Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

IBONG ADARNA (SCRIPT – MAAGAP)

Narrator : Magandang hapon sa ating mga madla, kami ang 7-MAAGAP at aming itatanghal
ang koridong nagngangalang Ibong Adarna.
Oh Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa iyo’y di malihis

Ako’y isang hamak lamang


Taong lupa ang katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw

Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay mahidwa

Labis yaring pangangamba


Na lumayag ng mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamamangkay di makaya

Kaya inang matangkakal


Akoy iyong patnubayan
Nang mawasto sa pagbanghay
Nitong kakathing buhay

At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo
Kahilingay dinggin ninyo
Buhay na aawitin ko
Noong unang panahon, mayroong isang kaharian na tinatawag na Berbanya. Pinamumunuan
nito ng hari at reynang hinahangaan ng lahat, si Haring Fernando at Reyna Valeriana; sila ay
mayroong angking kahusayan kaya’t ang pamamaakad sa kaharian ay naging maganda.

[SCENE 1]
Haring Fernando : Maging alerto tayo para sa ating bayan, upang tayo ay tumungo sa
magandang kinabukasan.

Reyna Valeriana : Kung mayroon man kayong kailangan, huwag kayong mahihiyang lumapit.
Naririto lang kami.

Mga Mamamayan : Masusunod po, mga kamahalan!

Haring Fernando, Reyna Valeriana : Kung gayon, simulan na natin ang handaan!

Mga Mamamayan : Mabuhay ang Berbanya!

[SCENE 2]
Narrator : Ngunit sa iisang araw lamang, nagbago ang lahat. Si Haring Fernando ay nagkaroon
ng malubhang sakit at iisa lang ang tanging kagamutan dito.

Medikong Paham : Sakit mo po, Haring mahal, ay bungang panagimpan mabigat man at
maselan, may mabisang kagamutan. Ang isang ibong katangi-tangi ang ganda na
nagngangalang Adarna; pag narinig mo ang kanta nito ay ang iyong sakit ay giginhawa. Ang
ibong ito ay namumugad sa kabundukan ng Tabor kahoy na hinahapunay Piedras Platas na
makinang. Nang araw ay wala ngunit gabi ng katahimikat payapa sa kabundukan, ang ibon ay
naroroon. Kaya’t mahal na monarka, iyon po ang ipakuha’t gagaling ng walang sala ang sakit
mong dinadala.
Haring Fernando : (NAKAHIGA’T NAKIKINIG SA PAYO NG MANGGAGAMOT)

[SCENE 3]
Narrator : Agad na inutusan ng hari ang kaniyang tatlong anak na pawang pangunahin sa
pakikipagdigma, si Don Pedro—ang panganay, si Don Diego at si Don Juan—ang bunso.

Haring Fernando (PANG MATANDANG BOSES) : Ohhhh, mga anak ko, nais kong humingi
ng tulong sa inyo, upang gumaling ang aking karamdaman, kinakailangan ko, bagaman mahirap
sa kalooban kong mawalay kayo sa aking tabi kaya’t maaari niyo bang huliin ang Ibong Adarna
para sa akin at kung sino mang makakahuli at makakauwi ng Adarna ang siyang magmamana
ng aking korona. Gusto ko sanang ikaw ang mauna, Pedro, iyong ipakita ang iyong galing sa
paghuli ng Adarna para sa akin, anak.

Don Pedro : Masusunod po ama, ako’y lalakad ngayundin.

Reyna : Ika’y magiingat, Pedro. Ang Bundok Tabor ay hindi isang ordinaryong kabundukan; ito
ay puno ng panganib kung kaya’t ika’y maging handa sa kung anong darating, anak.
[SCENE 4]
Narrator : Unang nagtangkang humuli sa Adarna ay si Don Pedro ngunit siya’y napatakan lang
ng ipot ng ibon at naging bato, gayundin ang nangyari kay Don Diego.
Don Pedro : (NAKITA ANG ADARNANG KUMAKANTA, KAYA’T DAHIL SA PAGOD, SIYA AY
NAKATULOG SA ILALIM NG PUNO AT NAIPUTAN NG IBON.)
Don Diego : (NAKITA ANG ADARNANG KUMAKANTA, KAYA’T DAHIL SA PAGOD, SIYA AY
NAKATULOG SA ILALIM NG PUNO AT NAIPUTAN NG IBON.)

[SCENE 5]
Narrator : Dahil sa pangyayaring iyon, napilitang pahintulutan ng hari ang bunsong si Juan na
hanapin at huliin ang Adarna, agad namang tinanggap ng binata ang alok ng kanyang ama.

Hari : Juan, ilang araw na ang nakalipas at ang iyong mga kapatid ay hindi pa rin nagbabalik. Sa
tingin ko ay kinakailangan mo na ring lumakbay para hanapin ang iyong mga kapatid at huliin
ang Adarna.

Juan : Ngayon ako’y lalakbay na rin po, ama.

Haring Fernando & Reyna Valeriana : Ika’y magiingat, anak.

[SCENE 6]
Narrator : Sa paglalakbay ni Juan, siya ay may nakilalang Leproso at ito ang naging susi ni Juan
upang mahuli ang Adarna at mailigtas ang kanyang mga kapatid sa pagkakaengkanto, gamit ang
dayap at labaha na nanggaling sa Ermitanyo nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna at nailigtas
ang mga kapatid.

Leproso : Iho, maawa ka. Maaari mo ba akong tulungan? Kahit na tubig man lang, maaari mo
ba akong bigyan?
Juan : (KINUHA ANG LALAGYAN NG TUBIG AT ANG KAHULIANG TINAPAY AT IBINIGAY
SA ERMITANYO)
Ermitanyo : (INABOT ANG TUBIG AT TINAPAY)
Leproso : Maraming salamat iho, ano ng apala ang iyong pakay rito sa Montaña Tabor?
Leproso : (TINULOY NA KAGATIN ANG TINAPAY AT INUMIN ANG TUBIG)
Juan : Ah, ako po'y napadpad rito dahil sa isang magandang ibong nagngangalang Adarna at
para na rin sa aking mga kapatid, kaya’t maaari niyo po ba akong bigyan ng konsejo kung may
alam kayo patungkol rito sa Adarnang ‘to?

Leproso : Iho, ang iyong binabalak ay mahirap, ngunit ako ay may maaaring maitulong sa iyo.
Pagdating sa bundok ay may makikita kang puno; ito ay ang tinatawag na Piedras Platas at dito
namumugad ang Ibon. Ito ang dayap at labaha, maaari mo yang gamitin upang mahuli ang
Adarna. Iyong hiwain ang iyong kamay gamit ang labaha at iyong lagyan ito ng dayap na sa
hapdi ay iyong malalabanan ang iyong antok kapag ang Adarna ay kumanta na, iyong buhusan
rin nitong tubig ang iyong mga kapatid at silay babablik sa kanilang dating anyo
Ermitanyo : (INABOT ANG MAHIWAGANG TUBIG)
Juan : Sigurado po ba kayong mahuhuli ko ang Adarna ng gamit yan?

Leproso : Oo, iho. Ang tinig ng Ibong Adarna ay lubos na makapangyarihan at ika’y magiingat
dahil sa isang patak ng kanyang ipot, ika’y magiging bato. Sige, ako’y lalakad na, maraming
salamat muli.

Juan : Maraming salamat rin ho.


Juan: (NAGPATULOY SA PAGLALAKBAY AT NAKITA ANG PIEDRAS PLATAS. SINUGAT
ANG KAMAY AT NILAGAYAN NG DAYAP AT NILAPITAN ANG ADARNA PINAGMASDAN
AT HINULI NAKITA NIYA ANG KANYANG MGA KAPATID AT BINUHUSAN NG
MAHIWAGANG TUBIG PARA SILAY MAGING TAO MULI)
Narrator : Ngunit sa pagkaligtas ni Pedro at Diego sa pagkakaengkanto, sila’y may pinaplanong
masamang balak, kanilang sinakal at pinagtatadyakan si Juan at iniwang nakahandusay. Ang
Ibong Adarna ay kanilang kinuha at naglakbay pabalik sa kaharian ng Berbanya.

[SCENE 7]
Don Juan : Mga kapatid kung tayo’y magpahinga kaya muna ang paligid ay dumidilim na rin at
marahil malayo na ang ating nalakad ating ipagpatuloy nalang ito sa pagsapit ng araw
kinabukasan

Don Pedro: Diego , pagka nakatulog na si Juan kunin mo ang Adarna at ating bigyan ng
malakas na suntok at sipa kapag siyay nagising

Don Diego: Upang hindi niya makakuha ang trono sa ating kaharian, akoy sumasang-ayon sa
plano mong yan kuya
Don Pedro: Ayan siyay nakatulog na ikaw ay kumilos na’t ating simulan ang ating plano

Don Diego: Masusunod Kuya

Don Juan: ( nagising mula sa pagkatulog )

Don Diego: Nako! si Juan ay gising na ( dali daling kinuha ang kulungan ng adarna )

Don Pedro: Halika rito at akina ang ibon ikay manatili sa ating plinano Diego

Don Diego at Pedro: ( pinagtatadyakan si Juan at iniwang nakahandusay at silay nagpatuloy sa


Kaharian ng Berbanya )

Sinabi ni Diego at Pedro sa hari na sila ang nakahuli sa Adarna, ngunit hindi nila ito napa-awit.

[SCENE 8]
Pedro at Diego: ( nakarating sa kaharian at dali daling nagpatungo sa silid ng hari )

Pedro: Aking mahal na itay kamiy nagbalik na po kasama ang Ibong Adarna

Hari: Nasaan ang iyong nakababatang kapatid?

Pedro: Hindi po namin alam itay dahil nung nahuli po namin ang Adarna hindi manlang po
namin siya nasilayan

[GITNA] Sa kabilang banda, natagpuan ng isang matandang mahimala si Don juan na


mistulang patay na. Ipinagyaman at inalagaan ng matanda s don Juan at dahil doon muling
bumalik ang lakas ni Juan, siyay nagpatuloy sa pagbalik sa Berbanya at sa pagsulyap ni Adarna
kay Juan agad itong umawit at nagsalaysay sa hari tungkol sa kanyang natunghayan na
pagtataksil ng dalawa kay Juan.

[SCENE 9]
Juan: Nasaan ako, Bakit ako naririto

Matanda: Iho, ikay magpahinga muna ang iyong katawan ay hindi pa gumagaling, mas maiging
ikaw ay manatili muna rito hanggang ikay magaling na

Juan: Maraming salamat po


Nang handa na si Don juan bumalik sa kaharian ng berbanya siya ay nagpaalam na sa
matandang mabait.

Juan: Maraming salamat po uli sa iyong pagtulong sa akin, huwag po kayong mag-alala aking
pasusubalitan ang iyong kabaitan sa akin maraming salamat po ulit akoy lalakad na po

Matanda: Nako hindi mo na kinakailangang pasubalitan ito bastat ikay lagging magiingat iho

Juan: Itay Inay akoy nakabalik na po! Akoy nagagalak na makita muli kayo at ang Ibong
Adarna

Hari: Juan, saan ka nagpupunta at bakit ngayon ka lang nakabalik (nanghihinang sinabi kay
Juan)

Juan: Itay hinayhinay lang po, ngunit bakit ikay hindi parin po gumagaling

Hari: Ahhh ang Adarna parin kasi'y hindi umaawit ------

Adarna: (umawit) Haring mahal si Juan po talaga ang naka atrapados sa akin at dahil doon ang
kanyang dalawang kapatid ay nagtaksil sa kanya ngunit felicidades po sa inyong paggaling
kamahalan (aawit muli)

Narator: Nagalit at ipinatapon ng hari sina Don Pedro at Don Diego ngunit naki-usap si Juan at
pinatawad ng hari ang dalawa. Naging napakahalaga ng Adarna sa hari, siya ay gumaling at sa
tatlong prinsepe naman pinatunuran ang ibon, palit-paltan sila sa pagbabantay ngunit gumawa
nanaman ng lalang sina Diego at Pedro naki-usap sila kay Juan na magpalitan muna sila sa
pagbabantay at dahil sa tindi ng puyat nakatulog si Don Juan. Habang si Juan ay nakatulog
pinakawalan ni Pedro si Adarna at ng magising si Juan at makitang nawala ang ibon sa hawla,
siya ay walang paalam na naglayas upang hanapin ang ibon. Napansin ng hari na wala ang ibon
at si Juan kayat kayang ipinahanap si Juan at Adarna sa dalawang magkapatid.

[SCENE 10]
- Pedro: Kapatid na Juan maaari mo bang bantayan muna ang Adarna may kinakailangan kasi
akong gawin

- Juan: ( pinalitan ang katayuan ni Pedro)


- Pedro: (umalis)
- Juan: ( nakatulog dahil sa tindi ng kanyang pagod)
- Pedro at Diego: (nakitang nakatulog si Juan kayat naisipan nilang pakawlan ang Adarna)
-Juan: Nabangon mula sa pagkatulog at nataranta nong nakitang wala ang Adarna at umnalis ng
walang paalam upang hanapin ang Ibon)
-Hari: (nakitang wala ang ibon) Mga Anak nasaan ang Adarna at si Juan
- Pedro: Hindi po naming alam itay baka ang ibon ay nakatakas kayat umalis si Juan ng walang
paalam
-Hari: Kung gayon kailangan niyong sumunod kay Juan upang mapadali ang kanyang
paghahanap
-Pedro at Diego: Masusunod po kamahlan ( naaasar na boses )
Narator: Nang matagpuan ng magkapatid si Juan, inamuki nila ito na sila ay maglagalag sa
halip na magbalik sa palasyo, sumang-ayon naman si Juan. Naka-abot sila sa kagubatan ng
Armenya may natagpuan silang balon na may lubid, kapwa hindi nakapaghugos hanggang
sailalim si Pedro at Diego kayat si Juan ang tumunton sa pinakababa at natagpuang may palasyo
roon

[SCENE 11]
Juan: Napaka laking higante ngunit, matatalo pa rin kita dahil kahit ako ay maliit, may tinatago
naman akong kisig at lakas

Higante: Talaga lang ah

Juan: Yah yah! (SUNTOK) Lakas mo ren pala eh noh! yah yah, yah, [nang namatay ang balon]
Sa wakas wala ka rin palang binatbat sakin.

Juana: maraming salamat ginoo, tara na, may nakakulong pa banda dun tulungan rin natin siya
at pagkatapos tumaas na tayo sa balon

Juan: Sige puntahan na natin bago dumilim ang kalangitan

Leonora: maraming salamat ginoo, At Binibining Juana sa Pag ligtas sa Bihag,


Juan: walng anuman binibini, taas na tayo sa balon

(Acting scene 12)

Juan : oh kay gandang binibini, ligtas ka na sa napakalaking kupal na higante


Juana& Leonora: Maraming salamat talaga ah? Nang dahil sayo, napalaya na rin kami sa
napakalaking dambuhalang ‘yon
Juan: Aysus

(acting scene 13)


leonora: Hala! may naiwan ako na singsing sa balon, balikan ko muna

Juan: Ako na ang babalik, jan Nalang kayo ni juana upang mapanatili kayong ligtas
Leonora:Sige, Mag iingat ka juan

(acting scene 14)


PEDRO: ayon sila juan oh baba ulit sa balon, puntahan natin

Diego: Sige tara na At ihulog natin ulit siya sa balon. [pagkalipas ng ilang minuto]
Diego: tara gawin nanatin ang balak natin

Isa Dalawa Tatlo Bitaw


Juan: Ahhhhhhh! Ahhhh? (nahulog)

Leonora: Oh higanteng lobo tulongan mo si juan


Pedro: Hindi maari sumama ka samin Diego Kunin mo yang dalawang babae at isama natin sa
kaharian

Diego":Masusunod po nakakatandang kapatid

(acting scene 15)


Pedro: Sa ayaw at sagusto mo magndang binibini ikakasal tayo Lenora: ngunit bago tayo ikasal
Paynge muna Ng 7 panatang

Pedro: Sige, Maghintay kalang at maibibigay ko ang iyong nais Mahal Ko!

(acting scene 17)


NaHinanap ni Don Juan ang Kahariang Kristal at may nakilala uli siyang isang Ermitanyo na
nakatulong saknya sa paghahanap ng Kaharian. Matapos ang matagal at malawakang
paghahanap, natagpuan ni Juan ang Kaharian nakilala niya si Donya Maria Blanca at silay
naging magkaibigan.
JUAN;[ naglalakad at Nakita mo si ermitanyo ng pagod ka at nanghihina]
Juan; buenos dias, ermitanio ma itanong ko lang po kung saan ang kaharian nila maria blanca?
Ermitanyo; iho, sumakay ka sa aking alagang malaking alaga, at dadalhin ka nito/.
Juan; muchas gracias ermitanyo.,seremos los perimos.
Ermitanyo; magiingat kayo.

(acting scene 18)


Si Donya Maria ay may malupit na amang si Haring Salermo at siyay may dalawang kapatid na
magaganda rin. Kayat idinaan ng Hari si Don Juan sa mga pagsubok na pawang imposibleng
magagawa ng sang karaniwang tao, gaano man ito kagaling.
(acting scene 19)
-Unang pagsubok, Patagin ang bundok at itanim ang isang supot ng trigo, patubuiin ito, papag-
uhayin, aanihin, gawing harina, ilutong tinapay at ihain sa hapag ng hari pagkaumaga upang
maging agahan ng hari, NATUPAD
-Ikalawang pagsubok,May bote ang hari na kinabibilangguan ng 12 mumunting ita, pinawalan
ng hari ag mga ita sa dagat at kailangang maibalik ni Juan ang mga ito sa botelya, NATUPAD
-Ikatlong pasubok, Ang bundok na pinatag ay balik sa dati nitong anyo at kinabukasan din ay
nakaharap na sa may bintana ang hari na may nilalanghap na sariwang hangin, NATUPAD
-Ikaapat na pagsubok, Muling tibagin ang bundok at itambak sa dagat at itoy gawing isang
muog na may kastilyong bakod ng mga kanyon, kinabukasan ay itoy NATUPAD
-Ikalimang pagsubok, Ibalik ang bundok at ang dagat na maaalon sa dati sa loob ng magdamag,
NAGAWA
-Ikaanim na pagsubok, Hanapin sa karagatan ang singsing ng Haring kanyang nakaligtaang
alisin a daliri at nahulog sa dagat sa loob ng magdamag, NATUPAD
-Ikapitong pagsubok, Paamuin ni Don Juan ang kabayng simaron na may makapangyarihan
engkanto, Napaamo ni Juan ang kabayo (unang pagsubok haggang sa huli- acting scene 20)

Ngunit sa pagtupad ni Don Juan sa mga pagsubok ang haring Salermo ay may karagdagan pang
pagsubok. Nakakulong ang tatlong anak ng Hari saTatlong kuwarto at isang daliri lamang ang
nakalitaw, kailangang matukoy ni Juan ang kanyang mahal na si Maria Blanca, na nagawa niya
naman. (acting scene 21)
Salermo; Magaling, natapos mo ang ikaanin na pagsubok. Ngunit hindi pa iyan tapos may isa
pa akong ibibigay na pagsubok kung mahal mo ba talaga ang anak ko,
Juan; ano po iyon kamahalang salermo?
Salermo; Sa ika pitong pagsubok ay pupunta ka sa tatlong kwarto at suriin mo kung sino talaga
ang iyong minamahal doon.Pag hindi mo nagawa ito hindi mapapasayo ang aking anak.
Narator; Sa ikapitong pagsubok hindi si Juan ang gumawa kundi si Donya Maria, si Maria ay
may makapangyarihang singsing nakatulong para ito ang pagsubok ay matupad. Nalaman ng
hari ang nangyari at napag-alaman ni Maria Blanca ang balak ng hari na ipapapatay o
ipatatapon sa Inglatera si Juan. Kayat agad na tumakas ang magkasintahan, hinabol sila ng hari
ngunit ginamit ni Maria ang kanyang mahika blanca at natakasan nila ang kanyang ama ngunit
isinumpa ni Salermo si Maria na sa kanilang pagdating sa Berbanya malilimot ni Juan ang
prinsesa.
Maria blanca; OHHH, sing sing ko tulongan mo ang mahal kong si juan na mapili ako, upang
mapakasakin siya at hindi mag tagumpAY ang masamang balak ng aking itay.

sSALERMO; WALANG HIYA,HINDI NANAMN NATULOY ANGB AKING PLANO

Juan; salamat MAHAL KO AT TINULONGAN MO ULIT AKO.

Maria blanca; Mamaya na tayo mag usap, tara na at umalis dahil kapag hindi tayo umalis
ipapatay ka ng aking masamang budhing itay

JUAN;masusunod po aking SINTA ,tumungo nalang tayo sa aming kahariang berbanya


(acting scene 22)

[WAKAS] Iniwan muna ni Juan si Maria sa labas ng Berbanya at nagpatuloy sa palasyo,


nakasalubong ni Juan si Leonora at agad na nalimutan si Maria. Inisalaysay ni Leonora ang mga
pangyayari at humingi ng paalam sa hari kung maaari bang ikasal si Juan at Leonora, pumayag
naman ang hari
(acting scene 24)
- Juan at Maria: ( iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian at pumasok)
( sa pagpasok ni Juan sa kaharian nalimutan niya si Maria)

- Leonora: ( nakita si Juan at humarap sa hari) Sa pitong taong paghihintay ay nasilayan ko din
ang aking mahal. Mahal na Hari ang magpakasal sa iba ay kataksilan. Kaya't ngayong nandito
siya anong saya ang naramdaman.

- Hari: Kung gayon, bukas na bukas din ay kayoy ikakaksal


Sa tulong ng mahika blanca ni Maria nabatid niyang ikakasal ang dalawa, kayat humiling siya
sa kanyang sing sing ng isang karwahe at kabayo na hihila rito, gayundin ang isang magarang
damit at mga alahas na kanyang susuotin. Nakapasok siya sa palasyo at napahanga ang lahat
ngunit di siya makilala ni Juan

. (acting scene 25)

- Maria: (napagtanto na ang tagal ni Juan kayat ginamit ang mahika blanca para malaman ang
nangyayari sa loob at napagalamang ikakasal si Juan sa ibang babae) Haaa! Hindi ito maaari,
kailangan kong pumasok sa loob. Aking mahiwagang singsing akoy nangangailangan ng iyong
tulong kayat heto ako humihingi ng tulong mo, isang karwahe at ang hihila nito, maisusuot
kong ropa at ang alahas, ito ang aking mga kinakailangan ( sa kanyang hiling, ito ay natupad)

- Juan at Leonora: ( nasa altar na at handang ikasal )

- Maria:( binuksan ang pintuan ng kaharian at napatingin ang lahat sa kanya)

- Maria: MOMENTO! Haring mahal, sandali lang po akoy may ihahandog lamang (inilabas ang
bote at binuksan)

Narator; Nagpalabas ng isang mahika si Maria Blanca at na kung saan nagpakita ang isang
negrita at negrito, hinagupit ng hinagupit ng negrita ang lalaking kapareha sabay tanong kung
kilala nito si Maria habang hinahagupit ng negrita ang negrito namimilipit sa sakit si Don Juan
na parang siya ang nilalatigo. Dahil doon ay nakilalang muli ni Don Juan si Donya Maria
Blanca at hiniling sa hari na siya ay magpapakasal kay Maria at hindi kay Leonora. Tumutol si
Donya Leonora at noon ay ipinagtapat ni Don Juan kung paanong utang niya kay Maria Blanca
ang kanyang buhay. Kayat sa hindi makapagpasya ang Haring Fernando humingi siya ng tulong
sa Arsobispo. Si Leonora raw ang dapat pakasalan ni Juan, ayon sa Arsobispo.
(acting scene 26)

- Maria: (lumabas ang isang negro at negra mula sa bote at isinalaysay ang pagpapalo ng latigo
ng negro sa negra at ang paglalatigo ng Negra sa negro at parang si Juan ang nakakaramdam
nito kayat bumalik ang alalala ni Juan kay Maria)

- Juan: Maria, oh aking mahal ikay naririto ( lumapit kay maria at niyakap )

- Juan: Ama si Maria nga po pala ang aking minamahal, at hihingilin ko po sanang muli ang
iyong basbas sa aming pagmamahalan

- Leonora: Mahal na hari, maaari ko po bang ilabas ang aking itinatago nalihim

- Hari: oh sige ituloy mo


- Leonora: Ng akoy nasa bundok ng Armenya, inihandog ni Juan ang kanyang pag-ibig sa
kanyang pangakong ako ay kanyang pakakasalan ay sumama ako sa kanya, kayat haring mahal
iyong bigyan ng katarungan kung sino ang dapat na maikakasal kay Prinsipe Juan

- Hari: Sa inyong mga sinabi ay hindi ko alam ang aking bibigyan ng basbas kayat maaari bang
tayoy humingi ng payo sa ating arsobispo

- Arsobispo: Prinsepe Juan sino nga ba sa dalawang Pinsesa ang iyong unang pinangakuan

- Juan: Si Leonora po

- Arsobispo: Kung gayon ay isang kataksilan ang iyong gagawin kung ang iyong pipiliin ay si
Prinsesa Maria kayat ang dapat mong pakasalan aya ang prinsesa Leonora

Narator:.Nagalit si Maria Blanca ng malaman ito at pinahaba niya ang palasyo kayat si Juan ay
agad na gumawa ng pasya at magpapakasal siya kay Maria at si Leonora kay Pedro. Nagpasya
rin ang hari na ikakasal ang apat at si Don Juan ang magmamana ng kahariang Berbanya,
tumutol si Maria dahil sila raw ni Juan ay babalik sa Reynos Delos Cristal sumang-ayon ang
hari at natuloy ang kasalan at bumalik sa Kahariang Kristal sina Prinsipe Juan at Prinsesa Maria
Blanca. Sila ang naging tagapag muno ng kaharian at magpakailanmang silang nabuhay ng
maligaya.

(acting scene 27)

- Maria: HINDI, hindi ito maaari ( pinagana ang mahika blanca at pinahaba ang palasyo )

- Juan: Itay! ako po ay magkikiisang dibdib kay Maria at hindi kay Leonora dahil si Leonora ay
hindi para sa akin itay at hindi mo po ako pinalaking lardon

- Hari: Kung gayon ay kayong apat ay ikakasal at ikaw Juan ang magmamana ng aking trono

- Maria: Akoy hindi po sumasang-ayon sa iyong pasyang iyan mahal na hari dahil kami ni Juan
ay muling babalik sa aking kahariang Kristal at doon magsasama

- Hari: Kung gayon ang gusto niyo sige akoy papayag sa iyong kahilingan

- Hari: Ngayon ay inaanunsyo ko na kayo na mag-asawa


- Mamamayan: (pumapalakpak)

- Juan at Maria: (nagyakapan)

- Juan: Kamahalan, Itay kami ay lalakad napo sa Kahariang Kristal (lumapit sa hari at niyakap)

- Juan at Maria: (nagpatuloy sa kanilang paglalakbay)


Adarna; Mag ingat kayu juan at maria. Wag kayung mag aalala gagabayan ko pa rin kayo sa
inyong paglalakbay. escontigo juan and maria…

At dito nagtatapos ang aming pagtatanghal maraming salamat sa panonood at muli kami ang 7-
Maagap

You might also like