BARRIENTOS, KYL MARIE - Mga Teorya NG Wika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Kyl Marie G.

Barrientos

Kurso-Taon: BSND 2

Panuto: Magbigay ng tig-dalawa (2) na katangi-tanging kalagayan o sitwasyon


na akma sa mga sumusunod na teorya. Muli kailangan lang nang diskarte sa
paghahanda at paglalatag ng iyong kasagutan.

*Bow-wow *Tore ng Babel

*Yo-he-ho * Pooh-pooh

*Ding-dong * Yum-yum

Bow-wow

1. Ang aking pamangkin na isang taong gulang ay nakakita ng aso. Tinuro


niya ito sabay sabi ng, “Tita, tita, aw-aw, aw-aw.”
2. Si Ana ay sumali sa isang dula at siya ay gaganap bilang isang pusa.
Lahat ng sasabihin niya ay “meow meow” at dapat na mapansin ang
anumang emosyon na hinihingi ng iskrip.

Yo-he-ho

1. Ang mga construction worker na nagtatrabaho para sa aming


kapitbahay ay nagbubuhat ng mga sako ng semento. Napansin ko na
hindi sila masyadong nag-uusap kapag nagtatrabaho ngunit sa tuwing
sila’y nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, pansin sa kanilang
mukha na nabibigatan sila sabay sabi ng, “Aargh . . . Aargh.”
2. Ang aking pinsan ay isang taekwondo player at sa tuwing siya ay nag-
eensayo, bawat sipa at suntok niya ay may kasabay na “Yah!”

Ding-dong

1. Ang pamilyang Reyes ay namamasyal at ang kanilang bunsong anak ay


mahilig sa mga sasakyan. Lahat ng kotse, dyip, taxi, at iba pang sasakyan
ay masaya niyang tinuturo sabay sabi ng, “Broom, broom . . . Peep,
peep.”
2. Ang magbabarkadang Alvan, Jesse, at RD ay nagpunta sa isang sari-sari
store at sa halip na kumatok, sumigaw sila nang sumigaw ng, “Ding dong!
Ding dong!” kahit na may doorbell ang tindahan. Tawang-tawa ang
magkakaibigan pati na ang tindera.
Tore ng Babel

1. Nanalo ng libreng papremyo si Janice. Isa itong 6 days and 5 nights stay
sa Japan. Habang nasa Japan si Janice, nais niya sanang bumili ng
souvenir at nagtanong sya sa isang tindera gamit ang salitang Ingles.
Narito ang kanilang usapan:

Janice: Hello! Good day. Can I ask how much is this bag?

Tindera: No English, no English.

Bumalik si Janice sa hotel na walang nabiling souvenir at


nakapagdesisyon siya na babalikan nya ang tindera sa susunod na araw
at bibili na siya gamit ang translator app upang sila ay magkaintindihan.

2. Si Dallin ay nangangarap na makapunta sa France kapag siya ay


nakapagtapos na ng kolehiyo. Ngayong nasa junior high school pa
lamang siya, sinisimulan na niyang pag-aralan ang wikang French.

Pooh-pooh

1. Sa tuwing nag-eehersisyo ang isang tao, kapag sya ay pagod na,


hinihingal sya. Ang tunog ng paghingal ay nangangahulugang siya ay
pagod na at kailangan na niyang magpahinga nang saglit o uminom ng
tubig.
2. Tawang-tawa si Tiffany sa nakita niyang meme sa Facebook. Nabigla ang
kaniyang nanay dahil ang lakas ng kaniyang “Hahahahahaha” sabay
palakpak dahil para kay Tiffany, sobrang nakakatawa talaga ang
kaniyang nakita.

Yum-yum

1. Ipinakita ni Jericho sa kaniyang nanay ang kaniyang inimbentong laruan


para sa bunsong kapatid. Hindi ito nagustuhan ng kanilang nanay dahil
baka malunok ng kanilang bunso ang ibang parte ng laruan. Nagpakita
ng dalawang thumbs down ang kanilang nanay kaya hindi na binigay ni
Jericho ang laruan sa kapatid.
2. Nagsimba sina Luna at Lexie sa simbahang Katoliko. Pagkatapos ng misa,
ang mga tao sa simbahan ay nagpakita ng “peace sign” na
nangangahulugang “Peace be with you”.

You might also like