Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

1

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Impraestrukturang
Nadaraanan Mula sa Bahay
Patungong Paaralan
Araling Panlipunan Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Mga Imparestrukturang Nadaraanan mula sa Bahay
Patungong Paaralan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat: Clarise Grace E. Camonay Manunulat: Ma. Rizabell M. Pontevidra


Gemma T. Gallardo
Tagasuri: Ma. Vanessa M. Cariaso
Tagasuri: Leonora L. Tuason Noreen S. Umali
Marilou L. Buizon Martiniano D. Buising
Roselily M. Esteban Norman F. Magsino
Leonida F. Culang Emmanuel C. Alveyra
Miraflor D. Mariano Marlou G. Roderos
Perfecta M. Bautista
Elizabeth R. Berdadero Tagaguhit: Gavina O. De Castro
Jenelyn B. Butac Reymark Miraples

Tagaguhit: Ma. Jane Dela Cruz Tagalapat: Gazel V. Castillo


Laiza L. Madrigal
Tagalapat: Elizabeth R. Berdadero
Jenelyn B. Butac Tagapamahala:
Jay Lord B. Gallarde Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Tagapamahala: Mariflor B. Musa
Estela R. Cariño, Freddie Rey R. Ramirez
Octavio V. Cabasag, Laida M. Lagar-Mascareñas
Rizalino G. Caronan, Florina L. Madrid
Roderic B. Guinucay, Norman F. Magsino
Janette V. Bautista, Marlou G. Roderos
Marivel, G. Morales,
Robert T. Rustia

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng


Edukasyon Rehiyon III Edukasyon MIMAROPA Region
Office Address: : Matalino St., Government Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Center, Maimpis, City of San Pasig City
Fernando Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov .ph
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Impraestrukturang
Nadaraanan Mula sa Bahay
Patungong Paaralan
Paunang Salita
Para sa tagapagpadaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling:
Mga Impraestrukturang Nadaraanan Mula sa Bahay Patungong
Paaralan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagpadaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-ikadalawampu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

ii
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Impraestrukturang
Nadaraanan Mula sa Bahay Patungong Paaralan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat nang tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o gawain na pupunan
ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang
Karagdagang
pagyamanin ang iyong kaalaman
Gawain o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi ng sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang alinmang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Maging matapat sa pagsagot ng modyul at pagsasagawa
ng mga gawain.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga


mahahalagang impraestruktura na iyong nadaraanan
mula sa iyong tahanan patungo sa iyong paaralan.
Gagamitin ang kasanayang ito upang magawa mong
maipaliwanag ang kahalagahan ng mga
impraestrukturang ito sa iyong pagtungo sa paaralan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng mga


impraestrukturang nadaraanan mula sa
tahanan patungo sa paaralan.
(AP1KAP-IVd-7)

1
Subukin

Panuto: Pagtambalin ang salita sa hanay A sa katumbas


na larawan sa hanay B sa pamamagitan ng pagsulat ng
titik nang tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. ospital A.

2. tindahan
B.

3. mga gusali

C.
4. tulay

5. himpilan ng pulis
D.

E.

2
Aralin Mga Impraestrukturang

1 Nadaraanan Mula sa
Bahay Patungong Paaralan

Balikan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan sa bawat


bilang na ginagamit bilang transportasyon mula sa
tahanan patungo sa paaralan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

bus pedicab traysikel bisikleta kotse

1. 4.

2. 5.

3.

3
Tuklasin

Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga


tanong tungkol dito.

Mga Impraestrukturang Nadaraanan


ni Ma. Rizabell M. Pontevidra

Tuwing umaga ay naglalakad sina Zack at ang


kaniyang mga kaibigan pagpasok sa paaralan. Madali
nilang marating ang paaralan dahil tanda nila ang mga
impraestrukturang kanilang madaraanan patungo sa
paaralan.
Una nilang nadaanan ang simbahan na malapit sa
kanilang bahay. Sunod nilang nadaanan ang barangay
health center, katabi nito ang bagong gawang
barangay hall na kulay asul sa tapat nito ang bagong
gawa ring baskelball court. Bago sapitin ang paaralan,
nadaanan muna nila ang mga kabahayan na may mga
katabing naglalakihang iba’t ibang uri ng puno na
nagbibigay ng lilim at sariwang hangin sa tapat nito ang
palaruan. Sa tapat ng paaralan ay ang tindahan ni Aling
Liza na madalas nilang binibilhan ng tinapay na bagong
luto.

4
Hindi nahihirapan si Zack sa pagpasok sa paaralan
araw-araw dahil tinatandaan niya ang mga
impraestrukturang dinaraanan at nagging gabay niya ito
upang hindi siya maligaw at madaling pumasok sa
paaralan at makauwi ng bahay.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Ang Aking Gabay
B. Maraming Bagay
C. Daan Sa Paaralan
D. Mga Impraestrukturang Nadaraanan

2. Ayon sa kuwento, anong impraestruktura ang una


nilang nadaanan patungo sa paaralan?
A. tindahan
B. naglalakihang puno
C. simbahan
D. barangay hall

3. Aling impraestruktura ang katabi ng barangay health


center?
A. kainan
B. ospital
C. tindahan
D. barangay hall

5
4. Aling impraestruktura ang hindi nabanggit sa
kuwento?
A. gusali
B. tindahan
C. simbahan
D. mga puno

5. Ayon sa tula, bakit mahalagang malaman ang mga


impraestruktura sa ating paligid?
A. upang hindi tayo maligaw sa ating pupuntahan
B. upang madali tayong makakauwi
C. upang magsilbing gabay sa paglalakbay
D. lahat ng nabanggit

6
Suriin

Araw-araw, sa pagtungo mo sa paaralan, maraming


mga impraestruktura at iba’t ibang mga bagay ang
iyong nadaraanan. Nakatutulong na alam mo ang mga
bagay at impraestruktura na ito.
Maraming impraestruktura o bagay ang maaari
mong madaanan sa pagpunta sa lugar na iyong
pupuntahan tulad ng paaralan. Ang ilang halimbawa ng
mga impraestruktura o bagay na ito ay ang:
A. mga gusali tulad ng mga hotel, mall
B. mga puno
C. mga palayan
D. mga tulay
E. paaralan
F. pook pasyalan o parke
G. palaruan
H. barangay hall
I. health center
J. mga kabahayan
K. mga irigasyon
L. palengke
M. himpilan ng pulis
N. istasyon ng bumbero
O. ospital at iba pa
Ang mga ito ay nagsisilbing pananda at gabay
upang makarating ka sa iyong pupuntahan at hindi ka
maligaw.

7
Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon at larawan sa


bawat bilang. Isulat ang titik nang tamang sagot
upang makumpleto ang pangungusap.

1. Si Joy ay naglalakad patungong paaralan at


madadaanan niya ang __________ kung saan
nagtatrabaho ang kaniyang ate.

A. simbahan
B. barangay hall
C. ospital
D. tindahan

2. Sa kanyang pag-uwi buhat sa paaralan, nakita ni


Kara ang mga batang masayang naglalaro sa
__________.

A. palaruan
B. tindahan
C. bahay ng kaklase
D. simbahan

8
3. Madalas bumili ng kanyang baong tinapay si Maya
sa __________.

A. palengke
B. tindahan
C. istasyon ng bumbero
D. himpilan ng pulis

4. Tuwing uwian, sinusundo ni Aling Liza si Ara sa


paaralan. Madalas pinagmamasdan niya ang mga
naglalakihan at nagtataasang __________.

A. ospital
B. mga gusali
C. health center
D. barangay hall

5. Masayang masaya si JR tuwing matatanaw ang


__________ kung saan nagtatrabaho ang kanyang
tatay.

A. himpilan ng pulis
B. istasyon ng bumbero
C. barangay hall
D. tindahan

9
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.


Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Nakatutulong na alam mo ang mga _______________


na makikita sa iyong dinaraanan mula sa iyong
_______________ patungo sa inyong _______________. Ang
mga ito ay magsisilbi mong _______________ upang hindi
ka maligaw.

gabay tahanan
paaralan impraestruktura

10
Isagawa

Panuto: Sumulat sa sagutang papel ng pangalan ng


limang (5) impraestrukturang iyong nadaraanan mula sa
inyong tahanan patungo sa paaralan.

1. _______________________

2. _______________________

3. _______________________

4. _______________________

5. _______________________

11
Tayahin

Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha


( )kung tama ang isinasaad ng pangungusap at
malungkot na mukha ( ) kung ito ay mali.

________1. Maraming impraestruktura ang maaari nating


madaanan sa pagtungo sa paaralan.

________2. Ang mga impraestruktura ay nagsisilbing


gabay sa daan patungo sa ating bahay at
paaralan.

________3. Ang mga impraestruktura ay sagabal sa ating


daan.

________4. Malaki ang naitutulong ng mga


impraestruktura upang hindi tayo maligaw sa
ating pupuntahan.

________5. Hindi nakatutulong ang mga impraestruktura


sa ating dinaraanan upang makauwi mula sa
paaralan patungong bahay.

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit sa sagutang papel ng


impraestrukturang nadaraanan mo mula bahay
patungong paaralan. Kulayan ito.

13
Rubrik sa Pagguhit ng Larawan
Di Lubos na
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Naunawaan
(5) (3)
(1)
Lahat ng Karamihan sa Ang mga
larawang iginuhit mga larawang larawang iginuhit
ay angkop sa iginuhit ay angkop ay bahagyang
paksang sa paksang nalalapit sa
natalakay. natalakay subalit paksang
may isang imahe natalakay subalit
Kaangkupan
o bahagi ng may dalawang
imahe ang hindi imahe o bahagi
naaayon sa ng mga imahe
paksa. ang hindi angkop
sa paksang
natalakay.
Naging makulay, Naging malinaw,
malinaw, at tama at tama ang
ang pagkakaguhit pagkakaguhit ng
ng mga larawan. mga larawan
Nakaguhit ng
Bawat kulay na ngunit hindi ito
larawan ngunit
ginamit ay kinulayan. Kung
hindi kinakitaan ng
Pagkamalikhain naaayon sa kinulayan man,
mga nabanggit
orihinal at natural dalawang kulay
na katangian ng
nitong ganda at nito ang hindi
pagkamalikhain.
imahe. nababagay sa
orihinal at natural
na ganda ng
imahe.
Naging malinis at Karamihan sa
Nakaguhit ng
maayos ang mga larawan ay
larawan subalit
pagkakagawa sa malinis at maayos
Kalinisan at kinakitaan ito ng
lahat ng bahagi subalit kinakitaan
kaayusan mga dumi sa
ng larawan. ito ng dumi sa
tatlong bahagi
dalawang bahagi
nito.
nito.

14
15
Subukin:
1. B 2. D 3. A 4. E 5. C
Balikan
1. pedicab 2. kotse 3. bisikleta
4. bus 5. traysikel
Tuklasin
1. D 2. C 3. D
4. A 5.D
Pagyamanin
1. C 2. A 3. B 4. B 5. A
Isaisip
Impra estruktura
paaralan
tahanan
gabay
Isagawa
Kanya-kanyang sago tang mga bata
Tayahin
1. 4.
2. 5.
3.
Karagdagang gawain
Kanya-kanyang sagot ng mga bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Miranda, Noel P. et al. (2017). Araling Panlipunan 1


Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Department of
Education-Bureau of Learning Resources (DepEd-
BLR).

“Playground graphic black white landscape sketch


illustration vector”. Alamy. March 22,2021.
https://www.alamy.com/playground-graphic-black-
white-landscape-sketch-illustration-vector-
image370845365.html

“Coloring Police Station Clipart.” Pinterest. March 22, 2021.


https://www.pinterest.ph/ pin/7753228920 87389991/

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like