Professional Documents
Culture Documents
Filipino-10 WEEK2 q1 Mod2 Parabula
Filipino-10 WEEK2 q1 Mod2 Parabula
Filipino
Unang Markahan – Modyul 2
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(PARABULA)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
ALAMIN
Ang Aralin1 ng Modyul 2 ay tungkol sa parabula at elemento ng nito, ito ay ginawa at isinulat
para sa inyo. Sa pamamagitan nito tutulungan kayong mas lalo pang mabibigyan ng mas
malalim na kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng isang Parabula.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa mga
mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling karanasan
at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo. Mapatunayan mo rin na sa
pamamagitan ng akda ang kahirapan at pagsisikap ay ang dahilan na makapagpapaunlad
sa tao
1
SUBUKIN
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaano-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
2
A. taga-Hilaga C. taga-Timog B.
taga- Silangan D. taga-Kanluran
13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa
14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro
BALIKAN
TUKLASIN
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging isang kwentong naglalahad o
nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay sa iba pang bagay. Karamihan sa
mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung
ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may
tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula sa Elements of
Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Halimbawa ng mga Parabula:
Ang Alibughang Anak
3
Parabula ng Sampung Dalaga
Ang Mabuting Samaritano
Parabula ng Nawawalang Tupa
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
ELEMENTO NG PARABULA
Apat na Elemento o Bahagi ng Parabula:
1. Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na
maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar
na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababanggit sa parabula.
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa
kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos mabasa ang isang kuwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong
isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya
SURIIN
Ngayong alam mo na ang parabula at may natuklasan ka nang bagong kaalaman ukol dito,
ikaw ay handa na para sa ating talakayan.
Ang parabula ay isang salaysay na hinango sa Bibliya/Banal na Kasulatan. Nag- lalaman
ito ng magandang-aral.
Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang parabula ay binubuo ng elemento tulad ng
tauhan, tagpuan, banghay at aral o magandang kaisipan. Kinakailangan ito upang
masundan mo ang mga pangyayari sa parabula. Marami kang makukuhang parabula sa
Bibliya tulad ng Ang Alibughang Anak, Parabula ng Sampung Dalaga, Ang Mabuting
Samaritano, Parabula ng Nawawalang Tupa, Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa, at iba
pa.
Sa parabula nangangailangan ng isa o higit pang tauhan sapagkat ang isang kuwento ay
walang kabuluhan kung wala itong tauhan. Sila ang bumubuhay nito. Sila ang gumaganap
sa istorya. Hindi mabubuo ang iyong kuwento kung wala kang tauhan na siyang maglalahad
ng emosyon.
Ang parabula ay nangangailangan ng tagpuan kung saan dito nangyari ang kuwento. Ang
isang kuwento rin ay maaaring may isa o higit pang lugar na pinangyarihan. .
Kinakailangan din sa isang kuwento ang banghay, ito ang maayos o masinop na daloy o
pagkakasunod-sunod ng magkaugnay na pangyayari. Sa banghay ay makabubuo ng
4
balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis na galaw ng mga
pangyayari. Ang simula o panimulang pangyayari ay nagpapakilala ng tauhan, tagpuan at
suliraning kakaharapin. Ang gitna ay makikita ang papataas na mga pangyayari kung saan
dito inilalahad ang lahat ng nangyayari sa kuwento. Sa bahagi ring ito nagkakaroon ng
pagtatangkang malutas ang suliraning nagpapasidhi mga pangyayari. Pagkatapos ng mga
iba’t ibang pangyayri, bahagi ng banghay ay magkaroon ng isnag makabuluhang wakas ang
kuwento.
Sa iyong binasa, ang parabula ay isang kuwento na may aral na mapupulot na nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay. Maraming kagandahang asal ang makukuha natin
sa kuwento kung saan pwede mong magamit sa pang-araw-araw mong pamumuhay.
Kaya bilang mga kabataan sa henerasyon ngayon, sana ay magamit at maisapuso ninyo
ang mga parabulang na basa mo. Ito ay makakatulong sa inyo bilang gabay ninyo sa pang
araw-araw na pamumuhay at sa pagdedesisyon sa sarili. Ang salita ng Diyos ay hindi para
lang kung kanino, kundi para sa lahat. Nawa’y gawin ninyo itong gabay para sa inyong
kinabukasan.
ISAGAWA
TAYAHIN
5
banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. banghay
B. tagpuan D. tauhan
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento.
A. aral C. banghay
B. tagpuan D. tauhan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaanu-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa
14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
6
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro
Aralin
Panitikan: Ang Tusong Katiwala
2
Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa “Ang Tusong Katiwala”. Ang araling iyong
babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral. Ang pagtitiwala ay mahalaga sa isang tao.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito. Hangad
namin na mahahasa at madadagdagan ang inyong kaalaman mula sa mga impormasyong
ibinahagi namin.
ALAMIN
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito tutulungan ka na
mas lalo pang mabigyan ng malalim na kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng
parabula.
Sinasaklaw ng araling ito ang paghihinuha sa nilalaman, elemento at kakayahan ng akdang
binasa na kahit anong uri ng sitwasyon na kinakaharap natin ay madali mo itong magamit
bilang mag-aaral. Ang mga salitang/lenguwaheng ginamit ay madali lang maintindihan ng
mga mag-aaral. Ang mga leksyon ay inayos alinsunod sa tamang pagkakasunod-sunod ng
kurso. Subalit ang pagkakasunod-sunod nito ayon sa inyong nabasa ay maaaring
magkapalit batay sa teksbuk na ginagamit natin ngayon,
SUBUKIN
7
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay
7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita
A. mahirap C. matuwid
B. matalino D. masipag
11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga
8
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.
14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
A. mapagbigay C. masipag
B. maunawain D. sakim
15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak
TUKLASIN
Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan
mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus
na tanong: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang
akdang pampanitikan?
9
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”
SURIIN
Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito ay mawala
hindi ka na sigurado kung pagkakatiwalaan ka niyang muli.
Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging manloloko. Ang
kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil dito ay pinagdudahan siya
ng kanyang amo.
Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin natin ang ating
kayamanan sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig ipahatid ni Hesus na
ang tao ay mas madaling gawin ang makamundong gawain kaysa sumunod sa utos ng
Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling. Minsan din madali natin
mabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala.
Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil ang isa ay
pupurihan niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng pagsabayin
ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa Panginoon. Minsan kasi ang tao ay mas gusto pang
kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa. Nasisilaw tayo
sa pera kaya minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa panahon ngayon mas
nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba ay abala sa pagpapalago ng
kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa oras ng kagipitan lamang tayo
tumatawag sa Panginoon.
Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang maayos ang
desisyon na ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.
PAGYAMANIN
10
ISAISIP
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
ISAGAWA
Kakayahan
Parabulang “Ang
Tusong Katiwala”
Elemento
Nilalaman
11
TAYAHIN
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay
7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita
A. mahirap C. matuwid
B. matalino D. masipag
11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
12
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga
14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
A. mapagbigay B. masipag
C. maunawain D. sakim
15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak
KARAGDAGANG GAWAIN
GAWAIN 5: Ilarawan Mo: Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng parabulang “Ang
Tusong Katiwala”? Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis-puso at
ipaliwanag kung bakit ito ang katangiang dapat niyang taglayin.
Ipaliwanag: _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
13
Aralin
Pagsasalaysay at Pang-ugnay
3
Ngayong maliwanag na sa iyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa “Ang Tusong
Katiwala” maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.
ALAMIN
Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito, tutulungan kang mas
maintindihan at magagamit ang berbal at di-berbal na estratehiya ng pagpapahayag.
Sinasaklaw ng araling ito ang tungkol sa pagsasalaysay.
SUBUKIN
Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong
kwaderno.
1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig
14
4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-
sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 2
B. pangungusap 3 D. pangungusap 4
6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim
8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto!. Anong damdamin ang nangibabaw sa babae
A. gulat C. lungkot
B. panibugho D. tuwa
14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya
B. magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya
15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.
A. at gayon B. dahil sa
C. nito D. sapagkat
15
SURIIN
Alam mo ba na...
ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit
ang pang-ugnay na at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito
ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
16
ISAISIP
May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1.( Noong ito’y, At nang
ito’y) kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito.
2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa
kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! 3(Gayun pa
man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon,
4. (hindi na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa
isang buwang pangingitlog ng manok.
5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain
ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6. (Dahil sa, Ganoon) nga ang kanyang
ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. 7.(At dahil
dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-sisi ang babae sa kanyang
ginawa. Nang 8. (dahil sa, kaya’t) kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. 9.
(Kaya, Upang) mas lalo pa siyang nawalan.
ISAGAWA
EDUKASYON PANGARAP
PAMILYA PROPESYON
TAYAHIN
Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong
kwaderno.
1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig
17
2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar._______,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy
6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim
8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto! Anong damdamin ang nangibabaw sa babae?
A. gulat C. lungkot
B. panibugho D. tuwa
18
11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.
Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap
A. Ganoonpaman C. Kung ganoon
B. Ngunit D. Sapagkat
14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya B.
magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya
KARAGDAGANG GAWAIN
19
Nilalaman/ Angkop ang napiling Angkop ang Angkop ang Hindi angkop
Paksa paksa o tema ng napiling paksa o napiling paksa o ang paksa, hindi
mito. Napakahusay tema at mahusay tema, hindi maayos at
ang pagkakabuo at ang pagkakabuo masyadong malinaw ang
wasto ang gamit ng ng mito at wasto maayos at pagkakabuo at
pang-ugnay. ang gamit ng malinaw ang gamit ng pang-
pang-ugnay pagkakabuo at ugnay
gamit ng pang-
ugnay.
ALAMIN
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa inyo. Sa pamamagitan nito tutulungan
kayong mas lalo pang mabibigyan ng mas malalim na kahulugan at maintindihan ang nais
ipabatid ng isang parabula.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa mga
mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling karanasan
at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo.
Mapapatunayan mo rin sa pamamagitan ng akda na ang kahirapan at pagsisikap ay ang
dahilang makapagpapaunlad sa tao.
20
Piliin ang tiik ng tamang sagot at isulat sa kwaderno.
1. Sa kuwentong ang Mensahe ng Butil na Kape, ano ang ginamit ng ama para
pakuluan ang tubig?
A. banga C. kaldero
B. kawali D. palayok
3. Ang carrots ay matigas noong una, nang ito’y inilagay na sa kumukulong tubig,
naging malambot na. Ano ang kinakatawan nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin
4. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito ay naging matigas matapos mapakuluan. Ano ang pinapahiwatig nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin
5. Ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit
kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pangungusap?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. wag pa apekto sa suliranin
6. Anong dahilan kung bakit ang ama ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa carrots,
itlog at kape?
A. narinig niyang kumakanta ang kaniyang anak na lalaki.
B. niyang nagmamaka-awa ang kaniyang anak na lalaki.
C. narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
D. narinig niyang sumisigaw ang kaniyang anak na lalaki.
7. Sa Mensahe ng Butil na Kape, ano ang pinili ng anak para harapin ang mga
suliranin sabuhay?
A. maging butil ng kape C. maging carrots
B. maging itlog D. maging mainit na tubig
9. Maging isa kang butil ng kape para baling araw ikaw ay magiging _______?
A. malakas C. matatag
B. matalino D. masaya
10. Ano ang idinagdag sa mainit na tubig para magkaroon ito ng kulay?
21
A. asin C. itlog
B. carrots D. kape
13. Ang mag-ama ay nagtatrabaho sa kanilang bukirin. Ano ang trabaho ng mag-
ama?
A. drayber C.magsasaka
B. karpintero D. mangingisda
BALIKAN
22
TUKLASIN
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol
ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at
pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak,
nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na
nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya
papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang
nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok,
inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil
ng kape ang inilahok. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at
butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na
tugon ng anak. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang
mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin mo ang mga
ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?”, bulong ng ama. Napansin
ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin
ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa
pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” ,nagugulumihanang tanong
ng anak. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,
itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa
kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti
at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos
mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay
natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa
kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng
suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon?
Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama. “Ikaw ba ay
magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay
naging mahina? O, kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na
balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng
kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa
una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng
sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi
igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O, maging tulad ka kaya ng butil ng kape na
nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape,
nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama. “Kung ikaw ay
tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw
mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.
23
“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod
lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa
harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago
na dulot ng di magagandang pangyayari? “Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng
kape?”, tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…”
SURIIN
Ang kuwentong Mensahe ng Butil ng Kape ay isa sa halimbawa ng parabula. Nagbibigay din
ito ng aral sa mga mambabasa. Nabasa mo ang tungkol sa isang ama na ipinapakita kung
gaano kahalaga ang pagdedesisyon sa buhay at kung paano harapin ang mga suliraning
darating sa atin
Ibinigay na halimbawa ay tungkol sa carrots, itlog at butil ng kape. Dahil sa ang anak ay
palaging nagrereklamo o di kaya ay nagmamaktol kapag ito’y nagtatrabaho. Isa sa
inireklamo niya ay ang hirap sa pagbubungkal sa bukid. Nahihirapan daw siya sa mga
trabaho sa bukirin. Ibig ng anak na wala siyang gawin. Ayaw niyang magtrabaho dahil sa
tingin ko siya ay tinatamad.
Nagbigay ng isang ilustrasyon ang ama para maipakita sa anak ang kahalagahan ng buhay.
Una, nagpakulo ito ng tubig at inilagay ang carrots, kung saan nang inilagay niya ito ay di
nagtagal ito ay lumambot. Ang ikalawa ay ang itlog alam naman natin na ang itlog ay
babasagin at kailangan ingatan, ngunit noong ito’y inilagay na sa kumukulong tubig ito ay
tumigas, at ang panghuli niyang inilagay sa mainit na tubig ay ang butil ng kape kung saan
ang tubig ay nagiba ang kulay.
Ipinaliwanag ng ama ang ginawa niya. Ang mainit na tubig ay nagrerepresenta ng mga
suliranin o problema na dumarating sa ating buhay. Ang tatlong bagay na iniligay niya dito
ay mga uri ng tao na tutugon pagdating sa mga problema. Iba’t ibang uri ng ugali ng tao na
sa una sila ay matigas na kung titingnan mo kakayanin nila ang lahat ng suliranin o
problema na darating sa kanila, pero sa nakikitan natin bigla itong lumambot ibig sabihin
panlabas na anyo lamang ang ipinapakita nila na sila ang matigas ngunit pagdating ng
problema ay sumusuko na sila sapagkat sila ay naging mahina. Ang ikalawa ay ang itlog
kung saan may mga taong akala natin sila ay may mabuting puso at madaling magpatawad.
Ngunit kapag darating na ang mga sulirinan lalo na kapag sigalot sa pamilya, kaibigan o
kakilala, mahirap na para sa kanila ang magpatawad. Ang pinakahuli ay ang kape, kung
saan ang tubig na nilagyan nito ay nag iba ang kulay. Ibig sabihin dapat maging matatag ka
sa lahat ng mga suliranin na dumating sa iyo. Ikaw ay magiging matatag sa oras ng
pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo.
Walang suliraning ibibigay ang Panginoon na hindi mo kaya. Ikaw ang nagdadala ng iyong
sarili, ikaw ang gumagawa ng desisyon, huwag iasa sa iba ang takbo ng iyong buhay. Gaya
ng sabi nila “ikaw ang may hawak ng manibela, ikaw ang nagpapatakbo ng sarili mong
buhay”. Maging isang kape ka na sa lahat ng mga problema na dumating ay
nakapagpabago sa kumukulong tubig.
Pag dumating ang mga suliranin sa iyong buhay dapat maging matatag ka. Huwag kang
padidikta sa iyong suliranin. Harapin mo ito at maging matatag ka. Ang buhay ay hindi puro
matiwasay at masaya, kailangan mong sumuong sa maraming problema para maging
matatag at maging matagumpay balang araw.
24
PAGYAMANIN
4. Kung umabot man sa iyo ang ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin?
ISAISIP
ISAGAWA
Carrots
Mensahe ng
Butil ng Kape
Itlog
Butil ng Kape
25
TAYAHIN
1. Sa kuwentong ang mensahe ng Butil na Kape, ano ang ginamit ng ama para
pakuluan ang tubig?
A. banga C. kaldero
B. kawali D. palayok
3. Ang carrots ay matigas noong una, nang ito’y inilagay na sa kumukulong tubig,
naging malambot na. Ano ang kinakatawan nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin
4. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Ano ang pinapahiwatig nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin
5. Ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit
kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pangungusap?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. wag pa apekto sa suliranin
6. Anong dahilan kung bakit ang ama ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa carrots,
itlog at kape?
A. narinig niyang kumakanta ang kaniyang anak na lalaki.
B. niyang nagmamaka-awa ang kaniyang anak na lalaki.
C. narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
D. narinig niyang sumisigaw ang kaniyang anak na lalaki.
7. Sa mensahe ng butil na kape. Ano ang pinili ng anak para harapin ang mga
suliranin sabuhay?
A. maging butil ng kape C. maging carrots
B. maging itlog D. maging mainit na tubig
26
9. Maging isa kang butil ng kape para baling araw ikaw ay magiging _______?
A. malakas C. matatag
B. matalino D. masaya
10. Ano ang idinagdag sa mainit na tubig para magkaroon ito ng kulay?
A. asin C. carrots
B. itlog D. kape
13. Ang mag-ama ay nag tatrabaho sa kanilang bukirin. Ano ang trabaho ng mag-
ama?
A. drayber C.magsasaka
B. karpintero D. mangingisda
Sanggunian
Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015
https://www.jw.org/tl/library/aklat/bible-stories/bahagi-4-mula-sa-unang-hari-ng-
israel-hanggang-sa-pagkabihag-sa-babilonya/kuwento-63-ang-matalinong-haring-si-
solomon/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Tusong_Katiwala
27