Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

KASAYSAYAN:

MALALIM NA PANANALIKSIK NG EDSA


PEOPLE POWER REVOLUTION 1986

IPINASA NILA
SAIRE CHRYSBELLE L. PARCON
BAI FATIMA P. ARAÑADOR

11- HUMSS - 5 , GUILFORD

IPASA KAY
MARK F. GARDONIA

MARCH 2020
I.Panimula:
Ang People power revolution o mas kilala sa tawag na EDSA revolution noong
Febrero 22 hanggang 25, 1986. Ito ay isang pag titipon nang mga tao sa daanan ng
EDSA para magkaisa na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa
pag labag ng karapatang pantao sa mga pilipino. Makasaysayan ang pangyayari noon
mula sa pamununuan ni Pangulong Marcos , mga pamulitika, batas militar,magkalaban
ng dalawang grupo sa pamulitika, isa sa malaking issue noon ay pagpaslang kay Ninoy
Aguino, mga pinag mulan at sino nagpasimuno ng rebolusyon,kasaysayan ng EDSA
ROAD ,Snap Election, paglisan ni Marcos at ang pagtagumpay ng rebolusyon. Kaya
kailangan mananaliksik sa mga pangyayari sa kasaysayang ito .

II. KATAWAN

PRESIDENT FERDINAND MARCOS

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre


1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25
Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng
Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para
sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang
paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan,
tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa
kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa
ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo
ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Maraming mga alegasyon ng katiwalian
ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao
ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito
ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army
(NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang
hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.

BATAS MILITAR 1972

Noong 21 Setyembre 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni


Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar.Ang opisyal na dahilan sa likod ng
pagpapahayag ng batas ay:
Una, dahil sa pag-usbong at paglakas ng mga rebeldeng komunista sa pangunguna ni
Jose Maria Sison kung saan dumarami ang sumasapi sa komunistang grupo at
naghahanda para sa People’s War. Ang MV Karagatan sa bandang Isabella, Cagayan
sakay ang mga de kalibreng armas, bala, bomba, rocket projectiles, at iba pang gamit
pangdigma ng mga rebeldeng komunista (CPP-NPA-NDF) ang umano’y pinakadahilan
kung bakit idiniklara ni Marcos ang Batas Militar. Ikalawa, ang mga sunod-sunod na
pambobomba sa iba’t ibang lugar sa Manila. At ikatlo, ang tangkang pagpapapatay sa
noo’y Defense Minister Juan Ponce Enrile. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat
ng mga institusyon ng media, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi
lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila
Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na
siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-
mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa
mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang
tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.

Ayon kay Ellen Mae Parcon “Nami man pagdeklara sang martial law ni Marcos para
madisiplina ang mga tao kag wala matabo nga krimen ba. Tung time ni Marcos gi
deklara nya para pangontra sa komunista kag rebeldeng grupo.”

Ayon kay Leovigildo P. Parcon “ Tung bago palang nag Martial Law nami siya kay
madisiplina ,linong kag malimpyo nga palibot pero pagkadugay nga panahon ga amat
amat na ga pang abuso ya militar kag gina sakit nila ang mga tao nga wala ga disiplina
amo na nga nagrally sila kay nag labag ang militar sa Karapatang Pantao o Human
Rights.”

PAGPASLANG KAY NINOY AQUINO


Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang
kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong
taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas,
kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.

Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang


eroplano sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya). Nagdulot
ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa
administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na
ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang
kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.

Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong


Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay
Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa
nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang
nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay
lumiit hanggang sa 6.8%

Ayon kay Leovigildo P. Parcon “ Maka kibot mankag isa man mga dako nga issue
sauna. Isa mana sa dahilan nga gina akig sa mga tao kay Marcos tungod sa pagpatay
kay Ninoy halin sauna asta subong daw wala pa nabal an kung sino ang mastermind
sini , wala man proweba nga si Marcos nag mastermind sini , sa huna huna lang sang
tao nga si marcos ang pasimuno sini.”

Ninoy Aquino
Si Ninoy ay ipinanganak noong 27 Nobyembre 1932. Siya ay anak ng dating
Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17
taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan
sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya
rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P.
Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib
sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan
upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.

Politika

Si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador


sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Ang
kanyang asawang si Corazon Aquino ay nanatiling isang may bahay sa buong karera
sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban
kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang
batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa
Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na
nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang
isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong
1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong
1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan
ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa
kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira
sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang
hindi kasama ang kanyang pamilya.

CORAZON AQUINO
 María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang
ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang
naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak
siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose
Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na
nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.

Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan


bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa
Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik
siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala
ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon
noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

SNAP ELECTION
Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan,
minabuting minungkahi ng Amerika kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan
(snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang
halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa,
isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa
halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo
si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at
suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging
pangalawang presidente ni Aquino.

Naganap ang halalan noong 7 Pebrero 1986. Ang eleksiyon na ito ang isa sa
mga pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng
malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang
Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi.
Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na
nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for
Free Elections (Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang
akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto
laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa
malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang
protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.

Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng


Pilipinas (CBCP) ng pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng
pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald
Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos, "nakakabahala" ang mga bali-balita ng
malawakang dayaan. Sa kabila ng mga malawakang protesta at pagkondena,
pinahayag pa rin ng COMELEC na si Marcos ang nanalo sa pamamagitan ng 51
porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na nanalo si Aquino ng 52 porsyento.
Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino
bilang mga nagwagi. Lahat ng 50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta. Hindi
matanggap ng mga Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si Aquino ang tunay
na nanalo. Nanawagan si Aquino ng malawakang hindi-pagtangkilik (boykot) sa mga
produktong pagmamay-ari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang
ekonomiya ng Pilipinas.

PINAGMULAN NG REVOLUTION

Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang


ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si
Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad,
nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga
pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong
si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na
magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap
din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa
suporta.Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos
sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete
ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng
sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na
lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."

Fidel Ramos

Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa


tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya
ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral
National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong
1981.Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.Siya ay nahalal
na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Juan Ponce Enrile

Si Juan Ponce Enrile, ay isang Pilipinong politiko. Ipinanganak si Ponce Enrile


bilang Juanito Furugganan  sa Gonzaga, Cagayan noong 14 Pebrero 1924. Bilang
protehido ni Pangulong Ferdinand Marcos, naglingkod siya bilang Kalihim ng
Katarungan at bilang Ministro ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Sa huli isa rin siya sa mga naging pinuno (kasama na si Heneral Fidel V. Ramos)
ng Kilusang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986 na nagpa-alis kay Marcos sa
kapangyarihan. Nagpatuloy si Enrile bilang isang prominenteng politiko pagkatapos
noon; at naging Pangulo ng Senado ng Pilipinas simula noong Nobyembre 2008
hanggang Hunyo 2013.

SINO SINO NAGPASIMUNO NG REVOLUTION


Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radyo Veritas na pinapatakbo ng
Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta
sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo
Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng
pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng
kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno,
nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.Malaki ang
bahagi ng Radyo Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng Unibersidad ng
Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga tao na
makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radyo Veritas.

KAILAN AT SAAN GINUNITA


Petsa: Pebrero 22-25, 1986
Pook: Kalakhang Maynila sa Epifanio
Delos Santos EDSA

Cardinal Jaime Sin

Si Jaime Kardinal Sin (Agosto 31, 1928 - Hunyo 21, 2005, ipinanganak Jaime


Lachica Sin sa New Washington, Aklan) ang arsobispo
ng Maynila mula 1974 hanggang 2003. Siya rin ang lider ng People Power Revolution,
nang pinatalsik ang mga dalawang Pangulong sina Ferdinand Marcos noong 1986
at Joseph Estrada noong 2001. Nagretiro siyang arsobispo
ng Maynila noong Setyembre 15, 2003 at pumalit si Gaudencio Borbon Rosales bilang
arsobispo. Siya ay may sakit at di siya makapunta sa halalan, nang binoto ang Papa
Benedict XVI. Siya ay dinala sa Rufino Cardinal Santos Medical Center noong Hunyo
19, 2005, dahil sa lagnat. Noong 6:15 ng umaga ng Hunyo 21, 2005, namatay si Jaime
Kardinal Sin dahil sa sakit ng kidney sa Rufino Cardinal Santos Medical Center sa San
Juan, Metro Manila, sa gulang na 76

KASAYSAYAN NG EDSA Road

Simula nang ginawa ang EDSA noong 1930's una itong tinawag bilang "North-
South Circumferential Road", na ginawa sa loob ng panungkulan ni Pangulo Manuel L.
Quezon, na pinangunahan ng mga inhinyerong sina Florencio Moreno at Osmundo
Monsod.
Ang daan ay natapos noong taong 1940, bago pa nagsimula ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ang kasunod na pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
Nagsisimula ito noon sa North Diversion Road (North Luzon Expressway ngayon) at
nagtatapos ito sa magiging Palitan ng Magallanes ng South Luzon Expressway.
Pagkatapos ng kalayaan ng bansa noong 1946, ang daan ay pinalitan ng pangalan
bilang Avenida 19 de Junio (Avenida ika-19 ng Hunyo), mula sa kapanganakan ng
pambansang bayaning si José Rizal.

Noong dekada-1950, ang daan ay pinangalang Highway 54 sa kaalaman ng


marami na ang daan ay may limampu't apat na kilometro. Ang mga Rizalista ay gustong
panatiliing 19 de Junio ang pangalan ng daan. Habang si Pangulo Ramon
Magsaysay naman ay gustong ipangalan ito kay Rizal. Ang mga nakatira sa Lalawigan
ng Rizal ay gustong ipangalan ang daan sa isang Rizaleño, historyador, hukom at
iskolar na si Epifanio de los Santos y Cristóbal. Ang Philippine Historical Committee
(ngayon ay tinatawag bilang National Historical Commission of the Philippines), na
pinangungunahan ng mga Rizaleño na sina Eulogio Rodriguez Sr. at Juan Sumulong,
na sinuportahan ang pagbabago ng pangalang Highway 54 sa Avenida Epifanio de los
Santos.

Noong Abril 7, 1959, kaarawan ni de los Santos, ipinagtibay ang Batas Republika
Blg. 2140, na nagbabago ng pangalan ng abenida sa kanyang karangalan. Ang mabilis
na pagusbong ng mga pook-urbano noong dekada-1960 at 1970, lalo na noong
idinagdag ang ilang bayan ng Rizal sa bagong buong Pambansang Punong Relihiyon,
ay nagtanda sa pagunlad ng mga sentro-industriyal sa kahabaan ng abenida at sa ilang
daan na naka-ugnay sa abenida, tulad ng Abenida Ayala at Daang McKinley sa Makati.

Noong panunungkulan ni Pangulo Ferdinand Marcos, nagsimula nang


magkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa abenida. Itinayo ang ilang mga palitan
upang maibsan ito, kabilang na ang mga Palitan ng Balintawak at Magallanes sa
magkabilang dulo ng abenida. Noong isinakatuparan ang Sistemang Arteryal ng mga
Daan sa Kamaynilaan noong 1965, upang makompleto ang sistemang C-4, pinahaba
ang EDSA sa Abenida Taft mula South Luzon Expressway (ang karugtong ito ay
tinawag na F. Rein Avenue), at sa Bulebar Roxas (ang karugtong ito ay tinawag na P.
Lovina Avenue). Pinahaba rin ang EDSA mula sa dating dulo nito sa Balintawak
papuntang Daang Apolonio Samson sa kinalalagyan ng kasalukuyang Monumento ni
Bonifacio sa Caloocan. Mula dekada-1960 hanggang kalagitnaan ng dekada-1980 ang
karamihan ng abenida ay nakatanaw sa mga malawak na lupaing damo at bukas na
linang.
EPIFANIO DE LOS SANTOS Y CRISTOBAL

Si Epifanio de los Santos o mas kilala na si Don Panyong ay isinilang siya sa


bayan ng Malabon noong 7 Abril 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na
si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay
tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng
pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng
pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-
aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa
Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa cum laude
at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Masugid siyang
mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang
sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-
ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa,
nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa
katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay
nagmistulang silid aklatan at museo na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na
may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol, Fernando Ma.
Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika
natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses.
Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid
at nakilalang unang Academician ng bansa.

Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente


Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng unang
rebolusyonarong pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay
ginamit niya ang sagisag na G. Solon.Naging District Attorney siya ng San
Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan. Noong 1902 nahalal
siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904 . Pagkatapos ng dalawang taon ay
hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa St. Louis Exposition.
Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransiya, Inglatera, Espanya, Italya at iba
pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga
aklat para sa kanyang koleksiyon sa sariling aklatan.
Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at
Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton
Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong 16 Mayo 1925 itinalaga
siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka
at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay.
Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya
Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa
niyang anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa
kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng
kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong.

Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay


nakakitaan ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang
unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang
koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat
ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El
Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920).Sinulat din
niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del
Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila
mula sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa
panitikang Pilipino.

Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng


piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa
pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang
kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino,
kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor na si Griffith kay Segovia ng
Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara.Mahusay din siya sa pagpipinta,
lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo
pang pagyamanin at paunlarin.

Binawian ng buhay si Don Panyong noong 28 Abril 1928 sa Maynila sa eded na


57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon
sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng
Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los
Santos o kilala bilang EDSA.

ANG MALAKING SUPORTA NG MASA

Sa kasagsagan ng Rebolusyong People Power, tinatayang isa hanggang tatlong


milyong katao ang pumuno sa bahaging Ortigas-Cubao ng EDSA. Ipinapakita ng retrato
ang lugar ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano sa pagitan ng Kampo
Crame at Kampo Aguinaldo noong Pebrero 1986. Noong kasagsagan ng rebolusyon,
tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula
sa Abenida Ortigas hanggang Cubao.

Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng
gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang
mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang
estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit
na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga
ang Radyo Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga
rebeldeng sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga
pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang
manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.

Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa
daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may
dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang
pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang
gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan
sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami
ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko"[8], na, simula pa noong 1980 ito ang naging
makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay
(hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".

Ayon kay Leovigildo P. Parcon “ Ang natabo sa EDSA revolution nga ang mga
pilipino nagkaisa kumbaga peacefull kaayo wala gamo , ang nag pasimuno sini ang
mga taga sibahan katoliko nag hagad sila nga magtipon tipon ang mga tao wla sang
patyanay kag nagrally nalang sila nga pahalinon sa puwesto si Marcos kag tungod sini
wala nadayon ang pag away sang gubiyernong militar kag rebeldeng grupo.”

NAGING EPEKTO:
NANUMPA

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng


saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na
bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng
sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas
sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo
Crame.[13] Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at
pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos.
Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni
Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at
ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na
karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang
panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.

Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa


kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang
panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malakanyang, at
binrodkast ito sa nalalabing mga estasyon ng gobyerno at ng Channel 7. Pagkatapos
ng panunumpa ay umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyo. Naputol ang
pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga
estasyon. Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan
mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo.
Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap
na huwag maging marahas.

ANG PAGLISAN NI MARCOS

Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para


humingi ng payo mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut
cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile
para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang
pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago
tuluyang lumipad ng Hawaii.

Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga


demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng ordinaryong
mamamayan. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob
ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.

Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita
ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we
taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto
naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya,
ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")

KATAPUSAN NG REVOLUTION

Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa.


Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni
Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa.
Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng
isang "Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging
saligang batas, hanggang sa natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na
siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na
maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon
para mamuno.

Ayon kay Roweda P. Arañador “Happy na kase may pagkakaisa, may peace na. Ang
pagkakaisa ng mga tao mapayapa patungo sa paraang pagbabago.”

III. KONKLUSYON

Ang naging natutunan namin bilang kabaan at bilang pilipino sa mga pangyayari
sa isa sa mga kasaysayan ng Pilipinas ay ang EDSA revolution. Sa panahon ni
Pangulong Marcos nalaman namin na maraming siyang nagawa para sa bayan tulad sa
agrikultura,inspraktura ng mga daanan tuay gusali at lalo na masaganang pamumuhay
dahil ito isa sa mga tungkulin bilang pangulo ng bansa. Subalit sa kanyang ikalawang
termino maraming masamang pangyayari tulad ng paglaganap ng komunistang grupo ,
rebelde ,mga pambobomba nangyayari sa Maynila at sa mga kritiko ng administrasyon
kaya naideklara ang batas militar o martial law. Nalaman namin na kung ano ang
naging kahalagahan ng batas na ito. May mabuting naidulot at may masamang din
naidulot. Ayon sa isa naming nainterview na mabuti ang naging naidulot ang batas na
ito lalo na sa pagdidisiplina ng mamayanan ,nagbaba ng pursyento sa paglaganap nang
krimen at sa kalinisan ng paligid. Ngunit sa ilang taon naglaganap na ng pag aabuso ng
mga militar sa mamayanang pilipino kaya may iilang nag rarally dahil sa paglabag sa
karapatang pantao sa ating bansa. Isa sa mga malaking issue sa kasaysayan ay pag
pagpaslang ni Ninoy Aquino sa Airport ito rin sa isang kadahilanan na maraming nagalit
kay Pangulong Marcos. Pagkatapos ng ilang taon Naganap ang eleksyon ,tumakbo sa
pagkapangulo si Corazon Aquino na asawa sa yumaong senador na si Ninoy kontra
kay Pangulo Marcos ngunit sa pandaraya nangyayari sa eleksyon balak ng ilang
kasundaluhan na umalis sa kampo ni Marcos para maging rebeldeng militar at ang
ibang kasundaluhan ay kumampi parin kay Marcos. Kaya nanawagan ang simbahang
katolika lalo na si Cardinal Jaime Sin sa mamayanang pilipino na mag tipon tipon para
patalsikin sa puwesto si Pangulo Marcos . Mag laganap sana ng labanan ng
Gobyernong militar laban sa rebeldeng militar ngunit naharangan ng mga tao na dala
dala ng mga bulaklak .rosaryo at nanawagan na magkaisa at maging payapa.Bilang
nagmamaliksik magkaisa ay isa sa mga kailangan para iligtas ang ating bansa, maging
payapa patungo karangalan .

REFERENCE:

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Ferdinand_Marcos

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Batas_militar#/search

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Rebolusyong_EDSA_ng_1986#/search

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Benigno_Aquino,_Jr.

https://bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-ni-corazon-cory-aquino.html?
m=1

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Abenida_Epifanio_de_los_Santos

https://en.m.wikipedia.org/wiki/EDSA_(road)

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Fidel_V._Ramos

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Juan_Ponce_Enrile

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Jaime_Kardinal_Sin
SANGGUNIAN

Leovivigildo P. Parcon Ellen Mae L. Parcon Roweda P. Arañador

Prk.Matibay, Brgy.Santa Prk. Matibay, Brgy. Santa Prk.Supervillage, Brgy.

Cruz , Koronadal City Cruz, Koronadal City Zone 3, Koronadal City

You might also like