PANANALIKSIKSAFILPAG2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

NOTRE DAME OF TRECE MARTIREZ

Science, Technology. Engineering and Mathematics

KARANASAN AT PAGSUBOK NG MGA NAG TATRABAHONG MAG AARAL NG

NOTRE DAME OF TRECE MARTIREZ

Bilang parsyal na pagtupad sa kahingian


sa asignaturang FILPAG: Pagbabasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

BALARES, GENESIS M.
DESACADO, JAYFER LORD N.
DURAN, DAUPIN DENCEL B.
PRODIGALIDAD, EURENCE I.
TIMTIM, KC A.
UNTOLAN, CHESKA MAYETH R.
VARGAS, ANJELICA P.

Ipinasa kay:
G. JAMES LOUIE A. MOJICA

HUNYO 2024
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagtatrabaho habang nag aaral ay isang pangkaraniwang sitwasyon sa maraming

mag aaral sa kasalukuyan. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa edukasyon at

pangangailangan ng mga mag aaral na kumita ng sariling pera, marami ang napipilitang

maghanap ng trabaho habang patuloy sa pag aaral para matustusan ang kanilang problemang

pinansiyal at iba pang pangangailangan sa pag aaral. Ito ay isang pagsasama ng dalawang

responsibilidad na nangangailangan ng tamang pag balanse ng oras, enerhiya, at emosiyon.

Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay maaari ding maging matagumpay kung sila

ay magsisikap, maging matiyaga at marunong mag balanse ng oras. Sa kabilang banda, maaari

rin itong magpalala sa kanilang sitwasyon sa pag-aaral dahil maaaring mababa ang kanilang

makuhang marka dahil sa kakulangan ng oras sa pagtatalaga ng mga takdang-aralin at mga

pagsasanay. Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay isang napakalaking pasanin para sa mga

mag-aaral. Nahahati ang atensyon ng mga mag aaral. Mayroon rin itong masamang epekto sa

kanilang pag-iisip, dahil bukod sa gawaing pang-eskwela ay tumataas ang bilang ng kanilang

isipin dahil sa mga problema sa trabaho at pagbabadyet. Maging sa pisikal na pangangatawan

ay may masamang epekto rin ito dahil ang mga 'working students' ay kadalasang nakakaranas

ng pagod, pagkabalisa at madalas na depress.

Ang pagtatrabaho habang nag aaral ay isang karaniwang bagay para sa ilang

estudyante ng Notre Dame of Trece Martirez. May mga problema tayong kinakaharap na

sumusubok sa ating kakayahan na magbalanse ng mga responsibilidad natin sa buhay,

mahalaga ang pag unawa sa mga karanasan at pagsubok na kinakaharap ng mga nagtatrabahong

mag aaral sa paaralang ito. Ang edukasyon ay siyang magsisilbing daan para sa pag unlad na
gustong matamo ng karamihan. Subalit sa kabila nito, hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad

na makapag aral nang walang ibang iniintindi marami ang mag aaral na may iba’t ibang

problema na kinakaharap. Kaya naman, ang mga kabataan ay nagsisikap ng husto upang

makamit ang kanilang pinapangarap sa pamamagitan ng pagtatrabaho kasabay ng kanilang pag

aaral o ang madalas na tawaging working student. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang

malaman at maunawaan ang mga hamon at benepisyo na kaakibat ng pagtatrabaho habang nag

aaral sa Notre Dame of Trece Martirez. Sa pagsisiyasat sa mga karanasan ng mga mag-aaral na

nagsasakripisyo at nag sisikap upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pag

aaral at pagtatrabaho, layon nating bigyang pansin ang mga kakayahan, karanasan, pagsubok

determinasyon, at pangarap sa buhay ng mga estudyanteng nag tatrabaho habang nag aaral.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito maaaring pag aralan ang mga aspeto ng

pagtatrabaho habang nag aaral tulad ng oras ng pagtatrabaho, mga epekto sa pag aaral,

emosyonal na kalagayan, problemang kinakaharap at iba pang mga pang araw-araw na hamon

sa buhay na kinakaharap ng mga mag aaral. Ang pagtatrabaho habang nag aaral ay maaaring

magdulot ng iba't ibang epekto sa mga mag aaral. Maaaring makapagdulot ito ng mabuting

epekto tulad ng pagpapabuti ng kakayahan sa pamamahala ng oras at pagpapahalaga sa

pinansyal na responsibilidad. Gayunpaman, maaari rin itong magdulot ng negatibong epekto

tulad ng stress, kakulangan sa oras para sa pag aaral, at pisikal na pagod. Upang matugunan

ang mga hamong ito, mahalagang magkaroon ng tamang balanse at pamamahala sa oras,

magkaroon ng sapat na oras para sa pagpapahinga at self-care, at hingin ang suporta ng pamilya

at mga guro. Bilang mga estudyante na nananaliksik, umaasa kami na ang mga resulta ng aming

pag aaral ay magiging pundasyon sa pagbibigay linaw at mga rekomendasyon upang

matulungan at masuportahan ang mga nag tatrabahong estudyante na nag aaral sa Notre Dame

of Trece Martirez.
Batayang Konseptwal

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Karanasan at Pagsubok ng mga

Nagtatrabahong Mag-aaral ng Notre Dame of Trece Martirez” ay ginamitan ng input-process-

output model. Ang dayagram na makita sa Pigura 1 ay naglarawan sa konseptuwal na saligan

ng pag aaral.

Ang Input frame (paghahanda) ay profyl ng mga mag aaral tulad na lamang ng edad

at kasarian at ang mga mananaliksik ay mag hahanda na sa pag buo ng mga katanungan at

sarbey.

Makikita naman sa process frame (pamamaraan) ang mga hakbang na gagawin ng

mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng isang sarbey o

pag iinterbyu, pag gawa ng listahan ng katanungan ko kwestyuner at pagsusuri.

Habang ang ouput frame (kinalabasan) naman ay sumasaklaw sa mga nakalap na

datos ukol sa karanasan at pagsubok ng mga nagtatrabahong mag-aaral ng Notre Dame of Trece

Martirez. Binibigyan ng batayang konseptwal ang pananaliksik na ito upang higit na

maunawaan at malaman ang tutunguhin ng pag aaral na ito.

PAGHAHANDA PAMAMARAAN KINALABASAN

• Profayl ng mga mag- • Pag sasagawa ng isang Karanasan at Pagsubok ng


aaral
-Edad sarbey o pag iinterbyu mga nag tatrabahong mag-
-Kasarian
• Pag gawa ng listahan aaral ng Notre Dame of

ng katanungan o Trece Martirez


• Pagbuo ng mga
kwestyuner
katanungan at sarbey
• Pagsusuri
Pigura 1: Ang Paradigmo ng Pagaaral

Paglalahad ng suliranin

Ang pag aaral na ito ay may layuning malaman ang karanasan at pagsubok ng mga

nagtatrabahong mag aaral ng Notre Dame of Trece Martirez. Bukod dito ay hinangad nitong

sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa sumusunod

1.1 Pangalan (opsyunal)

1.2 Edad

1.3 kasarian

2. Paano nakakaapekto sa mga mag-aaral ang pagsabay sa kanilang pag aaral at pagtatrabaho?

3. Ano ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga nagtatrabahong mag-aaral sa Notre Dame

of Trece Martirez?

4. Ano ang mga karanasan ng mga nagtatrabahong mag-aaral sa Notre Dame of Trece

Martirez?

5. Ano ang mga pamamaraan na ginagamit ng mga nagtatrabahong mag-aaral, upang

mapanatili ang kalidad ng kanilang mga akademikong tungkulin sa kabila ng kanilang mga

trabaho?
Kahalagahan ng Pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakinabangan sa sumusunod na indibidwal o

grupo:

Sa mga estudyante. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga estudyante dahil

pwedeng pwedeng matulungan o masuportahan ang mga estudyanteng nag tatrabaho habang

nag aaral. Maaaring matukoy ang mga hamon at mga paraan para malagpasan ang mga ito, pati

na rin ang mga estratehiya sa pag balanse ng oras at pag balanse ng iba pang bagay.

Mga magulang. Ang pag aaral na ito ay makakatulong upang maunawaan ang karanasan ng

mga estudyante sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, malalaman ng mga magulang ang mga

karanasan na pinagdadaanan o kinaharap ng kanilang mga anak bilang mga estudyante na nag

tatrabaho habang nag aaral. Makakatulong ito upang mag karoon ng mas malalim na pang

unawa at pag suporta sa kanilang mga anak.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay mahihikayat na gumawa ng

pananaliksik tungkol dito dahil magandang pag aralan ang mga karanasan at pag subok na

kinakaharap ng mga mag aaral na nag tatrabaho

Saklaw at Delimitasyon
Saklaw
Ang pagaaral na ito ay nakatuon sa karanasan at pagsubok ng mga nagtatrabahong mag-

aaral. saklaw nito ay naglalayong maunawaan ang mga karanasan at pagsubok ng mga mag-

aaral na nagsasagawa ng trabaho habang nag-aaral. Ang pag-aaral ay isasagawa lamang sa

paaralan ng Notre Dame of Martirez.

Limitasyon
Nilimitahan ang pagaaral na ito sa mga magaaral na nagtratrabaho na kulang sa oras sa

kanilang pagaaral. isa ring limitasyon sa pagaaral na nito ay ang mga nagtratrabahong magaaral

ay mental at pisikal na pagod sa kanilang mga responsibilidad sa buhay.

Depinasyon ng mga Katawagan

Mag-aaral - Ang mag-aaral o estudyante (Ingles: student) ay siyang taong nag-aaral at maaring

bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga

bagay. Lahat ng tao ay dumaraan sa proseso ng pagiging estudyante. Ang mga estudyante ay

nangangailangan ng mga silid-aralan at mga kagamitan pang-eskuwela.

Manggagawa - Ang taong nagbibigay ng ilang mga serbisyo

kapalit ng pampinansyal pampinansyal. Ito ang paraan ng pagtawag sa kanila ng

mga taong nagtatrabaho sa mga pabrika o mga sektor na namamahala sa paggawa ng

mga bagay na ipinagbibili ng kumpanya.

Pera - Ang pera ay isang kalakal na nagsisilbing daluyan ng

palitan sa mga transaksyon.

Trabaho - Ang salitang trabaho ay tumutukoy sa kapwa

trabaho, trabaho o isang pangangalakal. Gayunpaman, ang pinakalat na paggamit

ng trabaho ay ang nagpapahiwatig ng lahat ng aktibidad na kung saan ang isang

tao ay inuupahan upang magsagawa ng isang serye ng mga tiyak na gawain, kung

saan natatanggap niya ang bayad sa pananalapi.

Paaralan - Ang paaralan, eskwelahan, iskwelahan, o iskul ay


isang institusyong pang-edukasyon na idinisenyo upang magbigay ng mga learning

space at mga learning environment para sa pagtuturo ng mag-aaral sa ilalim ng

direksyon ng guro.

Guro - Ang isang guro o titser ay isang tao na nagbibigay ng

edukasyon para sa mga mag-aaral.

Edukasyon - ang edukasyon ay ang proseso ng pagbabahagi,

pagkuha at pag-iipon ng kaalaman. Ito ay tumutulong sa tao upang mapaunlad ang

kanyang kakayahan, pang-unawa at pagkatao. Ito rin ay tumukoy sa pag-aaral ng

iba’t-ibang asignatura upang matuto ng iba’t-ibang kasanayan para magamit sa

pang-araw-araw na buhay at para sa kinabukasan.

Pamilya - Ito ay tinaguriang pinakamaliit na yunit ng lipunan.

Madalas, ito ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak.


KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Dito ilalakip ang iba’t ibang mga pag-aaral, artikulo, at iba pang mga babasahin na siyang may

kaugnayan o kinalaman sa iyong paksa o pananaliksik. Kumalap ng mga babasahin, hindi dapat

ito bababa sa pitong (7) pahina.


KABANATA 3
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik
Mga Kalahok
Instrumento ng Pananaliksik
Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

You might also like