Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Pangalan: _____________________________________________________________ Iskor:_______________


Grado at Seksyon: _____________________

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Napag-alaman mong may darating na Super Typhoon sa inyong lugar. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang inyong bahay
ay madaling masira at matangay ng hangin. Base sa iyong isip at kilos-loob, ano ang gagawin mo?
A. Maging kampante
B. Maging mapagmasid
C. Umasa na lamang sa mga tulong ng mga kapitbahay.
D. Magdasal na sana’y walang matinding masalanta ang darating na bagyo.

2. Ang bawat tao ay may kakayahang sanayin, paunlarin at gawing ganap ang kanilang _______.
A. Isip at Kilos-loob C. Dignidad at Kalayaan
B. Karunungan at karangalan D. Isip at kalayaan

3. Nahuli ng mga pulis si Pepito na nagpapatanim ng droga sa kanyang kinakalabang kapitan na si Rolly sa darating na halalan.
Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pagbibigay ng nasabing kapitan ng suhol sa kanyang mga kababayan. Nang tanungin si
Pepito sa presinto kung bakit nya ginawa iyon, nararapat daw sa kanya iyon dahil siya ay sumusuhol ng pera upang manalo sa
darating na halalan. Ano ang nakaligtaan ni Pepito sa pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit.

4. Nahahanap ng tao ang kabutihan sa pamamagitan ng ___________.


A. Isip C. Dignidad
B. Kilos-Loob D. Kalayaan

5. Ang tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob ay tunay na napamamahalaan ng tao ang kanyang ______________.
A. Aral C. Isip
B. Kilos D. Dangal

6. Ano ang pinaka-pangunahing gamit ng ating isipan?


A. Magpasya C. Umunawa
B. Mag-isip D. Magtimbang ng esensya ng mga bagay

7. Analohiya: Kilos-Loob: kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili – Isip: ______________.
A. kapangyarihang mangatwiran.
B. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos.
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya.
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama .

8. Ihing-ihi ka na at nasa lugar ka na kung saan malayo ang palikuran o CR at may nakita kang bakanteng lote, pero
mayroong nakalahad na “Bawal Umihi Dito”. Ano ang gagawin mo?
A. Wala namang tao, iihi ko nalang dito.
B. Tingnan kung may CCTV, kung wala iihi.
C. Huwag umihi at hahanap nalang ng karatig na pwedeng pag-ihian.
D. Lahat ng nabanggit.

You might also like