng mga
proposal para mabuo ang budget document at pagkatapos ng pag apruba ng DBCC ay
susuriin at aaprubahan ng pangulo at gabinete ang budget at isusumite na ng pangulo ang
proposed budget sa kongreso.

2. RATIPIKASYON NG BADYET (Budget Authorization) (BOHOLST)

Pagkatapos masumite ng Pangulo ang badyet sa lehislatura, isasagawa ng House of


Representatives at Senado ang deliberasyon. Irerepaso ng Pangulo ang pinagpasyahang
badyet ng lehislatura para sa kaniyang pag-aapruba o hindi pag-aapruba.

EXPLANATION: Base sa nakalap nga namin, ang pagpapasa po ng budget ay unang


dumadaan muna sa House of Representative, at pagkatapos pag usapan at aprubahan ay
itataas naman sa senado para i-review ng mga Senador ito at pagkatapos maaprubahan ay
saka lamang ipapadapa sa Office of the President para ito’y mapirmahan ng Pangulo.

3. IMPLEMENTASYON (Budget Execution) (RAFAEL)


Sa yugtong ito ibibigay ang naaprubahang badyet sa mga kaukulang kagawaran o ahensiya
ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mga plano nito para sa taon.

EXPLANATION: Mayroong Pitong Proseso ang Budget Execution. Ito ay ang mga
Release Guidelines and Programs. Kapag ang DBM o ang Department of Budget and
Management ay naglabas ng guidelines na dapat sundin ng bawat ahensya sa para sa
kanilang programa o pagsasagawa ng kanilang programa at para sa maayos na paggamit
ng budget na nakalaan. Ang pitong proseso na ito ay ang

Budget Execution Documents (BEDs)

Ang mga dokumento kung saan inilalapat ng bawat ahensya ang kanilang mga programa at
kung saan nila gagamitin ang pondo na nakalaan para sa kanila. Kasama na rito ang
physical and financial plan (physical - mga raw materials na gagamitin at financial - mga
presyo ng bawat raw materials na gagamitin), monthly cash program (bawat buwan
magrereport ang bawat ahensya sa DBM kung ano ang cash flow ng programs), estimate of
monthly income (income - kung magkano ang kikitain bawat buwan, estimated income -
posibleng income o kikitain ng programa bawat buwan), at list of obligations that are not yet
due (parang yung mga posibleng maging aberya o problema na kailangan ng agarang
aksyon, pros and cons).

Allotment and Cash Release Programming

ARP o Allotment Release Program ay hinahanda ng DBM upang malimitahan ang pondong
gagamitin ng ahensya sa bawat buwan. Halimbawa ay sa isang buwan, ganitong amount
lang ang pwede mong gastusin at dapat pagkasyahin nila iyon sa isang buwan. CRP o Cash
Release Programs ay ang matrix o listahan ng mga ahensya. Dito naman nakalagay kung
ano na ang mga ahensya na naaprubahan na ng programa nila kung kaya irerelease na ang
pondong nakalaan para sa kanila.

Allotment Release

Ang ABM o Agency Budget Matrix ay ang karampatang dokumento para sa allotment
release na hindi kailangan ng clearance dahil may matrix o understood na ng GAA na may
allotment o budget para sa ahensya. SAROs o Special Allotment Release Orders ay mga
dokumento na kailangan ng clearance o approval ng DBM o ng mismong presidente. Isang
halimbawa ay ang mga mayor. Sila ay hindi kasama sa matrix at walang nakalaang pondo
para sa kanila kaya kung mayroon silang programang kailangang iexecute, kailangan nila ng
SARO para makakuha ng pondo para magastos sa kanilang programa.

Incurring Obligations

Dahil hawak mo na ang budget, obligasyon mo na na gastusin iyon nang tama dahil public
funds iyon.

Cash Allocation
NCA o Notice of Cash Allocation ay kung ano lang ang pondo na naka-allocate sa isang
ahensya. Sa isang buwan ay iyon lamang ang dapat nilang kunin o ma-withdraw. DBM ang
nagbibigay ng authority para dito. Ang NCAA o Non-Cash Availment Authority naman ay ang
Bank-to-bank transaction. Ang halimbawa nito ay ang loan muna sila sa bangko kaya sa
bangko din nila babayaran. CDC o Cash Disbursement Ceiling naman ay isang authority na
binigay ng DBM sa mga ahensya na may overseas operations pero hindi pwedeng sumobra
ang gagastusin na pondo.

Disbursement

Ito ay ang pinakahuling proseso ng Budget Execution. Dito na kukuhanin ang pera para
gastusis ng bawat ahensya.

4. REBYU NG BADYET (Budget Accountability) (SHIELA)

Ang pagpasa ng ulat sa DBM, COA o (COMMISION ON AUDIT) at lehislatura upang


malaman kung nagasta ang badyet ayon sa itinakda ng batas.

EXPLANATION: Sa huling proseso na ito ang DBM ay humihingi ng ulat o accountability


report sa bawat sangay at ahensiya ng pamahalaan sa bawat pagtatapos ng taong piskal.
Kaya sila humihingi ng report o audit ay para i check ng Commission on Audit o COA kung
nasunod ba ang kanilang budget. Ang resulta nito o ng audit ay magsisilbing gabay sa
gobyerno kung dapat bang taasan ang pondo ng isang ahensiya o sangay sa susunod na
budgeting. Kapag hindi naman naman nakapag submit ng kanilang report hindi rin sila
mabibigyan ng pondo.

You might also like