Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
____1. Ano ang pinapaksa ng pangalawang nobela ni Rizal?
A. Ito ay isang nobelang tumutuligsa ukol sa pamahalaan ng mga Kastila.
B. Ang pang-aabuso ng mga Pilipino sa mga dayuhang kastila.
C. Ang pakikipagkasundo ng mga Kastila sa mga bansang sinakop nila.
____2. Ano ang nobelang sinulat ni Rizal pagkatapos ng Noli Me Tangere?
A. La Solidaridad
B. El Filibusterismo
C. Huling Paalam
____3. Sa anong sakit inihalintulad ni Rizal ang sakit ng lipunan ng bansa noong
panahong iyon?
A. kanser B. ketong C. malaria
____4. Bakit kinailangang sa ibang bansa pa isulat ni Rizal ang kaniyang pangalawang
nobela?
A. Upang siya’y maging isang sikat na manunulat.
B. Nais niyang yumaman sa pagsusulat ng mga nobela.
C. Upang magkaroon siya ng buong laya na sumulat.
____5. Paano nakatutulong ang nobelang Noli Me Tangere sa paglunas sa sakit ng
bayan?
A. Magiging mayaman si Rizal at ibabahagi niya ito sa kaniyang kababayan.
B. Mamumulat ang mga Pilipino sa pamamagitan ng paglalahad ng kabuktutan sa
pamamahala ng mga pari at Kastila.
C. Matatakot ang mga Pilipino na mangahas kumalaban sa mga Kastila upang matigil na
ang kanilang pananakop sa bansa

Para sa mga bilang 6-10


Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa
pangungusap. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa iyong sagutang papel.

___6. Hindi maiwaksi sa isip ni Rizal ang kalagayan ng kaniyang pamilya sa Pilipinas.
___7. Marami sa sipi ng nobela ni Rizal ang hindi niya isinama sa pagpalimbag.
___8. Habang nasa Paris si Rizal ang kaniyang pamilya’y pinag-uusig sa Pilipinas.
___9. Ang buhay ng kaniyang kapatid na si Paciano ang nanganib dahil sa kaniyang
ipinalimbag na aklat.
___10. Isang malaking balakid sa pamahalaang Kastila ang pagpapakalat ng ginawang
aklat ni Rizal.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Letra lamang ng tamang sagot ang isulat sa
iyong sagutang papel.
Para sa mga bilang 1-3. Ibigay ang kaugnay na kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Nanggagamot si Rizal sa Belgium upang matugunan ang kaniyang pangangailangan.
A. malaman B. mabawasan C. mapunan
2. Nakapaglagak na siya ng mga alahas upang makapagsimula na siya sa kaniyang
pagpapalimbag ng aklat.
A. nakapamili B. nakapagsangla C. nakakuha
3. Dahil sa kaniyang adhikain ay ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat niya ng kaniyang
nobela.
A. hangarin B. ambisyon C. pamilya
4. Noong panahon ng Kastila, aklat ang sandata ng ating manunulat na bayani upang
maiparating ang damdaming nag-aalab sa kaniya.
Sa kasalukuyang panahon, paano ipinaiiral ng makabagong kabataan ang paghahayag
ng kanilang saloobin at damdamin sa mga napapansin nilang kalagayan ng mundo?
A. pagsulat ng sanaysay
B. pagpost sa social media
C. paglalagay ng mga placard ng di pagsang-ayon

5. Ano ang kaisipang nais iparating ng binasang pahayag?


A. Mabuksan ang isipan ng mamamayang Pilipino upang sila’y hindi na pagmalabisan
ng mga Espanyol.
B. Tangkilikin ng mamamayan ang nobelang nilikha ni Jose Rizal.
C. Maging katulad ni Rizal na magpakabayani para sa mamamayang Pilipino at sa
bansa.
6. Ang pagpupuyos ng damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol ay patunay na
A. Nagustuhan nila ang nilalaman ng isinulat na nobela ni Rizal dahil tungkol ito sa
kanila.
B. Nag-aalab ang kanilang damdamin sa galit dahil kasiraan ito sa kanilang
pamamahala.
C. Umaasa silang makatutulong ang kanilang nararamdaman para sa tagumpay ng
aklat ng Rizal.
7. Mula sa binasang pahayag, ipinakikita na si Rizal habang sinusulat ang El
Filibusterismo ay __
A. Maraming salapi dahil nakapagliliwaliw siya sa mga lugar ng Paris.
B. Hindi siya naghihirap bagkus siya ay nagpakasawa sa pamamasyal.
C. Kinailangan ding maghanapbuhay upang makapamuhay at makaraos sa kaniyang
mga kailangan.

8. Ano ang ibig sabihin ng makapook lamang?


A. Iniisip lamang nila ang kanilang sariling lugar.
B. Isinama nila pati na ang karatig bayan.
C. Nagkaisa ang mga bayan sa pakikibaka.
9. Sa pahayag na naging pambansa na ang paningin ng mga Pilipino sa paglaya, ito ay
nagsasabing __
A. Nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
B. Ipinagpatuloy nila ang pagkamit ng kalayaan sa kani-kanilang mga lugar.
C. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagkamit ng kalayaan laban sa mga dayuhan.

10. Ano ang kahalagahan ng nobelang El Filibusterismo sa pakikipaglaban ni Andres


Bonifacio sa pamahalaang Kastila?
A. Nagpalakas ito sa kaniyang pangkat upang maisulong ang minimithing kalayaan ng
bansa mula sa pamamahala ng Kastila.
B. Naging sandata ito ni Andres sa kaniyang inilunsad na Katipunan.
C. Ginawa niyang gabay ang nobelang El Fili sa kaniyang ekspidisyon.

You might also like