Q3 Filipino ST5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

IKALIMANG NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan: ____________________________________________________________ Iskor: _________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
puwang.

_____1. Ano ang tawag sa pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan


at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar?
A. haka-haka B. katotohanan C. kuro-kuro D. opinyon
_____2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o
pangkat na maaaring totoo pero maaaring pasubalian ng iba?
A. haka-haka B. katotohanan C. kuro-kuro D. opinyon
_____3. Alin sa mga sumusunod ang panandang ginagamit upang matukoy kung ang
pahayag ay isang katotohanan?
A. batay sa resulta B. sa tingin ko
C. sa aking palagay D. para sa akin
_____4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pananda sa pagpapahayag ng opinyon?
A. para sa akin B. sang-ayon sa
C. sa aking palagay D. kung ako ang tatanungin
_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?
A. Mas masarap ang mga gulay kaysa prutas.
B. Ang mga taong umiinom ng alak ay masasama.
C. Ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.
D. Ang kulot na buhok ay mas maganda kaysa sa buhod na tuwid.
_____6. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa
kalusugan. Ano ang pahayag na ito?
A. Kamalian B. Katotohanan C. Kuro-kuro D. Opinyon
_____7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng opinyon?
A. Sa palagay ko, si Kiko ang pinakamatalino sa kanilang klase.
B. Ang pangulong Rodrigo Duterte ay ika-16 na pangulo ng Pilipinas.
C. Ang Covid-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
D. Ayon sa DOH, ang madalas na paghuhugas ng mga kamay ay isang paraan sa
pag-iwas na mahawa sa Covid-19.
_____8. Ang Pangulong Rodrigo Duterte ay mas magaling na pangulo kaysa kay Benigno
Aquino III. Ano ang tinutukoy ng pahayag na ito?
A. Kamalian B. Katotohanan C. Kuro-kuro D. Opinyon
_____9. Paano mo matutukoy ang isang pahayag kung ito ay isang opinyon?
A. kung ito ay mapatutunayan ng mga ebidensiya.
B. kung ito ay ginamitan ng panandang “batay sa resulta”.
C. kung nagpapahayag ito ng isang pananaw ng isang tao o pangkat
D. kung ito sinaliksik sa iba’t ibang sanggunian tulad ng mga babasahin
_____10. Kung bubuo ka ng isang pangungusap na nagpapahayag ng opinion, alin sa
mga pangungusap ang pipiliin mo?
A. Isinilang tayong may kanya-kanyang pangarap.
B. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay mahalaga para sa matiwasay na hinaharap.
C. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t
isa.
C. Ang walang humpay na pagtatapon ng basura ay nakakasira sa ating
kalikasan.

____________________________________
Pirma ng Magulang

You might also like