Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I- Kompetensi

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari. F2WG-Ic-e-2

II- Layunin

1. Nalalaman ang kahulugan ng pangngalan.

2. Nakapagbibigay ng iba’t-ibang halimbawa ng pangngalan.

3. Napapahalagan ang gamit ng pangngalan.

III – Nilalaman

Paksang Aralin

Wastong Gamit ng Pangngalan

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. MELC

Teksbuk (p. CG pahina 23 , Filipino LM 28-30)

B. Iba pang Kagamitang Panturo

Mga larawan, papel,cartolina,lapis,laptop,projector,CAIM’s

IV- Pamamaraan

A. Panimula

Prayer

Checking of attendance

B. Pagganyak

 Hahatiin ang klase sa apat (4) na grupo.


 May apat na puzzle sa bawat group na ibibigay na kailangan nilang mabuo.
 Pagkatapos mabuo ididikit ito sa pisara.
 Ang bawat grupo ay magsasabi kung ano ang larawan na kanilang nabuo.
 Ano ang Pangngalan?
 Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop, at pangyayari.
 Pangalan ng tao. Ang mga salitang tinutukoy ay ngalan ng tao.
 Halimbawa: Ginoong Perez, guro, pinsan
 Pangalan ng bagay. Ang mga salitang tinutukoy ay ngalan ng bagay.
 Halimbawa: lapis, mesa, gusali
 Pangalan ng hayop. Ang salitang tinutukoy ay ngalan ng hayop.
 Halimbawa: aso, pusa, ahas, manok
 Pangalan ng lugar o pook. Ang salitang tinutukoy ay ngalan ng lugar o pook.
 Halimbawa: barangay, Luneta Park, Lungsod ng Antipolo, paaralan, palengke
 Pangalan ng pangyayari. Ang salitang tinutukoy ay ngalan ng pangyayari o kaganapan.
 Halimbawa: piyesta, Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga Puso, Pahiyas Festival

C. Paglinang

Basahin at unawain ang kuwento.

Ang mga Alagang Hayop ni Rico


ni: Denmark Soco

Mahilig si Rico sa mga hayop. Sa katunayan marami siyang alagang mga hayop. May alaga
siyang aso, kuneho, palaka, pagong, pusa at ibon. Sa tuwing pumupunta si Rico sa palengke ay
isinasama niya ang kaniyang aso. Katabi naman niya ang kaniyang pusa sa tuwing pagtulog.
Pagkagaling ng paaralan ay agad niyang binibigyan ng patuka ang kaniyang alagang ibon habang
sinasabayan ito ng pagkanta. Hindi niya rin pinapabayaan ang kaniyang alagang pagong at palaka.
Sinisigurado niya na malinis ang tubig sa kulungan nito. Itinuturing ni Rico ang kaniyang mga alaga na
kaniyang pamilya. Mahal na mahal ito ni Rico.

Siyang umiyak sa nangyari. Kinabukasan ay agad siyang nagising sa sobrang ingay na kaniyang
paligid. Dumungaw siya sa bintana at nakita niya ang sobrang daming palakang nagkukumpolan. Agad
niyang napagtanto ang pamilya na kabilang ang kaniyang alagang palaka. Ganoon din ang kaniyang
naisip sa kaniyang nawawalang pagong na may kasama na itong kapwa niya pagong. Masaya na rin si
Rico sa nangyari. At ang kaniyang inalagaan na lamang ay ang kaniyang aso, pusa at kuneho.
Pinakawalan niya na rin ang kaniyang alagang ibon dahil hindi ito dapat na ikinukulong.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong batay sa kuwentong binasa.

1. Ano-ano ang mga alagang hayop ni Rico?

2. Sino ang kasama ni Rico kapag pumupunta siya sa palengke?

3. Sino ang katabi ni Rico tuwing siya ay natutulog?

4. Anong hayop ang pinapatuka ni Rico na sinasabayan niya pa ng pagkanta?


5. Ano ang ugali mayroon si Rico?

Gawain

Pinoy Henyo

Hahatiin ang klase sa dalawang grupo.


Bawat grupo ay bibigyan ng tig-dalawang minuto para mahulaan ang mga salita. Ang may
pinakamaraming salita na nahulaan ang siyang panalo.

You might also like