Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Kahalagahan ng Kwentong bayan:

              - Isa sa mga pamana ng ating mga ninuno.

              - Kinapupulutan ng leksyon o aral ang mga kwentong bayan.

              - Nagbibigay kasiyahan.

              - Masasalamin ang mga kultura ng mga tao sa kwentong bayan.

              - Nagpapalawak ng imahinasyon sa mga mambabasa.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/605516#readmore

Mga Katangian ng Kwentong Bayan:

Patuloy na lumalaganap at nagpapasalin - salin sa iba't ibang henerasyon.

Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan


nito.

Naglalahad ng mga mahiwagang bagay o pangyayari.

Naglalaman ng mga gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nagaganap sa paligid.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/19417#readmore

Kahalagahan ng Kaalaman sa Alamat


Lahat ng bagay may pinagmulan...lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit sila nabuo...Hindi tamang
maging ignorante tayo sa sarili nating pinagmulan.

Bata pa lamang atin nang kinamulatan ang mga alamat, mapa prutas, lugar, halaman, o bundok man
yan, lahat ay may alamat, isang kuwento ng kanilang pinagmulan. Mga kuwentong nagmula pa sa
malawak na imahinasyon ng ating mga ninuno.Kung ang isang bata ang iyong tatanungin kung saan
nagmula ang prutas na pinya tiyak na magiliw niyang ihahayag sayo ang kuwento ng batang si Pina na
ubod ng tamad maghanap. Ipinapakita lamang nito ang malaking bahaging ginagampanan ng alamat sa
ating panitikan at araw-araw na buhay. 

Ang mga alamat ay sumasalamin sa kultura ng ating mga ninuno. Mahalaga ang may kaalaman tayo dito,
upang mapanatili natin itong buhay sa paglipas na panahon. Isa rin itong pang-aliw at higit sa lahat ay
pinagkukunan ng mga aral. Ang batang pinalaki sa mga alamat ng kanilang lolo at lola ay tiyak na
madisiplina. Halimbawa na lamang ang mga batang nakakaalam ng alam ng pinya, maaring sila'y
natakot sa naging kaparusahan ni Pina kaya't matututo silang hanapin nang maigi ang isang bagay...

Kung wala kang alam sa alamat, ano na lamang ang ikukwento mo sa mga apo mo pagdating ng
panahon? Paano mo malalaman ang gawi ng tao noon? Kaya naman ngayon pa lamang ay magbasa ka
na! :)

~KAHALAGAHAN NG ALAMAT~
    
               Ang alamat ay nakapahalaga hindi lang dito sa Pilipinas pati na
rin sa ibang bansa dahil maraming tao ang naniniwala na ang alamat ay
ang pinagmulan ng mga bagay-bagay.Ang alamat ay may malaking
naiambag sa atin dahil ang alamat ay tumutulong upang mas lalong
lumawak ang ating imahinasyon at lumalim ang pag-iisip sa mga bagay-
bagay. Hindi man mapatutunayan o wala man pinagbasihan ang alamat
nag bibigay pa rin ito ng aral at leksyon sa mga mambabasa . Hindi
natin maiiwasan na maapektuhan tayo sa alamat na ating binabasa dahil
paminsan-minsan ay nakikita natin   ang ating sarili sa kwento. Ang
pagbabasa ng alamat ay hindi maiaalis sa ating kultura dahil kahit ano
pang uri ng babasahin ang mauso sa ating panahon ang alamat ay
mananatiling babasahin na nagbibigay aliw at aral atin.

Ang Kahalagahan ng Alamat sa atin ay kahit ang huli nito ay trahedya may natututunan naman
tayo dahil sabi nga matututo ka pag ikaw ay nagkakamali.Katulad ng Alamat ng
Pinya,Nagkoroon siya ng maraming mata dahil sa kanyang pagkakamali na bibig ang kanyang
ginagamit sa paghahanap ng mga bagay na kaylangan nya.Tinutulungan rin tayo ng Alamat sa
pagpapalawak ng imahinasyon dahil sa nangyayari na mahika sa loob ng alamat kaya hindi
lang sila nagbabasa kundi parang mismo sila na ang nasa kwento dahil lagi natin iniisip pagtayo
nagbabasa kung pano kaya tayo pag tayo ang nasa katayuan ng tauhan sa kwento.
Tunay na mahalaga talaga ang mga Alamat.Kaya nararapat na lalo ito paunlarin at hindi
mawala sa ating kasaysayan para masubukan rin ng susunod pang henerasyon.
-Harvey Sallador

You might also like