Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 2

ANG PAGBABALIK- TANAW NG MGA TULANG KAUGNAY

Matutunghayan sa kabanatang ito ang mga literaturang kaugnay at pag-aaral na muling


sinusuri ng pananaliksik na maaaring makatulong o maging daan sa mabisang pag-
aaral. Tinatalakay muna ang mga literaturang kaugnay na pag-aaral upang makabuo ng
kapanipani-paniwalang pananaliksik.

A.Mga Muling sinuri na Literaturang Kaugnay

Ang mga tula ni Jose Rizal ay mahalagang bahagi ng ating kultura at kasaysayan. Ang
kanyang mga tula ay hindi lamang nagpapahayag ng kanyang husay bilang isang
makata, kundi naglalaman din ng mga pagninilay at mensahe na patuloy na
nagpapamulat sa mga makabagong henerasyon.

Ayon kay Alexander Pope (1688) ang tulang “Sa mga kabataang pilipino” ay isang
pagpapahayag ng kung anong nais sambitin ng puso na maitatanging obra maestra at
siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa buhay natin

Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal upang imulat ang mga kaisipan sa ideyang ang wika
ang daan tungo sa kalayaan at pagkakaisa. Ipinaparating nito ang mensahe na, sa
murang edad, dapat matuto na ang mga kabataan na maging bukas ang puso’t isipan
sa pagmamahal sa sariling bayan. Sabi nga ni Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.” Sa panahon ngayon, malaya nga ang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan;
ngunit ang diwa natin ay tuluyan pa rin nilang nasasakupan.

Ayon kay Lorenzo Miguel Sotto Buenaflor ang tulang “Sa Aking Mga Kabata” ni Dr.
Jose Rizal ay tunay na yaman ng literaturang Tagalog. Ito ay inilikha sa panahon ng
pananakop ng mga kastila, kay sayang basahin at suriin sapagkat kitang kita natin na
tila walang bahid ng pananakop ng banyaga ang puso at gaano kahalaga na mahalin at
tangkilikin natin ang sariling wika. Na talaga namang nakakapukaw ng pansin at dahan
dahan sa ating ipapaunawa na tama nga naman na pahalagahan, pagingatan, at
mahalin ang sariling wika.

Ang kadalasan na mababasa sa piling mga tula ay nakahango sa mga totoong


nangyayari o mangyayari sa buhay na kung saan ito ay nagbibigay ng aral para sa mga
kabataan at makakapamulat sakanila tungo sa pagbabago.

Ayon kay Gregorio "Goyo" Zaide (isinilang May 25, 1907) ang akdang Sa Kabataang
Pilipino ay naging klasiko sa Panitikang Pilipino ang tula sapagkat ito ang pinaka-unang
tulang naisulat sawikang espanyol subalit isinulat ng isang katutubo na kinikilala ng
Sambayanang Pilipino at sakauna-unahang pagkakataon, ang tula ay naglalahad ng
isang konsepto ng pagkamakabayan ng mga Pilipino na tayo ang pag-asa ng ating
bayan at hindi ng mga banyaga.

Ayon kay Gregorio "Goyo" Zaide (Isinilang May 25, 1907) ang isang tema ng tula ay,
“Ang wika o salita ng isang bansa ay mahalaga dahil ito ang kumakatawan sa mga tao
nila.” May mga simbolismo na alpabeto, mga hayop, mga tao, at mga ibang wika na
ikinukumpara sa wikang Pilipino at isinasabi ang pagpapareho ng mga ito.
Ang wika ay mas mahalaga sa kayamanan Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat Mula sa
henerasyon patungo sa iba Nangangalap ng karanasan, gawi,Pagsamba, pagmamahal,
pagtatangi at pagmithi.

B.Mga Muling sinuri na Pag-aaral na Kaugnay

Sa pagsisiyasat ng mga mananaliksik ay mga pag-aaral na kaugnay sa pinag-aaralan


tungkol sa mga piling mga tula ni Jose Rizal. Pinapahalagahan ng mga mananaliksik
ang mga kaugnay na pag-aaral na makatutulong nang malaki sa kasalukuyang pag-
aaral.

Ang pagsusuri sa piling tula ni Jose Rizal na nagpapamulat sa makabagong


henerasyon ay isang tema na nagpapakita ng kahalagahan ng panitikang Pilipino at
ang impluwensya nito sa kasalukuyang lipunan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,
maaaring maunawaan ng mga mananaliksik ang mga konsepto ng makabayan, pag-
ibig sa bayan, at pagtanggap ng mga Pilipino sa mga suliraning panlipunan.

Ayon kay Amado V. Hernandez, (13 Setyembre 1903) ang mga piling tula ni Jose Rizal
ay nagpapamulat sa makabagong henerasyon sa pamamagitan ng isang realistang
pagsusuri. Sa kanyang mga tula, ipinakikita ni Rizal ang mga katotohanan ng lipunan at
nagbibigay ng kritikal na pagtingin sa mga suliraning kinakaharap ng bansa.

Na kung saan hindi na nabibigyang pansin ngayon ng mga kabataan ang kahalagahan
ng mga akdang isinulat ni Jose Rizal na maaaring makakapag pamulat sakanila sa
reyalidad.

Ayon kay Fernando B. Monleon, “Higit na mas mauunawaan ng mga kabataan ang tula
kapag ito ay kanilang isinasapuso” hindi mo mauunawaan ang isang bagay kapag hindi
mo ito binibigyan ng kahulugan.

Ipinapahayag ni Fernando B. Monleon Ang pagsulat ng tula ay hindi birong gawain.


Nangangailangan ito ng mga pamantayan na susukat kung ito ba ay magiging masining
o hindi. Sa kasalukuyang panahon kung saan lubos na tinatangkilik ng kabataan ang
makabagong paraan ng panulaan na tinatawag ding Spoken Words Poetry, hindi
maitatatwa na mahusay ang pagpapalutang ng sining sa mga akdang nalilikha nito.
Maski ang mga awitin ay nagsisimula rin sa isang tula. Ito’y nilalapatan lamang ng himig
upang maawit at maitanghal o maiparinig sa mga tagapagtangkilik ng sining na ito.
Isa pang tanyag na tula ni Rizal ay ang "Sa Aking Mga Kabata" na kung saan ay
nagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa wika at pagpapahalaga sa edukasyon. Sa
tula na ito, ipinapakita ni Rizal ang kahalagahan ng pag-aaral at ang papel ng mga
kabataan bilang pag-asa ng bayan. Ito ay isang paalala sa mga kabataang dapat
magkaroon ng kamalayan sa kanilang mga responsibilidad bilang mamamayan.

You might also like