AP1 Q4 Module2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

1

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mapa ng Loob at Labas
ng Tahanan
Araling Panlipunan Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat: Winnie Magaoay Fermin Manunulat: Amy Jane A. Romasanta

Tagasuri: Leonora L. Tuason Tagasuri: Ma. Vanessa M. Cariaso


Lolita V. Lorenzo Apple P. Magtibay
Amelia B. Bergonia Leo Anthony M. Reccion
Perfecta M. Bautista Regina B. Rosales
Elizabeth R Berdadero Martiniano D. Buising
Jenelyn B. Butac Chuchi T. Villanueva
Miraflor D. Mariano
Tagaguhit: Lilibeth M. Jiminez
Tagaguhit: Angelito E. Fermin
Winnie M. Fermin Tagalapat: Genesis T. Roman
Laiza L. Madrigal
Tagalapat: Jay Lord B. Gallarde
Tagapamahala:
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Estela L. Cariño, CESO IV Mariflor B. Musa
Octavio C. Cabasag Freddie Rey R. Ramirez
Rizalino Coronan Laida M. Lagar-Mascareñas
Roderic B. Guinucay Florina L. Madrid
Janette V. Bautista, Ed, D Norman F. Magsino
Marivel G. Morales Marlou G. Roderos
Robert T. Rustia

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng


Edukasyon Rehiyon III Edukasyon MIMAROPA Region
Office Address: Regional Government Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Center,Carig Sur, Pasig City
Tuguegarao City,3500 Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (078) 304-3855, (078) 396-9728 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov .ph
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mapa ng Loob at Labas
ng Tahanan
Paunang Salita
Para sa tagapagpadaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling:
Mapa ng Loob at Labas ng Tahanan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagpadaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-ikadalawampu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mapa ng Loob at Labas ng
Tahanan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat nang tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o gawain na pupunan
ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang
Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman
Gawain o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi ng sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang alinmang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Maging matapat sa pagsagot ng modyul at pagsasagawa
ng mga gawain.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga


nakapaligid sa loob at labas ng bahay.

Matutunan mo sa modyul na ito ang pagtukoy


sa mga bumubuong bahagi at mga lugar sa loob at
paligid ng bahay gamit ang mapa.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakagagawa ng payak na mapa ng loob at


labas ngtahanan. (AP1KAP-IVb-4)

1
Subukin

Panuto: Tingnan ang mapa. Tukuyin ang mga bagay o


lugar na inilalarawan base sa direksyon. Isulat sa sagutang
papel ang wastong sagot.

Mapa ng Loob ng Bahay

1. Ang nasa kanan ng silid tanggapan o sala ay__________.

2. Ang nasa itaas ng hapag-kainan ay__________.

3. Ang nasa kaliwa ng kama ay__________.

4. Ang __________ ay nasa ibaba ng hagdan.

5. Ang kama ay nasa itaas ng __________.

2
Aralin
Mapa ng Loob at Labas
1 ng Bahay

Balikan

Panuto: Piliin ang pahayag na angkop para sa larawan.


Isulat ang titik sa sagutang papel.

_____1. A. trak sa unahan ng gusali

_____2. B. silya na nasa likuran ng


mesa

_____3. C. unan na nasa ibabaw ng


kama

_____4. D. aso na nasa unahan ng


kulungan

_____5. E. puno na nasa likuran ng


bahay

3
Tuklasin

Ang Loob at Labas ng Bahay ni Ced


ni Amy Jane Aquino Romasanta

Araw ng Sabado. Maagang gumising si Ced upang


tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay. Una niyang
iniligpit ang higaan sa kuwarto na nasa kanang bahagi
ng tahanan. Sumunod ang sala na nasa kaliwa ng
pintuan. Biglang napatigil sa paglilinis si Ced ng maamoy
niya ang niluluto ni Nanay sa kusina na nasa kanang
bahagi ng hapag-kainan. Tinulungan niya ang kanyang
nanay sa paghahanda ng pagkain sa hapag-kainan na
nasa kaliwang bahagi ng kusina. Sama-samang kumain
ang buong pamilya sa hapag-kainan. Pagkatapos
kumain, nagtungo si Ced sa banyo na nasa kaliwa ng
kuwarto para maligo.

Mapa ng Loob ng Bahay

kuwarto

banyo
sala
sala

hapag-
kusina
kainan

4
Naisipan niyang maglaro sa labas ng kanilang bahay. Sa
harapan ng kanilang bahay ay abot-tanaw niya ang
malaking ospital. Sa kanang bahagi ng labas ng kanilang
bahay ay may matataas na puno ng Narra na
nagsisilbing lillim sa init ng araw. Nakaparada naman ang
kanilang traysikel sa gawing kaliwa. Madalas namang
tinatanaw ni Ced ang paaralan na nasa likuran ng
kanilang bahay. Dahil pandemic ngayon, tahimik ang
paaralan at tanging mga guro lang ang pumapasok
doon.

Mga Tanong:

Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong sa


ibaba batay sa pagkakaunawa sa kuwento.

1. Ano-anong lugar sa loob ng tahanan ang


nabanggit sa kuwento?

2. Ano-anong lugar o bagay ang nakapaligid sa labas ng


bahay ni Ced?

5
Suriin

Kumakatawan sa kinalalagyan ng mga bagay o


lugar ang mapa. Dito ipinakikita ang anyo ng mga bagay
o lugar.

Sa pamamagitan ng mapa madaling matutukoy


ang posisyon ng mga bagay at lugar na kinalalagyan
nito.

Ang bahay o tahanan ay isang lugar kung saan


malayang nakapagpapahayag ng damdamin ang
bawat tao sa komunidad. Dito rin namulat ang ating mga
mata noong tayo ay sanggol pa. Ang loob ng ating
bahay ay napakahalagang maging maayos sa lahat ng
oras. Ito ay may iba’t ibang bahagi tulad ng kuwarto,
kusina, sala at banyo. Sa labas naman ng tahanan ay
matatagpuan ang mga bahay, palayan, tindahan,
kabundukan, ospital, palengke, mall, at iba pa. Sa tulong
ng mapa, madali ninyong matutukoy ang kinalalagyan
nito.

6
mall

tindahan mga bahay

kabundukan palengke

ospital

Mapa ng labas ng bahay

7
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang puwang kung ito ay
matatagpuan sa labas ng inyong tahanan at ekisan
(X)kung hindi.

_______1. mall _______6. health center


_______2. barangay hall _______7. simbahan
_______3. palayan _______8. palaruan
_______4. tindahan _______9. karinderya
_______5. istasyon ng pulis _______10. ospital

Gawain 2
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Tama kung wasto
ang pahayag at Mali kung hindi.

_______1. Ang unan ay matatagpuan sa silid-tulugan.


_______2. Ang kama ay nasa silid-tanggapan o sala.
_______3. Ang mga kagamitan sa pagluluto ay dapat
nasa kusina.
_______4. Tayo ay sama-samang kumakain sa kwarto.
_______5. Ang pinto ay bahagi ng loob ng tahanan.

8
Isaisip

Gawain1
Panuto: Punan ng wastong salita ang talata upang
mabuo ang konsepto. Piliin ang tamang sagot na nasa
loob ng bahay.

loob mapa
lugar paaralan
labas kwarto
Ang larawang kumakatawan sa kinalalagyan ng
mga bagay o lugar ay ang __________. Makikita rito ang
mga bagay o __________. Ang iba’t ibang lugar at bagay
ay makikita sa __________ at __________ ng bahay.

Makikita sa loob ng bahay ang sala, silid-kainan,


kusina, banyo at __________.

Kung nakatira sa lungsod, matatagpuan sa labas ng


bahay o tahanan ng mataas na gusali tulad ng opisina,
bangko, pagawaan, ospital, istasyon ng pulis, simbahan,
at mall.

Kung sa rural o kabukiran, masisilayan sa labas


ng bahay o tahanan ang palayan, barangay hall,
health center, simbahan, at tindahan.

9
Isagawa

Pagsasanay 1
Panuto: Gumawa ng payak na mapa ng loob ng bahay.
Iguhit ang mga bagay o lugar na matatagpuan dito.

Mapa ng Loob ng Bahay

10
Tayahin

Pagsasanay 1
Panuto: Gumawa ng mapa ng mga lugar at bagay na
matatagpuan sa loob at labas ng inyong bahay. Iguhit sa
sagutang papel. Gawing gabay ang rubrik sa sunod na
pahina.

11
Rubrik sa Pagguhit ng Larawan

Di Lubos na
Pamanta- Napakahusay Mahusay
Naunawaan
yan (5) (3)
(1)
Naging Bahagyang Hindi
Pagkama- malikhain at naging kinakitahan ng
likhain malinaw ang malikhain sa pagkamalikhain
pagkakaguhit pagguhit sa pagguhit
Malinis at Bahagyang Hindi malinis
Kalinisan at maayos ang malinis at ang
Kaayusan pagkakagawa maayos ang pagkakagawa
pagkakagawa

12
Karagdagang Gawain

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng payak na mapa ng loob at labas ng
bahay. Iguhit ang mga bagay o lugar na matatagpuan
dito. Kulayan ang mga ito. Gawin sa sagutang papel.

13
14
Isaisip
1. mapa
2. lugar
3. loob
Balikan
labas
4.kwarto
1.C 2. A 3.B 4. E 5. D
5.paaralan
Pagyamanin Pagyamanin Isagawa Subukin
1.hapag-kainan
Gawain 2 Gawain 1 Depende sa 2.palikuran
sagot.
3.hagdan
1.Tama
Depende sa sagot. 4.pinto
2.Mali
5.sala
3.Tama
4.Mali
5.Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ocampo, O.B., Miranda N.P., Amita R.Q., Reyes V.E., De


Ramos M.M., Tiamzon L. A., Adriano M.V., Quintos E.
R. (2017). Araling Panlipunan I Kagamitan ng Mag-
aaral. Pasig City: Department of Education.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like