Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lagumang Pagsusulit sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 12

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pagsulat ang mga sumusunod na sipi/pahayag. Piliin ang
MALAKING letra ng tamang sagot at ilagay ang sagot sa patlang bago ang numero.

1. Nais manaliksik ni Mr. Cruz upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging
kapaki-pakinabang sa mga tao. Ang bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik ang kanyang ipinapakita?
A. etika C. layunin
B. gamit D. metodo

2. Hindi pinipilit ng grupo nina Ms. Hugo ang mga ayaw lumahok sa pakikipanayam sa kanilang
pananaliksik. Anong pagsusuri ng pananaliksik ang kanilang ipinakita?
A. etika C. layunin
B. gamit D. metodo

3. Nais makipanayam ng grupo nina Ms. Hayag sa kanilang mga kalahok ngunit wala silang oras para
makipagkita. Naisipan nilang gumawa na lamang ng google form na kanilang ibibigay sa mga facebook
accounts ng mga kalahok. Ang nabanggit ay anong uri ng pagsusuri sa pananaliksik?

A. etika C. layunin
B. gamit D. metodo

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagbugo ng layunin?


A. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o
patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.
B. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at
paano ito gagawİn.
C. Makatotohanan o maisasagawa.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o


anumang partisipasyon sa pananaliksik bago simulan ang pagsagot sa sarbey. Anong prinsipiyo ng
pananaliksik ang ipinapakita nito?
A. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
B. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
C. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
D. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.

6. Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa


kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nása
komunidad, na ginagamit lámang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay
parang bulang nawawala ang mga ito. Anong prinsipiyo ang nabanggit?
A. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
B. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
C. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
D. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.

7. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay


gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng
____________________________?
A. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
B. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
C. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
D. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.

8. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik. Ang halimbawang ito ay nagpapakita ng
___________________________?
A. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
B. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
C. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
D. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.

9. Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
A. abstrak C. layunin
B. etika D. pananaliksik

10. Ito ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon
sa layunin o haypotesis ng pananaliksik
A. Pananaliksik C. Balangkas Teoretikal
B. Datos Empirikal D. Balangkas Konseptuwal

11. Ito ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang
pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat.

A. Pananaliksik C. Balangkas Teoretikal


B. Datos Empirikal D. Balangkas Konseptuwal

Page 1 of 2
12. Ito ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng
_____
pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri
_
at maaaring mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.
A. Pananaliksik C. Balangkas Teoretikal
B. Datos Empirikal D. Balangkas Konseptuwal

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng grapikal na paglalarawan?


A. bar graph C. pie graph
B. line graph D. tabular

14. Sa proseso na ito ay naganap ang produksyon ng mga bagong datos na magiging batayan ng resulta
ng pananaliksik kung bakit mahalaga maging masinop, matiyaga, at maging matapat ang mananaliksik
A. Pagpili ng paksa.
B. Pagbuo ng pahayag ng tesis.
C. Pagbuo ng pansamantalang balangkas.
D. Pangangalap ng paunang impormasyon.

15. Alin sa mga sumusunod na tanong ang maaaring gumabay o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng
pahayag ng tesis.

A. Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?


B. Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
C. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
D. Lahat ng nabanggit.

16. Ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis
katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media
networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.
A. abtsrak C. talasanggunian
B. konsepto D. pananaliksik

17. Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang
paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
A. layunin C. metodolohiya
B. rationale D. inaasahang awtput o result

18. Gumawa ng sarbey kung sumasang-ayon ba ang mga mag-aaral na gawing Agosto ang pagbubukas ng
klase. Anong bahagi ng konseptong papel nabibilang ang nasabing halimbawa?
A. layunin C. metodolohiya
B. rationale D. inaasahang awtput o resulta

19. Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Isang kabuoang ideya na nabuo
mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin.
A. abstrak C. konseptong papel
B. konsepto D. pananaliksik

20. Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais
pagtuunan.

A. abstrak C. konseptong papel


B. konsepto D. pananaliksik

Para sa bilang 21-30. Gamit ang mga sumusunod na impormasyon, bumuo ng isang pie graph.
Ipakita ang solusyon ng pagpapalit ng mga nakabigay na numero sa bahagdan (percentage).
Maaaring gamitin ang likodna bahagi ng papel para sa inyong solusyon. (10 puntos)

Narito ang bilang ng mga mag-aaral sa Del Carmen Integrated High School sa bawat baitang mula Baitang
7 hanggang 12.

Baitang 7 Baitang 8 Baitang 9 Baitang 10 Baitang 11 at 12


20 35 25 30 40

Page 2 of 2

You might also like