Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

BAITANG: 11

ASIGNATURA: FILIPINO

PAGTATAYA BILANG: 1

Panuto: Basahin ang seleksyon at sagutan ang mga tanong na kasunod.

Ang Talon ng Buntot Palos

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang
pook. Karaniwang matatagpuan ang mga talon sa mga bundok.
Isa ang baranggay ng Balian na may pambihirang talon na kung tawagin ng mga mamamayan dito
ay “buntot palos”. Ang iba naman ang tawag dito ay “hidden falls” sapagkat nagkukubli ito sa gitna ng
kabundukan.
Sa pagbagtas mo sa daan patungong talon ay may sementadong daang higit isang kilometro mula sa
outpost ng mga barangay tanod na umaalalay sa mga turistang nais magtungo sa talon. Masasaksihan mo
ang mga malalago at nagtatayugang mga punong-kahoy, berdeng-berdeng mga damong hinahaplos ng
mga hamog. Mararamdaman mo rin ang simoy ng sariwang hangin at mararanasan mong maglakad sa
napakadulas na daan, kung kaya ito ay binansagang “buntot palos” dahil sa sobrang dulas ng daan at
ang isa pang dahilan noong araw daw ay maraming isdang palos ang nakukuha rito sa talon. Sa
paglalakad mo ay may mga makakasalubong kang mga taong nakasakay sa kabayong may kargang
mga kalakal, tulad ng buko, gulay, prutas at minsan ay uling.
Sa ganda ng tanawin mula sa itaas ay hindi mo namamalayang nakaisang oras at kalahati na ikaw sa
pag-ahon sa bundok. Mararamdaman mong ang unti-unting paglamig ng luntiang kapaligiran.
Humahaplos sa iyong kalamnan ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin, habang ikaw ay
papalapit sa talon ay maririnig mo ang lagaslas ng tubig na tila kapanapanabik sa iyong pandinig.
Presko sa pakiramdam na nakawawala ng pagod at makapigil hininga ang ganda ng talon. Sa oras na
ito ay iyong masilayan na mapapa “wow” ka at mamamangha sa hugis na animo’y malaking kawa sa
gitna ng naglalakihan at naglalaparang mga higanteng bato. Para kang naengkanto sa ganda nang
bumabagsak na malakristal na tubig ng talon. Tunay at kahanga-hanga ang kalikasang ito, may taas na
higit sa limampung talampakan.
Maraming dumarayong mga turista sa Buntot Palos upang makapag-hiking, makapagrelaks at
makapag-bonding sa mga kaibigan at mga kasama sa pamilya. Hindi kinakailangan ng malaking halaga
ang pagpunta sa talon na ito, sa murang halaga lang makakarating ka na sa kamangha-manghang talon
sa bayan ng Pangil, lalawigan ng Laguna.

Mga Katanungan
1. Ano ang uri ng tekstong binasa?
A. Deskriptibo B. Naratibo C. Argyumentatibo D. Impormatibo

2. Saan matatagpuan ang Hidden Falls o ang Talon ng Buntot Palos?


A. Pakil B. Pangil C. Paete D. Kalayaan

3. Bakit tinawag itong talon na Buntot Palos?


A. hugis palos C. madulas ang daan
B. hugis buntot D. maraming palos sa daan

4. Bilang kabataan paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kagandahan at kalinisan ng mga likas na


yaman sa iyong lugar?
A. makikiisa sa gawaing pambarangay tulad ng mga liga
B. makikiisa sa mga samahan sa pagtatatag ng mga proyektong pambarangay
C. makikisali sa mga welga at pag-aaklas
D. makikiisa sa mga gawaing pambaranggay sa paglilinis ng kapaligiran tulad ng plaza,
mga ilog, kanal at sapa

5-6. Magbigay ng mga pang-uring ginamit sa teksto.

7-10. Ano-ano ang mga kapakinabangan ng talon sa mga sumusunod.


7. taong naliligo rito
8. sa sarili
9. sa pamilya
10. sa komunidad

You might also like