Aktibiti Blg.3-Guzman, Joshua

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Joshua A.

Guzman
PCBET-19-302A
AKTIBITI BLG. 3

TANONG:
1. Pumili ng (5) limang Dalumat - salita mula sa Canvass hanggang Tokhang na
nakaantig sa iyong puso (any order).
Mga Salitang napilit:

• Huweteng
• Lobat
• Jejemon
• Selfie
• Miskol

2. Bakit mo napili ang mga ito?

• Huweteng
- Napili ako huweteng dahil sumikat ito noong kasagsagan ng pandemya at
maraming tao pa rin ang tumatangkilik sa ganitong sugal kahit ang iba nito ay
illegal.

• Lobat
- Napili ko ang lobat dahil personal kong madalas gamitin ang salitang ‘to. Ang
salitang ito ay isa sa mga naobserbahan kong madalas ding gamitin ng ibang taong kausap
ko lalo na dahil halos lahat ay kilala na ang makabagong teknolohiya.

• Jejemon
- Napili ko ang jejemon dahil mas napapadali nito ang pagtatype ng mga tao. Mas
pinaikli nito ang mga salita at hindi na kailangan itype ng mga tao ang buong salita. Isa pa
ay nagkakaroon ng laya ang mga Pilipino sa kanilang pagtatype at nagkakaroon tayo ng
kanya-kanyang style pagdating dito na kung saan ay mas nagiging komportable tayo.
• Selfie
- Sa panahon ngayon, kahit mga bata ay alam na ang salitang ito. Naging hilig na
ng mga Pinoy ang pagkuha ng sarili nilang larawan gamit ang kani-kanilang mga selpon
kaya nagkaroon na rin ng terminolohiya para rito.

• Miskol
- Napili ko naman ang salitang miskol dahil kahit pandemya ay marami pa ring mga
bagong selpon ang inilabas at maraming tao pa rin ang tumatangkilik nito. Ang
pagmimiskol ay isa naging pamamaraan ng pagmamayabang ng mga Pilipino.

3. Iugnay ang mga ito sa lipunang ating kinabibilangan.

• Huweteng
- Napili ko ang huweteng dahil maraming tao ang natulungan nito lalo na ngayong
pandemya. Dahil sa huweteng, nabigyan din ng pagkakataon magkaroon ng hanapbuhay
ang mga naapektuhan ang dating trabaho ng pandemya.

• Lobat
- Nakatutulong ito sa ating lipunan dahil hindi lahat ng Pilipino ay iniisip pa ang
accent o paraan ng pagbigkas nila sa mga salita. Nagkakaintindihan ang mga Pilipino sa
pagbigkas nito at isa rin itong patunay na tuluyan na ngang naging parte ng buhay ng mga
Pinoy ang paggamit ng teknolohiya.

• Jejemon
- Nakatutulong ito upang mabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino sa paggamit ng
mga salita na kumportable sila. Lumalabas ang pagiging malikhain nila dahil kada tao ay
may iba’t ibang style. Maaari nating makilala ang personalidad ng tao base sa kung paano
niya ipinapahayag ang sarili niya gamit ang mga salitang jejemon.

• Selfie
- Ang mga Pinoy ay sadyang mahilig sa pagkuha ng litrato at dahil dito ay nabuo
ang salitang ito na walang pinagmulan sa wikang Ingles. Sumasalamin ito sa pagiging
malikhain ng mga Pinoy at naging parte ito ng ating kultura. Nakatutulong ito sa ating
lipunan dahil nakukunan natin ang mga mahahalagang pangyayari sa ating mga buhay o
sa buhay ng ibang tao na maaaring mabalikan ng mga susunod na henerasyon.
• Miskol
- Mini-miskol natin ang mga tao sa iba’t ibang dahilan. Maaaring nais nating
malaman nila ang ating bagong numero, iyabang ang bagong telepono, hanapin ang
nawawalang selpon at iba pa ngunit para sa’kin ang pagmimiskol sa iba ay tanda na gusto
nating makausap ang taong tinawagan natin. Iba iba man ang dahilan ng ating
pagmimiskol, nakatutulong ito sa ating lipunan na sumasagisag sa pwersang meron ang
teknolohiya sa ating lahat. Pinaliliit ng miskol ang distansya natin sa mga taong malayo
sa’tin at naipapakita ang pagmamahal sa ibang tao.

You might also like