Final Unit Plan Final Group 5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

A UNIT PLAN BASED ON ACTIVE LEARNING

APPROACHES IN TECHNOLOGY FOR TEACHING AND


LEARNING

Author/s
First and Last Name Glyde Patonongon
Nice Cloe Camasura
Shanelle R. Pongot
Jea Ramirez
Caila Tisoy
School Name Pajo National High School
School District District 3
School Address and City Sangi, New Rd, Pajo, Lapu-Lapu City
Classroom Information
Subject Area
FILIPINO
Grade Level
IKA-SAMPU NA BAITANG
Unit Overview
Unit Title
A creative or descriptive title for your unit
Unit Summary
Building the Foundation
Habits of Learning Taxonomy
CREATING
● Nakabubuo
● Nakapagsasagawa - 5

EVALUATING
● Nakapupuna
● Nakapagsusuri

ANALYZING
● Nakapaghahambing - 3
● Nakapagpapaliwanag - 4
● Nakapag-uugnay
● Nakapagbabahagi - 6

Standards
Program Standard
Ang mga mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng kaalaman
hinggil panitikan ng mga bansa sa Kanluran lalong lalo na sa
dula at mitolohiya na naglalaman ng iba't ibang kulturang
nabubuhay sa kasalukuyang panahon.
Grade Level Standard
Pagkatapos ng Sampung Baitang, Naipamamalas ng mag-aaral
ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at
pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano
upang mapatibay ang
pagkakakilanlang Asyano.
Content Standard Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin
Performance Standard Pagkatapos ng Ikasampung baitang, naipamamalas ng mag-aaral
ang kakayahan na unawain ang akdang pampanitikan sa
Kanlurang Asya at iba’t-ibang uri ng teksto sa bansa na
maiuugnay sa kultura ng Pilipino
Learning Competencies ● F10PN-IIa-b-72 - Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan
ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan
● F10PB-IIa-b-75 - Naihahambing ang kultura ng bansang
pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig
● F10PT-IIa-b-72 - Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
batay sa pinagmulan nito ( epitimolohiya )
● F10PN-IIa-b-74 - Naibabahagi ang sariling damdamin at
saloobin sa isang pangkatang talakayan ang sariling
kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa batay
sa nabasang dula
● F10PU-IIa-b-71 - Nailalahad ng mga
pangunahing paksa at ideya batay sa
napakinggang usapan ng mga tauhan
● F10PB-IIa-b-73 - Nasusuri ang nilalaman, elemento at
kakanyahan ng binasang mitolohiya
● F10PU-IIa-b-74- Naiuugnay ang mahahalagang
kaisipan sa binasa sa sariling karanasan
● F10PU-IIa-b-73 - Pagsulat na naihahambing ang mitolohiya
mula sa bansang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
● F10PS-IIa-b-73- Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at
pananaw tungkol sa mitolohiya
Learning Objectives

ARAW 1: Pagkilala sa Kultura

Sa pamamagitan ng Padlet na naglalaman ng kultura ng pinagmulan ng kuwentong


bayan, 70% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapaglalahad ng kultura sa lugar na pinagmulan ng kuwentong
bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan
KASANAYAN: Nakapagbabahagi sa kultura ng pinagmulan ng kuwentong bayan sa
napakinggang usapan ng mga tauhan sa pagsulat ng isang sanaysay
KAASALAN: Nabibigyan ng halaga ang napakinggang usapan ng mga tauhan
tungkol sa kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
KAHALAGAHAN: Nakapagpapakita ng kahalagahan sa kultura ng lugar na pinagmulan
ng kuwentong bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan

ARAW 2: Iba’t-ibang kultura, alamin natin!


Sa pamamagitan ng Microsoft Word na naglalaman ng Venn Diagram na naghahambing
ng kultura ng bansang pinagmulan at sa alinmang bansa sa daigdig, 75% ng mga mag-
aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapaghahambing ng kultura sa bansang pinagmulan ng akda sa
alinmang bansa sa daigdig gamit ang Venn Diagram.
KASANAYAN: Nakabubuo ng sanaysay batay sa pagkakaiba ng kultura ng mga bansa
KAASALAN: Nakapakikinig ng mabuti sa kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa
alinamang bansa sa daigdig
KAHALAGAHAN: Nakapagpapahalaga sa kulturang natamo sa pagaw ng poster

ARAW 3: Pinagmulan ng mga salita


Sa pamamagitan ng Google Docs na naglalaman ng mga salita batay sa pinagmulan
(epitimolohiya) 75% ng mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapagpapaliwanag sa kahulugan ng mga salita batay sa
pinagmulan (epitimolohiya)
KASANAYAN: Nakasusulat ng kwento batay sa salita na makikita sa dula
KAASALAN: Naipapamalas ang pagkatuto sa kwento sa pagamit ng mga
salita ginawang dula
sa epitomolohiya ng salita sa kwento
KAHALAGAHAN: Nakapagbibigay ng halaga sa mga salita batay sa pinagmulan
(epitimolohiya)

ARAW 4: Paglalahad ng sariling damdin at saloobin sa pagkakaiba ng kultura


Sa pamamagitan ng Capcut na naglalaman ng saloobin at damdamin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa ibang kultura, 75% na mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapagbabahagi ng sariling kultura naihahahambing sa kultura ng
ibang bansa batay sa nabasang dula
KASANAYAN: Nakapagsasagawa ng Venn Diagram batay sa sarili at ng ibang kultura
KAASALAN: Naipapakita ang kinagisnang kultura batay sa magandang asal
KAHALAGAHAN: Napahahalagahan ang kultura na nagagamit sa totoong buhay
ARAW 5: Saloobin sa pagkakaiba ng kultura
Sa pamamaitan ng Visme na naglalaman ng sariling damdamin tungkol sa sariling
kultura, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapagbibigay kahulugan sa pagkakaiba ng mga kultura sa iba’tibang
bansa batay sa sariling saloobin o damdamin
KASANAYAN: Nakapaglalarawan sa pagkakaiba ng mga kultura sa pagawa ng
Venn Diagram
KAASALAN: Nakapagpapahayag nang wasto sa sariling damdamin at saloobin
tungkol sa kultura maging sa realidad ng buhay
KAHALAGAHAN: Nakapagbibigay halaga o galang sa kultura ng ibang bansa

ARAW 6: Paglalahad ng mga pangunahing kaisipan at ideya ng mga tauhan sa mitolohiya


Sa pamamagitan ng VoiceThread na naglalaman ng paksa at ideya batay sa
napakinggan na usapan ng mga tauhan, 70% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapaglalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay
sa napakinggang usapan ng mga tauhan
KASANAYAN: Nakakikilala ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa
napakinggang usapan ng mga tauhan sa pamamagitan ng padlet
KAASALAN: Nakagagamit ng matino at mabisa ang pangunahing paksa at ideya
batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan sa totoong buhay
KAHALAGAHAN: Nakapagbibigay ng kahalagahan sa mga pangunahing paksa at
ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan

ARAW 7: Pagsusuri sa mga bahagi ng binasang mitolohiya


Sa pamamagitan ng Piktochart na naglalaman ng elemento at kakanyahan sa
binasang mitolohiya, 70% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapagsusuri ng nilalaman, elemento, at kakanyahan sa binasang
mitolohiya
KASANAYAN: Nakapagbabahagi ng nilalaman, elemento, at kakanyahan sa binasang
mitolohiya sa pamamagitan ng sanaysay
KAASALAN: Nakapagbibigay importansya sa mga nilalaman, elemento, at kakanyahan sa
binasang mitolohiya
KAHALAGAHAN: Nakapagsaalang-alang sa nilalaman, elemento, at kakanyahan sa
binasang mitolohiya
ARAW 8: Pagkakaugnay ng mga mahalagang kaisipan batay sa karanasan
Sa pamamagitan ng Youtube naiiugnay ang mahalagang kaisipan ng sariling karanasan,
75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapag-uugnay ng mahalagang kaisipan ng sariling karanasan sa
nabasang mitolohiya
KASANAYAN: Nakapagbabahagi ng mahalagang kaisipan sa sariling karanasan sa
pamamagitan ng roleplay
KAASALAN: Nabibigyang kahalagahan ang mga mahalagang kaisipan ng sariling
karanasan sa nabasang mitolohiya
KAHALAGAHAN: Nakararanas ng sitwasyon na naiuugnay sa mitolohiya na nagbibigay
ng mahalagang kaisipan sa totoong buhay

ARAW 9: Pagbibigay ng pananaw sa mga mahahalagang kaisipan sa mitolohiya


Sa pamamagitan ng Microsoft Word naipapahayag ang mahahalagang kaisipan batay sa
sariling karanasan ang 70% na mag-aaral ay inaasahang:
LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapagpapahayag ng mahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa
mitolohiya
KASANAYAN: Nakalilikha ng mahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa mitolohiya sa
pamamagitan ng kasabihan
KAASALAN: Nakakakuha ng mabuting mahalagang kaisipan o pananaw sa mitolohiya na
nagagamit sa realidad ng buhay
KAHALAGAHAN: Nakapagbibigay ng kahalagahan sa mga mahalagang kaisipan o
pananaw tungkol sa mitolohiya

Araw 10: Paghahambing sa kultura ng bansang Kanlaranin at mitolohiyang Pilipino


F10PU-IIa-b-73- Pagsulat na naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kaunlarin
sa mitolohiya ng Pilipinas
Sa pamamagitan ng Padlet maihahambing
ang mitolohiya ng ibang bansa sa Kanluranin at
Pilipinas ang 70% na mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapagtala ng tumpak na paghahambing sa mitolohiya mula sa bansang
kaunlarin sa mitolohiya ng Pilipinas
KASANAYAN: Nakasusulat ng tumpak na paghahambing sa mitolohiya mula sa
bansang kaunlarin sa mitolohiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng venn diagram
KAASALAN: Napapahalagahan ang mitolohiya mula sa bansang kaunlarin at sa
Pilipinas
KAHALAGAHAN: Naisasagawa ang paghahambing sa mitolohiya mula sa bansang
kaunlarin at ng Pilipinas
Curriculum Framing Questions
Essential Questions Paano nasasalamin ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan
ng panitikan?
Unit Questions
● Bakit natin kailangan natin malaman ang mga dula
sa ibang bansa?
● Bakit kailangan natin mabatid ang mitolohiya ng ibang
bansa?
● Paano sumasalamin ang panitikan sa kultura ng
isang bansa?

Content Questions
​ Ano ang katangian ng dula?

​ Ano ang mga elemento ng dula ?

​ Ano ang iba’t-ibang uri ng dula?

​ Ano ang mga bahagi ng mitolohiya?


​ Ano ang katangian ng mitolohiya?
Unit Details
Approximate Time Needed
Limang oras sa isang linggo
Prerequisite Skills

● Kakayahan sa paggamit ng iba’t-ibang uri ng software (ICT Tools)


● Kakayahang umintindi sa pagkakaiba ng mga kultura
● Kakayahang sumuri ng mga kultura meron ang ibang bansa
● Kakayahang maihambing kultura sa pilipinas sa kultura ng ibang bansa
● Bukas ang isipan sa iba’t-ibang kultura na maaaring talakayin
Instructional Procedures
ARAW 1:
PROCEDURE
1. Umpisahan ang araw sa panalangin
2. Pag organisa sa buong klase
3. Pagganyak
*Magpapakita ang guro ng mga gupit-gupit na larawan tungkol sa kultura at
bubuoin nila ito.
Halimbawa: Larawan na nagpapakita na magiliw sa bisita
Gabay na katanungan patungkol sa nabuong ideya sa larawan.
a. Ano ba Ang inyong nahihinuha sa mga nabuong larawan?
4. Paglalahad
*Babasahin Ang kwentong bayan "Mangkukulam ng springdale".
Pagkatapos basahin ay magtatanong Ang guro sa mga pangyayaring
naganap sa kwento.
Mga Gabay na katanungan:
a. Anong kultura ang isanasalamin sa kwento?
b. Ano ang aral na natutunan mo sa kwento?
5. Pagbibigay ng aktibidad
* Papangkatin Ang klase sa tatlong pangkat, gagawa sila ng isang
sanaysay na kung saan Ang tanong ay “Anong kultura o katangian ng tauhan
makikita mo sa kwento mo sa kuwento?”
6. Pagbabahagi
* Sa natapos na aktibidad, bibigyan ng guro ng mga mag-aaral na maglahad ng
kanilang nagawang sanaysay sa pamamagitan ng padlet kung saan makikita ito sa
unang

7. Pagbigay ng pasulit
”Check Mo Yan”.
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mga tao at kultura sa bansang pinagmulan
ng kwentong-bayan batay sa napanood na bahagi nito at napakinggang usapan
ng mga tauhan.
8. Wakas na panalangin

ARAW 2:
1. Panalangin
2. Pag-organisa sa klase
3. Pagganyak
* Shuffle word: magpapakita ang guro ng mga salitang wala sa tamang
ayos ang mga salitang iyon ay nakapaloob sa dulang “ Kaaway ng Bayan”at
bibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong hulaan ang salitang mabuo
dito.

MGA GABAY NA TANONG:


1.) Ano sa palagay ninyu ang kaugnayan nito sa ating talakayan?
2.) Kung kayo ang taong may galit sa bayan gusto niyo bang ipagpatuloy ito,
bakit? o Bakit hindi?

4. Paglalahad
*Ano ang Dula?
*Ano ang kahalagahan nito sa ating kultura?
*Ipapabasa ang kwentong “kaaway ng bayan”
* Pagtatalakay sa kaibahan ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig
5. Pagbibigay ng aktibidad
*Ipapangkat ang klase sa tatlo (3)
* Sa pangkatang gawain, bawat grupo ay gagawa ng isang Venn diagram
gamit ang Microsoft Word na naghahambing ng kultura ng bansang pinagmulan
ng akda sa alinmang bansa sa daigdig.
6. Pagbabahagi
* Sa ginawang gawain , magbabahagi ang mga mag-aaral sa kanilang
ginawa at magbibigay ng komento ang guro sa nagawang aktibidad.
7. Panapos na
Gawain Tanong:
1.) Sa paghahambing ng kultura ng bansang pinagmulan at sa ibang bansa ano sa
palagay mo ang kahalagahan nito?
8.

ARAW 3:
1. Panalangin
2. Pagganyak
* Press 1,2,3
Go Panuto:
Press 1- Hiram na
Salita Press 2-
Binuong Salita
Press 3- Morpolohikal na
Pinagmulan Hal.
Pizza
kabundukan
tawiran
takipsilim
silya

3. Paglalahad
1. Tatalakayin ang etimolohiya.
*Kahulugan
* Uri
Panghihira
m
Pagbuo o Pagsasama ng mga Salita
Morpolohikal na Pinagmulan
2. Pagpapakila ng kwentong “Kaaway ng Bayan”
*Pagpapanod
*Paghahanap ng mga salita
*Pagtukoy kung ano ang etimolohiya ng salita
3. Pagbibigay ng Aktibidad
*Papangkatin ang grupo sa tatlong pangkat
* Sa nadiskubreng paksa, bumuo ng kuwento na kakikitaan ng
etimolohiya sa pamamagitan ng powerpoint presentation.
4. Pagbabahagi
* Sa nagawang aktibidad, magkakaroon ng paglalahad ng nabuong
kuwento sa harap.
* Magbigay ng komento ang guro sa nagawang aktibidad
5. Pangwakas na Gawain
*Ano ang kahalagahan ng kultura sa etimolohiya ng mga panitikan?
6. Wakas na Panalangin

ARAW 4:
F10PS-Iia-b-74- Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa nabasang
dula PROCEDURE
1. Umpisahan ang araw sa panalangin
2. Pag organisa sa buong klase
3. Pagbabalik-aral
4. Pagganyak
* 4 pics 1 word
Ang mga larawan ay nagpapakita ng kultura na makikita sa kwentong
“Mangkukulam sa Springdale”
Hal.
Nagmamanong bata sa matatanda
5. Paglalahad
*Ano ang Nakita mong katangian ni Victor sa kwento?
*May nakita ba kayong kultura sa kuwento?
*Magbigay ng sariling pananaw o saloobin sa Kultura ng Pilipinas at Estados
Unidos.
6. Pagbibigay ng mga Aktibidad
* Ang gagawing aktibidad ay Venn Diagram na gagawin sa tatlong
pangkat Panuto:
Pamhambingin Ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa Estados Unidos
alinmang bansa sa daigdig. Isulat ito sa isang papel.
* Ang IKALAWANG aktibidad ay ipapakita ng mga mag-aaral ang ang
mga magagandang asal na dulot ng kanilang kulturang kinagisnan
7. Wakas na Panalangin
ARAW 5:
PROCEDURE
1. Panalangin
2. Pag-organisa sa buong klase
3. Pagbabalik-aral
4. Pagganyak
*Lagyan ng tsek ang patlang kung Ang pahayag ay sumasagot sa tanong na “
Bakit mahalaga ang kultura ng isang bansa?”.
1. Upang maipagmalaki ang bansa
2. Napagbubuklod nito ang isang Lugar
3. Sumusukat sa pagkakaisa ng ating bansa
4. Binubuo nito ang ating pagkatao
5. Nagkaroon ng kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan
5. Paglalahad
* Pagtatalakay sa Kultura ng Pilipinas at Estados
Unidos Tanong:
Ano ang pananaw o damdamin mo sa Kultura ng bansa?
Ano ang halaga ng kultura ng Pilipinas at Estados Unidos?
6. Pagbibigay ng Aktibidad
* Magbibigay Ang guro ng aktibidad na pinamagatang “Venn Diagram” sa
Pilipinas at Estados Unidos.
7. Pagbabahagi ng Gawain
* Ang mag-aaral ay ibabahagi ang kanilang mga Gawain sa
pamamagitan ng isang PowerPoint presentation at ang guro ay magbibigay
ng komento.
8. Ipapakilala ng guro ang gagawing output na isang documentary kung
saan ipapakita ng mga mag-aaral kung paano nakakaapekto ang panitikang
Filipino sa pananaw ng tao sa kultura.
*Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang sanaysay tungkol sa kung gaano
kahalaga ang kultura sa isang bansa at kung saan ilalagay nila ito sa
introduksiyon ng kanilang gagawing Dokumentary
9. Pangwakas na Gawain
*Paano mo maipagmamalaki Ang kultura ng iyong bansa bilang mag-aaral
10.Wakas na Panalangin

ARAW 6:
1. Panalangin
2. Pag-organisa sa klase
3. Pagganyak
● Pagtatanong ng sitwasyon na may kaugnayan sa mitolohiyang “Lalaking
Buffalo”. Sasagutan ito sa pamamagitan ng isang sanaysay na nagkakaloob ng
Sampung
(10) pangungusap.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong gagawin kung nalaman mong ikaw ay ampon lamang?
2. Paano mo pakikitunguhan ang iyong kinagisnang magulang?
4. Paglalahad
Ano ang mitolohiya?
Ano ang kahalagahan ng kultura sa mitolohiya sa bansang Kanluran ?
Babasahin ng mag-aaral ang mitolohiyang “Lalaking Buffalo”.
*Pagtatanong sa mga mahahalagang pangyayari sa mitolohiya
* Pagtukoy sa mga kulturang nakapaloob sa mitolohiya
5. Pagbibigay ng aktibidad
Papangkatin Ang klase sa tatlong (3) pangkat.
Sa pangkatang Gawain, tutukuyin ng mga mag-aaral ang pangunahing paksa
at ideya ng mitolohiya at gagawa sila ng monologue sa mga tauhan at gagawin
ito sa pamamagitan ng padlet.
6. Pagbabahagi
sa nagawang Gawain, ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang mga
sagot sa nakitang pangunahing paksa at ideya sa mitolohiya.
Sa pagbabahagi naman ng monologue sa usapan ng mga tauhan, bibigyan
nila ito ng hustisya sa pagbabasa.
7. Pagsusuri
Sa panapos na Gawain, bibigyan ng maikling pasulit ang mga mag-aaral.
1. Ano ang kahalagahan ng kultura sa mitolohiya sa bansang Kanluran?
2. Ano ang pangunahing paksa at ideya ng mitolohiyang “Lalaking Buffalo”?
3. Paano mo mapahalagahan ito bilang mag-aaral?
8. Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang sanaysay tungkol sa mga
kulturang kanilang kinagisnan at ilalagay nila ito sa unang bahagi ng
kanilang gagawing dokumentary

9. Pantapos na Tanong
● Anong mga aral Ang nakukuha mo sa mitolohiyang “Lalaking Buffalo”?
● Anong klaseng kultura ang makikita sa kwento?
10.Panapos na Panalangin
ARAW 7:
Procedure:
1. Sisimulan ang araw ng isang taimtim na panalangin.
2. Magkakaroon ng pagganyak na tinatawag na “4 pics one word”
● Magpapaskil ng apat na larawan sa pisara na naglalarawan sa
akdang pampanitikan sa Kanlurang Asya.
3. Pagbibigay ng puna at linaw sa mga mag-aaral patungkol sa
ginawang pagganyak.
● Mitolohiya
● Kanlurang Asya
4. Ipakikilala ang akdang pampanitikan sa Kanlurang Asya na “Ang
lalaking Buffalo.”
● Ang mga mag-aaral ay magbabasa sa buod ng kwento na “Ang lalaking
Buffalo” sa ipinasa ng guro na link sa Group Chat bilang pagpapakilala sa
paksang tatalakayin.
5. Susuriin ang nabasang mitolohiya ng mga mag-aaral ayon sa:
● Nilalaman
● Kahalagahan/Aral
● Elemento (tauhan, tagpuan, banghay, tema, estilo, tono, at pananaw)
9. Pagkatapos masuri, gagawa ng sanaysay tungkol sa pagkakapareho ng
kulturang makikita sa kwento at sa kulturang kanilang kinagisnan na isusulat
sa pamamagitan ng padlet at ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang
nagawang sanaysay ayon sa nilalaman, elemento at kakanyahan sa
nabasang mitolohiya, ang nilalaman ng sanaysay ang kanilang ilalagay sa
gagawing dokumentary
● Mayroon lamang 10 minuto para gawin ang aktbidad (indibidwal)
10. Magkakaroon ng pangkatan na kung saan pipili lamang ng representante
ang bawat grupo para ibahagi ang nasulat na sanaysay.
Ang napiling mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang nagawang sanaysay
11. Bilang pangkat, ang mga mag-aaral ay magpapatuloy sa pagsuri sa
ginawang dokumentaryo ayon sa kultura at kahalagahan nito.
12.Pangwakas na Gawain
13.Panalangin
ARAW 8:
F10PB-Iia-b-75- Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng sariling karanasan
LAYUNIN:
KAALAMAN: Nakapag-uugnay ng mahalagang kaisipan ng sariling karanasan sa
nabasang mitolohiya
KASANAYAN: Nakapagbabahagi ng mahalagang kaisipan sa sariling karanasan
sa pamamagitan ng roleplay
KAASALAN: Nabibigyang kahalagahan ang mga mahalagang kaisipan ng sariling
karanasan sa nabasang mitolohiya
KAHALAGAHAN: Nakararanas ng sitwasyon na naiuugnay sa mitolohiya na
nagbibigay ng mahalagang kaisipan sa totoong buhay
Procedure:
1. Sisimulan ang araw ng isang taimtim na panalangin.
2. Magkakaroon ng pagganyak na tinatawag na Guess the Word.
Magpapakita ng larawan na may katumbas na salita na sasagutan ng mga mag-
aaral hanggang sa mabuo ang salitang “Ang Lalaking Buffalo.”
3. Pagbibigay ng puna at linaw sa mga mag-aaral patungkol sa
ginawang pagganyak.
4. Pormal na sisimulan ang pagtatalakay sa kwentong “Ang lalaking
Buffalo” kasabay ng pagpapasa ng link sa group chat para ipapabasa ang
buod ng kwento sa mga mag-aaral.
5. Pagkatapos basahin, sasagutan ng mga mag-aaral ang mga naihandang
mga gabay na tanong na kanilang sasagutan:
Ano ang aral na makikita sa binasang kwento?
Mayroon ba kayong sariling karanasan na maihahalintulad sa mga pangyayari na
makikita sa kwento?
Ano kaya ang kaugnayan ng mga kaisipan sa kwento na makikita sa inyong
sariling karanasan?
6. Magkakaroon ng pangkatang Gawain kung saan magkakaroon ng roleplay
presentation ayon sa senaryo sa kwento na nagbabahagi ng mahalagang
kaisipan sa sariling karanasan.
● mayroon lamang 5 minuto para maghanda
7. Pagkatapos ng aktibidad, ang mga mag-aaral ay ipagpapatuloy ang
ginawang dokumentaryo ayon sa:
● Mahahalagang kaisipan na makikita sa ginawang dokumentaryo
● Naipapakita ba ang pagpapahalaga sa kultura at paano ito naiiuugnay sa
sariling karanasan.
8. Bilang panapos, bibigyan ng takdang aralin ang mga mag-aaral kung
paano naiiuugnay ang sariling karanasan sa mga pangyayari na makikita sa
kwento.
Isusulat ito sa pamamagitan ng padlet
9. Panalangin.

ARAW 9:
1. Sisimulan ang araw ng isang panalangin.
2. Ang klase ay sisimulan pagganyak sa paraan ng “Kasabihan” na patungkol sa
mitolohiya ng “Ang Lalaking Buffalo” sa bansang kanluran.
3. Susuriin at babasahin ang mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo” sa
bansang kanluran at,
a. Magbibigay ng mga gabay na tanong ang guro at itoy sasagutan ng mga
mag- aaral
b. Ipapahayag ang mahalagang kaisipan at pananaw ng mitolohiya
4. Gagawa ang mga mag-aaral ng sariling kasabihan tungkol sa kanilang
sariling pananaw sa nabasang mitolohiya.
● Ibabahagi ito pagkatapos
5. Magkakaroon ng pangkatang oa ko kung saan ang mga mag-aaral ay
gagawa ng isang sanaysay na nagpapaliwanag sa napili nilang “kasabihan” sa
kanilang pangkat.
Ipapasa ito sa padlet
6. Bibigyan ng guro ng oras ang mga mag-aaral na gumawa ng replektibong
sanaysay ayon sa mahahalagang aral na makikita sa realidad at ang nilalaman
ng kanilang sanaysay ay ilalagay sa gagawing Dokumentary

7. Ang guro ay magbibigay ng takdang aralin na nakapaloob sa mitolohiyang


“Ang Lalaking Buffalo” sa bansang kanluran.
Halimbawa:
● Anong aral na makukuha natin sa mitolohiya
● Ano-ano ang mga pangyayari sa kwento na makikita sa realidad na pamumuhay
● Sa binasang mitolohiya, magbigay ng mahalagang kaisipan at pananaw nito
8. Panapos na panalangin

ARAW 10: Pagsasalaysay ng Sariling Karanasan kaugnayan sa Kulturang


nabanggit sa Kwento.

1.) Panalangin
2.) Ang paunang awain ay sisimulan sa pagganyak na pinamagatang “Hulaan
” Kung saan ang guro ay magpapakita ng larawang nakapaloob sa mitolohiya
ng bansang kanluran at Pilipinas.
3.) Babasahin at ipaliliwanag sa mga mag-aaral ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng mitolohiya sa bansang kanluran at mitolohiya ng pilipinas.
Magbibigay ng link ang guro sa mga mag-aaral ng dalawang mitolohiya sa
Kanlurang Asya at ng Pilipinas
4. Magbibigay ng gabay na tanong sa mga mag-aaral patungkol sa
tinalakay. Ano o ano-ano ang kaibahan ng mitolohiya sa kanlurang asya at
ng Pilipinas.
5. Pangkatang Gawain
Panuto: Gumawa ng paghahambing sa mitolohiya mula sa kanlurang asya at ng
Pilipinas gamit ang Venn Diagram
Mayroon lamang 10 minuto para gawin ang aktibidad
6. Ang guro ay magbibiday ng puno at pagwawasto sa nagawang venn diagram
7. Ang guro ay magbibigay ng pasulit patungkol sa pangkalahatang talakayan.
8. Gagawa ang mga mag-aaral ng sanaysay tungkol sa
pagkakaiba at pagkakatulad mitolohiya sa kanlurang asya at ng
Pilipinas.
9. Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral na tapusin ang nagawang
dokumentaryo at nakapagtatala ng sariling paghahambing sa karanasan ng
nasa ginawang dokumentaryo at sa kanilang sarili kung saan ilalagay ng mga
mag-aaral ang kanilan mga nahihinuha sa kung paano nakakaapekto ang
panitikang mitolohiya at dula sa pananaw ng tao sa kultura.
10. Pangwakas na Gawain, maghahanap ng ibang mitolohiya sa kanlurang
asya at pilipinas ang mga mag-aaral at ito ay paghahambingin.
11.Panapos na Panalangin
Accommodations for Differentiated Instruction
Resource Student:
*Kumalap ng mapagkukunan sa
pagkatuto,gaya na lamang lehitemong
resources,dokuments o website sa pananaliksik
ng mga impormasyon .
Na may kaugnayan sa mitolohiya o mga
kwentong bayan.Upang magamit sacgawaing
may kinalaman sa ibat-ibang kagamitan
pangtalakayan.
*Mas mabuting gumamit ng mga digital na
kagamitan upang mas mainam na
maipakita,Ang kahalagahan mayroon sa
pagtuturo sa ika21 na siglo na kung saan
teknolohiya ay Kasama na sa araw-araw nating
pagkatuto;maaring maghanap ng mga bidyu
sa YouTube na Puno ng mga kaalaman
kaugnay sa pinagmulan ng epitimolohiya
upang mas mauwaan nila ang daloy ng
talakayan.
*Gagawan ng PowerPoint presentation Ang
paglalahad sa mga nasabing gawaing pang
talakayan.
*Sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay
makasusulat sila sa padlet ng wasto batay sa
kanilang saloobin sa kwentong nabasa.
*Bibigyan ng pasulit Ang mga mag-aaral
pagkatapos ng talakayan,upang masiguro kung
sila nga ba ay talagang may nahihinuha sa
iyong talakayan, patungkol sa mitolohiya at
kung paano maiuugnay Ang tradisyon sa
nasabing ibat-ibang kultura mayroon Tayo.
*Bigyan ng palarong pupukaw sa kanilang
atensyon,na may kaugnayan sa
talakayang pagkatuto.
*Sa katapusan ng talakayan ay inaasahang
makababahagi sila ng kanilang mga
natutunan sa pamamagitan ng pagguhit ng
larawan na
sumisimbolo sa aral na nahihinuha nila
talakayan.
English Language Learner: Ang English language learner (ELL) ay mga
mag- aaral na hindi nagsasalita ng Ingles na
hindi pa nagkakaroon ng sapat na kasanayan
upang makabisado ang isang English-only
curriculum at pagtuturo sa paaralan.

Mga Paraan ng Guro sa pagtuturo:


● Tumutok sa akademikong wika, literacy
at bokabularyo
● Iugnay ang kinagisnan na kaalaman
at kultura sa pag-aaral
● Magbigay ng mga mabilis na
maintindihan na outputs at inputs
● Panatilihin ang aktibing
apakikipag- ugnayan sa
silid-aralan
● Magpagawa ng mga aktobidad na
malalapatan ng Higher Order Thinking
Skills

Ang magkapares at pangkatang gawain ay


nagbibigay ng mahusay na mga pagkakataon
para sa pag-unlad ng oral na wika ng mga ELL
dahil ang bawat mag-aaral ay may mas
maraming oras upang makipag-usap kaysa sa
isang malaking talakayan ng grupo, at ang
mga mag-aaral ay kadalasang nakakaramdam
ng mas komportable na ibahagi ang kanilang
mga ideya sa isang maliit na kapaligiran ng
grupo.
Students with Special Learning Needs: 1. Tukuyin ang mga pangangailangan ng
mga mag-aaral: Maglaan ng oras upang
makipag- usap sa mga mag-aaral,
magulang, at guro upang mas maunawaan
ang kanilang mga pangangailangan at
kakayahan. Sa paggawa nito, matutukoy mo
ang mga mapagkukunang pang-edukasyon
na kakailanganin ninyong dalawa na gamitin
upang matugunan ang inyong mga
pangangailangan sa isa't isa.

2. Gumamit ng mga gawain na nakatuon sa


pagpapalawak ng mga kakayahan sa
edukasyon: Isama ang mga aktibidad na
nakatuon sa pagpapalawak ng mga kakayahan
sa edukasyon kapag gumagawa ng isang
gawain. Halimbawa, kung ang isang mag-aaral
ay nahihirapan sa pagbabasa, maaari kang
magtalaga ng mga takdang-aralin sa pagsulat
na nagbibigay-diin sa mga pangunahing
konsepto na dapat nilang matutunan.

3. Magbigay ng regular na puna at suporta


sa mga mag-aaral na may mga espesyal na
pangangailangan, gayundin ng tulong sa
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa
pag-aaral. Maaari kang, halimbawa,
magsagawa ng mga sesyon ng tutorial upang
matugunan ang kanilang mga
pangangailangang pang-edukasyon.

4. Gumamit ng mga visual aid upang


matulungan ang mga mag-aaral na may
espesyal na pangangailangan na matuto nang
mas epektibo. Kasama sa mga visual aid ang
mga graphics, larawan, at video. Ang mga
video na nagpapakita ng mga ideyang
kailangan nilang matutunan, halimbawa, ay
maaaring mai- post online.

5. Hikayatin ang paggamit ng mga opsyon


upang palawakin ang mga kakayahan sa
edukasyon: Kapag bumubuo ng mga
aktibidad, isama ang mga opsyon upang
tumanggap ng iba't ibang istilo ng pag-aaral.
Para sa mga mag- aaral na mas gusto ang
mga titik ng
defuzzification, halimbawa, maaari mong isama
ang mga gawain sa pagbabasa na may mas
malalaking titik.

Students with Visual Impairment: Ang mga mag-aaral na may kapansanan sa


paningin o bulag ay maaaring makinabang
mula sa paggamit ng mga matalinong scanner
at mga mambabasa. Ang mga teknolohikal na
device na ito ay madaling magko-convert ng
mga dokumento tulad ng mga libro at handout
sa pagsasalita. Sa ganitong paraan ang mga
mag-aaral na hindi nakikita ang materyal na
ipinakita sa isang nakasulat na dokumento ay
maaari pa ring ma-access ang impormasyon.

Ang mga mag-aaral na may kapansanan sa


paningin ay maaaring mag-access ng
impormasyon sa iba't ibang paraan, halimbawa
Braille, audio-tape, o pinalaki na print. Ang
mga mambabasa ng Braille ay hindi maaaring
magbasa nang mabilis at maaaring tumagal ng
hanggang tatlong beses hangga't ang ibang
mga mag-aaral ay makakabasa ng isang
teksto. Ang mga mag-aaral na may ilang
pananaw ay maaaring mga malalaking-print na
mambabasa.
Gifted Students:
Ang Gifted Students ay may advanced na
kakayahang matuto at magproseso ng
impormasyon nang mabilis, na sinamahan ng
isang pangangailangan para sa patuloy na
pagpapasigla ng kaisipan.

Mga Stratehiya ng guro:


● Tratuhin ang mga mag-aaral bilang
mga indibidwal
● Hayaang tuklasin ng mga mag-aaral
ang kanilang mga hilig
● Bumuo ng mga malikhaing pagtatanon
● Hikayatin ang self-directed
learning kasama ang iyong mga
mag-aaral

Magpagawa ng Project Based Learning


Activity, pangkatang Gawain upang makabuo
ng kolaborasyon sa pamamagitan ng
pagbabagyong isip.

You might also like