Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon


Don Honorio Ventura State University
Sto. Tomas Campus, Pampanga

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang
tagumpay ng mga sumusunod:
a. Naipapaliwanag ang pananaw at mga paniniwala ng sultanato sa pagpapanatili ng
kanilang kalayaan
b. Nababahagi sa klase ang sariling pananaw tungkol sa kalayaan
c. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa kalayaan

Sanggunian: Torno, Jamie D. ADM-SLM Modyul 2: Ang Pamahalaang Sultanato.


DepEd Region III. 2020 Caulian, A. & De Mesa, JM (1997. Landas Heograpiya,
Kasaysayan, at Sibika 5. P. 24-31. Quezon City: HopePublishing House

Kagamitan: https://www.youtube.com/watch?v=H4VHIuzF-RE&list=RDH4VHIuzF-
RE&start_radio=1

Kagamitang biswal, pictures, audio visual. like and dislike emoticon

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1.1 Pagdarasal
Magandang araw mga bata!
Tumayo ang lahat para sa panalangin
(Lahat ay tatayo at manalangin)
________ maari mo bang pangunahan ang
ating panalangin sa araw na ito.
Opo Teacher
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
ninyong panibagong pagkakataon upang kami
ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas
na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

1.2 Pagsasaayos ng klase


Bago po tayo umupo maari po bang pulitin
ang mga kalat sa ilalim ng iyong mga upuan
at ayusin ang mga upuan ng maayos .

(Pupulutin ang mga kalat at aayusin ang mga


upuan ng maayos)
Bago natin simulan ang ating aralin,
panoorin muna natin ang mga alituntunin na
dapat sundin sa oras ng ating klase, Handa
na ba kayong makinig?

(Iplaplay ang bidyong tumutukoy sa mga (Sasagot ang mga mag-aaral.)


alituntunin na dapat sundin sa oras ng klase)

May nais ba kayong itanong o liwanagin sa


ating mga panuntunan? Ano pa ang mga
maaari nating idagdag sa mga panuntunang
ito?
Inaasahan ko na habang tayo ay nag-aaral ay
palagi nating isaisip ang mga
napagkasunduan nating ito, Naintindihan ba Opo, Teacher
mga bata?

1.3 Pagtatala ng mga lumiban sa klase


(Tatawagin ng guro ang attendance monitor
sa klase)
______ may lumiban ba sa araw na ito? Wala po Teacher. Lahat po ay pumasok sa
araw na ito.

Mahusay mga bata. Maaari na nating


simulan ang pag-aaral ngayong araw

1.4. Pagbabalik aral


(Sasagot ang mga mag-aaral.)
Kumusta mga bata?

Sa nakaraang aralin, Natalakay natin ang


iba’t – ibang salik ng pamumuno ng mga
muslim, tignan ko kung kaya niyo pang
sagutin ang iilang tanong ukol ditto. Ito ay isang uri ng pamahalaan na itinatag ng
mga muslim.
Ano ang sultanato?
Ang sultan ay isang katawagang pangalan o
Tama! Ano naman ang sultan? pamagat para sa mga pinuno o monarka ng
Islam.

Ang datu ay katawagan sa pinuno ng mga


Magaling! Ano naman ang Datu?
Barangay noong kapanahunan ng pre-
hispanikong pilipinas.

Mahusay! Handa na kayo sa bagong


pagaaralan natin ngayong araw na ito

B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin, may
ipapakita muna akong isang larawan.
Pagmasdan itong mabuti at sagutin ang ilang
katanungan tungkol ditto

(Pagmamasdan ang larawan)

Narito ang mga tanong: Ang nakikita ko po ay isang ibon na nasa


1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? hawla.

2. Sa iyong palagay, Ano ang gustong mang- Sa aking palagay, ang gustong mangyari ng
yari ng ibon? ibon ay makawala sa hawla.
Tama! Ang nais ng ibon ay makawala o
makalaya. Mahalaga sa kahit sinuman ang
makamtan o maranasan ang kalayaan at may
layong gawin ang mga naisin.

Ang ibon ay sumisimbolo ng kalayaan. Ang


ating aralin ngayon ay may kaugnayan sa
kalayaan at ang iba’t – ibang pananaw at
paniniwala ng sultanato ukol dito.

C. Pagtalakay sa Paksa
Sisimulan na nating talakayin ang iba’t –
ibang paniniwala at pananaw ng mga
sultanato tungkol sa kalayaan.
Mahalagang mapanatili ang kalayaan para sa
Maari bang basahin ang unang pananaw at aspektong relihiyon Islam na itinuturing na
paniniwala? paraan ng pamumuhay na hindi dapat mawala

Dahil ito ang kanilang paraan ng pamumuhay


Sa palagay ninyo, bakit kaya gusto ng mga na hindi dapat mawala po Teacher.
Muslim na mapanatili ang kanilang
kalayaan?

Mahusay! dahil ito na ang kanilang


kinagisnan o paraan nang kanilang Ayaw ng mga Muslim na masayang ang
pamumuhay na kung saan ito ay tumutukoy kaunlaran at katatagang tinatamasa ng mga
sa aspeto ng kanilang relihiyong Islam sultanato at kalayaan sa paniniwala

Basahin ang ikalawa

Bakit kaya ipinaglaban ng mga katutubong Dahil ayaw nilang matulad sa nangyaring
Muslim ang kanilang paniniwala laban sa pang-aalipin ng mga dayuhan sa mga kapwa
mga Espanyol? nilang Pilipino.

Mahusay! Sila ay lumalaban sa anumang


hamon na kinakaharap dahil sa kanilang
pananaw na masasayang lamang ang
kaunlaran at katatagang tinatamasa ng
kanilang sultanato at ang kalayaan nila sa
paniniwala. Hindi nila nais na mapasailalim
sa kapangyarihan ng mga Espanyol dahil Malakas ang loob ng mga Muslim na labanan
ayaw nilang matulad sa nangyayarimg pang- ang mga Espanyol dahil sa matatag na
aalipin ng mga dayuhan. ugnayan sa Brunei at Indonesia
Basahin ang ikatlo

Dahil sila ay may ugnayan sa bansang Brunei


Ano sa palagay ninyo ang dahilang bakit at Indonesia.
malakas ang loob ng mga Muslim na
lumaban sa mga Espanyol?
Bahagi nito ang tulong na kaya nilang ibigay
sa mga Muslim.
Ano kaya ang magagawa nang ugnayan na
ito sa mga Muslim?

Mahusay! Dahil sa pakikipagkalakalan ng


mga sultanato, napapaigting din ang kanilang
ugnayan na kung saan humantong sa
pagtutulungan sa anumang sitwasyon na Mas katanggap-tanggap ang sultanato kaysa
kinakaharap ng mga Muslim kolonyalismo dahil ang kapangyarihan ng
sultan ay hindi ipinipilit sa mga datu o rajah
Basahin ang pang-apat
Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang
pananakop ng isang malakas na bansa sa iba
Maari bang sabihin ulit sa klase ang pang mahihinang bansa.
kahulugan ng kolonyalismo?

Mahusay! Ayaw magpasakop ng mga


Muslim dahil sa halip sila ang makikinabang
sa yaman na meron sila ay iba ang
makikinabang kapag nangyari ang
kolonyalismo
Opo, Teacher
Pinaniniwalaan ba ng mga nasasakupan ng
sultanato ang kapangyarihan meron ang
isang sultan? Kinikilala ang kapangyarihang mamuno ng
mga datu kasabay ng pagkilala sa
kapangyarihan ng sultan
Basahin ang susunod Katawagan ito sa pinuno ng barangay,
Teacher

Kapag sinabing Datu, ano ang ibig sabihin?

Magaling! Kinikilala ang mga datu sa


kanilang angking kapagyarihan sa
pamumuno na kung saan kasabay rin nito sa
pagkilala sa kapangyarihan ng sultan. Ito din
ang nagpakahirap sa mga Espanyol na
sakupin ang mga Muslim dahil sa
kahusayan sa pamumuno ng mga datu na Hindi nais ng mga Muslim na mapasailalim at
kung saan napanatili nila ang kalayaan at magpaalipin sa mga Espanyol na gaya ng mga
kaginawaan ng kanilang nasasakupan Bisaya at Tagalog

Ano ang susunod na paniniwala? Basahin


mo ____ Opo, Teacher

Batay sa mga naunang aralin, nasakop ba ng Sila ay lumaban Teacher.


mga Espanyol ang mga Bisaya at Tagalog?
Opo Teacher, nagtagumpay po ang mga
Ano ang ginawa ng mga Muslim para hindi Muslim sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
sila mapasailalim sa kolonyalismong
Espanyol?
Opo, Teacher
Nagtagumpay ba sila sa pakikipaglaban?

Nakuha ba ang kalayaan na minimithi ng (Lahat ng mag-aaral ay sasagot)


mga Muslim laban sa mga mananakop? Opo!

Tama! Naiintindihan ba ang iba’t – ibang


paniniwala at pananaw ng mga sultanato sa
kalayaan?

Magaling!

D. Paglalapat
Tignan natin kung may natutunan kayo sa
ating aralin ukol sa pananaw at paniniwala
ng sultanato ukol sa kalayaan.
Bilang bahagi ng pamayanan na iyong
kinabibilangan, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga mo sa kalayaan sa inyong
pamayanan. Kopyahin at kumpletuhin mo
ang pahayag na nasa ibaba sa iyong sagutang
papel. Magsulat ng 3 hangang 4 na
pangungusap. Tunghayan ang rubric sa ibaba
bilang batayan ng pagmamarka. Maging
handa din na ibahagi sa klase ang sagot.

Bilang bahagi ng aking pamayanan ay


ipinapakita ko ang pagpapahalaga ko sa
kalayaan sa aming pamayanan sa
pamamagitan ng

Rubrik:
10 puntos – Naipapahayag nang akma,
maayos at makabuluhan ang pagpapakita ng
pagpapahalaga sa kalayaan

7 puntos – Naipapahayag ang pagpapakita


ng pagpapahalaga sa kalayaan subalit may
ilang salita o pahayag na hindi akma at
maayos
5 puntos - Naipapahayag ang pagpapakita
ng pagpapahayag sa kalayaan subalit
karamihan sa mga salita o pahayag ay hindi
akma at maayos

(Tatawag ng iilang bata para sumagot ) Ito ang kanilang paraan ng pamumuhay.

Mahusay!

E. Paglalagom -Mahalagang mapanatili ang kalayaan para sa


Bakit mahalagang mapanatili ang mga aspektong relihiyon Islam na itinuturing na
pananaw at paniniwala ng sultanato tungkol paraan ng pamumuhay na hindi dapat mawala
sa kalayaan?
-Ayaw ng mga Muslim na masayang ang
Ano pa ang inyong natutunan patungkol sa kaunlaran at katatagang tinatamasa ng mga
pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sultanato at kalayaan sa paniniwala
tungkol sa Kalayaan?
-Malakas ang loob ng mga Muslim na
labanan ang mga Espanyol dahil sa matatag
na ugnayan sa Brunei at Indonesia

-Mas katanggap-tanggap ang sultanato kaysa


kolonyalismo dahil ang kapangyarihan ng
sultan ay hindi ipinipilit sa mga datu o rajah

-Kinikilala ang kapangyarihang mamuno ng


mga datu kasabay ng pagkilala sa
kapangyarihan ng sultan

-Hindi nais ng mga Muslim na mapasailalim


at magpaalipin sa mga Espanyol na gaya ng
mga Bisaya at Tagalog

Magaling!

IV. Ebalwasyon
Pagtataya A: Suriing mabuti ang mga pangungusap.Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang naging panuntunan ng mga Muslim sa kanilang sultanato
bilang paraan ng kanilang pamumuhay?
A. relihiyong Islam
B. pagiging alipin
C. kinikilalang kapangyarihan
D. matatag na ugnayan sa ibang pamayanan

2. Bakit hindi ninais na magpasakop ng mga Muslim sa mga Espanyol?


A. ginawang alipin ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa Luzon at Visayas
B. itinuturing na kapantay ng mga Espanyol ang mga Muslim
C. papalitan ng prayle ang mga pinuno ng sultanato
D. nais makipag-ugnayan ng mga Espanyol sa Indonesia na kapanalig ng mga Muslim

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapaliwanag sa pagpapahalaga ng


mga sultanato sa kalayaan?
A. pagiging malaya sa pagiging alipin
B. paggalang sa taglay na kapangyarihan ng kapwa
C. pagpapasailalim sa kautusan ng mga mananakop
D. pinanatili ang relihiyong Islam bilang paraan ng pamumuhay

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Kalayaan sa bansa?


A. pagpili ng nais na mamuno sa bayan
B. pagbabawal sa nais mag-rally o magtipon
C. paggawa sa mga nais gawin basta’t ikasisiya
D. pagbabalewala sa mga batas na ipinatutupad

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapamalas ang pagpapahalaga mo sa kalayaang


iyong tinatamas sa loob ng paaralan?
A. susunod ako sa mga alituntunin na ipinapatupad ng paaralan
B. gagawin ko ang mga bagay na nais kong gawin na hindi iniisip ang iba
C. magsasalita nang malakas habang naglalakad sa pasilyo dahil maari itong gawin
D. magrereklamo sa mga panuntunang na labag sa kalooban

Pagtataya B: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at
MALI kung hindi

1. Ayaw ng mga Muslim na masayang ang kaunlaran at katatagang tinatamasa ng mga


sultanato at kalayaan sa paniniwala

2. Ninais ng mga Muslim na mapasailalim at magpaalipin sa mga Espanyol na gaya ng


mga Bisaya at Tagalog

3. Sa pamahalaang sultanato ay kinikilala ang kapangyarihang mamuno ng mga datu


kasabay ng pagkilala sa kapangyarihan ng sultan

4. Mas katanggap-tangap ang kolonyalismo kaysa sultanato dahil ang kapangyarihan ng


sultan ay hindi ipinipilit sa mga datu o rajah

5. Malakas ang loob ng mga Muslim na labanan ang mga Espanyol dahil sa matatag na
ugnayan sa ibang kapanalig na bansa

Takdang-aralin
Panuto: Ugali ng mga Muslim ang pagiging matapang. Bilang isang mag-aaral paano mo
maipapakita ang pagiging matapang? Sumulat ng 2 hangang 3 pangungusap tungkol dito.

Inihanda ni:
Joey S. Miclat
Student Teacher

Iniwasto ni:
Antoniette Adriano
Cooperating-Teacher

You might also like