Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang ghosting ay karaniwang tumutukoy sa taong bigla na lamang hindi pagsagot o pag-reply sa iba’t-

ibang social media platforms sa kanilang kinakasama. Ayon sa theAsianparent, “ang ghosting ay bagong

paraan ng pakikipaghiwalay na nagiging laganap na istratehiya ngayon. Ginagamit nito ang teknolohiya,

na dati ay para sa pagbuo at pag-aalaga ng pagsasama, bilang pag-iwas sa dating karelasyon. Bago man o

matagal nang relasyon, biglang napuputol ang mga pagsasama dahil dito. Walang usap-usap, walang

paghingi ng tawad, pawang katahimikan lamang”.

https://ph.theasianparent.com/ano-ang-ghosting

Ang ghosting ay hindi nalilimita sa pagkawala ng isang tao sa relasyon bagkus ginagamit din ang paraang

ito sa loob ng isang trabaho. Ayon sa isang author na si Ivy Wigmore, mailalarawan niya ang salitang

ghosting sa mga potensyal na empleyado ng isang kumpanya na biglang hindi sumipot sa mensahe at

tawag nito, empleyadong hindi pumasok sa kanilang trabaho nang walang paalam, mga empleyadong

hindi nagpakita sa kanilang unang pagpasok sa trabaho, at mga empleyadong umalis sa kalagitnaan ng

kanyang trabaho o shift at hindi na bumalik.

https://www.techtarget.com/whatis/definition/ghosting

You might also like