Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pamagat: Ang Lihim ng Pamilya

Pangunahing Ideya: May isang pamilya na may tinatagong lihim sa kanilang panganay
na anak, at malalaman ito sa hatian/agawan ng mana.

Pangunahing Tauhan: Pamilya Cortez


Ronalyn Hernandez - Bilang Madam Cora (Ina)
Jay-Jay Papasin - Bilang Sir. Joquian (Ama)
Danica Manito - Bilang Vanessa (Panganay na Anak)
Deseree De Castro - Bilang Arlyn (Pangalawang Anak)
Jackquilyn Recarro - Bilang Jocelyn (Bunsong Anak)

Iba pang mga tauhan:


Kim Bryan Castillo - Bilang Francis
Joan Valencia - Bilang Myra Salazar
Mildred Pineda - Geraldine

Panganay na Anak: KATANGIAN


Danica Manito - Bilang Vanessa Cortez
 Sakim sa mana ng kanilang magulang
 Inilihim na siya’y ampon lamang ng Pamilya Cortez
 Mataray/Suplada ang dating
 Si Myra ang tunay niyang Ina na isa sa mga katulong sa Bahay
 Asawa ni Francis

Pangalawang anak: KATANGIAN


Desiree De Castro - Bilang Arlyn Cortez
Jackquilyn Recarro - Bilang Jocelyn Cortez
 Magkakampi ang Pangalawang anak at bunsong anak
 Sila ang tunay na anak nina Jose at Cora
 Galing ibang bannsa

Kim Bryan Castiilo - Bilang Francis


 Asawa/Nobyo ni Vanessa

Kasambahay sapamilya:
Mildred Pineda - Bilang Geraldine (Katulong na inaapi ni Vanessa)
Joan Valencia - Bilang Myra
 Katulong na inaapi
 Alam niyang anak niya si vanessa ngunit inilihim niya rin ito.
Pahapyaw na pangyayari:
Panganay na anak: mapagbigay sa iba ngunit mga pakitang tao lamang, masungit,
kaibahan sa kanyang mga kapatid.
Ina/ama: Butihing ina/ama,ang magbibigay ng mana na pag aagawan ng kanilang mga
anak.
Katulong - Mga taong nagsisilbi sa Mansion

Ang takbo ng kwento, dahil matatanda na sina Cora at Jose ay napag uusapan na
nila kung papaano nila maibibigay ang mga mana sa kanilang mga anak. Sa una ay
masasaya ang pamilya, nag uusap, nagbibiruan, ngunit hanggang sa magtagal ay napag
uusapan na nila ang hatian sa mga mamanahin at ang gusto ng pamilya cortez ay patas
ang hatian sa mga mamanahin, ngunit tutol dito ang panganay nilang anak na si Vanessa
dahil siya ang panganay dapat siya ang kukuha ng lahat ng mamanahin at siya lang din
ang may asawa at pinagkakatiwalaan ng kanilang ina/ama at siya rin ang nag-aalaga
noong panahong nasa ibang bansa ang kanyang mga kapatid.

Ngunit ang dalawang kapatid nito ay tutol rin, dahil dapat ay patas ang hatian sa
mga mamanahin dahil laging sinusumbat nila na sila ang nagpapadala ng pera galing
ibang bansa na para sa kanilang magulang. At dito na lumabas ang lihim na tinatago ng
mag-asawang Jose at Cora, ang lihim na inampon lamang si Vanessa sa isa sa mga
katulong sa bahay at ito ay si Myra na kaniya laging inaapi na hindi niya alam na siya ang
tunay niyang magulang. Makalipas ang ilang taon ay nagka-ayos ang magkakapatid na
sina Vanessa, Samantha at Jocelyn, hindi na nila napag-usapan ang mana, bagkus sila ay
nagkapatawaran na lamang sa isa’t isa at nagbigay respeto si Vanessa sa kaniyang
Pangalawang magulang na sina Jose at Cora bago sila umalis ng kaniyang ina sa Bahay ng
pamilya Cortez at mamumuhay sila na kasama ang isa’t isa.

Video Muna ng pagpapakita ng mga tauhan sa Drama bago magsimula ang isang dulang Pantelebisyon.
Video ng Mag-asawang Jose at Cora
Video ng Panganay na si Vanessa
Video ng dalawang anak na sina Samantha at Jocelyn
Magkakasunod na Video nina Myra, Francis at Geraldine
EPISODE 1 (Scene 1)
(Setting: 30 years ang nakalipas. Nagkakainan ang pamilya cortes sa hapag-kainan kasama ang kanilang
panganay na anak na si Vanessa, may importanteng sasabihin sina Cora at Vanessa Kay Joaquin na itoy
ikakatuwa.)

Joaquin: Cora, Tawagin muna sina Myra at Geraldine at sabihin mo na maghanda na ng pananghalian dito
at tayo’y kakain na. Ano ba naman yan….. anong oras?
Cora: Oo sige, (Pasigaw na sinabi) Myra bilisan nyo at mahihimatay na sa Gutom ang sir nyo.
Myra: (Pasigaw na sambit din) Opo Madam, inaayos lang po namin.
(Pumunta na si Cora sa Upuan sa Hapag-kainan)
Cora: Oo nga pala Joaquin mamaya ay may sasabihin kami sa iyo ng anak mong si Vanessa.
Joaquin: Huh? Ano yun?
Cora: Ito ay supresa……..Mamaya na pag tayoy nakain na, kasi nagmessage kay Vanessa sina Jocelyn at
Arlyn.
Joaquin: Oh tapos, bakit daw?
Cora: Si Vanessa na ang magsasabi.
Joaquin: Hmmmm Pasupresa supresa pa kayo ay malalaman ko rin naman. Pag ako’y inatake sa puso….Oh
ang tagal naman… nasan na ba ang pagkain, Myra…..!
(Tatayo sana si Cora upang sabihin kina myra na bilisan, ngunit nandiyan na pala)
Cora: Ohh naririyan na pala, Tawagin nyo na rin si Maam Vanessa nyo, Gisingin nyo at tanghali na….

(Scene 2)
(Pinuntahan at Ginising ni Myra si Vanessa, ngunit habang ginigising ni Myra si Vanessa ay naiyamot ito at
binato ng Unan si Myra, at nagbanta na huwag sasabihin Kina Madam Cora nya na binato siya ng Unan,
habang nagbabanta ito’y nakahawak sa kanang kamay at si Myra ay patagong nasasaktan sa ginagawa ni
Vanessa sa Kanya)
Myra: Maam Vanessa, Maam Vanessa.
Vanessa: Ano ba! Alam mo istorbo ka, umalis ka nga dyan.
Myra: Pinapagising po kayo nina Madam Cora at Sir Joaquin at kakain na daw po.
Vanessa: Oh sige na! Susunod na ako!. Huwag na Huwag mong sasabihin na binato kita, kung hindi
malalagot ka sakin!
Myra: Opo Maam, hindi po…. (Mukhang kawawa lagi)

(Scene 3)
(Kaganapan nina Joaquin at Cora habang ginigising ni Myra si Vanessa)
Cora: Jose, kailan natin ibibigay ang mga lupain sa mga anak natin.
Joaquin: Huh? Anong ibig mong sabihin cora?
Cora: Yung mamanahin nila, kailan natin ito pag-uusapan kung baga yung partihan ng mana, alam muna
yun, syempre tumatanda na tayo, oh tingnan namumuti na ang buhok mo…
Joaquin: Grabe ka naman mahal, hindi pa naman tayo sobrang tanda, matigas pa ang tuhod.
Cora: ikaw talaga joaquin….. puro ka nalang biro….
Joaquin: Nga pala….paano natin hahatiin ang mga mana, alam mo naman si Vanessa ay inam…….
Cora: Ayyyyyy yan na pala si Vanessa.
(Biglang dating ni Vanessa sa hapag-kainan)
Vanessa: Mano po Ma. Mano po Pa. Ano pong pinag-uusapan nyo.
Cora: ay wala… yun yung sasabihin natin sa Papa mo…
Vanessa: ay oo nga po pala.
Cora: Sige nak, sabihin muna ang sasabihin mo sa tatay mo.
Vanessa: Pa ang totoo nyan ay …. Uuwi na nga pala sina Arlyn at Jocelyn at dito na daw maghahanap ng
trabaho (Parang hindi masaya habang sinasambit)
Joaquin: Huh? Bakit naman sila uuwi na?
Vanessa: Ay tay nalugi na ang kompanyang pinapasukan nila doon.
Joaquin: ah kaya pala sabik na sabik ang nanay mo, may pasupresa pa. Yun pala yun… Sige maige na kung
ganun para sama sama tayo dito.
Cora: Oh bakit parang malungkot ka anak. Ayaw mo nun sama-sama na tayo, kumpleto na tayong lahat.
Joaquin: Nga pala, pag sila’y naririto na, syempre kumpleto tayo, dapat vanessa naririto rin ang nobyo mo
si Francis, para makilala ng mga kapatid mo. Ipakilala mo sa kanila ang magiging asawa mo.
Vanessa: Oho tay, sasabihan ko agad sya, para makapag leave sa trabaho.

(Scene 4)
(Pupuntang WR si Joaquin)
Cora: Tsaka nga pala anak, hiling ko lang pag naririto na ang iyong mga kapatid, sana naman yung mga
pangyayari na banglitan nyo noong bago pa pumunta sa ibang bansa ang mga kapatid mo, ay huwag na
sana uli maulit. Alam nyo naman na may sakit ang Papa mo sa puso. Kaya sana naman maunawaan nyo
ang kalagayan ng Papa nyo huh?
Vanessa: Alam nyo naman Mama na ang laging pasimuno yang Arlyn na yan kaya yan kampihan sila ni
Jocelyn, lagi na lamang akong pinagkakaisahan, kaya ang tingin ko sarili ko ay kawawa, dahil sa kanila.
Cora: Alam kong may mga tampuhan kayo sa isa’t-isa. Pero, dapat ikaw ang nagpapakumbaba, dahil ikaw
ang nakakatanda, tandaan mo…Panganay ka.
Vanessa: Parang hindi nyo nga akong tinuturing bilang isang anak, dahil lagi nyong kinakampihan sina
Jocelyn.
Cora: Anak ko kayong lahat, Mahal ko kayo kahit laging nga nga kayong nag-aaway kayo, mahal ko kayo
dahil anak ko kayo lalo na ang Papa nyo, ang sakin lang Vanessa, ikaw ang nakakatanda…. dapat ikaw ang
magpakumbaba.
(Umalis na rin sa hapag kainan si Cora at naiwan si Vanessa)

EPISODE 2 (Scene 5)
(Nag-uusap sa labas sina Jose at Cora, tungkol sa pag-uwi ng kanilang Anak na sina Arlyn at Jocelyn)
(Nag-wawalis ang mga katulong sa labas kung saan naroroon sina Myra at Geraldine)
Cora: Oh Joaquin, tutal uuwi na ang dalawa nating anak, dapat napag-uusapan na natin yung kanilang
mamanahin sa atin, kung papaano hahatiin tulad nitong pamamahay natin at yung lupain natin sa Baler.
Joaquin: Naisip kuna nga rin yan habang nasa hapag-kainan tayo kanina, pero….
Cora: Anong pero? Tatlo lang naman ang bibigyan natin ng mana
Joaquin: Tatlo nga Cora, pero bago natin ibigay ang mana ay dapat sabihin muna natin kay Vanessa ang
tunay na katotohanan na siya ay….ampon lamang.
Cora: Ahhh oo nga dapat maayos natin masabi sa kanya na sya’y ampon lamang, tsaka bago sya maikasal
kay francis.
Joaquin: OO alam mo naman ang ugali ni Vanessa, may pagka-suplada.
Joaquin: Madaling ibigay ang mana pero ang mahirap ay ang sabihin ang katotohanan na siya’y ampon
lamang.
Cora: Oo nga, sige saka na muna natin pag-usapan iyang ating problema pag naririto na sina Jocelyn at
Arlyn para mag-harap harap na tayong lahat.
Joaquin: Oo nga ano pa nga ba…………akala ko ba may pupuntahan ka
Cora: oh papano aalis muna ako at may inaasikaso lang ako sa papeles ng sasakyan natin.
Joaquin: Sige, Mag-ingat ka, tsaka nga pala dumaan kana rin sa botika at ubos na ang maintenance na
iniinom ko.
Cora: Sige……Myra, geraldine kayo muna ang bahala sa sa Sir nyo.
Myra/Geraldine: Sige po Madam! Ingat po kayo.

(Scene 6)
(Pagkaalis ni Cora, ay pinag-usapan nina Geraldine at Myra sa kusina ang narinig nila habang sila’y
nagwawalis sa bakuran) (Naghuhugas ng plato si Geraldine)
Geraldine: Uyy….. ate Myra. Tama ba ang narinig ko kanina? Na…..ampon lang si Maam Vanessa.
Myra: Hmmmm Hindi ka rin tsismosa noh Geraldine
Geraldine: Syempre narinig ko rin naman, alam mo naman pag ganan ay matalas ang tenga ko
HAHAHAHA
Myra: Ikaw talaga ha… Oo narinig ko rin yun.…matagal na yun tinatago nina madam Kay maam Vanessa
Geraldine: Huh? Bakit mo naman alam yun, d’ba sabay lang tayo natanggap dito bilang katulong?
Myra: Ahhhhhhhh ehhhh dba nga matagal ko nang kilala sina madam at sir, tsaka syempre katulad mo rin
ako na tsismosa…. (Magtatawanan ang dalawa)
Geraldine: Idol mo pala ako ate Myra HAHAHAHA
Myra: Tsaka hayaan na natin sila, pamilya nila yan kaya huwag tayong mangingialam sa kanila
Geraldine: Pero huwag mo naman ate na hayaan na lagi ka nalang inaapi ni Maam Vanessa, dapat nga
pinapaalam mo kina Sir. Joaquin at Madam para mapag-sabihan si maam Vanessa.
Myra: Hayaan muna lang para walang mangyaring gulo sa kanila.
Geraldine: Wala ngang gulo, pero lagi namang gulo ang buhok mo sa tuwing sinasabunutan ka ni maam
Vanessa. Dapat nga tinuturing kang Ina ni Maam Vanessa dahil parang kasing edad mo lang si Madam
Cora.
Myra: Hayaan mo Geraldine, paglipas ng taon, ituturing nya rin ako bilang isang ina (Padulas na sabi ni
Myra kay Geraldine)
Geraldine: Ano!? anong ibig mong sabihin ate?
Myra: ah wala, syempre pinagsisilbihan natin sya.
Geraldine: ahh akala ko……

(Biglang Pasok ni Vanessa sa kusina, habang nagkukwentuhan sina Myra at Geraldine))


Vanessa: Hoy! Ano yang tsismisan nayan, ako ba ang Pinagtsitsimisan nyo……?
Geraldine: Ay naku….. maam hindi po.
Vanessa: Pasagot sagot kapa dyan. binabayaran kayo dito para hindi magtismisan(pasigaw na sinabi ni
Vanessa), ikaw ituloy mo yang paghuhugas ng plato kung ano-ano pa ang sinasabi mo (sambit kay
Geraldine), at ikaw naman……maraming labahin dun…..labhan muna.(Sambit kay Myra, with nakahawak
sa buhok).
Geraldine: Maam……Huwag po nyong saktan si ate myra……
Vanessa: Anong gusto mo!? Ikaw ang saktan ko, tumahimik ka dyan at gawin mo ang ginagawa mo!
(Narinig ni sir Joaquin ang mga boses at napatanong siya)
Joaquin: Vanessa…ano yan, anong nagyayari dyan…
Vanessa: Ay Papa….Wala po…. tinatanong ko lang po kung anong ulam natin mamayang hapunan.
Joaquin: ahhh nak wag na, tawagan mo nalang ang Mama mo na bumili nalang sa labas para hindi na
magluto sina Myra.
Vanessa: ah sige po tay………..(Biglang sensyas kina Myra at Geraldine, sensyas na huwag ipaalam na
sinasaktan sila)

Episode 3 (Scene 7)

(Pinaghahandaan na ang pagdating ng dalawang anak na si Jocelyn at Arlyn)


Cora: Myra, Palitan muna yung mga Kurtina sa kwarto, tsaka dito sa sala natin, ilabas muna rin yung mga
bagong plato, yung regalo sa amin noong kinasal kami ng Sir nyo.
Myra: Opo maam, halos napalitan na po namin yung mga kurtina sa labas, itong sa sala na lang po ang
hindi pa napapakiltan.
Cora: Pakisabi kay Geraldine na linisin ang isang kwarto at doon ang kwarto nina Jocelyn at Arlyn, total
dalaga naman silang dalawa.
Myra: Sige po ma’am
(May makikita si Cora na pasa sa kanang braso nito)
Cora: Teka nga….. ano yan? Pasa ba yan? Sinong may gawa nyan?
Myra: Naku madam… wala lang po ito, nadapa lang po ako kanina.
Cora: Nga pala, sino ang mamimili ng mga ihahanda bukas sa pagdating ng mga anak ko.
Myra: si Geraldine po, bakit po?
Cora: Sasama ako dahil may bibilhin din ako sa Palengke
Myra: ah sige po, sasabihin ko nalang po kay Geraldine na kayo po ay sasama sa kanya.

(Scene 8)
(Habang naglalakad sina Geraldine papasok ng palengke, ay may ipinaalam si Geraldine sa kanyang
madam)
Geraladine: Madam…may sasabihin po ako sa inyo, sa inyo ko lang po ito sasabihin at natatakot po akong
sabihin kay Sir Jose.
Cora: Sige ano yun…
Geraldine: ehhh madam…si……Ate Myra po.
Cora: Oh anong meron kay Myra
Geraldine: Sigurado naman po madam, nakita nyo yung pasa sa kanang braso nya..
Cora: Oo nakita ko nga yun, sabi nya nadapa daw sya…
Geraldine: Naku madam….hindi po….ang totoo po nyan ay..
Cora: Ay…..ano!, sabihin muna huwag kang matakot
Geraldine: Kagagawan po yun ni Maam Vanessa, natatakot lang po si ate Myra na sabihin sa inyo dahil po
pinagbabantaan po ni Maam Vanessa na pagsinabi daw po sa inyo ay malalagot sya Kay Maam Vanessa.
Cora: huh? Hindi ako makapaniwala na gagawin yun ni Vanessa kay Myra. Siguro nagawa lang kayo ng
kwento ni Myra huh!.
Geraldine: Naku madam hindi po, nagsasabi po ako ng totoo sa inyo.
Cora: Haynaku Geraldine! Tama yang tsismis na yan, Ayoko nang marinig yan…..

(Scene 9)
(naiwan si Myra at Vanessa sa Bahay, habang natutulog si Sir. Joaquin sa kwarto niya ay nag-huhugas ng
pinggan si Myra at may nabasag syang plato na itoy regalo nya sa kaniyang magulang noong 50 th
anniversary nila, kaya laking galit ni Vanessa kay Myra dahil nabasag nya ang pinggan na iyon)

Vanessa: Ano yan! Myra…! sira ulo ka! Binasag mo ang isa sa pinaka paboritong plato ng Mama at Papa,
napaka mahal nyan, mas mahal pa yan sa buhay mo……… (Pinagsasampal si Myra at sinasabunutan nya
ito)
Myra: Maam tama na po, Maam tama na, nasasaktan po ako
Vanessa: Yan ang dapat sayo, hindi mo inaayos ang mga gawain mo! (Pasigaw na sinabi, gigil na gigil si
Vanessa kay Myra)
Myra: Maam nakiki-usap ako, Maam tama na (Mangiyak-ngiyak na sinasabi ni Myra)
Vanessa: Yan ang dapat sayo hmmm yan …….maligo ka….Buti nga sayo (Binuhusan ng tubig si Myra ni
Vanessa)
(Tinutulak-tulak ni Vanessa si Myra, hanggang sa makita ni Sir.Joaquin ang ginagawa ni Vanessa kay Myra
hanggang sa humantong na sumama ang pakiramdam ni Sir. Joaquin dahil siyay may sakit sa puso)

Joaquin: Vanessa anak, anong ginagawa mo…….huwag syang saktan anak….dahil sya….
(Biglang inatake sa puso si sir Joaquin)
Myra: Sir. Joaquin……Maam (ituturo si sir Joaquin)
Vanessa: Papa….Papa….Papa………
Myra: Geraldine Umuwi na kayo dito ni madam……bilis(Tumawag sa telepono si Myra kay geraldine na
mangiyak-ngiyak dahil sa nangyari kay sir joaquin)
Vanessa: Kasalanan mo toh! (Pasigaw na sinabi kay Myra)
(Scene 10)
Kwarto:
(Dumating na galing palengke sina Cora at Geraldine,nasa kwarto si Joaquin at Cora at sila’y nag-uusap na
sabihin na ang katotohanan sa lalong madaling panahon. )

Cora: Joaquin anong nangyari, hoy….anong nangyari sayo…. (Nag-aalalang sinasabi)


Joaquin: Hindi kuna kaya cora, hindi kuna kaya
Cora: Kayanin mo dahil darating pa ang dalawnag mong anak, dba sabi mo pa na magkakainan tayo ng
sama-sama.
(Mamamamatay na si Sir.Joaquin dahil inatake sa puso ito)
Joaquin: (Naghihingalong sinasabi ang..) Hindi kuna kaya………..Ipangako mo sakin na sasabihin mo ang
katotohanan kay Vanessa, ang katotohanan na sya’y ampon lamang at sabihin mo rin na ang kanyang ina
ay si……….(Tuluyan nang namaalam si Sir Joaquin kay Cora at nagbigay ito ng bilin kay cora na sabihin ang
katotohanan na si Vanessa ay hindi nila totoong anak, at itoy Anak ni Myra)

Cora: Joaquin…………..! Jusko Ang Asawa ko……….. Joaquin……………..

(Habang binibidyuhan ang sementeryo)


(Voice Over:Hindi na nahintay ni Sir. Joaquin ang dalawa niyang Anak na sina Arlyn at ang Bunsong anak
na si Jocelyn, at nagbigay habilin si Sir Joaquin sa kanyang asawang si Cora na sabihin ang katotohan sa
kanilang anak na si Vanessa). Inilibing na si Sir. Joaquin, ang makikita sa Video ay sina ang dalawang mag-
ina, kasama ang mga kasambahay.

EPISODE 4 (Scene 11)


(Umuwi na sina Arlyn at Jocelyn sa bahay na malungkot dahil hindi man lang nila naabutan ang kanilang
Papa ng buhay, dahil napangakuan nila itong ipapasyal pa sa kanyang lupain sa baler dahil matagal na
itong hindi nakakapunta dahil sa kanyang karamdaman)
Cora: May nagdodoorbell Gerladine, sino ba yun. Baka resibo yan ng ilaw….pakikuha nga…
Geraldine: Sige po madam
(Hindi alam ni Cora na ang mga anak nila ito na si Arlyn at Jocelyn, ngunit ang kasiyahan ay napalitan ng
iyakan dahil hindi man lang naabutan ng dalawang anak ang kanilang Papa na si Joaquian)
Geraldine: Mam,kayo po pala.
Arlyn:Asan si Mama?
Geraldine:Nasa loob po puntahan nyo nalang po.
Arlyn/Jocelyn: Mama!!!
Jocelyn: Ma,anong nagyare kay Papa? Bakit nya tayo iniwan agad nangako pa sya na ipapasyal nya kami sa
lupain natin sa Baler?
Arlyn: Ma,alam kong may dahilan kung bakit bigla nalang inatake si Papa hindi nya kami iiwan ng ganung
kadali. Sabihin nyo na po ang dahilan!!!
Cora: Mga anak paensya na, Wala ako nung araw na inatake ang ama nyo. Pero andto ako sa tabi nya
nung binabawian na sya ng buhay. May mga sinabi at bilin sya saken na malalaman nyo sa takdang
panahon. Sa ngayon ay hayaan muna nating magluksa ang mga sarili natin sa pagkawala ng ama nyo.
(Nagyapusan ang mag-iina)

Scene 12
Kinagabihan sa hapag kainan ay biglang dumating si Vanessa kasama ang kanyang nobyo na si Francis at
pinakilala nya ito sa kanyang mga kapatid. At sa lalim ng kanilang pag-uusap ay bigla na lamang silang
nagtalong magkakapatid na syang kinasama ng loob ni Cora.
Vanessa: Magandang Gabi Ma, o Arlyn,Jocelyn Mabuti naman at naka-uwi na kayo.
Arlyn: Oo ate Mabuti naman at naka-uwi na nga kami MAS MAALAGAAN NARIN NAMIN SI MAMA!
Jocelyn:Ate sya na ba yung naikukwento mo samen na nobyo mo?
Vanessa:Oo,sya si Francis. Ah Francis kapatid ko nga pala si Jocelyn at Arlyn.
Francis: Magandang Gabi po Tita, Maganda gabi Arlyn at Jocelyn.
Cora: Nako iho Mama nalang din total malapit narin kayong ikasal netong si Vanessa.
Arlyn: Kasal? Diba kamamatay lang ni Papa!
Vanessa: Mama kaya rin po kami naririto para sabihin din po na hindi po tuloy ang kasal ngayon taon
pagbibigay respeto narin po sa pagpanaw ni Papa.
Cora: Mabuti naman kung ganun anak,Salamat at naintindhan mo ang sitwasyon natin ngayon. Ayos lang
ba kay Francis ang nagging desisyon mo?
Francis: Opo tita napag-usapan na po namin yan.Nakikiramay po pala ako sa pagkawala ni Tito.
Vanessa: Mama, Ano nga po pala yung sinasabi ni Papa bago sya mawala hindi ko na po masyadong
naitindhan dahil bigla syang inatake.
Arlyn: Ibig sabhin naroon ka nung inatake si Papa? Ano na naming ginawa mo na ikinagalit nya!!?
Cora: Arlyn,Vanessa! Hindi yan dapat dito pag-usapan sa harap pa ng pagkain kayo magtatalo? Diba Arlyn
sinabi ko na sa inyo na may tamang panahon para dyan!
Vanessa: Aba ay may pinag-usapan na pala kayo nung wala ako!
Jocelyn: Ate di mo rinig? Wala pa nga diba, Sa tamang panahon pa sasabhin!
Arlyn: Pasensya na mama nabigla lang ako.
Vanessa: Francis tara na lumayos na tayo dito mukhang pinagkakaisahan na naman ako ng mga to!
Cora: Sige lumayas na kayong lahat hindi nyo na nirespeto ang pagkawala ng Ama nyo !!

EPISODE 5
Scence 13

Kinabukasan hindi na kinaya ni Cora ang sama ng loob sa kanya mga anak at sa mga nangyayari. Kaya
naman napagpasyahan na nya na aminin kay Vanessa ang totoo.Habang sya ay nasa sala at nagdarasal ay
tinawag nya si Myra. Dito narin nya kinausap at humingi ng pasensya kay Myra.
Cora: Mahal bigyan mo ako ng lakas ng loob upang kayanan ang lahat ng ito.
Myra maari ba kitang maka-usap?
Myra: Madam bakit po? Madam kung tungkol po ito sa nangyare kay sir. Mam kasalanan ko po iyon lahat
wala pong kasalanan si Mam Vanessa. Pasensya na po dahil sa katangahan ko ay inatake sag alit si Sir.
Matatanggap ko po kung papalayasin nyo na ako dto,sana po ay hindi nyo ako ipakulong.
Cora: Myra alam ko na ang totoo na sinasaktan ka ng Anak mong si Vanessa. Pasensya na Myra sa naging
trato sayo ng sarili mong anak. Kung nasabi lang sana naming sa kanya ang totoo hindi na aabot sag anito
na sinasaktan ka nya.
Myra: Mam, ano pong ibig nyong sabihin?
Cora: Sasabhin ko na sa kanya ang totoo,sana ay mapatawad mo sya sa ginawa nya sayo at sana
matanggap ka ng anak mo.
Myra: Mam salamat po sa pag-aaruga nyo sa anak ko at tinggap nyo ako dto bilang katulong kahit
papaano ay nakasama ko ang anak ko. Wag nyo na pong sabihin sa kanya Mam baka po lalo lang
magkagulo.
Cora: Myra alam mo naman na ito lang ang magpapalaya sa bawat isa. Sige na tawagin mo na silang lahat
si Vanessa,Arlyn at Jocelyn pag-uuspan narin naming ang naiwang lupain ng kanyang ama.
Myra: Kung ano man ang maging desisyon nyo Mam.Rerespetohin ko po.
(Tinawag n ani Myra ang magkakapatid na Cortez)
Vanessa: Para san ang pagpupulong na ito Mama? Para ba pagkaisahan nyo na naman ako?
Cora: Hindi anak, Ito na ang panahon para malaman nyo ang totoo at para pag-usapan ang Mana ng Ama
nyo. Dahil tumatanda narin ako gusto ko bago ako mawala maayos kayong tatlo.
Jocelyn: Ma naman wag naman po kayong magsalita ng ganyan makakasama pa po naming kayo ng
matagal.
Arlyn: Ma ano bang totoo?
Cora: Mga anak napagpasyahan naming ng Ama nyo na bawal lupain natin ay mahahati sa inyong tatlo ng
patas at itong mansion ay para kay bunso na si Jocelyn.
Vanessa: Hindi ako papayag! Ako ang naghirap mag-alaga sa inyo nung panahong hirap na hirap na kayo
at walang ibang masandalan kundi ako!!
Arlyn: Ma ayos po saken kung anong desisyon mo, wag nyo na pong intindihin ang iba dyan.
Jocelyn: Ma, Salamat po pero ayos lang po saken kung hindi mapupunta saken ng buo ang bahay na ito
kahit ibenta nalang po ito at hatiin sa aming tatlo ang magiging pera.
Vanessa: Hindi ako papayag sa desisyon nyo! Akin ang bahay na to!! Ang kakapal ng mukha nyo matapos
kayong manirahan ng matagal sa abroad uuwi kayo dto na parang walang nangyare!!
Arlyn: Ang kapal din ng mukha mo! Nagtiis kami na malayo kina Mama at Papa para lang magpadala ng
pera!! Tapos aasta ka na para kang Donya!! Hindi sapat ang pag-aalaga mo sa kanila lalo na na alam kong
ikaw ang dahilan kung bakit inatake si PAPA!! Mukhang Pera!!!
Jocelyn: Ate vanessa mawalang galang na pero sana naman inisip mo rin yung mga sakripisyo naming sa
ibang bansa para sa pamilyang ito!!
Cora: TAMA NA!! Tumigil na kayo, Arlyn,Jocelyn umakyat muna kayo sa taas may pag-uusapan lang kami
ng ate nyo.
Vanessa: Hindi ma, Bakit hindi nyo sabhin sa harap nila, bakit hindi nyo maipamukha sa kanila na mali
talaga sila na ako ang naghirap sa inyo ni Papa!!
Cora: Sige yan ang gusto mo ha, ayokong sabhin sayo sa ganitong paraan pero sumsobra kana lalo na sa
totoo mong INA!
Vanessa: Ma, anong ina? Ano ba talaga ang totooo sabihin nyo na!!!!
Cora: Hindi ako ang totoo mong ina! Kundi ang Babaeng labis mong saktan at pahirapan. Sumosobra kana
akala mo kung sino ka wala kang respeto sa kanya, Walang kang respeto kay Myra!!
Vanessa: Hindi,Hindi ako papayag na siya ang Ina ko. Yung walang kwentang katulong nay un ang
magiging Ina ko!
Cora: (sinampal si vanessa)Wala kang magagawa dahil yun ang totoo!! Ayaw kitang masaktan pero alam
kong katotohanan lamang ang magpapalaya sa ating lahat!! At sana naman magbigay kana ng respeto sa
totoo mong Ina!!
Mahal na mahal ka nya kaya nya lang nagawa yun dahil naghihingalo kana sa sakit noon! At dahil alam
naming Mabuti sya tinanggap namin sya bilang kasambahay para kahit paano ay makasama at makita ka
nya. Pero anong ginawa mo sarili mong Ina ang pinahihirapan mo!!
Arlyn: Ma tama na, Nahihirapan na kayong huminga. Jocelyn tara sa kwato ihatid natin si Mama. At ikaw
(Ate VANESSA) ayusin mo yan sa magtanda kana sa mga nangyayare!

(Naiwang luhaan si Vanessa at inisip lahat ng nangyaring gulo hindi nya matanggap na nanay nya si Myra.
Nakita naman ni Myra na naiyak ang kanyang anak at agad nya itong nilapitan)
Vanessa: Hindi maari,hindi ko ina ang walang kwentang babae na un!
Myra: Anak pasensya na,Hindi ko ginusto na malaman mo sa ganitong paraan at hindi ko ginusto na
ipamigay ka.
Vanessa: Wala kang kwenta, Bakit hinayaan na mangyare to? Bakit ikaw pa ang naging ina ko!!
Myra: Anak sana matanggap at mapatawag mo ako. Hahayaan muna kitang mag-isip kung ano ang
magiging desisyon mo.

EPISODE 6
SCENE 13
Habang nasa kwarto si Vanessa ay biglang dumating ang kanyang Nobyo na si Francis,At sinabi nya rito
ang nangyari. May dala itong pagkain galing kay aling Myra at ito rin ang nagsabi sa kanya ng kalagayan
nito. Si Francis ang tumulong kay Vanessa upang tanggapin ang katotoohan at mas piliing maging
mabuting anak at mga kapatid.

Francis:Mahal kamusta na, sabi ni Aling Myra di ka daw nalabas ng kwarto. Eto paborito mong pagkain
pinadadala nya di ka pa daw nakain.
Vanessa: Mahal, pasensya na diko matanggap lahat ng nalaman ko. Masama ba talaga akong anak? Wala
ba akong kwentang kapatid?
Francis: Mahal hindi yan totoo,Mabuti kang tao alam ko kaya mo lang yun nagagawa dahil may galit ka sa
puso mo.
Vanessa: Pero alam kong galit sila saken lalo na si Nay…Aling Myra.
Franciss: Nakausap ko na sila mahal, hindi sila galit sayo. Naiintindhan ka nila lalo na ng Nanay mo si aling
Myra. Sinabi na nila saken lahat,pasensya na mahal hindi sa pinangunguhanan ka naming gusto nil ana
kausapin kita at ipaliwanag sayo lahat.
Vanessa: Nagsisisi nako mahal sa mga ginawa ko sana mapatawad pa nila ako Lalo na ni Nanay Myra at ni
Mama.
Francis: Tara na kausapin natin sila alam ko maiintindhan ka nila. Sige na, para mawala narin yang galit sa
puso mo. Gusto ko bago tayo ikasal maayos kana,maayos na kayo ng pamilya mo.
(Yumapos si Vanessa kay Francis at nagpasalamat)

Scence 14

Habang nasa Sala ang mag-iina lumapit si Vanessa at humingi ng pasensya sa kanila at habang sila ay nag-
uusap dumating si Aling Myra may dalang meryenda

Francis: Sige na mahal lumapit kana sa kanila.


Vanessa: MA, Arlyn,Jocelyn sorry sa naging asal ko. Sorry dahil masama ang ugali ko hindi ko naman alam
na aabot sa ganito. Sorry kasalanan ko lahat pati si Papa inatake dahil sa kasamaan ng ugali ko pati sarili
kong ina nasaktan ko.
Cora: Anak, pasensya narin hindi namin nasabi agad ang totoo.
Arlyn: Ate sorry, Ikaw kase ei, Joke lang Ate, Mahal na mahal ka naming salamat sa sakripisyo mo sa
pamilyang ito.
Jocelyn: Ate mahal na mahal ka namin kahit anong mangyare the best ate ka saken.
Arlyn: Mas The best pa saken?
Cora: Oh magsisimula na naman kayong tatlo.
(Sabay nagtawanan ang magkakapatid. At biglang dumating si Myra at geraldine may dalang meryenda
biglang lumapit si Vanessa at tinulungan ito)
Geraldine: Mam meryenda muna kayo,Gumawa si Ate Myra ng masarap na meryenda.
Myra: Mam eto na po ang meryenda nyo.
Vanessa: Tulungan n akita NAY.
Geraldine: OMG totoo ba ang naririnig ko?
Myra: OO wag ka nang epal moment naming to ng Anak ko.
Vanessa: Nay sorry sa mga nagawa ko. Geraldine sorry din sa kamalditahan ko sayo ha.
Myra: Ano ka ba anak ayos lang yun saken. Sa laki kong totoo hindi ko ramdam ang sakit na ginagawa mo.
Ang mahalaga ngayon anak ayos na tayo. Ayos na kayo nila Mam at mga kapatid mo. Francis Salamat ha
iba talaga epekto mo sa anak ko.
Francis: Wala po yun..’
Myra: Nay nalang itawag mo saken ha para naman mas lalo kitang magustohan para sa anak ko.
Francis: Opo nay. Lahat po gagawin ko para sa mahal kong si Vanessa.
Myra: Gusto ko Labindalwang Apo ha. Diba Mam Cora.
Cora: Oo naman kung kakayanin nila ei hehehe.
Vanesaa: Nay naman baka naman lumaki nako na kasing laki mo.
Arlyn: Basta ate ako ang Maid of Honor sa kasal nyo ha.
Jocelyn: Hoy ate ako yun,Flower girl ka nalang
Cora: Hoy tumigil na kayo magsisimula na naman kayo. Salamat mga anak matutuwa ang mga Papa nyo
dahil maayos na tayo. Sunod na nating planohin yang Kasal nyo Vanessa
Vanessa: Opo Ma, After po ng babang luksa ni Papa, aayusin na po naming ang sa kasal naming para
mabigyan kayo ng isang dosenang apo.
(Masayang nagtawanan ang lahat)
Naging masaya ang Pamilyang cortez lahat ng Mana ay nahati sa kanilang tatlo. At ang bahay ay napunta
kay Jocelyn. Si Alyn Myra at Geraldine ay mabibigyan din ng Mana dahil sa kabutihang naitulong nito sa
kanilang Pamilya.

You might also like