Punit-punit na kasuotan, payat na pangangatawan, maduming tingnan at minsan lang makakain ng tatlong beses sa loob ng isang araw. Sila ang mga taong patuloy na nagsisikap maitaguyod lang ang pang-araw-araw na pangangailangan, ang kapuspalad.
Mukha ng kahirapan, nakapalibot sa ating lipunan. May
magagawa ka ba upang ito’y masolusyunan kahit panandalian man lamang?
Tagpi-tagping bahay, maputik na kapaligiran, kayod-kalabaw na
hanapbuhay at ang gabi ay ginagawang araw upang sikmura ay magkakalaman.
Wala silang maayos na pagkakakitaan sapagkat kulang sa tinatawag na
edukasyon o kaalaman. Simula’t sapol sa kanilang pagkamulat pasan na nila ang daigdig.
Matagal na rin itong problema at umaasa lamang sa tulong ng ibang tao.
Nagbabakasakaling may maligaw at maambunan ang kumakalam na sikmura panandalian man lamang.
Sa liblib na lugar sa bayan ng Makato dito sila nagtatago. Ni hindi man
lamang nakita ang mukha bayan.
Sila ay nagkakasakit sapagkat kulang sa gamot at sa pagkain. Sapat na
sa kanila ang kamoteng kahoy maitawid lang ang pang-araw araw. Wala silang sapat na pera upang makapagkonsulta.
Nagkakaroon ako ng Dokumentaryo at handog pamasko bawat taon at
personal ko silang pinupuntahan sa kanilang dampang bahay maipaabot lang ang aking munting aginaldo. Upang ganap na makatulong, ini-upload ko sa social media ang video lakip na ang mga larawang-kuha.