Ang Tagong Paraiso

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Tagong Paraiso

Sa kanlurang bahagi ng Kalinga, nakatago ang isang Paraiso. Nakasaad ito sa liblib na lugar
napapalibutan ng bundok at maraming puno ng pine. Isang araw pag bukas ng bagong liwayway, pumunta ang
mga kaibigan ni kuya sa bahay. Dala dala nila ang kanilang sasakyan at tila may lugar na gusto nilang pasyalan.
Nakita ko si kuya na dala-dala ang kanyang mga bagahe papunta sa sasakyan na kanilang gagamitin. Tinanong
ko si kuya kung saan sila pumupunta at sumagot naman na pupunta sila ng Colayo at bibisitahin ang kanilang
talon. Dalidali kong tinanong kung pwede ba akong makipunta. Sabi naman ni kuya na makisuyo ako sa
kanilang kaibigan dahil siya ang may hawak ng desisyon. Pagkasabi ni kuya sakin, pumunta ako sa kaibigan
niya at tinanong ko kung pwedeng sumama at sabi niya naman na pwede, mas marami mas masaya. Dali naman
akong nag empake ng aking mga damit at sumakay sa kanilang sasakyan.
Sa mahabang oras na aming paglalakbay akoy nainip dahil wala kaming maka usap sa harap. Dalawa
lang kami ni ate sa harap at nasa kargadera ng sasakyan ang aming mga kasama. Pagdating namin sa Uma,
Lubuagan kami’y bumaba para bumili ng pagkain na aming dadalhin sa lugar na aming pupuntahan. Sa aming
paglalakbay ay hindi naging madali sapagkat dumaan kami sa matarik na bundok at masikip na daan. Hindi man
ito naging mapanganib sapagkat experto ang aming kuya driver mapapatalon ka naman sa kaba dahil sa daan at
lumulundag ang aming sasakyan at sa ibaba namin ay ang ilog ng Pasil.
Pagdating namin sa paradahan naputol kasi ang kalsada papuntang Colayo, kami’y bumaba at
nagsimulang magdiskarga ng aming mga gamit. Doon palang sa pinagbabahan namin maaaliw kana sapagkat
sariwa ang hangin at malamig ang simoy nito. Napahanga ako sa kagandahan ng lugar nung kami ay naglalakad
papunta sa kanilang Barangay. Makikita mo ang ganda ng mga tanawin at ang kanilang malinis na tubig. Isang
oras kaming naglakad pataas ng bundok at sa dakong hapunan na kami nakarating. Sa bahay na ng kaibigan ni
kuya nag hapunan at natulog muna kami doon ng ilang oras bago kami nagpatuloy sa aming paglalakbay.
Dakong alas dos na ng hapon pinagpatuloy naming ang paglalakbay sa pupuntahan naming talon.
Umakyat kami ng bundok at tila hindi ka mapapagod dahil sa malamig na simoy ng hangin at napakagandang
tanawin. Sa daan ay punong puno ng pine at para bang nasa Baguio ka dahil sa itsura nito. Pagkababa namin ng
bundok ay Nakita na namin ang napaka linis at napaka malinaw na tubig ng ilog. Wala itong bakas na dumi at
itoy parang musika na dumadaloy sa kabundukan. Sinundan na naming ang ilog na ito at malapit na kami sa
aming paroroonan. Dalawang oras bago naming ito marating.
Malayo man ang amin nilakad, pagdating namin kami ay namangha dahil makapagpigil-hininga ang
aming nakita. Bukod sa likas nitong ganda ito,y napakalinis. Ito ay mapahintulad sa isang natatagong Paraiso.
Nang kami ay lumangoy ang tubig nitoy napakalamig at pag hindi ka umahon ikay manginginig. Ilang oras lang
kaming lumangoy sapagkat damating na ang takip silim. Sa oras na iyon ihinanda na namin ang mga pagkain
habang ang mga kalalakihan naman ay abala sa pagpatayo ng mga tent at pagkatay sa aming hapunan. Sa
gabing iyon ay masaya kaming nag kukumpulan at nagkwekwetuhan sa mga kasamahan naming mga babae at
ang mga lalake naman ay abala sa kanilang pampasigla na likido.
Pagkalipas ng gabi nag handa na kaming mag almusal bago sumulong ulit sa tubig ng talon. Dito ay
nasinagan na kami ng araw at masaya kami na lumalangoy sa lawa nito. Ang mga kalalakihan naman ay para
silang mga tarzan na uma-akyat sa mga bato para tumalon at sumisid. Ang mga iba naman ay kumukuha ng
mga litrato at masayang tinitingan ang paligid ng talon. Ilang oras din kaming lumngoy at pag dako ng alas dose
ng hapon, nag empake na kami ng mga gamit namin. Doon na kami nagpaalam sa napakagandang tanawin at
tuluyan na kaming umuwi.

You might also like