Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

Paaralan : MATAAS NA PAARALAN NG MATALAM Asignatura : FILIPINO 10 (SPA)


Guro : JAME A. VALENIA Oras : 1:00 PM – 3:00 PM
Petsa : MARSO 31, 2023
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at
Pangnilalaman Persia
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang
Pagganap akdang pampanitikan
C. Kasanayang
Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa (F10PT-IIId-e-79)
Pampagkatuto
1. Naihahanay ang pangungusap ayon sa uri ng pagpapahayag (Cognitive).
I. LAYUNIN 2. Naisasagawa ang pangkatang gawain na may kaugnayan sa paksang tinalakay (Psychomotor).
3. Naiuugnay sa puso o damdamin ng nagsasalita ang mga salitang kaniyang sinasabi (Affective).

II. NILALAMAN MGA EKSPRESIYON SA PAGPAPAHAYAG NG LAYON O DAMDAMIN

III. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay
Curriculum Guide p. 182
ng guro
2. Mga pahina sa gabay
ng mag-aaral
Panitikang Pandaigdig pp. 314-315
3. Mga pahina sa teksbuk
Pinagyamang Pluma p. 377
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng kagamitang
panturo
B. Iba pang kagamitang
laptop, tv, visual aids, rubrik
panturo
IV. PAMAMARAAN
 Panalangin
 Pagbati sa mga mag-aaral
 Pagtala ng mga lumiban sa klase
A. Pagbabalik-aral sa
nakaraang aralin at/ o  Pagbabalik-aral
pagsisimula ng bagong
aralin ALALAHANIN MULI!
Ano ang epiko?
Isa-isahin ang mga pangyayari sa akdang Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali.

PAGPUPUKAW (Engage)
B. Paghahabi ng aralin sa LARAWAN KO, DIYALOGO MO!
layunin Tukuyin ang damdaming inilalarawan ng taong nasa larawan at magbigay ng maaari niyang
diyalogo batay sa kaniyang emosyon.

TALASALITAAN
1. Salita – yunit ng wika na siyang nagdadala ng payak na kahulugan.
2. Parirala – lipon ng mga salita na walang simuno o panaguri, walang buong diwa, at
ginagamit lamang bilang bahagi ng pangungusap.
3. Layon – tiyak na layunin sa paggawa ng isang kilos.
4. Ekspresyon – ginagamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
5. Pang-ugnay – mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit ng pangungusap,
maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay.
6. Sugnay – kalipunan ng mga salita na may simuno at panaguri na naglalahad ng isang
buong diwa o di-buong diwa.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN
1. Naihahanay ang pangungusap ayon sa uri ng pagpapahayag (Cognitive).
2. Naisasagawa ang pangkatang gawain na may kaugnayan sa paksang tinalakay
(Psychomotor).
3. Naiuugnay sa puso o damdamin ng nagsasalita ang mga salitang kaniyang sinasabi
(Affective).

PAGSISIYASAT (Explore)
IHANAY MO! – Layunin #1
Ihanay ang mga salita kung ito ay nagpapahayag ng damdamin o simpleng pahayag lamang.

NAGPAPAHAYAG NG SIMPLENG PAHAYAG


DAMDAMIN

1. Ayon sa DOH, normal na /


ang kaso ng covid sa
bansa.
2. Ano kaya kung huwag na /
lang tayong sumama?
3. Hindi ako papayag na /
ulitin mo ang pananakit sa
akin!
C. Pag-uugnay ng mga 4. Nabasa ko sa recipe book /
halimbawa sa bagong ang niluto kong ulam.
aralin 5. Aray! Magdahan-dahan ka /
naman.
6. Pangako, magbabago na /
talaga ako.
7. Alamin mo ang sukat ng /
buong bahay at iyong
iguhit.
8. Kung ako sayo, mag-aral /
ka na lang nang mabuti.
9. Maaari ba kitang /
imbitahang kumain sa
labas?
10. Mag-ehersisyo tayo araw- /
araw upang sumigla ang
katawan.

PAGSISIYASAT (Explain)
D. Pagtalakay ng bagong TALAKAYANG RASA BOX!
konsepto at paglalahad Tatalakayin ang iba’t ibang ekspresyon gamit ang rasa box upang ipahayag ng mag-aaral
ng bagong kasanayan ang wastong emosyon. Bibigyan ng puntos ang makakapagpahayag ng wastong emosyon.
#1
Iba’t ibang ekspresyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o damdamin.

1. Pagpapayo at/o pagmumungkahi


 Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
 Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
 Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
 Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
 Higit na mabuting ito ang unahin mo.
 Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi natutunaw
na basura.

2. Pag-aanya o pag-iimbita/panghihikayat
 Halika, tingnan mo ito’t napakarikit.
 Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
 Pwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
 Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.

3. Pagbababala na maaaring may kasamang pananakot at/o pag-aalala


A. Babalang may kasamang pananakot
 Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
 Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!

B. Babalang may kasamang pag-aalala


 Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
 Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.

Maaaring magbigay ng halimbawa mula sa bernakular na pagpapahayag.

4. Panunumpa at/o pangangako


 Pangako, hindi kita iiwan.
 Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
 Itaga mo sa bato, ang aking sinabi ay katotohanan.
 Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.

5. Pagsang-ayon at pagsalungat
 Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
 Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning ating
kinakaharap.
 Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala.
 Walang pakinabang na maidudulot iyan.
 Ikinalulungkot ko ngunit ‘di iyan magbubunga ng positibo.

Karagdagang Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1) Mga Pangungusap na Padamdam – ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng


matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!).

Hal. Naku, po! hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2) Maikling Sambitla - ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa: Aray! Aw! Ngek! Uy! Wow!

3) Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang


tao – ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding
damdamin, ngunit nagpapakita naman ng tiyak na damdamin o emosyon.

Halimbawa:

Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.

Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga anak na kayang itakwil ang
kanilang magulang.

Pagkalungkot: Masakit isipin na maraming kabataan ang unti-unting nawawala sa


tamang landas.

Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol!

Pagsang-ayon: Tama ang naging desisyon ng korte na ikulong habambuhay ang


salarin.

Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at dumating kayo ng ligtas.

4) Mga pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang


Paraan – ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip
na tuwirang paraan.

Hal. Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan
ang mga anak.

Kahulugan ng may salungguhit: galit na galit

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan
#2
PAGPAPALAWAK (Elaborate)
F. Paglinang sa IBIDA MO! – Layunin #2
Kabihasaan Isasagawa ng bawat pangkat ang nakaatas na gawain gamit ang limang ekspresyon na
maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o damdamin. Hihimukin ang mga mag-aaral na
maging masining sa kanilang presentasyon. Bibigyan ang klase ng 30 minuto bilang
paghahanda.

PANGKAT #1 – Tulang Pasalaysay


PANGKAT #2 – Patalastas o Campaign Ad
PANGKAT #3 – Pamamanhikan o Arrange Marriage
PANGKAT #4 – Kilos Protesta

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS


10 7 5
Nilalaman Nagamit ang limang uri Dalawa o tatlo lamang Isa o walang
ng ekspresyon sa ang nagamit na ekspresyong ginamit sa
ipinakitang ekspresyon sa ipinakitang
pagtatanghal. ipinakitang pagtatanghal.
pagtatanghal.
Presentasyon Malikhain at kapuri- May ilang miyembro na Walang kaayusan ang
puri ang ipinamalas na hindi makasabay o isinagawang
presentasyon. nawawala sa daloy ng presentasyon.
presentasyon.
Kooperasyon Sama-sama at tulong- May isa o dalawang Dalawa o tatlo lamang
tulong ang lahat ng miyembro ng pangkat ang kumikilos upang
miyembro sa pagbuo ng ang hindi nakikilahok isagawa ang gawain.
gawain. sa gawain.
Takdang Oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos ang
pangkatang gawain pangkatang gawain pangkatang gawain.
nang buong husay sa ngunit lumagpas sa
loob ng itinakdang oras. takdang oras.

G. Paglalapat ng aralin sa
ISABUHAY MO! – Layunin #3
Palawakin ang kaisipang, “Kung ano ang kaniyang sinasabi ay siyang nilalaman ng kaniyang
pang-araw-araw na
puso.”
buhay
ONE-SENTENCE SUMMARY!
H. Paglalahat ng Aralin
Natutuhan ko sa paksang ito na _________________.

PAGTATAYA (Evaluation)
MAGALING KA!
Sagutin nang wasto ang mga tanong sa bawat bilang.

1. Alin sa sumusunod na mga pagpipilian ang ginagamit sa pag-aanyaya o panghihikayat?


A. Halika
B. Pangako
C. Ano kaya
D. Kung ako ikaw

Para sa bilang 2-3 suriin ang mga ekspresyon na ginamit sa pagpapahayag ng damdamin.

2. “Ipapuputol ko ang isa kong kamay kapag hindi nagkatotoo ang hula.”
A. Pagsang-ayon
B. Pag-aanyaya
C. Panunumpa
D. Pagbibigay-babala

3. “Mas makabubuting pag-isipan mo muna ang lahat bago mo gawin.”


I. Pagtataya ng Aralin
A. Pagpapayo
B. Pag-aanyaya
C. Pagsang-ayon
D. Pagbibigay-babala

4. Ang sumusunod ay mga bahagi ng paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin


MALIBAN sa?
A. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan
B. Mga pangungusap na padamdam
C. Maikling sambitla
D. Pagpapatawa

5. Mahalaga ba ang paggamit ng wastong ekpresyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin?


A. Oo, upang malinaw na maipabatid ang nararamdaman.
B. Oo, dahil ito ay nagpapakita ng kahusayan sa pagpapahayag.
C. Hindi, dahil ang mahalaga ay naipahayag ang gustong sabihin.
D. Hindi, dahil wala namang pamantayan sa wastong pagpapahayag.

Magbigay ng isang pangungusap gamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin batay sa sumusunod na mga sitwasyon.
 Nakakita ng ahas
 Pinagalitan ni nanay
 Kapag binigyan ng regalo ni tatay
J. Karagdagang gawain
para sa takdang-aralin PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS
at remediation 10 7 5
Nagamit nang wasto ang May kulang sa mga detalye sa Hindi nailahad at nabigyang
ekspresyon sa pagpapahayag ekspresyon sa pagpapahayag suporta ang ginawang
ng damdamin. ng damdamin. pagpapahayag ng damdamin.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
SPA 10 _____
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain o SPA 10 _____
remediation
____ Oo
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
____ Hindi SPA 10 _____
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa
SPA 10 _____
remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo Teaching Strategies that work well
ang nakatulong nang lubos? Paano ito ___ Games ___ Peer Teaching
nakatulong? ___ Group Activities/Group Collaboration ___ 4A’s Approach
___ Convergent & Divergent Thinking ___ Think-Pair-Share
___ Problem-based Learning ___ Experiential Learning
___ Reciprocal Teaching ___ Differentiated Instruction
___ Inquiry-based Learning ___ Discussion
___ Chalk & Talk Method (Lecture Method) ___ Case Method
___ Power Point Presentation ___ Role Playing/Drama

Why?
___ Complete IMs ___ Learners’ eagerness to learn
___ Availability of Materials ___ Group members’ cooperation in doing their tasks

___ Bullying ___ Learners’ behavior/attitude


F. Anong suliranin ang aking naranasan na ___ Colorful IMs ___ Unavailable Technology
nabigyang solusyon sa tulong ng aking ___ Equipment (AVR/LCD) ___ Reading Readiness
punongguro at superbisor? ___ Additional Clerical Work ___ Science Computer/Internet Lab

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Inihanda ni: Pinagtibay at namasid ni:

JAME A. VALENIA TITA P. RAYA, EdD


Master Teacher I Principal IV

Petsa: ____________________ Petsa: _______________________

You might also like