Review Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAJO NATIONAL HIGH SCHOOL

S.Y. 2022-2023
IKATLONG MARKAHAN
LAGUMANG PASULIT SA FILIPINO 7

PANGALAN: _________________________________ BAITANG/SEKSYON: ______________ PETSA: ___________

I. Basahin nang mabuti ang bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot.
1.” Sa ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag ninyong gagalawin ang puno. Ang magiging bunga lamang
ang maaari ninyong pitasin.” Anong uri ng pahayag ang inilalarawan?
A. nagbibigay-babala C. naglalarawan
B. nangagaral D. nang-uuyam
2.“Ginto! Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di magkamayaw-nangibabaw na sa awitan, sa tum-tum-tum ng mga gangsa;
samantala, pataas na nang pataas, palago ang puno. Sa sikat ng araw, ang makikinang at makikislap na kataasan ay
sumisilaw sa lahat. Alin sa pinagpipilian ang tinutukoy sa pahayag?
A. nagbibigay-payo C. nangangatwiran
B. naglalarawan D. nagpapaalala
3. Sa kalooban ni Lifu-o ay naroon din ang piping panalangin: Bigyan mo, DakilangKabunian ng masagaan at mahabang
buhay ang mga nasa ato sa iling ito. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na inilalarawan?
A. nagpapaalala C. nagsusumano
B. nagbibigay-payo D. nagbibigay ng pagkilala
4. Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang Cañao.
Huwag ninyong gagalawin ang pagkakataob sa akin ang kawa. Anong uri ng pahayag ang inilalarawan?
A. nangangaral C. nagbibigay ng papuri
B. naglalarawan D. nag-uutos
5. Maaaring guminhawa ang buhay ni Manny kung _____ magsusumikap sa buhay. Anong pananda ang tamang gamitin sa
pangungusap?
A. ako B. siya’y C. tayo’y D.sila’y
6. Hinabol ng kabataan ang mailap na baboy-ramo na iaalay sa gagawing pagdiriwang ng Cañao. Ano ang kasalungat ng salitang
mailap?
A. maamo B. mabagal C. mabagsik D. maliksi
7. Maraming pangyayari ang nanikit sa kanyang utak bago magsimula ang pagdiriwang ng Cañao. Ano ang kasalungat sa
salitang nanikit?
A. bumulong B.nagpahiwatig C. nakasama D. Nawala
8. Dumapo ang isang ibong nabighani sa kakinangan ng punong tumubo.Ano ang kasalungat ng salitang nabighani?
A. naligaw B. napagod C. nasilaw D. natakot
9. Nabuwal sa kanilang harapan ang puno ng ginto. Ano ang kasalungat sa salitang nabuwal?
A. bumagsak B. naglaho C. naputol D. tumindig
10. Biglang dumaluhong ang mga tao sa nakitang pataas nang pataas na gintong puno. Ano ang kasalungat sa
salitang dumaluhong?
A. mabilis sumugod C. sumipa nang malakas
B. sumampa ng mabilis D. tumakbo papalayo
11. Ito ay tumutukoy sa makatotohanang paglalahad ng kalagayan ng tauhan at mga pangyayari ng kanilang buhay.
A.Dulang Pantelebisyon B. Diyalogo C. Tauhan D. Nilalaman
12. Tumutukoy sa pook/tagpuan, make-up, kasuotan at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.
A.Nilalaman B. Diyalogo C. Tauhan D. Disenyong Pamproduksyon
13. Ito ay tumutukoy sa sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap.
A.Nilalaman B. Diyalogo C. Tauhan D. Disenyong Pamproduksyon
14. Ito rin ay naglalaman ng linyang binibitawan ng bawat karakter.
A.Nilalaman B. Diyalogo C. Tauhan D. Disenyong Pamproduksyon
15. Sila ang nagbibigkas ng mga dayalogo at nagpapahayag ng iba’t-ibang damdamin.
A.Nilalaman B. Diyalogo C. Tauhan D. Disenyong Pamproduksyon
16. Ito ay binubuo ng mga gumagalaw na larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa
katotohanan.
A.Dulang Pantelebisyon B. Diyalogo C. Tauhan D. Disenyong Pamproduksyon
17. Anong element ng pelikula ang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat mahahalagang tagpo o damdamin,
pinatitingkad nito ang atmospera ng damdamin.
A.Nilalaman B. Tunog/Musika C. Sinematograpiya D. Direksyon
18. Dito pinapakita kung paano pinagsasanib ng director ang lahat ng sangkap ng dulang pampelikula.
A.Nilalaman B. Tunog/Musika C. Sinematograpiya D. Direksyon
19. Ito ay tumutukoy sap ag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang teknik na may kaugnayan sa kamera.
A.Nilalaman B. Tunog/Musika C. Sinematograpiya D. Direksyon
20. Tumutukoy sa masining na pagpoposisyon ng anggulo at mga puwesto ng larawan na mapapanood sa isang
pelikula.
A.Nilalaman B. Tunog/Musika C. Sinematograpiya D. Direksyon

You might also like