Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Unang Babaeng Nagpatibok Ng Puso Ni Don Juan

507
At sa kanyang pagsasakit
Lalim ng balo'y nasapit
Hindi isang tuyong yungib
kundi pook na marikit

508
Buong lupang yayapakan
Ay kristal na kumikinang
Pook na tago sa araw,
Ngunit daig ang may ilaw

509
Mahalama't mabulaklak
Bango'y humahalimuyak
May palsyong kumikislap
Na yari sa ginto't pilak

510
Ang prinsipe, sa paghanga'y
Para bang matutulala
At ang sabi, "O, hiwaga...
Ito'y sa engkantong gawa!"

511
Lalo siya ng nanggilalas
at ang puso ay nabihag
nang tamaan na ngmalas
si Donya Juanang marilag.

512
Sumisikat na bituin
Sa bughaw napanginorin,
Nakangiti at magiliw
Sa pagsabog niyong ningning!

513
“O marilag na prinsesa,
ang araw na ligaya’t
Kabanguhan ng sampaga
Sa yakap mo’y sumasamba.

514
“Sa matamis na bati mo’y
Nagagalaw ang puso ko,
Ngunit manghang mangha ako
Sa iyong pagkaparito!”

515

You might also like