Beterano

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Beterano…..

isang indibidwal nagsisilbi ng matagal o may mahabang karanasan sa isang


particular na trabaho o larangan, mga nagsisilbi sa hukbong sandatahan, mga beteranong may malaking
papel sa digmaan,mga beteranong hindi man sa bahaging may sandatahang pakikipaglaban.

Ang beterano ba ay sa digmaan lamang? O may mga baterano sa bawat larangan ng buhay?
Alinsunod sa Executive Order No. 20, taon-taon tuwing ika-9 ng Abril ipinagdidiwang ang Araw ng
Kagitingan sa seksyon 466 noong taong 1987 itinatag ang lingo ng mga Beterano, ano ang layunin?
Gunitain at parangalan ang mga Beteranong naglaan ng buhay at kagitingan ng mga Pilipinong nagbuwis
ng kanilang buhay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Wala man tayo sa panahong iyo, tila bakas pa din ang mga pasakit, paghihirap at takot na
namayani sa puso at isip ng bawat isa. Hindi birong sumuong sa digmaan na tanging armas na dala ay
ang pagnanais na ipagtanggol ang Inang Bayab laban sa mga mananakop na dayuhan.

Inihaharap ang mga pagod na katawan laban sa ponglo ng mga dayuhan.

Tiniis ang mapalayo sa piling ng pamilya at walang kasiguraduhang babalik at makikita pa sila
kinabukasan, libo- libong kawal at mga walang pangalang indibidwal ang nagbuwis ng buhay sa labanan,
sino ang makakalimot sa Death March o ang martsa ng walang katiyakang aabot ng buhay sa lugar na
patutunguhan mga namatay para sa bayan ngunit walang naging marangal, mga taong nagbuwis ng
buhay na tanging mga krus na may pangalan lamang ng piling saksi sa kanilang kagitingan.

Sapat na ba ang isang araw upang sila ay ating alalahanin sa kanilang kabayanihan? Sapat na ba
ang isang araw na maging sukli kapalit ng mga libo-libong buhay na Nawala? Ang dapat nating
alalahanin kung bakit natamo natin ang kalayaang ating tinatamasa sa kasalikuyan? Nakasulat na lamang
ba sila sa pahina ng aklat ng kasaysayan at unit-unti nating nakalimutan? Dahil sa makabagong takbo ng
buhay?

Sasapat na ba ang mga bantayog na nakikita natin sa liwasan, mga kalye at pampublikong lugar
na sa kanila ipinangalan? Mga plake ng pagkilala tuwing sasapit ang Araw ng Kagitingan? Sapat na ba
ang mga ito upang sila ay ating alalahanin?

Higit sa anumang parangal at pagkilala ang manatili silang buhay sa ating mga puso at isipan ang
mahalaga, ang maging inspirasyon at halimbawa sila sa mga susunod na henerasyon upang mapanatili sa
kanilang puso at isipan ang pakiramdam ng isang Malaya.

Ang mabuhay sa katagang sinambit ni Gat Andres Bonifacio. “Aling pag ibig pa kaya ang hihigit
kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? wala nan ga
wala”

Ngayongntahimik na nag bayan, laban sa pang-aapu ng mga dayuhan, kaliwa’t -kanang pagsubok
naman ang dumating subalit tulad nga ng palging sinasambit “ bahain man ako ng maraming pagsubok
at problema isa akong Pilipino na tatayo at aalsa”

Kagitingan ng mga Baterano ay alalahanin at pagyamanin. Tumindig kagaya nila paea sa bayan.

Sa panahon ngayon may magagawa ka kaibigan, tumindig ka paea sa nakararami kagaya ng


pagtindig ng mga beteranong inialay ang buhay para sa bayan.
“Walang mahalagang hindi inihahandog ng pusong mahal sa bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong,
katiisa’t pagod, buhay may abuting magkalagut-lagot.

Beterano…… bayan isa anumang larangan at panahon mananatili kang bahagi ng pundasyon ng
nakakaisang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa

You might also like