Professional Documents
Culture Documents
Nakasalalay Ang Kinabukasan NG Pilipinas Sa West Philippine Sea
Nakasalalay Ang Kinabukasan NG Pilipinas Sa West Philippine Sea
Ang katubigan sa Timog Tsina ay isang ari-arian ng mga mapagkukunang yaman tulad ng mga
vast oil at gas na nakareserba sa ilalim ng tubig patungo sa komplikado at magandang ecosystem na
may kakayahang sumoporta sa internasyonal na mga pagkaing-dagat sa merkado at mga paglalahad
ng mga siyentipikong misteryo. Ito ang patrimonya sa taga Timog-silangang Asya na mga bansa, ang
lifeblood ng kanilang baybayin na komunidad, at sa kanilang pangkabuhayan na may milyon-milyong
mamamayan. Ang Estados Unidos ay nakasuporta sa bansang Pilipinas at iba pang karelasyon na
bansa sa Timog-silangang Asya, na pinanindigan ang mga tuntunin upang tiyakin ang soberanya ay
napapanatili at may produktibong access sa dagat ng Timog Tsina at sa mga kayamanan nito.
Noong nakaraang buwan lang ay ang ASEAN summit, o ASEAN ng mga liders ay muling
pinagpatibay ang importansya na panatilihin ang South China Sea "na dagat ng kapayapaan,
katatagan, at kasaganaan". Para pagtibayin ang suporta sa soberanya at kalayaan sa dagat, ngayong
linggo, ang Estados Unidos ay nagpahayag ng importanting pagbabago sa U.S. policy o patakaran
tungkol sa maritime claims ng dagat sa Timog Tsina.
Bakit ito mahalaga? Dito sa Pilipinas, ipinapakita ng West Philippine Sea ang mayamang marine
diversity ng bansa. Sa mga katubigang ito, nakatuklas ang mga siyentipiko ng daan-daang species ng
isda, coral, seagrass, at iba pang lamang dagat na umiiral sa magkakaugnay na mga sistema na siyang
nagturo sa atin tungkol sa pagiging kumplikado, kahinaan, at katatagan ng mundo. Ang mga tirahang
ito ay hindi lamang napagkukunan ng mga isda na siyang pumupuno sa mga pangisdang sasakyan ng
mga Pilipino (pati na rin pinggan ng mga Pilipino), nagsisilbi rin itong mga spawning ground para sa
mga grupo ng isda na naninirahan sa mga dagat sa buong Timog-silangang Asya. Ang mga siyentipiko
ng Pilipinas ay naniniwala na ang ilan sa mga natatanging species sa mga katubigang ito ay maaaring
maging susi sa pambihirang tagumpay hinggil sa larangang biomedical, habang ang mga mananaliksik
ng klima ay maaaring mag-aral sa pagbabago ng ecosystem upang masukat ang epekto ng tao sa
kapaligiran.
Mula noong 1990s, suportado ng Estados Unidos ang mga pagsisikap sa pangangalaga ng mga
marine biodiversity ng Pilipinas. Ang 1.3 bilyong peso sa limang taon - Fish Right na proyekto ay
gumagana kasama ng mga kasosyo sa Pilipinas upang palakasin ang napapanatiling paggamit ng mga
kritikal na yaman sa baybayin at dagat upang makinabang ang higit sa 2 milyong tao. Nang higit na
binantaan ng pandemya ng Covid-19 ang mga kabuhayan sa dagat, nakakatulong ang Fish Right sa
pagbuo ng fish tiangge, isang online marketplace na nag-uugnay sa mga mamimili at 6000
mangingisda sa tatlo sa mga pinakamahalagang lugar sa Pilipinas para sa marine biodiversity. Ang
mga Amerikanong kompanya ay nag-aambag din sa Bloomberg Philanthropies na nagsusulong ng
global development alliance na siyang nagpa-igting sa marine conservation at sustainable fishing sa
higit 150 ektaryang ng biologically significant waters.
Ang mga siyentipiko at innovator ng U.S. ay masugid na umanib sa mga kasamahang Pilipino
sa pagsasaliksik sa karagatan ng West Philippine Sea upang makabuo ng isang sustenableng maritime
framework – na siyang magpoprotekta sa mayaman at hindi mapapalitang biodiversity nito habang
tinitiyak na ang mga bagong henerasyon ay makikinabang sa angking yaman at kagandahan nito. Sa
pamamagitan ng U.S. – Philippines Science and Technology Agreement na pinagtibay kamakailan,
sama-sama tayong gumagawa ng mga bagong pamamaraan tungo sa mas mataas na siyentipikong
kolaborasyon sa kanlurang dagat ng Pilipinas at sa iba pang aspeto nito. Ang mga kabataan ay may
mahalagang papel sa pagkamit ng pangmatagalang sustenabilidad ng dagat. Nakipagsosyo kami sa
mga alumni mula sa U.S.S. Youth Southeast Asia Leadership Initiative exchange program para sa mga
kampo ng Sea and Earth Advocates (SEA) upang sanayin ang mga kabataang maging pinuno sa
pangangalaga at sa mga naka-sponsor na programa tulad ng "Haquathon Summit", kung saan ang
tatlumpu't limang koponan ay bumubuo ng mga tech-based na solusyon upang iligtas ang mga
karagatan.
Dahil sa mga aktibidad at mga pangako para sa isang malaya at bukas na kaayusan na
nakabatay sa mga patakaran na nagtataguyod ng mga karapatan sa soberanya ng lahat ng estado,
anuman ang laki, kapangyarihan, at kakayahan ng militar, ay patuloy na susuportahan ng Estados
Unidos ang aming kaibigan, kasosyo, at kaalyadong mga Pilipino sa pangangalaga sa mayamang
marine biodiversity yaong ginagawang natatangi ang kapuluang bansang ito. i
i
isinalin nina: Abajar, Alferez, Deluvio,
Moral, at Rama (April 2023)
Sanggunian:
Kim, S. (2020, July 16). The Philippines’ Future Floats in the West Philippine Sea. U.S. Embassy in
the Philippines. https://ph.usembassy.gov/the-philippines-future-floats-in-the-west-philippine-sea/