Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Lesson Proper for Week 15

PANITIKAN HINGGIL SA MIGRASYON”


KAALAMAN:

Ang Diaspora ay mula sa salitang giyego na “diaspeirein” na disperse sa wikang ingles. Mula sa
salitang “dia” na “across” o ibayo o kabilang panig sa wikang tagalog at “speirein” na “disperse” o
scatter at nagkalat sa tagalog.
• Ang salitang "Diaspora" ay salitang nag-uugnay sa mga sinaunang Griyego na nagsisikap na
sakupin at manirahan sa mga lupain sa labas ng bansang Griyego upang matugunan nang kanilang
suliranin sa lumalaking populasyon nuong ikaapat na siglo bago ipanganak si Kristo.
• Ang pangkaraniwang salitang na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao o
etnikongpopulasyon na pinilit or hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na ethinkong tahanan at
mamuhay at manirahan sa ibang komunidad.
Paanong ang bulaklak na dandelion ay nagpapaalala sa aitn ng tinatawag na “jewish diaspora”?

• 1. nanirahan ang mga hudyo sa labas ng Israel


• 2. sila ay nagkalat sa iba’t ibang lugar sa labas ng Israel.
• 3. sila ay sinakop at itinapon sa ehipto at babylonia (lungsod sa mesopotamia-Iraq)

MGA KATAGANG GINAGAMIT SA MIGRASYON


• Flow- ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
loob ng isang sapat na taon.
• Stock- bilang ng mga nandarayuhan na naninirahan o nanatili sa bansang nilipatan.
URI NG MIGRASYON
• Labor migration
• Permanent migration
• Refugee migration
EMIGRANT AT IMMIGRANT

Emigrant
-Ang salitang emigrant ay tumutukoy sa pag-alis o pangingibang-bansa ng isang tao mula sa orihinal
na bansa o tinubuang bayan upang manirahan sa ibang bansa. (Maaaring ang pag-alis ay upang
permanenteng iwan ang isang bansa).
Immigrant
-Ang salitang immigrant ay tumutukoy sa pagpasok o paglipat ng isang tao mula sa isang bansa
patungo sa ibang bansa upang doon manirahan. (Maaaring ang pagpasok o paglipat ay upang
permanenteng manirahan sa bansang nilipatan).

MIGRASYON - Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon
manirahan nang panadalian o pangmatagalan.
- Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente
- Ayon sa commission on filipinos overseas, may tinatayang 8.6 milyong mga pilipino
noong 2009 ang nanirahan sa iba't- ibang bansa.
- Sa loob naman ng pilipinas, nakatatanggap ng pinakamaraming migranteng
pilipino ang malaking lungsod, lalo na sa kalakhang Maynila.
Ang ARMM ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa boung pilipinas.
Ito rin ang nakakaranas ng maraming taong lumilipat ng tirahan upang makahanap ng panustos
sa pang araw-araw na pangangailangan.
Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento
ng populasyon sa buong mundo.
Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa.
Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay
mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad l 5 - 24.
(HALAW SA INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION FACTS AND FIGURES)

2 Uri ng Migrasyon

1.) Push Factor – ito ang mga negatibong salik na nagtutulak sa mga nilalang upang maglipat o
mandayuhan at umalis sa kasalukuyang tinitirahang lugar. Ginagawa ito dahil sa paghahanap ng
kapayapaan, o dahil may kalamidad, pagputok ng bulkan, o ang lugar ay nasalanta ng bagyo. Maaari
ring dahil sa paghahanap ng makakain o mapagkukunan ng yaman para manatiling buhay.
2.) Pull Factor – ito ang mga positibong salik na humihikayat sa mga tao na mandayuhan sa ibang
lugar. Pagdayo ang layunin nito upang magtamo ng kaunlarang pangkabuhayan. Para sa mga tao,
sila ay lumilipat para magamit ang kanilang mga pinag-aralan na hindi nila magagamit sa sariling
bayan.
Pagkakaiba ng uri ng Migrasyo - hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasanng halos
lahat ng mga bansang napaloob sa
Refugees migrasyon
Permanently migrasyon
Irregular Migrants - marami ng nagtungo sa ibang bansa ang hindi dokumentado walang permit o
tinatawag na overstaying sa bansang pinupuntahan.
Temporary Migrants - mga nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permit at papeles upang
magtrabaho at manirahan ng may takdang panahon.
Permanents Migrants - mga overseas Filipino na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi
lamang magtrabaho kundi ang permanenteng paninirahan dito.

ISIPIN AT TANDAAN:
Mayroong mga salik ng migrasyon na tumutulak at humihila; ang mga ito ay makikita sa aspekto
ng ekonomiya, lipunan at kapaligiran
Maraming mabuti at di mabuting epekto ang migrasyon sa lipunan, politika, at kabuhayan ng isang
bansa.
Naapektuhan ng migrasyon ang ugnayang panlabas ng pilipinas.
Maraming hamon na kinakaharap ng mga migrantenf pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa.
kabilang dito ang maprotektahan ang kanilang karapatang pantao. macing ligtas sa anumang gulo at
mabigyan ng sapat na tulong saga nasasakdal.

KASANAYAN:
Dahilan ng Migrasyon:
Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang
pamumuhay
Paghahanap ng ligtas na tirahan.
Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado
Solusyon sa Migrasyon:
Pagsasa-pambansang industriya ng mga industriyang pagmamay-ari ng mga dayuhan.
Ang pag-iimbiya ng mga namumuhunan at ang pagpapatayo ng mga bagong negosyo.
Pagsasabuhay ng mga proyektang pang-imprastraktura.
Pagbubukas ng sapat ng trabaho.

KAHALAGAHAN:
 PAGBABAGO NG POPULASYON – ang pagkakaroon ng ng napakataas at napakababang
populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.
 KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO – ayon sa International Organization for Migration,
umaabot sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taontaon.
 PAMILYA AT PAMAYANAN – ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang
naiwang pamilya lalo na sa kanilang mga anak.
 PAG-UNLAD SA EKONOMIYA – maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa
kahirapan. Ang kanilang REMITTANCE o ipinadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital
para sa kanilang pamilya.
 BRAIN DRAIN – matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan ay
mas pinili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.
 INTEGRATION AT MULTICULTURISM – Layunin nito na magkaroon ng maayos na integration sa
isang bansa at magkaroon ng magandang relasyon.

You might also like