Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa isang jeepney driver, ang jeep ay buhay.

'Pag tinanggal mo sa kanila 'yan para mo na ring pinatay ang


pamilya niya. " turan ni Xiao Chua, isang pilipinong historyador. Ang pagpapasada ng jeep ang
bumubuhay sa pamilya ng mga jeepney driver at ito ang kanilang pinagkukuhanan ng panggastos sa
araw-araw. Dahil sa pagpapasada ng jeep, nakapagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Sa
ipinapatupad ng gobyerno na Public Utility Vehicle Modernization (PUVPM), ang mga jeepney driver ay
lubos na maapektuhan. Ang Jeepney ay parte na ng kultura ng Pilipinas at simbolo ng ating bansa. Ito ay
tinaguriang “hari ng kalsada” dahil ito ang pangunahing transportasyon ng mga Pilipinong komyuter.

Ang mga jeep na may makukulay at malikhaing disenyo na ating nakikita sa lansangan at palagiang
tumitigil sa tabi upang magsakay ng mga pilipinong komyuter ay mayroon ding hindi magandang epekto
sa ating kalikasan at sa kalusugan ng mamamamyan dahil sa ibinunubuga nitong maruming usok. Dulot
ito ng katandaan at kalumaan ng jeep. Ito ang nag-udyok sa gobyerno na ipatupad ang PUV
Modernization Program. Ito ay isang programa ng gobyerno na naglalayong mapalitan ang mga lumang
public utility vehicles (PUVs) tulad ng jeepneys, buses, at UV Express vans sa mas modernong sasakyan
na mas ligtas, komportable, at environment friendly. Layunin ng programa na mapabuti ang
transportasyon sa bansa, masolusyunan ang trapiko at mapababa ang bilang ng aksidente sa kalsada.
Ang programang ito ng gobyerno ay nagsimula pa noong panahon ng Administrasyong Duterte. Taong
2016, isinulong ang pag-phaseout o pagtanggal sa mga jeep na mayroonng tandang higit pa sa 15 taon
ngunit ang utos na ito ng gobyerno ay naurong. Taong 2017 naman nang maglabas ang Department of
Transportation (DOTr) ng Omnibus Franchising Guildelines na basehan ng konterbersyal na
memorandum circular na tinutulan ngayon ng mga transport group.

Ang PUV Modernization Program ay tinutulan ng ilang mga transport group. Kabilang dito ang
Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at ang grupong Manibela.
Nagkaraoon ng malawakang transport o jeepney strike kaugnay sa pagprotesta ng mga drayber ng jeep
tungkol sa pagmomodernisa ng mga PUV. Ayon sa mga drayber, hindi nila kayang

You might also like